11. Peter Pan
"A moment of patience in a moment of anger saves a thousand moments of regret."
🌻🌻🌻
Pain. Dahil dyan, nagbabago ang isang tao. Hindi kasi nila matanggap ang mga bagay na nangyayari sa kanila. Hindi nila lubos akalain na 'yong taong pinagkatiwalaan nila, ay tatraydurin sila.
Nang ipamukha sa akin ni Angela 'yong masasakit na salita niyang binitawan sa akin, naramdaman ko na naman 'yong kirot sa puso ko na ayaw kong mangyari.
Sobra kasi akong naapektuhan. Siya nalang lagi 'yong nasa itaas. Parang katiting na pagpuri ng iba sa akin ay nagalit na siya.
Sa totoo lang, namimiss ko na talaga 'yong dating siya. Naalala ko noon, pinupuri niya ako lagi kapag nagdo-drawing ako. Dati naman, sobra kaming close sa isa't isa. Pero bakit nga ba biglang nag-iba ang ikot ng mundo?
Nagsimula ang lahat nang iwasan ko siya. Hindi ko alam pero nilamon ako ng inggit. Habang lumalaki kaming dalawa, nakikita ko 'yong mga insecurities ko. Sobra akong naiinggit sa kanya.
Naalala ko noong bata ako, binilhan ni mama si Angela ng laruan. Siyempre bata ako kaya nag-expect ako na bibigyan niya din ako ng ganoon. Pero mapahanggang ngayon yata ay wala pa din siyang binibigay.
Lagi kong niyayakap si mama noong bata ako. Pero niisang yakap mula sa kanya ay hindi niya sinuklian. Sinasabi niya sa akin lagi na, "Umalis ka nga dyan at may gagawin pa ako."
Sobrang sakit no'n. Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Pero kapag si Angela naman ang yumayakap sa kanya, sobrang higpit ng pagkakayakap niya dito. Tapos hahalikan pa 'yong pisngi at sasabihing, "I love you anak."
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ampon lang ako. Na baka napulot lang nila ako sa basurahan at napilitan lang siyang alagaan ako.
Ang sakit na din kasi. Bakit kasi siya ganoon? Bakit si Angela nalang lagi ang napapansin niya? Bakit kapag sa akin, hindi niya magawa sa akin iyon?
Elementary Recognition. 'Yan na yata ang pinakamasakit na pangyayaring naranasan ko. Umakyat ako ng stage na ako lang mag-isa. Walang nagsabit ng ribbon sa akin. Para akong kawawang bata na walang magulang.
Pero ang mas masakit pa doon? Noong tinawag 'yong pangalang Heather Angela Samonte, agad tumakbo si mama sa stage para sabitan ito ng medalya. At kitang-kita sa mukha niya na proud siya kay Angela.
Hindi ko maiwasang maluha sa mga masasakit na ala-ala na bumabalik sa akin. Mag-isa lang ako sa unit ko. Walang kasama at umiiyak sa kawalan.
Bakit ito ipinararanas ng Diyos sa akin?
'Yan ang isa sa mga tanong ko na hindi pa nabibigyan ng malinaw na sagot. At baka kahit kailan, hindi na mabibigyan ng kasagutan.
Napatingin ako sa orasan. It's exactly 11:11 pm. Sabi nila, kapag humiling ka kapag ganyang oras ay magkakatotoo. Pinikit ko ang mata ko at ibinulong sa aking sarili..
Sana kapag inaalala ko ang mga nangyari dati, hindi na ako umiyak pa. Ito na sana ang pinakahuling pagkakataon na luluha ako. Kasi sa totoo lang, sawang-sawa na akong umiyak.
🌸🌸🌸
Mag-isa akong pumasok ngayon sa school. Ewan ko ba, hindi ako sinundo ni Kite. Siguro busy or wala talaga siyang isang salita.
Tahimik lang akong naglalakad. Wala ako sa mood ngayon. Pakiramdam ko, ang tamlay ko ngayon. Siguro kakaiyak ko kagabi, naubos lahat ng lakas ko.
Hanggang sa may nagbato sa akin ng itlog. Tumama ito sa noo ko kaya halos malasahan ko na 'yong binato sa akin. Dapat sa puntong ito, nagagalit na ako. Pero hindi ako nagalit. Wala akong nararamdaman na kahit ano. Namanhid na yata ang buong katawan ko dahil sa bigat na dinadala ko.
Bawat paghakbang ko, binabato nila ako ng kahit ano. Mukhang nag-eenjoy sila sa lahat ng ginagawa nila.
"'Yan ang nababagay sa'yo! Inaway mo ang Queen Angela namin!"
"Pinaiyak mo siya! Akala mo naman kung sinong umasta, e talo ka naman pagdating kay Angela!"
"Alam mo kahit anong gawin mo, hindi mo malalamangan si Angela! Siya ang pinakamagaling sa lahat!"
"Kawawa naman, hindi mahal ng magulang! Hahaha, ganyan kasi talaga kapag panget!"
"Ang landi pa. Inaagaw pa niya si Red kay Angela. Hindi naman sila bagay!"
"Oo nga, team ReGela kami!"
"ReGela! ReGela!"
Hindi ko na kayang humakbang pa. Parang sunud-sunod na sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi nila. Gusto kong kunin ngayon ang shuriken ko at ibato sa kanila isa-isa. Pero hindi ko magawa kasi tama naman sila.
Malakas ako kung pagbabatayan ang pisikal, pero napakahina ko pagdating sa emosyonal.
Biglang pumunta sa harapan ko sina Haley, Megan at Angela. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao. Lalo na nang ibuhos ni Haley ang juice sa ulo ko.
Hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko na kayang lumaban. Hindi ko na kaya. Pagod na akong patulan sila. Pagod na akong masaktan ng paulit-ulit.
"Ang mga kagaya mo, hindi dapat nilalabanan si Angela. Ikaw kasi pinaiyak mo siya, 'yan tuloy ang napala mo," pang-aasar ni Haley sa akin. Nagsitawanan naman lahat ng tao. Lahat sila humagalpak ng tawa.
Tinulak naman ako ng malakas ni Megan kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento. Lalong lumakas ang tawanan nila.
"How dare you para paiyakin si Angela? Isa ka lang namang salot na insecure sa kanya! Remember, nobody messes with our Queen Angela. Kasi buong school ang makakalaban mo. Mark my word, bitch."
Hindi ko magawang kumibo. Nakatingin lang ako ng kawalan sa kanila. Walang makikitang ekspresyon mula sa mukha ko.
Sinampal naman ako ng sobrang lakas ni Angela. Napatingin ako sa mukha niya. Umiiyak siya na parang siya 'yong kawawa. Na parang sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya.
"Grabe ka Agatha. Tinuring kitang kambal pero ganito ang isusukli mo sa akin? Bakit mo ako sinabihan ng malandi? Sinabi mo pang napakasama ko sa'yo, pero wala naman akong ginawa kung hindi maging mabuting kakambal sa'yo."
Umiyak siya na parang sobrang dinibdib niya ang mga pangyayari. Ang galing niyang mag-inarte. Best actress.
Mukhang hindi pa siya tapos ng pagsampal sa akin. Hinihintay kong dumapo ang kamay niya sa pisngi ko pero wala akong maramdaman. At pagkadilat ng mata ko, nakita ko si Red na sobrang higpit ng pagkakahawak sa kamay ni Angela.
Kitang-kita sa mata niya 'yong galit. Nag-iba 'yong aura niya. Sobrang tahimik ng lahat at walang naglalakas ng loob na magsalita.
Gusto ko pa sana makita ang mga mangyayari pero naramdaman kong sumasakit na ang ulo ko. Parang umiikot ang buong paligid.
And the next thing I knew, everything went black.
🌹🌹🌹
Sumalubong sa mukha ko ang puting kisame. May nakita din akong puting liwanag. Teka, nasa langit na ba ako?
Napabalikwas ako dahil sa pagkangalay. At doon ko lang napagtanto na hindi pa ako patay. Mukhang nasa clinic ako dahil nakahiga ako ngayon sa malambot na kama.
Napangiwi naman ako ng binalak kong gumalaw. Ang sakit ng buong katawan ko. Palagay ko, sobra akong nanghina dahil sa nangyari kanina.
Napatingin ako sa buong paligid. Nakita ko si Red na nakasandal ang ulo sa kinahihigaan ko. Hinawakan ko 'yong malambot niyang buhok kaya bigla siyang nagising.
"Are you okay? Anong masakit sa'yo, tell me."
Punung-puno ng pag-aalala ang mukha ni Red. Hindi ko nagawang sagutin ang mga tanong niya, sapagkat bigla ko nalang nasabi ang mga katagang kanina ko pa gustong itanong sa kanya.
"Why did you save me?"
Nagulat naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko din na umiiyak na siya.
"You're my Wendy and I am your Peter Pan. I am always here to save you no matter what happen."
Hindi ko magawang makapagsalita. Parang naistatwa na ako sa kinalulugdan ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang mahigpit na yakap niya.
"'Wag mo na ulit gagawin 'yon. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo. Sobra akong natakot Heaven. Akala ko mawawala ka na sa akin."
Kumalas siya sa pagyakap sa akin. Pero nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. At hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I'll make sure that they will pay for their debts. At hindi ko papalampasin ang ginawa nila sa'yo. All of them must be punished."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro