15. Win Her Heart
"A real man never stops showing his girl how much he loves her even he risk his own life."
🌻🌻🌻
Nabibingi na ako ngayon sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayon sa arena at kasama ko ang mga slave ko. Siyempre, si Haley at Megan ang tinutukoy ko.
Grabe, ang daming tao ngayon dito. May nakasuot pa nga ng mga t-shirts e. Si Haley, nakasuot ng red t-shirt na may nakalagay na "#Baby." Habang si Megan, nakasuot ng kulay blue na t-shirt na may nakalagay na "#Honey."
Ako nga lang yata ang walang suot na t-shirt. E malay ko dyan! Hindi naman talaga dapat ako manonood ng boxing 'no.
Oo, ang arena kung nasaan ako ngayon ay may pinakaboxing ring sa gitna. Wala nga akong ideya kung sino ang maglalaban ng boxing e.
I mean, uso pa pala ang gano'ng sport? Para kasing ang lumang pakinggan. Malimit kasi na naririnig ko ay mga sports na gaya ng basketball, volleyball, football at kung ano pa man na balls 'yan.
Kahit dragon balls, isali na.
Biglang nagsalita ang announcer. Medyo may katandaan na siya pero ang ganda ng boses niya. 'Yong parang announcer ng boxing talaga.
"Welcome to the most awaited championship battle of our two rivalry. Who will win this fight for her heart? Team Baby or Team Honey?"
Nagsigawan ang nga tao dito sa arena. Shems, ayaw ko na talaga. Aalis na talaga ako dito. Masyadong maingay! Baka mabingi na ako dahil sa mga tilian ng mga babae dito.
"Hep! Bawal umalis, stay here lang," pagpigil ni Haley sa akin. Wala naman akong nagawa kasi bukod sa siksikan na ang papuntang exit dito sa arena, mahigpit din nilang hinahawakan ang braso ko.
Totoo sa kanila? Hindi naman ako kasali sa fans club ng boxing e!
"Gosh! Team Honey ako!"
"WAAHH, kinikilig ako sagad. Please, si Team Baby ang mananalo!"
"My Honey is so pogi! Sana siya ang manalo, sayang ang pusta ko!"
"Team Baby will win this fight!"
"No, Team Honey!"
"Honey! Honey! Honey!"
"Baby! Baby! Baby!"
Napasimangot nalang ako sa mga nangyayari ngayon. Hays, dapat sa mga oras na 'to ay natutulog na ako e. Atsaka baka nagugutom na si mongmong.
"From the left corner, wearing his blue outfit. The 'Cassanova Prince' of the Legendary Five. Please give him around of applause, Kite Fuerte!"
Maangas siyang lumabas sa kaliwang parte ng arena. Shemay, don't tell me siya 'yong isa sa mga magboboxing dyan sa gitna? Kung gano'n, sino pala ang makakalaban niya?
"From the right corner, wearing his red outfit. The 'Cold Knight' and the 'King' of the Legendary Five. No other than, Red Delavin!"
Shock is written in my face. Anomg ibigsabihin ng mga nangyayari ngayon? Shems! Maglalaban sila ng boxing!
Ngayon ko lang talaga naintindihan ang lahat. 'Yong team baby ay kay Red. Samantalang team honey naman ay kay Kite.
Seriously? Anong trip nila sa buhay at napagdiskitahan nilang magboxing? Hays, ang mga trip talaga ng mga lalake. Napakaweird!
"Hoy Red! Baka gusto mo nang magback out? Binabalaan kita, masakit akong sumuntok," mapang-asar na sabi ni Kite.
"Baka ikaw ang kailangan magback out. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo," mayabang na sambit naman ni Red.
Gosh, ang hangin nila ha? Baka kapag ako ang sumuntok sa panga nila, mapatay sila nang wala sa oras?
Hindi nalang kasi magsimula agad. Dami pang satsat, psh.
"In this game, there is no rules. Basta ang taong hindi makatayo within 10 seconds ay matatalo. And the champion will win her heart."
Nagsimula na ang laban. Grabe, wala man lang rounds. Anong klaseng boxing 'to? Sounds silly yet awesomely fun! Gusto ko din tuloy masubukan 'yong ginagawa nila.
Tumunog na ang bell, it means simula na. Nagulat pa nga ako kasi agad na sumuntok si Kite sa mukha ni Red. Then boom! Tumba siya. Pero agad din nakabangon at bumawi ng suntok kay Kite.
Sinipa ni Kite si Red sa tiyan. Umungol ito dahil sa sakit. Akmang dadaganan niya na ito nang biglang mabilis na lumipat ng pwesto si Red. And the next thing I knew, sunud-sunod na matinding uppercut ang pinakawalan niya kay Kite.
Kawawa nga si Kite at napuruhan ang mukha niya. Kasi sa totoo lang, talo talaga siya kay Red. Aba, gangster ba naman ang kinalaban niya e.
Napabalikwas naman ako nang bigla akong kalabitin ni Haley.
"Ano Queen Agatha? Sino ang bet mo sa kanila?" kinikilig na tanong ni Haley. Hays, bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. Haley-parot.
"Nagtataka na talaga ako sa'yo Haley. Bakit bumabait ka na sa'kin ngayon? Isa na naman ba 'yan sa utos sa'yo ni Angela?" nagdududang tanong ko sa kanya.
"Yuck! Siyempre hindi. Mabait naman talaga ako Queen Agatha. Sa totoo nga, nakokonsensya ako sa ginawa ko sa'yo. I'm sorry pala ha? Inutusan lang naman kasi ako ni Angela. Kapag kasi hindi ko siya sinunod, tatanggalan daw niya ako ng scholarship."
Mukhang naiiyak na si Haley sa harapan ko. Marunong akong kumilatis kung plastik ba ang tao o hindi. At sa mga oras na 'to, mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Kita naman kasi sa mata niya na sincere siya.
"Oo na, pinapatawad na kita. Atsaka don't worry, hindi na mawawala sa'yo ang scholarship mo. Ako na kaya ang Queen ngayon," pagpapagaan ko sa loob niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Salamat Queen Agatha. Ang bait niyo po talaga," natutuwang pahayag niya sa akin. At pagkatapos ay kumalas naman kami nang pagyakap sa isa't isa.
Bigla naman akong napatingin kay Megan. Hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa akin. At ang awkward lang kasi bigla niya akong tinarayan at binalik ang kanyang atensyon sa laban.
"Alam niyo po, ang swerte niyo. Ngayon lang po nangyari 'yong ganito. Kasi noong si Margarette ang pinag-aagawan nila, hindi naman sila gano'ng katiyaga e."
Napataas ang kanan kong kilay sa sinabi niya. Hindi naman ako nabibingi 'di ba? Sigurado akong may binanggit siyang Margarette. Kilala niya kaya ito?
"Sino si Margarette?" interesado kong tanong. Nilawakan niya naman ako ng ngisi.
"Secret. Bakit ka interesado?" nanlolokong sambit ni Haley. Aba pakshet 'to. Ano naman kung interesado? Natural lang kasi talaga sa akin ang pagiging tsismosa 'no.
"Hays, sabihin mo na kasi. Kapag hindi mo sinabi, tatanggalan kita ng scholarship?" pananakot ko sa kanya.
Hahaha! Akala niya ha? Malalaman ko din kung sino ka Margarette.
"Sige na nga Queen. Margarette is--" biglang napahinto nang pagsasalita si Haley. Nagtaka nga ako at tumahimik ang buong arena.
"Ano na Haley? Sasabihin mo o tatanggalan talaga kita ng scholarship dyan, sige ka."
Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya. Tinuro niya 'yong bandang likod ko kaya napakunot ako ng noo. Inis naman akong lumingon and I saw Red smirking at me.
Shems! Narinig niya kaya 'yong tungkol kay Margarette? Shemay. Nakakahiya, baka sabihin niya ang tsismosa ko.
E bakit ba bigla akong naging conscious? Pake ko ba sa sasabihin niya?
"Interested about Margarette, baby?" tanong niya habang nakangisi.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa kahihiyan. And the next thing I knew, hinila niya na ako paalis sa arena.
🌸🌸🌸
"Baby, be gentle.."
Nakakainis naman 'tong si Red. Dinadahan-dahan ko na nga, sumasakit pa din.
"Ano masakit pa ba?"
"Yes baby, Ouch! Chill ka lang baby! 'Wag mo namang masyadong idiin."
Napasimangot na lamang ako. Nakakainit na ng ulo ha. Sa sobrang inis ko, diniin ko sa labi niya 'yong bulak na may betadine.
"Edi gamutin mo ang sarili mo!" sabay bato sa kanya ng bulak. Sakto naman 'yon sa mukha niya.
Nasa condo niya kami ngayon. Kailangan ko daw kasing gamutin ang sugat niya. Kasalanan ko daw kung bakit nabawasan ng kapogian ang mukha niya. Siya kasi 'yong nanalo do'n sa boxing.
"Chill, baby. O siya, dyan ka lang ha. I'm at the kitchen, baking cookies for you. Just wait me here, okay?"
Tumango na lamang ako sa kanya. At pagkatapos, iniwan niya na ako.
Medyo nakaramdam ako nang pagkaboring kaya pinakialaman ko na lang 'yong mga magazines niya sa kwarto. Hanggang sa napukaw ng atensyon ko 'yong nag-iisang itim na notebook.
Binuklat ko 'yon. At halos nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha ko sa notebook. Ayon sa picture na nakikita ko, nakamaskara ako na pang-Death Note. Nakakapagtaka lang kasi bakit may picture akong ganito sa kanya? Ang weird lang.
"Hey! What are you doing there?" tanong naman ni Red. Nagulat ako kasi hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
"Ahm, nakita ko kasi 'to. Sino 'yong babae sa picture?" pagmamaang-maangan kong tanong sa kanya. Pero at some point, bigla akong kinabahan.
Ginulo naman ni Red ang buhok ko. Nginitian naman niya ako ng nakakaloko.
"Siya si Death Note. Isa siya sa mga taong papatayin ko para maging daan para mapatay ko si Mr. M-- the one who killed my mother."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro