CHAPTER 22
"NARITO ka rin pala, Kent?!" Tumakbo si Kath papunta sa kinapupuwestuhan ni Kent at agad iyong niyakap. Ang sigaw na iyon ni Kath ang naging dahilan para manumbalik ako sa kasalukuyan.
Ilang segundo rin akong natulala matapos i-announce ni Axen na girlfriend niya ako sa buong PNHS. Hindi ko makontrol ang pag-init ng mga pisngi ko dahilan para mapayuko na lamang ako. Hinintay kong mawala ang atensyon sa amin ng lahat bago ko iangat ang ulo ko.
"I'm sorry."
Agad akong napalingon kay Axen nang sabihin niya iyon. "S-Sorry? Para saan?"
"Baka galit ka sa ginawa ko. I just don't want anyone to interfere us while our agreement is still ongoing. Siguro naman wala nang magbabalak na lumapit pa sa iyo dahil sa sinabi ko kanina."
Hindi ako makaimik. Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. "O-Okay?"
"Naiilang ka na ba sa 'kin?"
Natigilan ako. "Hindi, ah! Ba't naman ako maiilang?"
"Good. Hindi ka muna mag-e-entertain ng kahit na sino bukod sa 'kin. Understand?"
Wala sa sarili akong napatango. "Sa 'yo lang... s-sa 'yo lang ako." Nang mapagtanto ang sinabi ay nanlaki ang mga mata ko at agad na napalayo. Napatalikod pa ako at nasampal ang mukha. A-Anong sinabi ko?!
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Axen. "Sige, kailangan na naming simulan ang pag-distribute ng mga questionnaire. Ihahatid kita mamaya, I'll text you."
Hindi ko nagawang humarap sa kaniya dulot ng matinding pag-iinit ng mga pisngi ko. Kung pwede lang sanang lumubog sa lupa ngayon, ako na mismo ang huhukay! Ano bang nangyayari sa 'kin?! Hindi naman ako gan'to, ah.
"Girl! Magsisimula na ang klase tara na!" tawag sa akin ni Kath.
Napalingon ako sa kaniya pero makalipas ang ilang segundo ay kay Axen ko ibinaling ang paningin ko. Panay ang tawa niya kasama sina Kent at Jeoanne. Panay ang hampas ni Jeoanne sa braso ni Axen habang tawang-tawa. Teka, ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganiyan, ah. At close pala sila ni Axen?
"Miss Eranista, ano pang ginagawa mo diyan?"
Hindi ko pinansin ang tumawag na iyon.
"Miss Eranista? Magsisimula na ang klase sa subject ko."
"Saglit nga lang! Tawag nang tawag!" inis kong sigaw. Kanina pa kasi tawag nang tawag hindi naman ako bingi.
"G-Girl..." Napalingon ako kay Kath na nakasilip sa bintana sa loob ng room. "Kanina ka pa tinatawag... a-anong sinasabi mo d-diyan?"
"Huwag ka ngang tawag nang tawag." Ikinagulat ko naman paglingon ko nang makita ang subject teacher namin na masama na ang tingin sa akin. Agad na tumigil ang mundo ko. "K-Kanina pa po ba kayo diyan?"
"To the guidance office, NOW!"
---
"ANONG ginagawa mo diyan?"
Natigilan ako nang marinig ang tanong na iyon. Dahan-dahan at nahihiya kong nilingon si Kent. "Naglilinis?"
"Ba't mo 'ko tinatanong? Ikaw nga tinatanong ko diyan." Natawa siya at saka mas lumapit pa sa akin.
Nginiwian ko naman siya at saka ipinagpatuloy ang pagkukuskos ng pader. Pinabula ko ang tubig sa timba na may kaunting detergent powder. Matapos iyon ay nilublob ko ang brush at muling ikinuskos sa maitim na pader. Halos matalsikan ako ng libag sa pagmamadali kong magkuskos.
"Seryoso nga, ba't naglilinis ka diyan? 'Di ba may klase pa kayo? Huwag mo sabihing trip mo lang? Lakas-trip mo kung gano'n."
"Pa'no kung trip ko nga lang? Edi happy ka na?" imik ko habang patuloy pa rin sa ginagawa.
"Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang naman ako. Kaya minsan napapatanong ako kung paano kayo naging magkaibigan ni Kath, e. Ang layo ng ugali ninyo sa isa't isa."
Ngumisi ako. "Napapatanong din ako minsan kung ba't ka nagustuhan ni Kath, e. Ang layo ng mukha mo sa mga type niya."
"Aray naman!" Humawak pa ito sa dibdib at umaktong nasasaktan. "Sinaksak mo ang aking heart! Lapastangan!"
"Bakit?" Tumingin ako rito. "Wala namang masama sa sinabi ko, ah. Sinabi ko bang pangit ka? Ang sabi ko lang naman iba ang mukha mo sa mga type niya."
"Ano bang mga type ni Kath?"
"Mga Kpop ang datingan ng porma. Obviously, hindi tulad ng porma mo. 'Yang porma mo pang-90's, e."
Napahawak sa baba niya si Kent. "Gano'n pala ang type niya. Hmmm..."
"Nga pala, ba't mag-isa ka lang? Nasaan mga kasama mo?" tanong ko habang sinisipat sa paligid kung nasaan sila Axen at Jeoanne.
"Nagdi-distribute pa rin ng questionnaires. Natapos ko na ipamigay 'yung parte ko. Bakit? Miss mo na si Axen?" Mapang-asar niya akong tiningnan.
Napangiwi na lang ako at saka umiwas ng tingin. Kapagkuwa'y napailing na lamang ako at saka itinuon na ang pansin sa pagkukuskos ng pader na kaharap.
"Ayan pala sila, e! Nakikita mo?"
Tiningnan ko ang itinuturo ni Kent. Doon, sa malayo-layong pwesto mula sa amin ni Kent, ay naglalakad sila Axen at Jeoanne. Panay ang tawanan nila habang nakikipag-usap sa isa't isa. Iyon 'yung mga ngiti na first time ko lang makita sa mga mukha nila. Si Jeoanne, nakilala kong tahimik lang at may sariling mundo. Si Axen naman, natural nang palangiti pero may kakaiba sa ngiti niya habang kausap si Jeoanne.
"Okay ka lang?" tanong ni Kent.
Agad ako sa kaniyang humarap at tumango. "Oo naman."
"Akala ko nagseselos ka, e."
Ngumiwi ako. "Ba't naman ako magseselos? Tss." Umiwas ako ng tingin.
"Eh, 'di ba jowa mo si Axen?"
Natigilan ako. Oo nga pala, alam ng lahat na katipan ko si Axen! So may karapatan pala ako na magselos kasi boyfriend ko siya! "I mean, ba't naman ako magseselos kung alam ko namang wala silang ginagawang anumang ikakaselos ko. Nag-uusap lang naman sila."
Nice one, Heaven. Heaven pa naman pangalan mo pero sinungaling ka.
"Mabuti naman kung gano'n. Kasi kung ako, baka magselos ako kapag nakita ko ang girlfriend ko na may katawanan tas ganiyan pa sila kalapit. I mean, kahit pa alam ko namang walang malisya, masasaktan pa rin ako. Ewan ko, baka seloso lang talaga ako."
Habang binabanggit iyon ni Kent ay nasa kanilang dalawa ang paningin ko. Hinampas ni Jeoanne ang braso ni Axen pero kalaunan ay hinaplos iyon na animo'y humihingi ng pasensya dahil napalakas ang palo niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang haplos niyang iyon sa braso ni Axen. Napaiwas ako ng tingin at madiin na kinuskos ang pader na kaharap.
"Oh, dahan-dahan lang. Baka naman pumuti masiyado iyang pader."
"Lalong matutuwa 'yung guidance counselor kung gano'n. Sa dami-dami ng ipapagawa, ito pa talaga!" Muli kong nilublob ang brush sa timba na may sabon at saka ko ipinagpatuloy ang madiin na pagkuskos. "Ako lang ata ang estudyante na ganito ang punishment. Nakakainis!"
Sa madiin at mabilis kong pagkukuskos ay nagasgas ang daliri ko sa pader. Napasigaw ako sa hapdi. May sabon pa sa kamay ko kaya hindi ko naiwasang mapaihip nang maraming beses.
"Napano ka na?!" Agad akong dinaluhan ni Kent. Kinuha niya ang kamay ko at hinipan din iyon. Pinunasan niya gamit ang panyo niya ang kamay ko. "May clinic ba kayo rito?"
"Hindi na! Okay lang 'to. Nagulat lang ako pero magiging okay din ako." Pinagpatuloy ko ang pagba-brush pero pinigilan ako ni Kent.
"Tama na iyan. Baka ma-infect iyang sugat mo kapag hindi mo pa pinalinis iyan. Ang dumi pa naman ng pader na iyan. Sige ka, may lalabas na kalabaw diyan pag di ka pa nakinig."
Bumuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa' y nakinig din ako sa kaniya at umupo na lamang sa may bench. Wala kaming clinic dito sa PNHS kaya si Kent na lamang ang nagprisintang mag-intindi ng sugat ko. Nilinis niya iyon at nilagyan ng band aid.
"Salamat."
"Walang anuman! Sa susunod kasi, huwag nang kimkimin pa ang pagseselos. Sasabog ka kapag kinimkim mo. Tulad niyan, sa pader mo pa naibunton 'yung selos mo. Bumalik tuloy sa iyo."
Ngumiwi ako. "Hindi nga ako nagseselos."
"Weh? Halata naman, e. Huwag mo nang itanggi!"
"Hindi nga." Napatingin ako kay Jeoanne at Axen. Ba't ko naman sila pagseselosan? Wala naman akong karapatang magselos kung sakali. Hindi naman totoong kami. Saka hindi naman talaga ako nagseselos!
"Mamatay man?"
"Mamatay man ang kuko ko," agad kong sagot.
"Kuko sa paa't kamay?"
"Isama mo na rin mga kuko mo! Hindi nga kasi ako nagseselos."
Mapang-asar akong tiningnan ni Kent.
"Alam mo bagay talaga kayo ni Kath, parehas kayong bwisit na mapang-asar!" Akma ko itong hahampasin pero inilagan naman niya habang natatawa. Natawa na lamang din ako sa hitsura niyang takot na takot sa hampas ko.
Hindi sinasadyang napunta ang tingin ko kina Axen habang panay ang tawa namin ni Kent. Ikinagulat ko naman nang makitang nasa amin na rin ang paningin ni Axen. Nagsalubong ang paningin namin pero ako na ang kusang nag-iwas ng tingin. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa amin dahilan para bahagya akong matigilan.
"Anong ginagawa mo rito? Wala ba kayong klase?" agad na tanong ni Axen.
Napatingin ako kay Jeoanne na sumunod lang din kay Axen. Pero ibinalik ko rin ang tingin kay Axen dahil mukhang nag-aabang ito ng sagot ko. "May pinagawa sa 'kin. Pinaglinis ako."
"At bakit ikaw lang?"
"As punishment? Basta mahabang kuwento."
"At napano iyang kamay mo?" seryoso pa ring tanong ni Axen. Nandidilim ang awra niya, bagay na kadalasan ko lamang makita sa kaniya kapag nasasali sa usapan ang Papa niya.
"Nasugatan siya kaya tinulungan ko siyang--"
"Tumahimik ka, hindi kita kinakausap," pagputol ni Axen sa sinasabi ni Kent.
Nagsalubong agad ang mga kilay ko dahil doon. "Anong problema mo, Axen? May ginawa ba kami sa iyo?"
"Kailangan nating mag-usap." Tiningnan niya sila Kent at Jeoanne na kusa namang umalis matapos makaramdam.
"Anong kinakagalit mo, ha, Axen? Kinakausap ka namin nang maayos ni Kent tapos magpapaandar ka na akala mo may kasalanan kami sa 'yo."
"'Di ba kakasabi ko lang kanina na huwag kang mag-e-entertain ng iba habang may agreement pa? At hindi ako galit, okay? Nabigla lang ako sa nakita ko. Ano na lang iisipin ng mga tao kapag nakita nila 'yung nakita kong ginagawa niyo ni Kent? Ang alam nila may boyfriend ka at ako 'yun."
Naglabas ako ng peke at sarkastikong tawa. "Totoo ka ba?"
"Alam kong naiintindihan mo ang punto ko, Heaven."
"Hindi, hindi ko naiintindihan! Ba't pag ako, hindi pwede? Tapos ikaw kung makipaglandian ka kay Jeoanne, okay lang?" Hindi ko na napigilan pang sumigaw. Buti na lamang at nasa pwesto kami na walang classroom kaya walang nakakarinig sa amin kundi kami lang.
"Anong--hindi ako nakikipaglandian kay Jeoanne. We were doing an important matter! Groupmates kami sa Research!"
"At wala rin kaming ginagawang masama ni Kent! Tinulungan niya lang ako."
"Bakit gano'n siya kalapit? Iniisip ko lang kung anong sasabihin ng ibang pwedeng makakita sa inyong dalawa."
"Wala nga kaming ginagawang masama! Hindi mo rin ba naisip na baka sa inyong dalawa ni Jeoanne may isiping iba ang mga tao? Kayo ang mukhang mag-jowa na panay ang tawanan, e! Kung makakapit pa sa 'yo si Jeoanne akala mo linta!"
Napahilot sa sintido niya si Axen habang ako naman ay napahingal na lamang sa dami ng sinabi ko. Nagsalubong ang tingin naming dalawa pero parehas kaming umiwas sa tingin ng isa't isa.
"This is pointless. Walang patutunguhan 'tong argument natin."
Ngumisi ako. "Sinabi mo pa. Ikaw lang naman 'tong pinipilit na may ginagawa kaming masama ni Kent. Ikaw 'tong kung anu-anong iniisip at binibigyan ng malisya ang mga kilos namin."
"What?! That's not my point. Inaalala ko lang kung anong pwedeng isipin ng mga tao. Ang alam nila boyfriend mo 'ko tapos..."
"Oh, di ba! That's the same thing! Binibigyan mo ng malisya ang pagtulong sa 'kin ni Kent."
"No."
"Aba, no din!" Pinagkrus ko ang mga braso ko.
Dinig ko ang pagbuntonghininga ni Axen. "Mag-usap na lang ulit tayo kapag parehas nang maayos ang mga isip natin."
Hindi ako umimik at hinayaan siyang umalis sa kung nasaan man kami. Iniwan niya akong mag-isa, hindi alam kung maiinis o matatawa sa sitwasyon naming dalawa. Nakakainis na kailangan pa naming magtalo sa simpleng bagay at nakakatawa din dahil kung makaasta kami ay akala mo magjowa talaga. Nakakainis na ewan.
Lumipas ang ilang minuto at uwian na. Nag-text sa akin si Kath na gagala daw sila ni Kent kaya hindi niya ako masasamahan pag-uwi. Nagdadalawang-isip naman ako kung uuwi na o maghihintay pa rito dahil sabi kanina ni Axen, ihahatid niya ako.
Kaunti na lamang ang mga tao rito sa school at papadilim na ang kalangitan. Paglipas ng ilang minuto ay unti-unti nang tinatakpan ng kadiliman ang buong campus. Ang bilis lang. Kailangan ko na sigurong umuwi dahil hindi naman na siguro ako ihahatid pa ni Axen.
"Heaven..."
Napalingon ako sa tumawag na iyon at agad na natigilan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro