Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12. He's Sick

"I will take care of you more than I do to my self."

🌻🌻🌻

Nag-inat ako at tumayo dahil na rin sa pagkangalay. Pagkadating ko kasi sa unit ko, tinapos ko na agad 'yong project namin. Sa ngayon, balak ko 'tong ibigay kay Kite for revision at para malaman ko din ang opinion niya.

Hawak ko ngayon ang isang folder na naglalaman ng sinulat kong essay tungkol sa kanya. Magkalapit lang naman ang unit namin kaya hindi ako masyadong napagod.

Pinindot ko 'yong doorbell pero nakailang pindot na ako, wala pa din nasagot. Sinubukan kong pihitin 'yong doorknob at nagtaka naman ako nang nabuksan ko ito.

Nang makita ko sa loob si Kite sa may sala, agad akong lumapit sa kanya.

"Nakailang doorbell na ako, hindi ka man lang tumayo dyan para pagbuksan ako."

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. 'Yong itsura niya parang namumutla at nagtataka ako kung bakit balot siya ng kumot ngayon.

May sakit ba siya?

Kinapa ko ang noo niya at sobra akong napaso nang ginawa ko 'yon.

"Shems, ang init mo Kite!"

Agad akong kumuha ng face towel sa bathroom niya at kumuha na din ng tubig para basain iyon. Nilagyan ko din ito ng alcohol kasi ganyan 'yong ginagawa sa akin ni papa kapag may sakit ako.

Pinunasan ko ang mukha niya. Tapos pagkatapos 'yong likod niya. Buti nalang nakasando siya kaya mabilis kong natanggal ang damit niya.

Napadako ang tingin ko ngayon sa tiyan niya. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa inosente kong mata ang abs niya.

'Yong six pack abs.

Dahan-dahan kong ipinunas sa tiyan niya iyon habang hindi tumitingin dito. Grabe ang naging pagpipigil kong tignan iyon. Shems, any minute hihimatayin na yata ako.

Kite is damn hot as hell!

At sigurado ako na sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Napagdesisyunan ko munang lumayo sa kanya dahil baka ma-rape ko siya. Pero wala pang ilang minuto, hinila niya ako ng malakas kaya nakayakap ako ngayon sa kanya!

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Isang maling galaw lang magkakahalikan na kami. Shemay, what to do?

"Margarette, I love you.."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Margarette? Sino si Margarette? Ano ang koneksyon niya kay Kite?

"Hindi ako si Margarette."

Nagsimula nang umiyak si Kite. Yakap pa din niya ako ng mahigpit. Parang dinurog ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Posible kayang si Margarette ang dahilan kung bakit siya lumuluha?

"Bumalik ka na sa akin, Margarette. I love you so much, honey."

Hindi ko alam pero parang nabibiyak ang puso ko. Bakit niya tinawag na honey si Margarette? Akala ko ba ako lang ang honey niya?

At bakit ako naapektuhan? I don't care kung marami siyang honey. I don't care.

Hindi ko alam kung paano ako kumalas sa pagkakayakap niya. Basta ang alam ko lang, nasa kusina ako ngayon at pinaghahandaan siya ng mushroom soup para makainom na siya ng gamot.

After kong magluto, pumunta ako sa kinalulugdan niya at marahan siyang tinapik.

"Kite, gising na."

"Hmmmmm.."

"Kailangan mo nang kumain para magkalaman ang sikmura mo. Kaya bumangon ka na dyan."

"Ayaw!"

Binalutan niya ang kanyang sarili ng kumot. Takteng 'yan. Ano siya bata? Pakshet na 'to.

Hinampas ko ng malakas ang paa niya. Kainis e, ayaw bumangon. Siguro kung 'yong Margarette na 'yon ang nag-aalaga sa kanya ngayon, babangon siya agad. Tss.

"Aray naman! Ang hilig mo talaga akong hampasin."

At nagpout pa siya sa harapan ko. Umupo na din siya kaya binigay ko na sa kanya 'yung mushroom soup.

Bahala na siyang kumain dyan. May sakit lang naman siya at hindi naman putol ang kamay niya.

"Hindi mo ba ako susubuan?" tanong niya. Takte, nagpacute pa sa harap ko! Tinarayan ko na lamang siya.

"Magpasubo ka kay Margarette. Psh."

Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. 'Yong para bang biglang nagbago ang mood niya. Mula sa smiling face ay naging poker face na, gano'n.

"'Wag mo nga'ng banggitin ang pangalan na yan, tss."

Napaikot naman ako ng mata. Asus, kunwari pa siya dyan.

"'Wag daw babanggitin pero kakasabi niya lang kanina, tss."

"May binubulong ka?"

"Wala."

Nagsimula na siyang kumain. Mukhang nahihirapan pa siya sa paghahawak ng kutsara. Napaikot naman ako ng mata at hinablot sa kanya 'yong bowl ng mushroom soup. Ang galing kasing mangonsensya e.

Nagsalok ako ng soup at hinipan iyon. Pagkatapos nilagay ko na sa bibig niya 'yong kutsara.

"Pwede ka na talagang maging asawa, honey."

Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras siya sa ginawa ko.

"Stop calling me honey kung dalawa naman kaming sinasabihan mo ng ganyan."

🌸🌸🌸

Hanggang ngayon, hindi ko alam pero sobra pa din akong nababadtrip. Simula pa kagabi ito nangyari noong inalagaan ko si Kite.

Sa ngayon, naglalakad na ako papuntang parking lot. Namiss kong magbigbike patungo sa school e. Akmang aangkas na ako sa bigbike ko nang hilahin ako bigla ni Kite.

"'Di bba sabi ko sa'yo, hindi mo na gagamitin ang bigbike na 'yan?" tanong niya. Speaking of the devil. Nag-init na naman tuloy ang ulo ko.

"Paki mo ba?" malamig na sambit ko.

"May mens ka ba at ang init ng ulo mo?" naiiritang tanong ni Kite.

Porket mainit ang ulo, may mens na agad? Hindi ba pwede dahil kay Margarette kaya ako nagkakaganito?!

Tinalikuran ko na siya. Mabilis kong pinaandar ang bigbike ko at iniwan siya sa parking lot. Magsama sila ni Margarette. Psh.

Nakasimangot ako habang naglalakad papunta sa room ko. Naku, subukan lang nila akong batuhin ulit ng itlog, maibabato ko sa kanila ang shurikens ko.

"All students of Campbridge, please proceed to the Gymnasium."

Lahat ng tao, nagsimula ng pumunta sa lugar na iyon. Nakikita ko sa mukha nila na kinakabahan sila. 'Yong parang takot na takot. Tapos may nahuli akong sobrang sama ng tingin sa akin. Ang iba naman ay tinatarayan ako.

Teka, ano bang nangyayari?

Nagsimula na akong maglakad patungo sa Gymnasium. Umupo ako banda sa likod, do'n sa walang tao.

Nakita kong naglalakad sina Haley, Megan at Angela na nakagapos sa tali. Wait, bakit ganyan ang itsura nila?

Pumunta sila sa harapan. Iba't ibang reaksyon ang narinig ko mula sa mga tao.

"Anong nangyari kay Queen Angela?"

"Naku, lagot na tayo nito! Baka tayo ang isunod."

"Sana kasi hindi ako sumali e. Madadamay tuloy ako, huhu."

"Patay tayo!"

"OMG, kinakabahan na ako."

Napataas naman ang kilay ko sa mga reaksyon nila. Wews, ang OA nila. Ang dami kong naririnig na lagot daw sila, patay daw sila kay Red tapos kinakabahan daw sila.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Naglalakad na ngayon si Red sa harapan. Halos mabingi ako dahil sa katahimikan. Lalo na nang nagsimula nang magsalita si Red.

"Tumayo ang lahat ng estudyante na sangkot sa pagbully kay Heaven."

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Nagsimula na din na magsitayuan ang lahat, samantalang sina Angela, Haley at Megan ay nanatili pa rin na nakaupo.

"Who's the mastermind of this shit?" mahinahon na tanong nito sa lahat ng estudyante. Bakas sa boses niya ang galit, kaya hindi ko masisi ang mga estudyanteng nakayuko na lamang dahil sa takot.

"Kapag tinatanong ko kayo, sumagot kayo!"

Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang sumigaw. Ang lakas ng boses niya. Sobrang tahimik ng paligid kaya mararamdaman ang tensyon dito sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Tinuro ng lahat ng estudyante sina Haley, Megan at Angela. At pagkatapos nila itong ituro, binaba na nila ang kamay nila pero nanatili pa din silang nakatayo.

"Haley, Megan at Angela.."

Ngumisi siya sa mga ito. Naglakad siya paikot sa kinauupuan nila.

"Sorry na Red sa ginawa namin," umiiyak na pahayag ni Haley. Halos nakaluhod na din siya sa semento para humingi ng kapatawaran.

Ang galing lang. Si Red ba 'yong binully nila? Ako kaya 'yon. Kaya dapat sa akin sila humingi ng sorry.

"Ako din Red. Promise hindi na talaga mauulit," nagmamakaawang wika naman ni Megan. Pero si Angela? Hindi man lang siya humingi ng sorry.

Sabagay, kapag malaki na talaga ang ulo kakapuri, tumataas din ang pride.

Matalim na tinitigan ni Red si Angela. Mukhang hinihintay nito na humingi din siya ng paumanhin.

"O bakit ka nakatingin sa akin? Akala mo magsosorry ako? Pwes, kahit anong gawin mo, hindi ko gagawin 'yon. I'm still the Queen Angela of Legendary Five, kaya dapat lang sa kanya 'yon."

Ngumisi si Red ng nakakaloko. Shemay, parang kinilabutan ako sa ginawa niya. Anong pinaplano niya?

"Well, you're wrong."

Ang daming reaksyon na nagsilitawan. Halos nanlaki ang mga mata nila. 'Yong iba naman napanganga nalang dahil sa gulat.

Seriously, what's going on here?

"Because from now on, I'm giving the crown to Heaven Agatha Samonte. Haley and Megan will be her slave in five damn months. She will be the Queen of Legendary Five. And I, Red Delavin will be her King."

Ano? Ako na ang magiging Queen ng Legendary Five? Spell super duper shock? A-G-A-T-H-A.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro