Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40

"A-AMNESIA?" Hindi ko maitikom ang nakaawang na mga labi. Tumingin pa ako sa paligid at nang makita si Kane sa gilid ay agad akong naalarma. "Iwan mo na muna kami, Kane."


Tumango ito at agad na tumalima sa utos ko.


"Ano pong amnesia ang sinasabi niyo? Seryoso po ba kayo?" Pilit kong pinatayo si Tita mula sa pagkakaluhod pero humagulgol lamang siya.


"Alam kong ikaw lang ang kaisa-isang pwedeng makatulong sa kaniya. M-Minahal ka ng anak k--"


Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi niyo po alam ang mga sinasabi niyo. Sinaktan po ako ni Axen ten years ago. Kung may pwede mang makatulong sa kaniya, 'yun 'yung babaeng ipinalit niya sa 'kin." Humugot ako ng malalim na buntonghininga. May nanumbalik na pamilyar na kirot sa dibdib ko. Matagal nang panahon mula nang naramdaman ko 'to at akala ko'y hindi ko na mararamdaman pa ulit.


Mali ako.


"P-Please, hija. Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan kaya naman narito ako para humingi ng dispensa. T-Tulungan mo kami. Wala na akong ibang mahanap na solusyon. Ikaw na lang ang natitirang susi para maibalik sa normal ang anak ko." Hinawakan nitong muli ang kamay ko habang hindi magkamayaw sa pagluha.


Agad ko namang hinila ang kamay ko. Pinunas ko ang luhang tumulo sa pisngi. "Hindi ko alam kung kaya kong matingnan nang maayos ang anak niyo matapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko magagawang tulungan ang taong nanakit sa akin." Tinalikuran ko ito at saka nagsituluan ang mga luha kong kanina pang pinipigil. Akala ko okay na ako sa haba ng panahon na ginugol ko para ayusin ang sarili.


Hindi pa pala...


"P-Please, hija. I know this is too much to ask but please... kahit isang linggo lang. S-Samahan mo lang siya at ipaalala mo lahat ng mga napagdaanan niyo. Pagtapos ng i-isang linggo, hindi na kita guguluhin pa."


Umiling ako. "Hindi ko po magagawa, Tita. Umalis na po kayo dahil wala po kayong mapapala sa 'kin."


"P-Please, hija--"


"Umalis na kayo!" Ikinagulat ko ang pagtaas ng sariling boses. Animo'y nailabas ko ang hinanakit na matagal nang kinikimkim.


"A-Ang papa mo..."


Natigilan ako nang marinig iyon.


"I know your father is in the hospital."


Mula sa pagkakatalikod ay muli akong humarap kay Tita Adeline. Diretso kong sinalubong ang paningin nito. "Anong kinalaman ng tatay ko sa mga nangyayari?"


"I know... y-your father will undergo an operation. You need money! You need a lot of money to pay the hospital bill. Ako nang bahala! Ako na! Basta pag-isipan mo ang pagtulong kay Axen. I may sound desperate but you are my only h-hope..." Muli niyang hinawakan ang kamay ko.


Agad kong hinila ang kamay ko. "Umalis na po kayo bago ko pa kayo kaladkarin palabas."


"T-Think about it, hija." Tumayo ito at pinunas ang mga luha. "We'll both benefit from this situation."


Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng bahay. Naiwan akong tulala at hindi alam kung ano ang mararamdaman.


---


"KUMUSTA po ang lagay ng tatay ko, doc?" tanong ni Kane sa doktor na lumabas mula sa kwarto. Kanina pa hindi mapakali si Kane at halos di na magkandaugaga sa paglalakad paroo't parito.


"We'll transfer him to ICU."


"P-Po? Gano'n na po ba kalala ang kalagayan niya?" Nagsituluan ang mga luha ni Kane.


"Kailangan na naming masimulan ang operasyon sa lalo't madaling panahon. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng katawan niya ang operasyon dahil sa sobra niyang panghihina ngayon. May risks ang operation. But it is better to take those risks rather than letting him die."


"We will take the risk po, doc," matapang na sambit ni Kane.


"And also... kailangan na naming gawin ang transplant ng atay sa kaniya. Si Ms. Eranista lang ang compatible para maging donor." Nakatingin sa akin ang doktor.


Napaiwas na lang ako ng tingin at napalunok. Iniwan na rin kami ng doktor matapos iyon.


"A-Ate..."


Bumaling ako sa kaniya nang tawagin niya ako. Hindi ko siya lubusang matingnan sa mga mata dahil baka mahawa lang ako sa paghagulgol niya. Napaiwas ako ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin.


"P-Please, ate. Iligtas niyo po ang tatay ko. Kung galit pa rin po kayo sa kaniya dahil sa nangyari, sa 'kin niyo na lang po ibaling lahat. Tatanggapin ko! Basta, iligtas niyo siya. Pumayag kang maging donor! P-Please! Save him, please." Lumuhod siya sa harapan ko.


Hindi ko inaalala kung magiging donor man ako. Walang alinlangan kong ibibigay ang atay ko kung 'yun ang kailangan. Ang ipinapag-alala ko, kung saan ako kukuha ng maraming perang gagastusin para sa operasyon.


"I know... y-your father will undergo an operation. You need money! You need a lot of money to pay the hospital bill. Ako nang bahala! Ako na! Basta pag-isipan mo ang pagtulong kay Axen. I may sound desperate but you are my only h-hope..."


Nanumbalik sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Tita Adeline. Napailing na lang ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.


---


Maingay na paligid. Napakaraming ilaw. Nakakasilaw ang malakas na ilaw galing sa ambulansya sa harapan ko.


"Miss, can you hear us?" tanong ng lalaki sa akin. Isa ata siya sa mga rumesponde sakay ng ambulansya.


Pipikit-pikit akong tumango.


Kung gano'n ay napapanaginipan ko na naman ang nangyaring aksidente ten years ago. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nagdaang araw ay lagi ko na lamang 'tong napapanaginipan.


At nakakamangha rin na kung anong eksaktong nangyari sampung taon na ang nakalilipas, iyon na iyon ang nakikita ko sa panaginip ko. Parang totoong nagbalik ako sa nakaraan.


Pinagtulungan nila akong isakay sa ambulansya. Napakabigat na ng mga talukap ko pero pinilit kong huwag ipikit ang mga iyon. May bagay akong kailangang alamin. Kailangan kong malaman kung sino 'yung lalaking nagtulak sa akin para hindi ako masagasaan ng van.


Mabigat ang ulong nagpalinga-linga ako habang nakahiga. Sakto namang nasa kalapit ko rin ang lalaking nasagasaan. Halos matakpan ng dugo ang buong katawan nito.


Kasalanan kong nangyari sa kaniya 'to. Kundi dahil sa kaniya, ako marahil ang naliligo ngayon sa sarili kong mga dugo. Gusto kong umiyak sa sobrang pagkaawa sa sinapit ng lalaki.


Hindi ko matingnan nang maayos ang mukha niya dahil sa nanlalabo kong paningin. Napakabigat na ng mga talukap ko dahilan para maging blurry lahat ng nasa paligid ko. Nahihirapan akong kilalanin ito.


Napadaing na lamang ako sa magkakahalong emosyon. Lamang sa mga iyon ang frustration dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paanong nangyaring umabot sa gan'to ang lahat. Gusto kong sisihin ang sarili ko.


Ginalaw ko ang mga kamay ko. Maski pagkilos man lang ng sariling kamay ay kinakailangan ko pa ng napakaraming enerhiya. Kailangan pa ng sobrang effort para maiangat ko man lamang ang braso.


Nang mapagtagumpayan iyon ay kinusot ko ang mga mata para mawala ang panlalabo ng mga iyon. Nakailang kusot ako bago ako huminto. Ilang beses kong pinikit-bukas ang mga mata ko para i-adjust at luminaw.


Agad ko nang sinipat ang hitsura ng lalaki oras na luminaw na ang paningin ko.


Puro dugo man sa buong mukha ay agad kong nakilala ang lalaking nagligtas ng buhay ko. Napaawang ang mga labi ko matapos makilala kung sino iyon. Kinusot ko pang muli ang mga mata ko para makasiguradong hindi ako namamalikmata lang. Pero kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga ang nakikita ko sa lalaki.


Ang lalaking nagligtas sa akin mula sa pagkakabangga ay walang iba kundi si...









...Axen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro