CHAPTER 9
"TAPOS ka na?" tanong ni Kath nang tumayo ako. Teka, parang nangyari na 'to, ah.
"Oo, nawalan na ako ng gana." Tumingin ako sa taong nasa counter na panay ang titig sa akin kanina habang kumakain ako. Hindi niya ba alam na nakakailang ang ginagawa niya? "Magbabayad lang ako ng kinain ko then balik na tayo sa Rhudarda."
"Ako na ang magbabayad," alok ni Shun.
Napatingin ako sa nagsalita. Kapagkuwa'y napairap ako. Nakisabay pa talaga 'tong isa sa pagkabadtrip ko. "Huwag mo nga akong kausapin, Shun."
"Ako na lang magbabayad! Sabi ko sa iyo kanina ililibre kita." Nagpa-cute pa si Kath matapos iyong sabihin. Akala niya yata mapapasunod niya ako sa kakaganiyan niya. Totoong cute siya pero hindi naman ako marupok para bumigay sa simpleng ganoon lamang.
"Ako na, Kath. Next time mo na lang ako ilibre." Hindi rin kaya ng pride ko na pumayag sa gusto ni Kath matapos kong sabihin kay Axen last time na hindi pa ako naghihirap para magpalibre.
Hindi na naman nagpumilit pa si Kath matapos ko iyong sabihin. Maski si Shun ay hindi na rin umimik pa at hinayaan na lamang ako. Mabuti pa 'tong dalawa, hindi makulit. Hindi tulad ng iba diyan...
"Huwag mo na bayaran." Hindi na ako nagulat nang sabihin iyon ni Axen.
Gayunpaman ay ipinatong ko pa rin ang bayad ko sa counter. "Tulad ng sabi ko noong nakaraan, hindi pa ako naghihirap para magpalibre."
Natawa si asungot sa sinabi kong iyon. "Hindi naman porket ililibre ka ay mahirap ka na."
"Alam ko." Tumalikod na ako, handa nang umalis sa lugar na iyon. Pero napatigil ako sa pagbwelo nang tawagin ako ng asungot. Ano bang kailangan nito?
"Sa Rhudarda ka pala nag-i-immersion?"
"Ano naman sa iyo?" walang gana kong tanong.
"Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang naman."
"Ano bang pakialam mo?" Umirap ako.
"Oo o hindi lang naman ang isasagot mo. Bakit ba nagagalit ka?"
"Kasi nangungulit ka na naman. Ayoko sa mga makulit at lalong ayoko sa iyo."
Humawak sa dibdib niya si Axen at umaktong nasasaktan. "Ouch, ang sakit mo namang magsalita."
Inirapan ko na lamang siya saka ako tumalikod para maglakad na.
"Heaven!" Hindi ako lumingon sa pagtawag nito. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa kaniya. Argh! "Heaven! Ayaw mo sa akin pero gusto naman kita!"
"Ayieee!" pang-aasar ng mga taong naroon. Karamihan ay hindi ko naman kilala. Argh!
Napatakip na lamang ako sa mukha at nagmadali nang maglakad palabas ng eatery na iyon. Hindi na talaga ako kakain ulit dito. Hinding-hindi na talaga!
---
"INTERVIEW na natin mamaya, kinabahan ako bigla," ani Kath. Nakahawak ito sa dibdib habang naglalakad kami papunta sa Rhudarda. Kasabay pa rin namin iyong apat pero medyo nakalayo kami ni Kath at may sariling pag-uusap.
"Mas kinakabahan ako kung saang department ako i-a-assign."
Napatakip ng bibig niya si Kath. "OMG! Sana sa accounting department ako ilagay ni Sir Arman! Ang gwapo ng head doon!"
Napairap ako. "Ba't gusto mo diyan eh ang hirap yata ng mga ipinapagawa diyan? Jusko, basta accounting paniguradong may numbers. At alam mo namang allergic ako sa mga iyon!"
"Allergic din naman ako sa numbers pero handa akong atakehin ng allergies basta may pogi!"
Pinalo ko ito. "Umayos ka nga. Kaka-break mo lang ta's nakerengkeng ka na." Natawa na lamang kami pareho.
"Good afternoon po, Ma'am Dennise! Good afternoon po sa inyo!" bati naming lahat sa mga empleyado nang makapasok kami sa building ng Rhudarda. Nag-time in kaming isa-isa.
"Good luck sa interview ninyo! Nasa itaas na si Sir Arman at hinihintay kayo." Sinamahan kami ni Ma'am Dennise, ang assistant ni Sir Arman, paakyat ng second floor. In-assist din kami nito sa pagkakasunod-sunod namin.
Nauna nang tinawag si Gerlie. Ngumiti ito sa amin at saka maingat na pumasok sa loob ng office ni Sir Arman. Mahigit sampung minuto bago ito lumabas doon nang putlang-putla ang mukha. Lalo tuloy akong kinabahan! Gaano ba ka-intimidating si Sir at namutla na nang ganoon katindi si Gerlie?
"Jeoanne, next." Agad na tumayo ang tinawag. Tinanggal pa nito ang airpods na nasa tainga bago pumasok ng office.
"Huwag kayong kabahan. Sir Arman is a nice guy, pero pag talagang usapang trabaho ay medyo strikto siya."
Imbes na mabawasan ang kaba sa sinabing iyon ni Ma'am Dennise ay mukhang mas nadagdagan ang bigat sa dibdib ko. Napakapit ako sa suot na pants para pakalmahin ang nanginginig nang mga daliri. Kaya mo 'to, Heaven! You can do this!
Sunod-sunod na silang tinawag hanggang sa kami na lang ni Shun ang hindi pa. Napatingin ako roon habang pareho kaming hindi mapakali sa pagkakaupo.
"Heaven, mamaya bago umuwi... Pwede ba tayong mag-usap?" May lungkot sa mga mata nito na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.
"Ayoko. Kung tungkol pa rin 'to sa relasyong matagal nang tapos, huwag mong asahang sisiputin kita."
Hindi na ako nasagot ni Shun nang tawagin na iyon para sa interview. Naiwan tuloy akong nag-iisip kung ano nga bang dapat naming pag-usapan.
"Girl, ang lakas ko kay Lord today! Sa accounting ako in-assign ni Sir Arman! Bye na muna, ah. Pumunta na raw kasi sa assigned department after ng interview, e."
Napatango na lamang ako sa sinabing iyon ni Kath. Umalis na ito kaya naiwan akong mag-isa. So ako pala ang huling i-interview-hin. Nakakabagot naman. Lalo tuloy nadadagdagan ang kaba ko habang lumilipas ang mga minuto.
"Heaven, ikaw na."
Tipid akong ngumiti kay Ma'am Dennise matapos niya iyong sabihin. Nasalubong ko pa si Shun nang lumabas iyon sa office. Mukha naman siyang normal at hindi kinabahan.
"Pagkatapos ng trabaho, huwag ka munang umuwi. Mag-usap muna tayo," ani Shun.
Napangiwi na lang ako at hindi na nagsalita pa. Tumalima na lamang ako nang padiretsuhin na ako ni Ma'am Dennise sa office para sa interview.
Matapos kong pumasok at isara ang pinto ay agad na tumayo si Sir Arman at saka nakipagkamay sa akin. Hindi ko alam kung dama niya ba ang pamamawis ng kamay ko. Pero sana hindi na niya mapansin pa. Nakakahiya.
Sinimulan na ang interview. English ang mga tanong kaya English din ang isinagot ko. Pinagsisihan ko rin iyon nang kalagitnaan na dahil nauubusan na ako ng baon na English words. Kulang na lamang ay duguin ang ilong ko makatapos lamang ng isang sentence.
Nakipagkamay si Sir Arman sa akin, senyales ng pagtatapos ng interview na iyon. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga minuto dahil sa sobrang pagiging pokus ko na masagot nang maayos ang mga tanong. Mabuti naman at mukhang maayos kong nasagot. Mukha lang! Hindi ko pa rin alam kung talagang naabot ko ang expectations ni Sir sa akin.
"So you are THAT girl."
Naguguluhan kong tiningnan si Sir Arman nang sabihin niya iyon. "Pardon?"
"You are my son's girlfriend."
Natigilan ako nang marinig iyon. Girlfriend?! Hindi ako girlfriend ni asungot! "I don't know what you're talking about po, Sir."
"There's no need to deny it, hija. Hindi naman ako tututol sa relasyon niyo, e. In fact, I am very happy with it. Kilala ko ang mga magulang mo, in fact me and your father are good friends. Sana ay alagaan mo ang anak ko."
"P-Pero--"
"Sir, gusto ka raw po makausap ni Xianiel." Hindi ko na nadepensahan ang sarili ko nang sumingit si Ma'am Dennise. "Pero pwede ko naman pong sabihing next time na lang dahil may trabaho pa kayo. Nasa ground floor po siya, Sir."
"No need. Let him come in, Dennise."
"But, Sir--"
"Hindi mo ba ako narinig? Papasukin mo ang anak ko. May problema ba doon?"
Bumuntonghininga si Ma'am Dennise. "Nothing, Sir. I'll tell him right away."
"Thank you, Dennise. And please, assist Ms. Heaven Eranista. Siya ang makakasama mo for her whole stay here in the cooperative. Sa office mo siya naka-assign."
"Noted po, Sir."
Lumabas na ako ng office matapos iyon. Hindi ko alam kung anong mga pwede kong gawin o pwedeng ipagawa sa akin ni Ma'am Dennise sa department niya. Hindi ko tuloy matantiya kung mahihirapan ako sa dalawang linggo kong pagtatrabaho rito.
Nakasalubong ko si Axen nang pumasok ito ng office. Ngumiti ito sa akin pero pasimple ko itong inirapan. Nginisian naman niya ako bago siya tuluyang pumasok ng office ng tatay niya.
"First time pumayag ni Sir Arman na papasukin si Xianiel dito sa office niya at good mood pa siya, ah," dinig kong bulong ni Ma'am Dennise.
"Ano po 'yun?" tanong ko naman.
"Wala naman. Follow me, Heaven, I'll show you your work station."
Tumango ako at saka sumunod dito. Habang pinapag-ayos niya ako ng documents ay halatang-halata ang pagiging balisa ni Ma'am Dennise.
"Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina."
"Ano po 'yun?" curious kong tanong. Siyempre 'no, boring din naman kapag wala kang nasasagap na chismis.
"Atin-atin na lang 'to, a. Hindi kasi magkasundo iyang mag-ama na iyan. Dati, hindi pinapapasok ni Sir Arman si Xianiel dito sa office niya. Kahit nga sa mismong building ayaw ding papasukin. Hindi ko alam ang mismong dahilan, ang alam ko lang talagang hindi magkapalagayan ng loob iyang mag-amang iyan. Kaya nga nagulat ako kanina, eh."
Pareho pala kami. Hindi makasundo ang tatay. Kung ako, babaero ang tatay kaya hindi ko makasundo, ano naman kaya ang dahilan ni Axen?
Napailing na lamang ako nang maraming beses. Narito nga pala ako para magtrabaho at hindi para makipagchismisan.
---
"HEAVEN, pwede na ba tayong mag-usap?" tanong ni Shun.
Napalingon ako roon. Muntik ko nang makalimutan na balak nga pala niya sa aking makipag-usap. Napatingin ako kay Kath na katabi ko, sumesenyas na ialis niya ako sa sitwasyong iyon. Pero mukhang hindi niya ata nakuha.
"Sige lang, girl, gora! Inaaya din kasi ako nitong si Kent mag-hang out. Magpahatid ka na lang diyan kay Shun after niyo mag-usap. Sigurado namang di ka pababayaan niyan!"
"T-Teka--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang hilahin na ni Kent ang kaibigan ko.
Naiwan tuloy kami ni Shun habang nagpapakiramdaman sa isa't isa. Badtrip!
---
"GUSTO kong mag-sorry sa nangyari sa 'tin. I want to make it up to you."
Natigilan ako nang marinig iyon kay Shun. So ine-expect niya na ganoon lang kadali ang lahat? Babalik siya rito, mag-so-sorry, then okay na? Alam kong tanga ako madalas pero hinding-hindi ko kakagatin ang pain niya.
Napabuntonghininga ako at itinuon na lamang ang atensyon sa paligid. Narito kami sa waiting shed malapit sa Rhudarda. Kami na lamang ang taong narito at puro mga sasakyan na lamang sa kalsada ang makikita. May mangilan-ngilan din namang mga naglalakad na tao pero lahat ay may kaniya-kaniyang mundo.
"Wala na kami ni Grace. Nag-hiwalay din kami agad dahil ikaw talaga ang mahal k--"
"Stop! Ayokong pag-usapan 'to." Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko pero pinigilan ako ni Shun.
"Hindi natin matatakasan pang-habambuhay 'tong issue na 'to. Kailangan nating mapag-usapan."
"Para saan?" naguguluhan kong tanong. "Maayos na ang buhay ko ngayon. Ikaw lang naman ang may issue about diyan."
"Makinig ka... gusto kong makipagbalikan, okay? Hayaan mo 'kong makabawi sa kasalanan ko. Hindi ko na uulitin, I promise."
"Shun... wala na akong pakialam sa nangyari. Tumigil ka na. Naka-move on na ako."
"Pero ako hindi..." Hinawakan niya ang braso ko para pigilan sa pagtatangkang umalis.
"Huh?"
"Wala na kami ngayon ng girlfriend ko. I want to reconsider our relationship. Inaamin ko kasalanan ko, kaya nga narito ako para ayusin. I will fix my mindset."
Naguguluhan ko siyang tiningnan. Kapagkuwa'y naglabas ako ng pekeng tawa. "Joke time ba 'to? Nagpapatawa ka, e. Anong reconsider-reconsider ang sinasabi mo diyan?"
"Please, Heaven... wala nang balakid pa sa atin ngayon. Solong-solo mo na ako."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Gago ka ba? You cheated on me! Ano pa bang hindi malinaw doon? You fuckin' cheated! Oh, ayan itatak mo sa kukote mo. Nakakatawa ka, e. Alam mo ba 'yun? Sa tingin mo ba makikipagbalikan pa rin ako dahil sa ginawa mo? Tingin mo ba hindi pa ako naka-move on? At kung sakaling gusto pa rin kita, anong balak mong gawin sa akin? Panakip-butas kasi wala na 'yung girlfriend mo? Are you gagoing me?!"
"Heaven..."
Hindi ko na hinintay pang magsalita pa siya ng kung anu-ano. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at saka ako naglakad palayo doon.
"Heaven, please..." Hinila ako ni Shun kaya hinarap ko siya at sinampal.
"Isa pang hawak mo sa akin, hindi lang sampal ang aabutin mo."
"Huwag ka nang magpakipot pa."
Nagpantig ang tainga ko nang marinig iyon. Kumulo ang dugo ko kasabay ng matinding pagsasalubong ng mga kilay. "HINDI NA NGA KITA MAHAL! NAIINTINDIHAN MO BA?!"
Nang magpatuloy ako sa paglalakad ay ikinagulat ko nang makasalubong si Axen. Halata ang pagkagulat sa hitsura nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro