Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17. Sportsfest Week (Part 2/8)

"I love photos because the best thing about them is that they never change even when the people in them change and they remind you of the amazing feelings."

🌻🌻🌻

Ngayon ang pictorial namin. Suot ko ngayon ang binili naming dress ni Haley. Nakakahiya nga kasi puro sila puri sa akin.

"Si Queen Agatha ba 'yan?"

"Wow. She's gorgeous."

"She's damn hot!"

"And sexy. Nice one, Queen."

"OMG, bagay sila ng King!"

"She's really beautiful inside out."

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Nahagip naman ng mata ko si Red na titig na titig sa akin. Lumapit ako sa kanya at kumaway sa mga mata niya. Pero nakatulala pa din siya.

"Hey, Red? Tara na, start na daw ng pictorial. Tayo na ang next," pahayag ko sa kanya. Pero siya nanatili pa din na nakatulala.

"Ang g-ganda mo.."

Naramdaman kong namula ang pisngi ko. Tingin ko, lahat na yata ng dugo ay napunta sa pisngi ko. At ito namang puso ko, ang bilis ng tibok hanggang ngayon.

"S-Salamat," nauutal ko pang tugon sa kanya. Shemay, nakakahiya!

"Contestants from Archery Club, please come infront."

Nabalik lang ako sa katawang lupa ko nang tawagin na kami ng photographer. Mukhang kakatapos lang ni Angela magpictorial. And obviously, si Kite ang kapartner niya.

Angela and Kite are the contestants from Volleyball Club.

Mukhang masaya silang nagngingitian at nagtatawanan. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya.

Akala ko ba ayaw niyang maging kaibigan si Angela? Akala ko ba dare lang ang lahat at napilitan siyang maging kaibigan ang Legendary Five, kung saan kabilang dati si Angela?

He's a liar. And I hate him for breaking my trust.

Hinawakan na ni Red ang kamay ko at pumunta na kami sa loob ng room kung saan magpipictorial. Nagtama ang paningin namin ni Kite, pero siya 'yong unang umiwas. Iniiwasan ba niya ako?

Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. Bakit niya ako iniiwasan? Is he erasing me in his life?

Ang sakit lang. Kaibigan ko siya pero bakit siya gano'n? Napabuntong hininga na lamang ako. Shems, dapat hindi ko 'yon isipin. Focus, Agatha!

"Give me the best shot of a sweet couple."

Bigla akong inakbayan ni Red. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

*CLICK*

And out of the sudden, hindi ko alam pero napatingin ako sa mukha ni Red. Hindi ko naman alam na nakatingin na pala siya sa'kin.

*CLICK*

Nahiya ako bigla sa kanya kaya iniwas ko ang tingin ko. Ngumiti ako sa harap ng camera. Pero namula yata ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

He kissed me!

*CLICK*

Shemay, 'yong first kiss ko! Hindi na virgin ang pisngi ko! Nahalikan niya na, shems!

"Wow! Ang ganda ng pictures niyo. I think kayo na ang mananalo sa 'Trending Award' kasi bagay kayo."

Namula 'yong pisngi ko. Shemay, ibigsabihin lang kasi no'n, nakuhanan niya ng litrato 'yong picture namin ni Red na kiniss ako!

🌸🌸🌸

Napatakbo na lamang ako palabas ng room na 'yon dahil sa kahihiyan. Grabe, I can't imagine na hinalikan niya ako!

Para sa akin, 'yon ang pinakamahalagang bagay sa isang babae. Wala na tuloy 'yong pangarap ko. Sabi ko kasi sa sarili ko, dapat 'yong magiging first kiss ko ay sa araw ng kasal ko.

Pero mukhang hindi na 'yon matutupad kasi nga ninakaw ni Red 'yon! Ninakaw niya!

At dahil ninakaw niya ang first kiss ko, dapat nakawin ko din ang sa kanya.

Shemay! Ano ba 'tong naiisip ko? Sinapian na naman ako ng malanding spirit! Kahit kailan ang Red na 'yan, binibigyan lagi ako ng sakit.

Minsan heart attack, madalas mental disorder kakaisip sa kanya. And I even talk to myself! Baliw na ba talaga ako?

Balak ko na sanang umuwi nang biglang lumapit sa akin si mama. Sobrang sama ng titig niya sa akin. Parang anytime, sasabog na siya dahil sa galit.

Napadako ang tingin ko sa kasama ni mama. And it's Angela. Umiiyak siya at sobrang pula na ng mata niya.

Ano na namang kaartehan niya? Grabe, best actress!

Sinampal ako bigla ni mama. Hindi pa siya tumigil at sinampal niya pa ang kabila kong pisngi.

Ano na namang ginawa ko? Ano na naman ang nangyayari? Napatingin ako kay Angela na ngayon ay nakangisi.

Siya na naman ang may pakana ng lahat ng ito! I hate her!

"Paano mo nagawa kay Angela na agawin ang posisyon niya bilang Queen? Alam mo bang napakahalaga no'n para sa ate mo? Napakasama mo! Ikinahihiya kita, paano mo nagawa 'yon sa kanya? Sinabihan mo pa siyang malandi at tanga!"

Halos mabingi ako sa sigaw niya sa akin. At dahil sa ginawa niya, maraming tao ang nanonood sa amin ngayon.

Wala na yatang mas sasakit sa sinabi niya. Ikinahihiya niya ako. At ang sakit kasi narinig ng buong estudyante ng Campbridge na ikinahihiya ako ng sarili kong magulang.

Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi na din ako makahinga. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Gulong-gulo na ang isip ko!

"Ma, bakit ka ba ganyan? 'Wag kang maniwala kay Angela! Wala akong sinabing malandi siya, maniwala kayo sa akin-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong sampalin.

"Sinungaling! Wala kang utang na loob! Matapos kitang pakainin, bihisan at buhayin, ganito ang ibabalik mo sa akin? Wala kang karapatan para saktan ang anak ko dahil bastarda ka lang naman!"

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Anong sinabi niya? Na bastarda ako?

Sunud-sunod na luha ang kumawala sa mata ko. Hinahabol ko na din ang aking hininga dahil sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka lang naman 'di ba mama? Anak mo naman ako 'di ba?" tanong ko sa kanya. Pero sinuklian niya lamang iyon ng nakakadiring mukha.

"Kahit kailan, hindi kita naging anak! Hindi ko magagawang mahalin ang kagaya mo na minsan nang sumira ng pamilya ko! Anak ka lang sa pagkakasala, Agatha! Isa ka lamang na bunga ng pagkakamali!"

Isa lang akong bunga ng pagkakamali. Ibigsabihin, anak ako ni papa sa kabet niya.

Ngayon naiintindihan ko na. Kaya naman pala noong mga bata pa kami ay madalas niya akong ipagkumpara kay Angela. Kaya pala kahit kailan, hindi siya naging proud sa akin. Kaya pala lagi nalang magaling sa mga mata niya si Angela.

Kaya pala kahit kailan hindi niya sinabi sa akin ang katagang "I love you too anak."

Kaya pala noong graduation ko ng elementary ay hindi siya umakyat sa stage para sabitan ako ng ribbon.

Kaya pala.

Kasi bastarda lang ako. Kasi, hindi ko naman pala talaga siya mama. Kaya pala si Angela lang ang mahal niya.

Kasi nga, bunga lang ako ng pagkakamali.

"Hindi kayo tunay na magkambal ni Angela. Palabas lang ang lahat ng iyon."

Napalunok na lamang ako. Ang sakit sa puso. Para akong sinaksak ng paulit-ulit.

"Ma, kahit minsan ba. Minahal niyo ako?" tanong ko sa kanya.

Kasi ako, minahal ko siya. Sana sabihin niyang minahal din niya ako. Kahit 'yon lang, masaya na ako.

"Paano kita magagawang mahalin kung nakikita ko sa'yo ang kataksilan na ginawa ng papa mo sa'kin?"

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko na nakaya at tumakbo na ako palayo sa lugar na 'yon. Sobrang sakit.

Gusto ko ng mamatay.

Hindi ako mahal ni mama. Ayaw niya sa akin. Sino ba naman ang gugustuhin ang kagaya ko 'di ba? Anak lang naman ako sa kabet ni papa. Kaya bakit niya mamahalin ang kagaya ko?

Nasa garden ako ngayon ng school at umiyak ng umiyak. Naalala ko kasi na si papa lang naman ang proud sa akin. Si papa lang ang nagmamahal sa akin. Ngayon alam ko na ang lahat.

Napatingin ako sa bandang bangin ng garden. Humakbang ako doon at balak kong magpakamatay ngayon.

Gusto ko ng mamatay. Wala na din namang silbi ang buhay ko.

Akmang ihahakbang ko na ang isa kong paa nang biglang may yumakap sa akin at nilayo ako sa bangin.

Niyakap niya lang ako. Hindi naman ako kumalas sa pagyakap niya sa akin. Ang bigat kasi sa pakiramdam.

"'Wag mong ipunin, iiyak mo lang."

At dahil doon, kumawala na ang luha mula sa mata ko. Hindi ito tumitigil at parang gripo kung umagos ang mga luha ko.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Bakit ba ganito ang ginawa ng Diyos sa buhay ko? Ito ba ang kaparusahan ng pagtataksil ni papa at sa akin ito lahat ipinaparanas?

Bakit sa lahat ng tao ay ako pa? Ang hirap na kasi, hindi ko na kaya. Gusto ko nalang mamatay para matapos na ang hirap na dinadanas ko ngayon.

"Kite.."

Humigpit ang pagkakayakap ni Kite sa akin. Hinahagod niya din ang likod ko. Pero lalo lang akong naiiyak sa ginagawa niya.

"Ssshh, tahan na. 'Wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan."

Gusto kong pigilan ang pagluha ko pero hindi ko magawa. Hinawakan ni Kite ang buhok ko kaya napakalma niya ako. Kumakanta din siya.

"When the visions around you, bring tears to your eyes."

Gumaan ang pakiramdam ko nang kumanta siya. Unti-unting tumigil ang pag-iyak ko.

"And all that surround you, are secrets and lies."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako sa mata habang patuloy pa din siyang kumakanta.

"I'll be your strength, I'll give you hope. Keeping your faith when it's gone."

Napangiti ako sa ginawa niya. Sakto 'yong kanta sa nangyayari sa akin ngayon.

"The one you should call, was standing here all along.."

Pinunasan ni Kite ang luha mula sa pisngi ko. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

"This I promise you that from now on, I will be your strength, hope when your faith is gone. I love you so much Agatha and I am willing to wait when it comes to you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro