Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19. Sportsfest Week (Part 4/8)

"Find a heart that will love you at your worst and arms that will hold you at your weakest."

🌻🌻🌻

Alam mo 'yong pakiramdam na nakakainis? Ito 'yong nararamdaman ko ngayon e. Para akong baliw na nagseselos sa babaeng kasama ni Red kahapon.

Shemay! Halos lumusog na nga ang eyebags ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang kasama ni Red.

Sino ba kasi 'yong Dora na 'yon? Kung tutuusin mas maganda naman ako do'n e. Nabatukan ko naman nang wala sa oras ang sarili ko. Pakshet, para na talaga akong baliw! Kasalanan 'to lahat ni Red e!

"Hoy beshie! Baliw ka na ba? Kanina mo pa binabatukan 'yong sarili mo e," nag-aalalang pahayag ni Haley sa akin.

Dahil sa sinabi niya, bigla tuloy akong napaayos ng upo. Nasa cafeteria kami ngayon kasi lunch break na namin. Pero niisang anino ni Red ay wala akong makita! Absent siya ngayon at napaparanoid na naman ang utak ko.

Baka kasi 'di ba kasama niya 'yong dora na 'yon. Tapos baka nagkakamabutihan na sila kung kailan alam ko na ang feelings ko kay Red.

Red is special to me. At kapag nakita ko siya kasama ng babaeng papakasalan niya habang buhay which is hindi ako 'yon, siyempre sobra akong manghihinayang.

Basta, ayaw kong may kasamang ibang babae si Red. Gusto ko ako lang. Selfish na kung selfish, basta akin lang siya. Walang "kami" pero gusto ko sa'kin lang siya.

"Beshie, nababaliw na nga yata ako."

Malalim akong bumuntong hininga. In this situation, I need to be calm. Baka sumabog na ako sa galit dito at bigla kong patayin ang dora na 'yon.

"Why beshie? Is there something bothering you?" tanong niya habang sinisipsip 'yong mango shake na binili niya. Bigla tuloy akong natakam, kaya sinipsip ko na din 'yong melon shake ko.

"Oo. Naiinis ako sa kasama ni Red kahapon. 'Yong Dora na kinukwento ko sa'yo?" naiinis na pagkukwento ko.

"I remember that. Anong meron do'n? Hindi ka pa din makamove on? Hahaha!"

Nabatukan ko bigla 'tong si Haley. Parang baliw e. Imbes na bigyan ako ng advice, tinawanan lang ako.

"Baliw ka talaga! Bakit gano'n ba kadali 'yon?" tanong ko sa kanya. Nginisian niya naman ako kaya biglang nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit ba big deal kasi sa'yo? Don't tell me, may gusto ka na kay Red?" nang-aasar na sambit ni Haley. Kinikiliti pa nga 'yong bewang ko e.

Bigla tuloy namula ang pisngi ko. Shemay! Bakit lahat yata ng dugo ko sa katawan ay napunta sa pisngi ko?

"Hindi ko siya gusto. Akala mo lang na gusto ko siya," pagdedeny ko pa sa kanya. Naku, kapag nalaman niyang may feelings na ako para kay Red, titili 'yan na parang baliw.

Isa kasi si Haley na boto para kay Red. Sumali pa nga siya sa pustahan kung sino daw ang sasagutin ko sa dalawa. Takte lang 'di ba? Ginawang pustahan ang buhay ko.

"Asus, so okay lang pala sa'yo kung sasabihin niya na mahal niya 'yong Dora na 'yon?" pang-aasar pa niya sa akin.

"Hindi! Ayaw ko nga. Alam kong walang kami pero dapat akin lang siya, 'no."

Tinapik naman ako sa braso ni Haley. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-possesive pagdating kay Red. Beshie, confirmed. You've totally fallen for him. And there is no way out to escape that feeling."

🌸🌸🌸

Kasama ko pa din hanggang ngayon si Haley. Papunta na kami ngayon sa room kasi malapit ng matapos ang lunch break.

Habang naglalakad, bigla akong hinarang ng mga lalaki. Ayon sa pagkakabilang ko, sampu silang lahat. Teka, ang alam ko sila ang Dragon Warriors Team. Sa pagkakaalam ko, sila 'yong pambato ng Campbridge pagdating sa basketball.

Shems, ano kayang kailangan nila sa akin? Bakit nila hinarangan ang dadaanan ko?

Bigla akong nakarinig nang may kumakanta. Napalingon tuloy ako sa likod ko and I've found out na si Red 'yon.

~Sorry na kung nagalit ka di
naman sinasadya

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo~

Marami ng tao ang nanonood sa amin. At ang kanina na kasama ko na si Haley, parang bula na biglang naglaho. Kanina katabi ko siya ha? Saan kaya nagpunta 'yon?

~Sorry na nakikinig ka ba?

Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo

At parang sirang tambutso na hindi humihinto~

Nakatitig lang siya sa akin. May hawak siyang gitara at kinakantahan ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. What's the meaning of this kasi?

~Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na~

Lumapit siya sa harapan ko habang nakanta. May inabot siya sa akin na red roses. At bawat isang rose, may nakalagay na S, O, R, R, Y, B, A, B and Y.

~Sorry na wag kang madadala

Alam kong medyo nahihirapan ka

Na ibigin ang isang katulad kong parang timang

Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan~

This time, inabot niya naman sa akin 'yong malaking bear na may nakalagay na sorry. Tinanggap ko naman 'yon, kaya mas lalong namumula ang mukha ko.

~Sorry na saan ka pupunta?

Please naman wag kang mawawala

Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako

Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko~

Lumakas ang hiyawan ng tao. Lalo na nang pumunta sa harapan ko 'yong basketball team na ngayon ay may hawak ng banner.

Binasa ko ang bawat letter na nakalagay. And it's SORRYBABY? Tapos no'ng binaliktad nila, BATINATAYO.

~Mahal kita sobrang mahal kita

Wala na akong pwedeng sabihin pang iba

Kundi sorry talaga di ko sinasadya

Talagang sobrang mahal kita

Wag kang mawawala

Sorry na~

Lumapit siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko. Hinalikan din niya ito kaya naghiyawan ang mga tao. Shemay! Ang pula na ng mukha ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ay napunta sa pisngi ko.

"Sorry na, baby."

Halos mabingi ako dahil sa sigawan ng mga tao. Shems, dapat hindi ako ngumiti e! Kailangan galit ako sa kanya. Pero bakit gano'n? Kahit anong pagpipigil ko, napapangiti pa din ako?

"OMG, I'm so kilig!"

"PDA much."

"Bagay talaga ang King and Queen!"

"WAAAHH, #TeamBaby!"

Napapikit na lamang ako dahil sa kilig. Alam mo 'yong pakiramdam na sa sobrang kilig, gusto ko ng ibato ang kunai ko sa kanila?

Okay, ang weird ko. Ano namang connect ng kilig sa kunai?

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Para na akong angry bird na anytime ay sasabog.

"'Wag ka ng magselos, baby. Ikaw lang naman ang girlfriend ko, e."

Namula 'yong pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ano ba 'yan! Masyado akong halata na may gusto sa kanya. And it's embarassing!

"E, sino 'yong kasama mo kahapon? 'Di ba girlfriend mo 'yon?" tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, nginisian niya lamang ako.

"Hindi ko girlfriend 'yon. Kapatid ko siya, si Pink Delavin."

Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hala! Nakakahiya! Nagselos ako sa kapatid niya? Ibigsabihin 'yong Dora na 'yon ay kapatid pala niya, which is-- Pink Delavin.

"Kaya tigil na ang pagseselos ha? Ikaw lang naman mahal ko e."

Napahampas ako sa balikat niya. Takteng lalaking 'to, ang galing magpakilig. Para tuloy akong baliw na nagpipigil ng kilig dito.

"Hindi kaya ako nagseselos!" pagdedeny ko. At dahil hindi ko makayanan ang kilig na nararamdaman ko, pinili kong tumalikod na para umalis.

"Baby!"

Napalingon ako bigla kaya tumigil ako sa paglalakad. Shemay, bakit ako lumingon? Hindi naman baby ang pangalan ko e!

"Mamaya, sunduin kita sa unit mo. Gusto ka makilala ni tita at ate. So be ready."

🌹🌹🌹

Kasama ko ngayon si Haley. Sinamahan niya akong bumili ng damit para sa susuotin ko mamaya.

"Beshie, try this. Color black siya," pagsa-suggest ni Haley. Napailing naman ako sa sinabi niya.

"'Wag 'yan, masyadong revealing. Baka hindi ako magustuhan ng ate ni Red."

Naghalikwat pa kaming dalawa ng damit. At maya-maya pa ay nagsalita si Haley.

"Ito beshie? Color orange na dress."

Tinignan ko 'yong itsura. Napailing ulit ako.

"Mukha naman akong manang dyan. Baka sabihin ng ate ni Red, ang baduy ko."

Napabuntong hininga naman si Haley. Pero siyempre, hindi pa din kami sumusuko sa paghahanap.

"Beshie, ito kaya? I'm sure this dress is perfect for you."

Napatingin ako sa dress na hawak niya. Nagliwanag ang mukha ko nang makita 'yon. Kulay pink siya and off shoulder. Above the knee din 'yong length ng dress kaya maganda.

"Ito na 'yong hinahanap ko! Shems, thanks beshie."

Niyakap ko siya dahil sa saya. Then after no'n, nagbayad na kami ng dress at diretso sa McDonalds.

Bigla pa nga namin nakasalubong si Kite e. Kaya siyempre, nginitian ko siya.

"Hello Kite!" bati ko sa kanya. Naghello din siya sa akin pero ang pinagtataka ko lang, binigyan niya ako ng blue na envelope.

Tatanungin ko sana kung anong meron sa binigay niya pero bigla nalang siyang umalis. Dahil na din sa curiousity, binuksan ko 'yong envelope.

~~~~~
Welcome to the 16th birthday of Kite Fuerte.

When: July 8, 2017 (7:00 pm)

Where: Solaire Hotel

~~~~~~~

Shemay. Birthday ngayon ni Kite at ka-oras pa ng meet-up ng tita at ate ni Red. Kanino ako pupunta?

Kay Kite or kay Red?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro