Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

“ANONG romantic movie ang magandang panoorin ngayon?” tanong ko kay Kath sa kabilang linya. Magkatawagan na naman kami, as usual. Matapos akong ihatid kanina ni Axen ay hindi na ako mapakali kaya agad kong tinawagan si Kath.

“Romantic movie? Para saan? I mean, bukod sa A Walk to Remember, wala ka nang ibang pinanood na movie with the same genre kasi sabi mo nako-corny-han ka. So anong himala 'to?”

Yumakap ako sa unan na katabi at nagtalukbong ng kumot. Medyo hininaan ko rin ang boses dahil baka marinig ako ni Mama sa kabilang kwarto. “Wala naman. Masama bang manood ako ngayon ng romantic movie?”

“Hmmm…” Alam ko na agad na nakahawak siya sa baba na animo’y nag-iisip nang malalim base sa boses niya. “Sure akong may something. Sabihin mo na, girl. Napo-fall ka na ba kay Axen, ha?”


Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi, ah!” agad kong tanggi. “Ano namang konek n’on sa panonood ko ng romantic movie?!”

Humalakhak nang pagkalakas-lakas ang kaibigan ko kaya inilayo ko ang cellphone sa tainga ko. “Malay ko ba kung gusto mong maka-relate sa pinapanood mo para lalo kang kiligin! Hoy, huwag ako, ganiyan ginagawa ko!”


“Hindi ‘no! Gusto ko lang makakuha ng idea kung anong mga bagay na ginagawa ng mga real couple. Alam mo na…”



“Girl, oh my gulay! Bakit mo gustong malaman?!”


“Ba’t ba ang OA mo ngayon? Mamaya pagalitan ka diyan ni Tita kasi ang ingay-ingay mo, gabing-gabi na. Gusto ko lang naman mas maging effective ‘tong pagpapanggap namin ni Axen. NBSB ako, remember? Anong alam ko sa ginagawa ng mga magkatipan?” Bumuntonghininga ako. Malinis ang hangarin ko. Gusto ko lang talagang makatulong. Wala akong hidden agenda o anuman!


"Kailangan mo pa ba 'yun? Kung makapaglandian nga kayong dalawa parang tunay na tunay, e." Tumawa ito.


"Sa tingin mo ba effective na 'yun? I mean, so far, wala pa namang kumukuwestiyon sa fake relationship naming dalawa pero... gusto ko lang makasigurado."


"Tingin ko naman alam ni Axen ang ginagawa niya. Just go with the flow, girl! Baka lang maging awkward kapag may ginawa kang kung anu-anong ka-corny-han sa kaniya."



Hindi ako nakaimik matapos iyon at bumuntonghininga na lamang muli. Matapos ang ilang segundo ay hindi ako nakatiis at muling umimik. "At saka pala may itatanong ako..."

"Ano 'yun, girl? Itanong mo na bago ko ibaba 'tong linya."

Ilang beses akong huminga nang malalim habang iniisip kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong. "A-Ano ba ang... feeling ng taong inlove?"

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Kapagkuwa'y pagtawa ni Kath ang umalingawngaw sa kabilang linya. "Bakit mo naman tinatanong? Feeling mo ba inlove ka na?"


"W-Wala. Huwag na nga. Kalimutan mo na lang." Tumikhim ako.

"Hindi, pag-usapan natin 'to," pang-aasar ng kaibigan ko. "Sinong malas na lalaki ang nagustuhan mo? Spill na! Sapok ang magsinungaling."


"As if naman nandito ka para sapokin ako."

"So magsisinungaling ka talaga?" puno ng pagkadismayang tanong ni Kath.

"Wala nga kasi, kalimutan mo na lang 'yung tinanong ko. Sige na, bye, sobrang late na. May pasok pa tayo bukas." Nang magpaalam na rin si Kath ay agad kong ibinaba ang linya. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa ubod ng lakas ng pagkakatibok ng puso ko roon.


---


KINABUKASAN, maagang pag-aaway nila Mama ang gumising sa akin. Tulad ng nakasanayan ay umalis si Papa nang matindi ang galit sa aming mag-ina. Mabuti ngang hindi niya sinaktan si Mama, physically. Matitiis ko pa siya ngayon pero kapag sinaktan niya si Mama, ibang usapan na iyon.


"G-Gising ka na pala, Heaven." Agad na tumalikod si Mama sa akin at nagpunas ng pisngi. "Kumain ka na, anak. Hindi na kinain ng papa mo 'tong pagkain niya. Maaga raw trabaho niya, e."


Kahit na alam kong hindi naman iyon totoo ay tumango na lamang ako at umupo sa tabi niya. Sinamahan niya pa rin ako sa pagkain kahit bahagya nang nanginginig ang mga kamay niya at namamasa na ang mga mata. Naikuyom ko na lamang ang kamao habang sinusumpa sa isip ang ama ko.


"Tao po."



Ang kaninang bahagyang salubong kong mga kilay ay bumalik sa normal nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Natigilan ako at nasamid kaya napainom ako ng tubig.



"Xianiel!" bati ni Mama habang nakatingin sa may bandang pintuan. Bumalik ang pagkakangiti sa bibig niya na ikinatuwa ko naman.


"Good morning po, Tita. Susunduin ko lang po sana si Heaven."


"Heto't kagigising lamang. Pasok ka muna, Utoy, hane? Pakihintay na lamang at maliligo na ito."



Hindi na ako nakaimik lalo pa nang pagmadaliin ako ni Mama sa pagkain. Halos siya na rin ang magpaligo sa akin sa sobrang pangmamadali sa 'kin.

---

"KUMAPIT ka na," ani Axen at iniyakap ang mga braso ko sa bewang niya. Hindi naman na ako nakatutol at napalunok na lamang sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Kanina pa rin panay ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.


Halos wala akong imik habang nasa biyahe kami. Sumasagot naman ako kapag tinatanong niya pero bukod pa roon ay hindi na ako nagsalita pa. Animo'y nagdikit ang mga labi ko't nakatikom lamang.


Hanggang sa makarating kami sa PNHS ay panay pa rin ang pananahimik ko. Well, wala naman akong sasabihin kaya ba't ko pa kailangang magsalita?


"Mamaya, pupunta ako rito sa school niyo," imik ni Axen matapos kong bumaba ng motor niya.


Taka ko siyang pinakatitigan. "Bakit?"


"Magka-conduct kami ng research at kukuha kami ng respondents dito. Sinasabi ko lang para hindi ka na magulat kapag nakita mo 'ko rito mamaya."



Napatango na lamang ako. Hindi ako makahanap ng mga tamang salita. Tulala lamang ako.


"Bye, kita ulit tayo mamaya." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi na lalo kong ikinatigil.



Napako ako sa kinatatayuan habang pinoproseso ang nangyari. Mabilis na halik lamang iyon pero pakiramdam ko'y bumagal ang ikot ng mundo mula paglapit niya hanggang sa paghalik sa pisngi ko. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kausapin siya o ano dahil kaagad siyang umalis matapos iyon.


Panay naman ang tili ng iba kong schoolmates. Late ko nang na-realize na nasa public place pa rin pala kami at malamang na maraming nakakita ng ginawa ni Axen. Hindi maiwasang mamula at uminit ng mga pisngi ko habang nagmamadali nang naglakad papunta sa quadrangle. Flag ceremony na kasi.


---


"GIRL, matanong ko nga pala, ano 'yung nabalitaan ko na may kahalikan ka raw sa gate kanina?" tanong ni Kath sa akin at saka ako hinampas sa braso.


"H-Ha?" naguguluhan kong tanong. Bigla-bigla na lang kasi akong kinausap.


"Wala! Bakit ka ba kasi tulala diyan? Gano'n na ba kahirap 'yung lesson natin kanina at hanggang ngayong lunch break tulala ka pa rin?"


Napakamot ako sa batok. "Mahirap, oo. Sobra."


"Ewan ko sa iyo. Hindi ka makausap nang maayos. At saka ano ba iyang nasa tabi mo? Bulaklak ba iyan? Kanino galing?"


Napatingin ako sa itinuturo ni Kath. Ikinagulat ko naman nang makakita ng boquet of flowers sa katabi ko. May note pa roon na agad kong binasa. "Sana magustuhan mo ang mga bulaklak na ito."


"Galing iyan kay Axen 'no?"



Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Wala namang pangalan ni Axen so baka hindi sa kaniya galing."


"Eh siya lang naman ang 'boyfriend' mo. Feeling mo ba may iba pang pwedeng magbigay niyan sa iyo? Kay Axen galing iyan, pramis talaga! Kotongan mo 'ko pag mali hula ko!"


Napabuntonghininga na lamang ako. Wala rin naman akong pakialam kung kanino man galing iyang bulaklak. Hindi ako mahilig sa mga ganiyan. Pero siyempre, tatanggapin ko pa rin bilang respeto sa nagbigay.


Lunch time na pero maaga kaming natapos ni Kath kumain ng mga baon namin. Kaya heto, tulala lang kaming pareho sa loob ng classroom. Wala rin naman kaming mga assignments na gagawin. Nakakaantok tuloy kasi wala akong magawa.



Sa gitna ng paghihikab, natigilan ako nang magtilian sa labas ng classroom. Agad kaming naalerto kung anong meron. Napatayo pa si Kath sa kinauupuan at tumingin sa labas. Matapos iyon ay sa akin naman siya bumaling habang nanlalaki ang mga mata. Tulad ng mga nasa labas ay nagtitili siya at agad na tumakbo papunta sa akin. Hinila niya ako patayo mula sa pagkakaupo ko.



"Ano bang meron? Ba't sumisigaw ka?" naguguluhan kong tanong.



"Girl! Oh my gulay talaga! You need to see this!" Patuloy niya akong hinila habang ako ay takang-taka pa rin sa nangyayari at sa mga ikinikilos niya.



Pagkapunta namin sa pinto, natigilan ako nang makita roon si Axen na may dalang bulaklak. Anong nangyayari?


Nakangiti si Axen habang lumalapit sa akin tangan ang mga bulaklak. Sobrang lakas ng tilian ng mga kaklase ko pati na ng mga estudyante sa labas. Lahat ay nasa amin ang atensyon.



"Heaven..."



Naguguluhan ko siyang tiningnan. "A-Ano 'to? Anong meron?"



"Happy monthsary, babe." Iniabot niya sa akin ang boquet of flowers saka niya ako niyakap.


Wait, monthsary? Teka, ba't hindi ko 'to alam? Isang buwan na ba kaming magkatipan? Hindi ako aware!



Tinanggap ko ang iniaabot niya sa aking bulaklak habang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Masiyado akong nabigla. Hindi ko rin alam ang dapat na maramdaman ko. Pero aaminin kong masaya ako, hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Kahit pa alam ko namang kunwari lang lahat ng 'to, basta masaya ako. No explanations.


"Monthsary niyo pala! Kaya pala may pa-bulaklak kang binigay din kanina!" pasigaw na imik ni Kath. Halos hampasin nito si Axen sa kilig.


Naguguluhan siyang tiningnan ni Axen. "Anong bulaklak?"


"'Yung nasa tabi ng upuan ni Heaven. Hindi ba sa iyo galing 'yun?" tanong pabalik ni Kath, naguguluhan na rin.

Agad na umiling si Axen. Tumingin siya sa loob ng room. "I did not send that boquet."


"So kanino galing 'yun?" si Kath.


Hindi ako makaimik at makasingit. Nabigla pa rin ako sa nangyayari.



"I guess someone is hitting on my girlfriend," bulong ni Axen na narinig ko naman. Kinuha niya ang wireless mic sa tabi ng room namin at ini-on iyon. "Heaven is my girlfriend. Understand, PNHS? Girlfriend ko si Heaven Eranista at huwag na kayong magpadala ng bulaklak o manligaw sa kaniya dahil taken na siya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro