21. Sportsfest Week (Part 6/8)
"The most painful thing is when you put some effort to someone who don't care at all."
🌻🌻🌻
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang magmahal. 'Yong pagmamahal na gagawin mo ang lahat. 'Yong handa kang magsakripisyo ng kahit ano, buhay man ang kapalit.
Totoo pala 'yong katagang malalaman mo lang ang halaga ng isang tao, kapag nawala na ito sa'yo. At sa kaso ko ngayon, sobra akong nanghihinayang.
Ilang araw na nga ba ang lumipas? Hindi ko na mabilang kasi halos ilang linggo na din niya akong hindi pinapansin.
Masakit pala talaga 'no? Napakasakit at nilalayuan ka ng taong mahal mo.
Sinabi niya sa akin na layuan ko siya. Pero hindi ko 'yon sinunod. Matigas ang ulo ko. Mas pinili ko kung ano ang gusto kong gawin.
Hindi ko nilayuan si Red.
Halos lunukin ko na ang pride ko dahil sa pagtataboy niya sa akin. Ano ba kasi talaga ang nangyari? Bakit bigla nalang siyang umiwas? Ano ba'ng meron kung hindi ako nakapunta sa meet-up ng tita at ate niya?
Mahal ko na si Red.
At hindi ko alam kung saan nagsimula. Hindi ko din alam kung bakit ko siya nagustuhan. Gano'n naman kasi talaga kapag mahal mo ang isang tao 'di ba?
Wala kang mahanap na dahilan kung bakit mo siya nagustuhan.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga nangyayari. Ngayon, ito na naman ako. Lulunukin ko na naman ang pride ko para sa kanya.
Naglalakad si Red ngayon papunta sa garden. Sumunod naman ako sa kanya. Dala ko ngayon ang isang box ng cupcake na binake ko para sa kanya.
Halos magkasugat na nga ang kamay ko dahil sa pagbake no'n e.
"Red, para sa'yo nga pala."
Inabot ko sa kanya ang box ng cupcake. Nakalagay do'n ang word na "sorry."
Pero ang ginawa niya? Tinabig niya ang box ng cupcake na ginawa ko. Natapon lahat sa semento. Nalusaw ang icing at nadumihan na ito.
Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam. Bakit ba siya biglang nanlamig sa akin?
Hanggang kailan ba kami magiging ganito?
"Hindi ko kailangan ng cupcake mula sa'yo. Gusto mo na ba talaga akong patayin sa diabetes ha?"
Napaiyak na naman ako. Bakit ba siya ganyan? Parang hindi na siya si Red na nakilala ko.
"Sige, sa susunod hindi na kita dadalhan ng cupcake. Akala ko kasi magugustuhan mo, e."
Ngumisi siya sa akin. Tinulak niya ako sa braso kaya napaupo ako sa sahig.
Kitang-kita sa mata niya ang galit. Ang pagkamuhi.
"Umalis ka na! 'Wag kang magpapakita sa'kin! Kasi alam mo, naiinis ako sa pagmumukha mo."
Iniwan niya ako. Iniwan niya akong tulala sa mga nangyayari. Bakit siya naiinis sa akin? Bakit parang iba na siya?
Sa mga sumunod na araw, pinili kong hindi siya iwasan. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Sa ngayon, bibigyan ko siya ng t-shirt.
Mamahalin ang t-shirt na binili ko para sa kanya. 'Yong halos dalawang linggo kong baon, sa t-shirt na 'yan napunta.
Kakatapos lang ng training niya sa Archery Club. Basa na din ang likod niya ng pawis. Aba, tamang-tama ang t-shirt na 'to para sa kanya.
"Red, may ibibigay pala ako sa'yo."
Inabot ko ang t-shirt sa kanya. Napangiti ako bigla kasi kinuha niya ito. Pero nagulat ako nang tinapak-tapakan lang niya ang t-shirt na pinag-ipunan ko.
'Yong t-shirt na para sana sa dalawang linggo kong baon.
"Hindi ko kailangan ng cheap na t-shirt mula sa cheap na babaeng kagaya mo."
Kinuha niya ang t-shirt at tinapon ito sa basurahan. At pagkatapos, naglakad na siya palayo sa akin.
Cheap pala ako sa paningin niya?
Sunud-sunod na tumulo ang luha ko. Ang sakit ng mga salitang sinabi niya sa akin. At hindi ako makapaniwalang kay Red pa mismong nanggaling 'yon.
Buti na lamang at kaming dalawa lang ang tao no'ng mga oras na 'yon. Buti na lamang at walang nakarinig ng mga sinabi ni Red sa akin.
Red, kahit ilang beses mo akong itaboy.. hindi ako lalayo sa'yo. Kasi mahal na mahal kita.
🌸🌸🌸
Hindi naging madali para sa akin ang mga nangyayari ngayon. Sobra akong nagsisisi sa mga desisyong nagawa ko.
Kung pinili ko kaya si Red at hindi si Kite, ano kaya ang mangyayari?
Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng 'to sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na hindi niya na siguro ako gusto.
Hindi na siguro ako mahal ni Red.
'Wag naman sana. Ayaw kong mawala siya sa akin. Ngayon na alam ko na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
"Beshie, hanggang kailan ka ba magmumukhang tanga kay Red?" tanong ni Haley sa akin.
Nasa cafeteria kami ngayon. As usual, lunch break namin. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni Haley.
Nagmumukha na nga ba akong tanga pagdating kay Red?
"Handa akong magpakatanga basta tungkol kay Red."
Lahat gagawin ko para kay Red. Hinding-hindi ko siya susukuan. Sobra ko siyang mahal at hindi ko magagawang talikuran siya.
"Ang tanong, handa din ba siyang magpakatanga basta tungkol sa'yo?"
Medyo tinamaan ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako bato para hindi masaktan e.
Oo na tanga na ako. Ilang beses niya na akong tinataboy pero ako naman 'tong lapit ng lapit sa kanya.
"Beshie, mahal ko si Red. At hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya 'yon."
Tinapik naman niya ako sa balikat. Nginitian niya ako kaya napangiti na din ako.
"Sige, susuportahan kita sa gusto mo. Pero kapag hindi mo na talaga kaya, nandito lang ako sa tabi mo."
🌹🌹🌹
Inaabangan ko ngayon si Red na lumabas mula sa rehersals namin. Sinadya ko talagang maunang umalis para makapaghanda ako sa sorpresa ko para sa kanya.
Kagaya nang ginawa niya para sa akin, gumawa din ako ng paper cranes.
Iba't ibang kulay din 'yon. Nakakalat 'yon sa semento, kaya alam kong mapapansin niya 'yon.
Nagtagpo ang mga mata namin. Napapalibutan kami ng mga estudyante. Malayo siya sa akin, pero sapat na para makita niya ako. May dala din akong gitara gaya ng ginawa niya sa akin noong kinantahan niya ako ng "Sorry Na."
Nagsimula na akong magstrum. At habang ginawa 'yon, papunta ako ngayon sa kinaroroonan niya.
~I was kinda hesitant to tell you
Should I let you know
I was never really like this before
Need I say more~
Nakatitig lang ako sa kanya. Naiiyak na din ako sa ginagawa ko. Ganito ako kapag nagmahal. Kahit nagmumukha na akong tanga sa mata ng ibang tao, gagawin ko pa din. Kasi nga mahal ko siya. Mahal ko si Red.
~Or maybe I'm confused when you are near me
I don't know what to do or I should be
There's only one thing in my mind
That's you and me~
Masama pa din ang titig sa akin ni Red. Medyo nakasimangot na din siya dahil sa ginagawa ko. Aaminin ko, nasasaktan ako sa inaasal niya.
Pero gano'n naman talaga kapag nagmamahal 'di ba? Hindi 'yong puro saya lang. Dadating talaga sa punto na masasaktan ka.
~I'm a little bit of crazy
I'm a little bit of a fool
I'm a little bit of lonely
I'm a little bit of all
Oh, I need a cure
Just a little bit of you
And I will fall...~
Sa hindi malamang dahilan, bigla akong napahinto sa ginagawa ko. Kinuha niya kasi ang gitara ko at malakas na ibinagsak 'yon sa lupa.
"Ano na naman ba 'tong ginagawa mo?!"
Sinigawan niya ako. Napayuko na lamang ako dahil sa labis na kahihiyan. Tinignan ko ang mga reaksyon ng mga estudyante dito sa Campbridge at halos lahat sila, binigyan ako ng nakakaawa na tingin.
Kinakaawaan nila ako.
"Red, ano ba'ng nangyayari sa atin? Bakit biglang naging ganito tayo?"
Ngumisi siya sa akin dahilan kung bakit bumagsak ang mga luha ko.
"Bakit meron ba'ng tayo? 'Di ba wala naman?"
Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi. Pakiramdam ko, unti-unting pinupunit ang puso ko dahil sa sinabi niya. Unti-unti akong pinapatay.
"Red, mahal kita.."
Napapikit na lamang ako sa mga nangyayari. Sa wakas, nasabi ko na din ang mga katagang kailangan kong sabihin.
"Mahal mo ako, pero merong siya? Ano ba ako sa'yo Agatha? Isang hagdan na option mo lang kapag walang elevator? Gano'n ba 'yon?"
Hindi ako makasagot dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Anong sinasabi niyang option? Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon.
"Agatha, mahal kita alam mo 'yan. Pero hindi naman ako tanga para hindi mapansin na si Kite talaga ang gusto mo."
Napailing ako dahil sa mga sinasabi niya. Anong si Kite? Siya kaya ang mahal ko! Ano ba'ng problema niya?
"Hindi ko naman gusto si Kite!"
"Pero bakit siya ang pinili mo? Bakit siya ang inuna mo kaysa sa'kin? Kung mahal mo ako, dapat ako ang priority mo. Kasi Agatha, hindi pa tayo pero matagal na kitang priority."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. May kinuha siya mula sa bag niya at inabot sa akin ang mga pictures.
Pictures namin ni Kite na nagsasayaw.
"Sana malinaw na para sa'yo kung bakit ako ganito. Gusto na kitang makalimutan, Agatha. Kaya please, nakikiusap ako sa'yo. Layuan mo na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro