
CHAPTER 20
“WALA ka bang gagawin ngayong araw ng Linggo?” tanong ni Axen sa kabilang linya. Ayaw ko sanang sagutin ang tawag niya pero panay naman ang ring ng cellphone ko.
“Wala.” Gusto ko lang talaga humilata sa kama buong araw.
“Then... should we go on a date?”
Napaawang ang mga labi ko nang marinig iyon. Kaswal na kaswal ang pagkakasabi niya ng bagay na iyon na para bang normal na gawain sa kaniya. “Date?” taka kong tanong.
“Yes, date. Nagpapanggap tayong magkatipan kaya dapat lahat ng ginagawa ng magkarelasyon, ginagawa rin natin. Pero kung may gagawin ka naman, pwede namang hindi muna sa ngay--”
"Sige, sunduin mo 'ko rito sa 'min." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. May importante rin naman akong sasabihin kay Axen. Mabuti nang magkakaroon ako ng pagkakataong sabihin iyon sa kaniya. Pagkatapos niya akong ihatid kagabi rito sa bahay, pinag-isipan ko talaga 'tong sasabihin ko.
Ibinaba ni Axen ang tawag matapos niya akong bigyan ng overview sa kung saan kami pupunta at ano ang kailangan kong suotin. Casual lang daw. Wala naman na akong sinayang na pagkakataon at naghanda na ako ng sarili.
---
"LET'S end this agreement," imik ko matapos ang matagal na pananahimik. Narito na kami sa Sorel para sa date na sinasabi niya. Kanina pa ako walang imik dahil sa pag-aabang ko ng tamang tiyempo para sabihin ang kagabi pang gumugulo sa isip ko.
Hindi nakaimik si Axen. Napaawang ang mga labi nito at saka sumimsim sa kapeng hawak. Pinakatitigan niya lamang ako, kahit pa naghihintay ako ng kung anumang sasabihin niya.
"Kagabi ko pa 'to pinag-isipan. Wala rin namang benefit 'yung agreement natin sa fake relationship, e. Sa part mo, ayaw rin namang pumayag ni Sir Arman na mag-BEED ka. Sa part ko, hindi naman laging nasa tabi kita para mataboy mo si Shun lalo na ngayon na tapos na ang immersion at babalik na tayo sa kaniya-kaniyang school. Isa pa, lagi pa rin namang malungkot si Mama dahil kay Papa. Wala ring dulot ang agreement natin sa isa't isa. Lahat ng dahilan kung ba't ako um-agree, hindi naman nangyayari."
"Bakit ngayon pa?"
"Ha?" tanong ko.
"Sa katapusan ng next month, entrance exam na para sa BEED course diyan sa SLSU. Hayaan mo na munang makapag-exam ako bago natin tapusin ang agreement. Paniguradong hindi lalo papayag si Papa sa gusto ko pag nalaman niyang nag-break tayo."
"Pero--"
Hindi ko naipagpatuloy ang pag-imik nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. Pinakatitigan niya ako sa mga mata ko, hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin dahil doon. Iyan na naman ang mga sinsero niyang mga mata. Nakikiusap ang mga iyon. "Please, Heaven, kung pakiramdam mo hindi ko nagawa ang part ko sa agreement natin, babawi ako. Sisiguruhin kong hinding-hindi na talaga makakalapit sa 'yo 'yung Shun na 'yun."
Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "I don't know, Axen. I don't know."
"I promise, I'll be a good boyfriend to you." Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon nang mabilis.
Natigilan ako dahil sa ginawa niya't nanigas sa kinauupuan. "Axen..."
"What? We're in a fake relationship. Kailangan kung anong ginagawa ng real couple, ginagawa rin natin. Now, let's get out of here." Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit habang naglalakad kami sa baywalk. Sa lamig ng panahon ay hinayaan ko ang pagkakahawak ng mga kamay namin sa isa't isa. Nakatulong kasi iyon para mabawasan ang lamig.
Gusto pa sana ni Axen na mag-ice cream kami nang may madaanang ice cream parlor pero hindi ako pumayag. Ang lamig na kasi tapos kakain pa ng malamig. Umupo na lamang kami sa seawall at pinagmasdan ang dagat. Tumirik ang araw kaya ang kaninang lamig ay nawala at napaltan ng init. Wala kaming nagawa kundi sumilong sa malaking payong na may lamesa't upuan sa lilim.
Tuwang-tuwa si Axen dahil makakabili na siya ng ice cream. Natawa na lamang ako sa hitsura niyang parang bata habang pumupunta sa bilihan nang may malaking ngiti sa labi. "And this is for you!" abot niya sa akin ng chocolate ice cream.
"Thank you." Tipid akong ngumiti rito saka kinuha ang iniaabot.
"Naaalala mo 'yung sabi ko na halos isang buwan na tayong nasa fake relationship pero wala pa rin tayo masiyadong alam sa isa't isa?"
Tumango ako bago muling ipinagpatuloy ang paglantak sa ice cream.
"Ngayon tayo mag-share ng mga bagay-bagay tungkol sa 'tin. Para naman convincing na girlfriend kita. Baka kasi bigla akong tanungin ng kung sino kung anong favorite color mo tapos wala akong maisagot. Nakakahiya."
Natawa ako dahil doon. Para siyang batang nagmamaktol at napakahaba ng pagkakanguso. "White ang favorite color ko."
Namilog ang bibig ni Axen. "Bakit white?"
"Kasi... wala lang. Parang ang peaceful lang tingnan. Tsaka pansin ko kasi, siya 'yung kulay na pinaka-overlooked. Hindi pinapansin, hindi napapahalagahan ng iba. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, favorite color ko na siya para di niya ma-feel na nababalewala siya. Ayaw ko rin kasi ng gano'ng pakiramdam." Muli akong sumubo sa hawak na ice cream saka tumingin sa kalawakan ng dagat na kaharap.
"Black naman ang sa 'kin."
Natigilan ako nang marinig iyon. "Totoo ba iyan? Baka sinasabi mo lang iyan para kunwari coincidence na opposite colors ang favorite natin," pagbibiro ko at saka tumawa.
"Oo, totoo nga. Seryoso. Simula bata pa ako black na ang favorite color ko. Ang elegante kasing tingnan ng black. At saka madalas nilang ina-associate sa kamalasan ang black. Kawawa naman si black, na-judge na agad nila."
Natawa akong muli sa hitsura ni Axen na animo'y awang awa sa kulay na iyon. "Ang deep mo naman pala. Hindi ko iyon inaasahan sa iyo."
"Mas deep nga 'yung sa 'yo, e. Nakigaya lang talaga ako. Baka kasi matawa ka kapag sinabi kong black ang favorite color ko kasi may black akong pusa dati."
Napatingin ako sa kaniya. "Ano namang nakakatawa do'n? Ano ban nangyari sa pusa mo?"
"May black kasi akong pusa dati. Tapos in-abuse ni Dad kasi sabi niya 'yung pusa daw na 'yun ang dahilan kaya minalas ang businesses namin dati. Sobra akong nalungkot n'on kasi pusa lang naman siya ba't sa kaniya isisisi? Hindi ko rin maintindihan si Dad n'on kasi 'di ba kapag businessman ka, dapat alam mo 'yung mga factors kung ba't ka nalulugi sa business mo? Pakiramdam ko nga dati, si Dad talaga ang may kagagawan kaya nalugi tapos naghanap lang siya ng sisisihin."
"Condolence."
"Salamat. Matagal na rin naman 'yun. Okay na 'ko. Kala ko nga pagtatawanan mo 'ko kasi pusa lang naman 'yun ta's nagkakaganito ako."
Ngumiwi ako. "Hindi 'no. Ang sama naman ng ugali ko kung gan'on."
"Saan ka ipinanganak?" tanong ni Axen out of the blue.
"Ha?"
"Next question na tayo."
"Ah, okay. Sa bahay lang ako pinanganak, sa bahay namin. Inabot na kasi si Mama doon. Nagpatawag na lang si Papa ng komadrona. Kasi wala naman dating doktor masiyado dito sa Polillo, kaya kadalasan sa bahay lang napapanganak. Ikaw?"
"Ako?" Umehem si Axen. "Sa Ospital ng Maynila ako pinanganak. Nakasabay pa nga 'yung panganganak ni Mom sa shooting ng pelikula nila Sharon Cuneta. Tapos ang sabi nila, imbes daw na manganak mas gusto daw ni Mom makita sila Sharon."
Natawa ako doon. "Sharonian siguro talaga ang Mama mo."
"Oo." Tumawa din ito. "Favorite movie?"
"A Walk to Remember," agad kong sagot nang walang pag-aalinlangan.
"No way. That's also my favorite movie!"
"Ows? Talaga?" di makapaniwalang tanong ko.
"Hindi lang halata. Kaya ako napagkakamalang bakla, e." Napakamot ito sa batok saka nahihiyang tumingin sa akin.
"Ano ka ba? Wala naman 'yun sa gan'on. Kahit Barbie pa ang favorite movie mo hindi n'on made-determine kung ano ka. Nakakatawa lang din na binabase lang ang sexuality sa kung ano ang ginagawa at ikinikilos mo. I mean, yes that could be a factor. Pero hindi ka doon mainly babase. Ang pinaka-advisable na gawin ay tanungin ang tao kung ano siya at kung ano ang sabihin niya, 'yun ang dapat pagbasehan."
"Dahil sa grabeng advocacy mo na iyan, hindi ko tuloy maiwasang maisip... part ka ba ng LGBTQ+?"
"Kapag nag-yes ako, ija-judge mo ba ako?" Pinakatitigan ko ito.
"No, why would I? Wala akong karapatang i-judge ka. Sino ba naman ako? Hindi naman ako perpekto--"
"Calm down, pretty boy." Natawa ako saglit. "I'm not a part of it. Ally ako." Kita ko ang marahas na pagtaas ng dibdib ni Axen kaya natawa ako. "Bakit parang nakahinga ka nang maluwag?"
Umiwas naman siya ng tingin. "W-Wala."
Muli naman akong natawa. "Nakita ko, eh. Para kang nabunutan ng tinik."
"Kasi nga..."
"Kasi ano?" nakangiti kong tanong.
"Kasi..."
"Kasi?" Napatingin ako sa orasan ko, inip na.
"Kasi--"
"Heaven! Axen!" Natigilan naman kaming dalawa ni Axen nang marinig ang pagtawag na iyon. Napalingon kami at saka ako napangiti nang makita si Kath at Kent. Magka-holding hands silang dalawa at may ngiti rin sa mga labi. "Nandito rin pala kayo? Nagdi-date din ba kayo?"
Tumango ako. "Inaya ako nitong si Axen, e."
"What a coincidence! Kami rin! Inaya din ako nitong si Kent. Pumayag na rin ako kasi hindi na kami magkakasamang dalawa. Tapos na ang immersion, e. How sad talaga!"
"Makikipag-break dapat ako kay Axen ngayon kaya ako pumayag makipagkita. Ayaw pumayag, e," pagbibiro ko. Napabusangot naman si Axen sa tabi ko. Napakahaba ng pagkakanguso nito. "Joke lang, baliw!" Tumawa ako.
"Ako nga, titigil na sana sa panliligaw pero ayaw naman pumayag nitong si Kath," pagbibiro ni Kent. Bahagya naman siyang siniko ng kaibigan ko. "Teka! Bakit ba kasi hindi mo pa ako sinasagot? Halata namang gusto mo rin ako?" Nagpapogi pa itong si Kent pero nginiwian lang siya ni Kath.
"Patience, okay? At saka hindi pa ako ready sa commitment for now! Be patient ka lang muna! Malalaman kong totoong gusto mo rin ako kapag nakapaghintay ka!"
"Baka naman mangalansay na ako hindi mo pa rin ako sinasagot?"
"Ang OA! Wala pa ngang one month mo akong nililigawan! Sapak you want?" Umirap si Kath at akmang hahampasin si Kent.
Wala naman kaming nagawa ni Axen kundi matawa sa kakulitan nilang dalawa. Bagay na bagay talaga sila, parehong pinaglihi sa ligalig. Maya-maya'y nagpaalam na rin silang didiretso na para sa date daw nila. Naiwan tuloy kami ni Axen.
"Ang cute nila 'no?" naiilang kong tanong. Wala kasing umiimik sa amin kahit pa ilang minuto nang wala sila Kath.
"Kung sakali man na maging tayo talaga..."
Agad akong napatingin kay Axen nang sabihin niya iyon. Umiwas naman siya ng tingin habang ang mukha ay namumula. "Hmm?" taka kong tanong.
"Wala. Kalimutan mo na lang."
Dahan-dahan akong napatango, nawiwirduhan sa kaniya at sa gusto niyang sabihin. Ano bang dapat sasabihin niya?
"Tayo na," pag-aaya nito sa akin.
Wala naman na akong sinayang na panahon at tumayo na mula sa pagkakaupo. Itinapon naming dalawa ang pinaglagyan ng ice cream naming kinain.
---
"I ENJOYED this day, Axen. Sorry nga pala kung bigla-bigla kong gustong itigil ang agreement. I was being selfish."
Ngumiti siya sa akin saka pinaandar na ang motor. "You're welcome. At kung talagang hindi ka naman komportable sa agreement natin, pwede naman nating itigil--"
"Hindi," agad kong pagputol sa sinasabi niya. "Okay lang sa 'kin. Tutulungan kitang kumbinsihin ang Daddy mo na hayaan kang mag-take ng BEED course. Wala na akong pake kung beneficial pa sa akin o ano, basta't tutulong ako sa iyo. Parehas tayong magiging teacher, pangako iyan."
"Heaven..."
"Huwag ka mag-aalala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pumayag si Sir Arman."
Bumuntonghininga siya. "You don't have to do that."
"Tutulungan kita dahil gusto ko, may agreement man o wala." Ngumiti ako sa kaniya.
Itinigil niya ang motor niya at saka siya bumaba roon, bagay na ikinagulat ko. Lumapit siya sa akin habang naroon sa mga mata ang sinseridad. Napalunok ako nang makita na naman sa mga mata niya iyon.
"B-Bakit ka bumaba? Akala ko ba aalis ka na?"
Mas lumapit pa siya. Ikinagulat ko naman nang kabigin niya ako palapit sa kaniya. Huli na nang mapagtanto kong yakap niya na ako. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata dahil doon. "Salamat, Heaven. Salamat talaga."
Sa pagkagulat ay agad ko siyang naitulak. Nanlalaki ang mga mata akong nagtatakbo papunta sa loob ng bahay. Napakapit pa ako sa dibdib kong panay ang kabog. Sinilip ko pa siya sa bintana habang panay pa rin ang pagtibok ng puso ko nang sobrang lakas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro