20. Sportsfest Week (Part 5/8)
"It's beautiful when two strangers become friends, it's terribly depressing when two friends become strangers."
🌻🌻🌻
Tapos na ako ngayon mag-ayos ng aking sarili. Simple lang ang outfit ko ngayon kasi ayaw ko naman ng elegante. Light make-up lang din ang in-apply ko sa mukha ko kasi ayaw ko ng makapal.
Nakabigbike akong pumunta sa aking pupuntahan. Medyo mabigat sa loob ko ang pagpili sa kanila. Alam ko kasing may masasaktan.
But in the end, I choose Kite.
Oo, siya ang pinili ko. Birthday niya kasi ngayon kaya kailangan kong pumunta. Siguro naman maiintindihan ni Red ang mangyayari di'ba? Hindi naman siguro siya magagalit sa akin.
Nakapunta na ako ngayon sa Solaire Hotel. Ang ganda nga ng paligid at nakared carpet pa. Mukhang sosyalin din ang theme ng party kasi halos lahat sila nakagown. Parang JS prom gano'n.
Bigla tuloy akong nahiya sa suot ko. Ang elegante kasi nilang tignan samantalang ako, masyadong kakaiba ang outfit ko.
Sa ngayon, nasa table ako. Mag-isa lang. Pinagtitinginan nga ako ng mga tao kasi mukha akong loner dito.
"Honey?"
Napalingon ako kay Kite. Alam kong ako ang tinatawag niya.
Nginitian niya ako. Napangiti naman ako sa kanya. Naka-tuxedo siya na kulay puti. Black naman ang kulay ng neck tie niya.
"May I have this dance?"
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. No'ng mga sandaling 'yon, siya lang ang nakikita ko. Nakaabang ang kamay niya at hinihintay kung aabutin ko ba 'yon o hindi.
At mas pinili kong abutin ang kamay niya.
Hinila niya ako sa gitna ng dance floor at do'n ako sinayaw. Mula sa pang-party na kanta, biglang naging love song ito.
~When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold~
"You came. Thanks for choosing me Agatha. You don't know how happy I am."
~And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?~
Hinawakan niya ang bewang ko. Samantalang ang mga kamay ko naman ay nakalagay sa braso niya.
~Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up~
"Nakakahiya nga kasi wala man lang akong regalo sa'yo. Tapos look at me, hindi kasing sosyal ng suot nila ang itsura ko ngayon."
~And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find~
"You don't have to give me a gift. Actually, your presence is enough for me."
~'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it~
Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Kitang-kita sa mukha niya na nasisiyahan siya. Gusto kong maging masaya kasi kasama ko siya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawa. Naalala ko kasi si Red.
Sa t'wing naiisip ko 'yong mukha niyang nalulungkot, mas nalulungkot ako. Kapag nakita ko siyang umiiyak, mas naiiyak ako.
Lalo na kung ako ang dahilan kung bakit siya magkakagano'n. Hays, nahulog na nga yata ako kay Red. At ang mas masakit do'n, baka magalit siya sa akin kasi hindi ako nakapunta sa pupuntahan namin.
~No, I won't give up
I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make
Our differences they do a lot to teach us how to use~
"I love you so much Agatha. Please be mine. 'Yon nalang ang iregalo mo sa'kin."
~The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake
And in the end, you're still my friend at least we did intend
For us to work we didn't break, we didn't burn~
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Bigla kong binitiwan ang kamay niya. Sobra kasi akong nagulat sa sinabi niya. Parang nanlambot ang tuhod ko dahil sa mga sinabi niya kanina.
~We had to learn how to bend
without the world caving in
I had to learn what I've got,
And what I'm not, and who I am~
"Sorry Kite. Pero mahal ko na kasi si Red."
At pagkatapos no'n, tumakbo ako palayo sa kanya. Sumakay agad ako sa bigbike ko at pinaandar ito ng mabilis. Basta ang nasa isip ko lang ay makalayo kay Kite.
🌸🌸🌸
Hindi ko alam pero ang tamlay ko ngayon. Pakiramdam ko, ang bigat ng pakiramdam ko. Katabi ko si Red ngayon. Si Kite naman ay absent.
Aaminin ko, sobra akong naguilty sa sinabi ko kay Kite. Pakiramdam ko, ang sama kong tao. Tapos si Red, hindi ako pinapansin.
Kanina no'ng nasa hallway ako, nginitian ko si Red. Pero nagmukha akong tanga kasi hindi niya ako pinansin. Parang hindi kami magkakilala.
Tinawag ko ang pangalan niya. Halos sinigaw ko na nga at sigurado akong narinig niya 'yon. Wala naman siyang suot na headphones or earphones e. Malakas din naman ang boses ko habang sinisigaw ko ang pangalan niya pero hindi naman niya ako pinapansin.
Konting-konti nalang talaga, maiiyak na ako. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok.
Kasalanan ko naman ang lahat e. Napakasama kong tao kasi hindi ako pumunta sa meet-up ng tita at ate niya. Siguro marami siyang ginawang effort pero dahil pinili ko si Kite, nasayang ang lahat ng 'yon. Ang sama ko kasi ang selfish ko. At naiinis ako sa sarili ko ng sobra.
Idagdag mo pa si Kite. Pakiramdam ko na-offend ko siya dahil sa sinabi ko. Hays, bakit ba kasi humantong ang lahat sa ganitong sitwasyon.
Dati naman wala akong itinuturing na kaibigan. Wala din akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin.
Pero ngayon, nagkagulo na. 'Yong tahimik kong mundo dati, ngayon napakagulo na. Pero kahit gumulo man nang ganito ang buhay ko, 'yon ang bagay na hindi ko pagsisihan.
"Beshie, bakit ang lungkot mo?" tanong sa akin ni Haley. Kakaisip ko sa mga bagay-bagay, hindi ko namalayan na lunch break na namin.
"Beshie, ano bang dapat gawin kapag iniiwasan ka ng isang tao?"
Ngumisi bigla si Haley sa akin. Napaiwas tuloy ako sa kanya ng tingin.
"Bakit, sino bang umiiwas sa'yo? Si Red ba?"
Nginisian niya na naman ako. At dahil wala naman akong kawala dito sa bestfriend ko, tumango na lamang ako sa kanya.
"Hay nako beshie. Kung ako sa'yo, kausapin mo na siya, bago pa mahuli ang lahat."
Napabuntong hininga naman ako ng wala sa oras. Tama si Haley, kailangan kong kausapin si Red. Besides, ako naman ang may kasalanan ng lahat ng 'to.
🌹🌹🌹
Uwian na namin ngayon. Kakatapos lang namin ng rehersals sa Ms. and Mr. Sportsfest. Nakakailang lang kasi hindi talaga ako pinapansin ni Red. Sa t'wing tumitingin ako sa mga mata niya, kinikilabutan ako.
Nakatayo lang ako dito sa parking lot. Nakaabang ako sa tapat ng kotse ni Red na Bugatti Veyron. Mukhang bago ito kasi wala ng basag ang kotse niya-- na obviously, ako ang dahilan kung bakit nasira 'yong salamin ng Bugatti niya.
"Red, pwede ba tayo mag-usap?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinapansin. Basta dire-diretso siyang naglalakad papunta sa kotse niya.
Nagsisimula nang tumulo ang luha ko. Nahihirapan na ako. Ayaw ko ng ganito. Gusto kong mabalik ang dati.
Niyakap ko siya mula sa likod. Hindi ko na din mapigil ang luha ko. Ramdam ko namang tumigil siya sa paglalakad.
"Bitawan mo ako Agatha."
Hindi ko pa din siya binitiwan. Mukha man akong tanga ngayon, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay magkabati kami. Ngayong alam ko na ang nararamdaman ko para sa kanya, ayaw ko na siyang pakawalan pa.
"Galit ka ba sa'kin baby?" tanong ko. Hindi ko na siya tinawag sa pangalan niya.
Namimiss ko na kasi ang pagtawag niya ng baby sa akin. Laging Agatha na lamang ang naririnig ko mula sa bibig niya.
"Layuan mo ako. Hindi ko kailangan ang taong kagaya mo."
Malakas niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya. At ang bigat lang sa pakiramdam kasi napakalamig ng pakikitungo niya sa akin.
I miss Red Delavin. I miss my baby.
Nagsimula na siyang humakbang palayo sa akin. Hindi ko alam pero nanlambot ang tuhod ko sa mga nangyayari. Bawat hakbang niya palayo sa akin, sunud-sunod na kutsilyo ang tumatarak sa puso ko. At ang sakit sa pakiramdam.
"I love you Red Delavin. I love you so much baby," mahina kong bulong sa isip ko.
At kasunod no'n ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kahit anong gawin niyang pagtataboy sa akin, hindi ako lalayo. Ayaw kong lumayo sa kanya.
Dahil mahal ko na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro