Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

"KAYA pala pamilyar ang mukha mo."


Natigilan ako nang marinig iyon kay Mrs. Fuertes. Napatingin din ako kay asungot na mukhang hindi mapakali.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Mga kabataan nga naman ngayon..." Bumuntonghininga si Mrs. Fuertes, hindi sinagot ang tanong ko.

"S-Sige po, Mrs. Fuertes, uuwi na po ako."

"Hindi! Dito ka lang muna, hija. Hintayin mo 'tong anak kong si Xianiel at ipapahatid kita sa bahay niyo."


Parehong nanlaki ang mga mata namin ni asungot nang marinig iyon.


"Mama..."

"Naku, kayo talagang mga kabataan kayo. Bakit hindi mo ihatid ang girlfriend mo, anak? Hahayaan mo bang umuwi nang mag-isa ang minamahal mo lalo pa't gabi na?" Itinulak ni Mrs. Fuertes si asungot sa akin.


T-Teka... girlfriend? A-Ako? Anong girlfriend? Paano niya nasabing katipan ko iyang asungot na iyan?! "Mrs. Fuertes, nagkakamali po yata kayo. H-Hindi ko po boyfriend iyang anak ninyo."


"Asus! Alam kong ikaw ang girlfriend niyan. Huwag na kayong mahiyang dalawa. Nakita ko sa cellphone ng anak ko 'yung picture mo."



Nanlaki ang mga mata ko. A-Anong picture? Bumaling ako kay asungot at doon itinuon ang atensyon. Maski siya ay gulat at kapareho kong nanlalaki ang mga mata.

"'Ma! Tama na! Sige na, ihahatid ko na siya!" Hinila na ako paalis ng asungot habang ang Mama niya ay panay pa rin ang imik. Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang namumulang mukha ng asungot.

"Tiyak na matutuwa ang Papa mo kapag nalaman niyang may girlfriend ka na, anak."

Matapos iyong sabihin ni Mrs. Fuertes ay napatigil sa paglalakad niya si asungot. Nanigas ang nakahawak niya sa aking kamay at matapos ang ilang segundo ay bumuntonghininga siya. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad habang tangan ako. Hindi ko naman magawang tumutol sa panghihila niya dahil biglang nag-iba ang awra niya. Natakot ako bigla. Animo'y may sinabing bagay si Mrs. Fuertes para dumilim ang awra ni asungot. Teka, ano daw ang pangalan ng lalaking 'to? Shanel?

Nang makarating kami sa kalsada ay nagkusa na siyang bitawan ako. "Hintayin mo 'ko. May tatawagan lang ako."

Napatango na lang ako. Iniwan niya ako sa pagkakatayo doon habang siya ay pumunta sa medyo malayo at inilabas ang cellphone sa bulsa. Hindi ko maiwasang magtaka sa ipinapakita niya ngayon. Ibang-iba sa mapang-asar, makulit, at palangiting asungot na nakilala ko. Mula nang mabanggit ang Papa niya'y nagkaganiyan na siya.

"Hello, 'Pa," imik nito habang ang cellphone ay nasa tainga. Medyo malayo man siya sa akin ay malinaw pa rin sa pandinig ko ang salita niya. Hindi ko tuloy naiwasang mapakinggan. "Nandito po ako sa resort. May meeting po kayo? Sige po, ibaba ko na 'to." Dinig ang matunog niyang buntonghininga.

Nang tumingin si asungot sa pwesto ko ay agad akong napaiwas ng tingin saka umehem. "K-Kahit hindi mo na ako ihatid, asungot este Shanel."

"Xianiel. Pero Axen na lang itawag mo sa 'kin."

"S-Sige, Axen." Nagsimula na ako sa paglalakad.

"Saan ka pupunta?"

Gulat akong napatigil sa paglalakad saka tumingin dito. "Uuwi na."

"Ihahatid kita, 'di ba?"


Bumuntonghininga ako. "Okay lang. Sanay naman na ako rito. Hindi naman dito tulad sa bayan na maraming tao na pwede kang gawan ng masama. Kokonti lang kami rito sa Anawan at kilala kong mababait ang mga tao rito."


"'Yun na nga, kokonti lang ang tao rito. Paano kung may gumawa sa iyo ng masama sa gitna ng daan? Walang makakarinig sa iyo."

Napairap ako. "Hanggang dito ba naman kukulitin mo ako?" Pero hindi ko pa rin maitatangging may punto ang sinabi niya. Better safe than sorry.


"Hintayin mo na lang ako diyan. Kukunin ko 'yung motor."

Hindi na ako nakaangal pa matapos makapag-isip ng mabuti. Nang makuha niya ang motor niya ay pinasakay niya ako agad. Tumalima naman ako at hindi na nagreklamo pa.


"Yumakap ka. Baka mahulog ka." Hinatak niya ang braso ko payakap sa tiyan niya. Pero agad kong hinatak ang mga braso ko pabalik.


"Hahawak na lang ako rito sa bakal. Hindi ka naman siguro magmamaneho ng sobrang bilis, 'di ba?"

Natawa si Axen sa sinabi kong iyon. Kapagkuwa'y pinaandar na niya ang motor. Hindi ko na siya pinadiretso sa mismong bahay namin. Bukod sa nahihiya akong malaman niya kung saan ako nakatira, baka rin makita siya ni Mama't Papa. Baka wala sa oras akong ikulong sa bahay namin.

"Sigurado ka bang dito ka nakatira? Palayan 'to, ah," turo niya sa binabaan kong lugar.


"Oo at huwag ka nang marami pang sinasabi. Salamat, uuwi na ako."


Dumaan ang ilang segundong wala sa aming kumikilos na dalawa. Nagkatinginan kaming pareho dahil doon.

"Oh, ba't hindi ka pa umaalis?" tanong ko.

"Titingnan ko pa kung uuwi ka na."


Napairap ako sa kawalan. "Heto na po. Uuwi na. Paandarin mo na iyang motor mo." Didiretso na sana ako paglalakad nang may maalala. "Teka, hindi mo pa rin ba binubura 'yung picture ko?"


"Ha?" natatarantang tanong ng asungot.


"Hakdog. Kung hindi mo pa binubura kako 'yung picture ko? Ang sabi ng Mama mo nakita raw niya ako sa cellphone mo. Totoo ba 'yun?"



"N-Naku, kailangan ko nang bumalik sa resort. Wala nang kasama si Mama roon kasi day-off ng mga employees. Sige, bye!" Agad nitong pinadyakan ang motor at saka pinaandar palayo sa kinatatayuan ko.


Ang galing! Hindi man lang ako kinausap ng maayos bago siya umalis.


---


"YOU mean to say, sa kanila pala 'yung Sugod Beach Resort diyan sa Anawan? In fairness, ang daming business ng pamilya nila!"


Tumango ako kahit pa mag-isa lamang at hindi nakikita ng kausap sa kabilang linya. "Oo at nakakainis lang kasi napagkamalan pa kaming magkatipan!"



"Ha?! Sino namang nag-akalang boyfriend mo siya?" natatawang tanong ni Kath.



"'Yung mama niya! Nagulat nga ako, e."


"Paano naman niya naisip na magkatipan kayo ng anak niya? Paano siya napunta sa conclusion na 'yun?"


"Naguguluhan nga rin ako. Basta ang pagkakaintindi ko, may nakita raw siyang picture ko sa cellphone ng anak niya." Napairap ako at bumuntonghininga para pakalmahin ang sarili.




"Girl! Iyan ba 'yung picture na pinang-blackmail niya sa iyo para sumakay ka ng motor niya kahapon?!"


"Hindi ko alam! Pero sigurado namang wala akong ibang picture sa cellphone ng asungot na 'yun kaya baka iyon nga. Tss. Ang sabi niya idi-delete niya 'yun kapag sumakay ako ng motor niya papuntang medicare!"



"Baka naman inlababo na sa iyo."




"Anong pinagsasasabi mo diyan?" Napairap ako sa kawalan.


"Sus! Kinikilig na iyan! Baka mamaya niyan crush mo pala talaga iyang si-- wait ano nga palang pangalan niya?"



"Xianiel Fuertes, ayan. Baka magtanong ka pa ng pangalan niyan." Umayos ako sa pagkakahiga sa kama. Medyo hininaan ko pa ang boses ko nang makarinig ng mga hakbang sa labas ng kwarto. Hakbang 'yun ni Mama panigurado.




"Tamang-tama, let's do some researching sa pamilya nila!"



"Researching for what?" tanong ko habang nakangiwi.


"Basta! Oh, heto ang lumabas. Talaga ngang ang dami nilang business. Iyong eatery na pinagkainan natin kahapon nandito, 'yung Sugod Beach nandito rin, at saka 'yung Papa niya CEO ng Rhudarda."


Natigilan ako nang marinig iyon. "CEO ng Rhudarda ang Papa niya?"


"Ulitin ko pa? Charot! Oo nga, nakalagay dito! Bakit ka naman natigalgalan diyan?"



"W-Wala." Pilit kong iwinaksi ang nasa isip.


"Wala ba talaga?"



"Oo nga, wala! Sige na, good bye na! Maaga pa pasok natin bukas. Babiyahe pa ako papuntang bayan." Sana hindi na ako tanungin pa ni Kath kung anong dahilan at natigilan ako. Ayoko munang mapag-usapan ngayon kasi naiinis ako.



"Good night, Heaven! Good luck sa first day of work immersion natin bukas."


Napalunok ako. "G-Good luck." Ibinaba ko ang linya matapos iyon. Napabuntonghininga na lang ako at napatingin sa envelope na kinalalagyan ng mga documents ko for Work Immersion. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang resume ko.


At saan ako mag-a-apply for immersion? Sa Rhudarda lang naman kung saan CEO ang tatay ni Axen. Good luck talaga sa first day of work immersion ko bukas. Sana wala si asungot doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro