CHAPTER 12
"TULUNGAN na kita." Sinabayan niya ang pagkuha ko ng mga nalaglag na papel. Ni hindi ko na nagawang tumingin sa mukha ng taong iyon. Gayunpaman ay nakilala ko pa rin siya base sa boses niya. Iniabot niya sa akin ang mga nakuha niyang papel.
"Salamat," matabang kong pagkakaimik. Hindi man lamang ako tumingin sa kaniya at muli nang ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Pwede ba ulit tayong mag-usap mamayang uwian?"
Nang marinig ang tanong na iyon ay nawalan na ako ng pamimilian kundi ang lingunin siya. Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan. "Ano pang pag-uusapan natin, Shun? Nakukulangan ka pa rin ba sa mga nangyari kahapon?"
"Gusto ko sanang makapag-usap tayo nang mas maayos."
"Ikaw muna ang umayos bago mo ako kausapin. Dahil ako, maayos akong nakikipag-usap sa iyo. Ikaw lang 'tong kung anu-ano ang sinasabi."
Bumuntonghininga si Shun at saka na umalis doon. Napatingin na rin kasi sa kinaroroonan namin si Ma'am Dennise. Nakakahiya naman kung dito pa kami magbangayan.
"Heaven..."
Napalingon ako kay Ma'am Dennise nang tawagin niya ako.
"Sir Arman appointed Xianiel in this department. Magsasama kayo sa trabaho. Is that okay with you?"
Natigilan man ay hindi ako nagpahalata at agad na tumango. As if namang may magagawa pa ako. Kahit tumanggi ako, paniguradong hindi pa rin naman ako ang masusunod.
"Hi, workmate." Inilahad ni Axen ang kamay niya sa harapan ko habang ngiting-ngiti.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.
"What a rude way to welcome your workmate."
"Hello, workmate." Nagpakita ako ng pilit na pilit na ngiti. "Ano, okay ka na? Narito ako para magtrabaho at hindi para makipagbangayan sa iyo, kaya please, huwag mo ako guluhin."
Tumawa ang lalaking kausap ko na siyang ipinagtaka ko. Ni hindi naman ako nagsabi ng kahit anong nakakatawa. "Ang dami mo namang sinabi. Nag-hi lang naman ako." Pigil na pigil pa rin ang pagtawa nito.
Nang tingnan ko si Ma'am Dennise ay napailing na lamang ito. Alam kong wala itong magagawa dahil anak lang naman si Axen ng boss niya. Pero hindi naman siguro gagamitin ng asungot na 'to ang posisyon niya para magpapetiks-petiks lang dito sa trabaho.
"Anong gagawin natin?" tanong niya habang pinagmamasdan ako.
Agad ko namang binuhat ang isang tambak ng mga papel at pinatong sa table na kaharap niya. "I-arrange mo alphabetically lahat ng iyan based sa surnames nila. And then, ilagay mo rito sa cabinet based sa mga letters na naka-label. Ano, gets mo na?"
Tumango siya habang hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti.
Hindi naman na ako nagsalita at pinagpatuloy na lamang ang panibagong pag-arrange ng mga nahulog na papel kanina. Kung hindi ko lang sana nahulog, baka matatapos na ako rito sa isa pang tambak ng mga papel.
"Huwag masiyadong busangot," natatawang imik ni Axen.
Inirapan ko ito at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Minadali ko na at makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na rin! Hindi ko napigilang mapangiti at saka binuhat ang isang katerbang papel. Ilalagay ko na sa cabinet para masimulan ko na i-arrange iyong isa pang tambak.
"Teka, ang dami niyang buhat mo. Ba't hindi mo hatiin? Baka mahulog lang. At saka abot mo ba iyan?" Lumapit sa akin si Axen at akmang kukuhain ang buhat kong ilalagay ko na sa itaas na bahagi ng cabinet. "Akin na, hatiin natin."
"Huwag ka magulo. Ilalagay ko na."
"Baka hindi mo lang mailagay nang maayos at magsilaglagan." Pilit niyang kinuha sa akin ang hawak ko.
"Ba't ka ba nangingialam? Malalagay ko na sa loob, bumitaw ka na."
Hindi pa rin nagpatalo ang asungot at patuloy lamang na nakipag-agawan sa akin. Bwisit talaga! Kung binibitawan niya na lang, edi nailagay ko na sana sa loob ng cabinet!
"Bumitaw ka na, Axen. Ano ba?! Lalo lang matatagalan."
"Mahihirapan ka lang. Mas lalong dadami ang trabaho mo pag natapon iyang mga papel."
Hinila niya sa akin ang hawak ko. Hinila ko rin naman pabalik. Ayaw talaga magpatalo ng asungot.
"Bumit--" Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi nang magsilaglagan ang papel sa mukha ko. "Ayan! Kasalanan mo 'to, e!"
"O, 'di ba nalaglag? Sabi ko naman sa iyo, ayaw mo kasi makinig."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ako? Kung hindi ka lang nanggulo, nailagay ko na sana sa cabinet iyang mga papel! Hindi na sana nahulog kundi dahil sa iyo!"
Akma ko nang papaluin sa braso ang asungot nang mapansin ko si Ma'am Dennise. Seryoso ang pagkakatitig nito. "Anong nangyayari dito?"
"Ito pong si Axen, nanggugulo."
Hindi naman na umimik ang asungot at dinilaan na lamang ako na parang batang nang-aasar. Hindi naman na napigilang mapahilamos ng palad si Ma'am Dennise. "Umayos kayong dalawa. Hindi ngayon oras ng laro. At hindi na rin kayo mga bata para umasta ng ganiyan."
"Siya po kasi, eh," pagmamaktol ko.
"Tama na iyan, ayusin niyo iyang mga papel at ilagay sa lamesa. After that, pumunta kayo sa office ni Sir Arman. Pinapatawag niya kayo."
Taka akong napatitig kay Ma'am Dennise. "Bakit daw po?"
"Hindi ko rin alam. Basta pumunta kayong dalawa doon."
Tumango na lamang ako at saka tumalima. Inayos ko ang mga papel sa lamesa. Tinulungan na rin naman ako ni Axen at kinuha sa sahig ang ibang mga nalaglag. Kung kanina ay todo-ngiti siya, bigla namang naging seryoso ang hitsura niya. Dumilim ang awra niya tulad noong naroon kami sa Sugod Beach Resort. Basta talaga naisingit sa usapan ang papa niya nagiging ganiyan siya. Bakit nga kaya? Anong meron sa inyo ng tatay mo, Xianiel "Axen" Fuertes?
---
"KUMUSTA ang trabaho, Miss Eranista?" tanong ni Sir Arman matapos naming makapasok sa loob ng office nito.
"Okay lang naman po, Sir. Napakabait po ni Ma'am Dennise kaya hindi po ako nahihirapan."
"Ikaw naman, Xianiel? Pinapahirapan mo ba masiyado 'tong girlfriend mo?"
Natigilan ako sa tanong na iyon. Kailan ba maitutuwid ang maling akala na iyan? Hindi ko nga boyfriend iyang asungot na iyan! "S-Sir, hindi ko po siya bo--"
"Okay lang naman, SIR. You have nothing to worry about. I came here to work. Nothing more, nothing less."
Naninibago talaga ako rito kay Axen. Ang dilim ng awra. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo nito at animo'y perpekto at kalkulado ang kilos. Bagay na kabaliktaran ng kung ano ang pinapakita niya pag ako lang ang kaharap.
"You only came here to work? Hmm..." Humawak sa baba niya si Sir Arman habang may pagkakangisi sa mga labi. "As far as I know, you went here yesterday just to request for your application here. Ang pagkakaalam ko, hindi ka dapat dito mag-i-immersion. That's why I was surprised yesterday. Work nga lang ba talaga ang ipinunta mo rito?"
Hindi nakaimik si Axen. Seryoso lamang ito. Hindi ko naman malaman kung paano ako magre-react. Ni hindi ko naintindihan kung anong sinasabi nitong si Sir.
Tumawa si Sir Arman na siyang ikinagulat ko. "I was just kidding. By the way, kaya ko kayo ipinatawag ay para ibigay ang mga papel na ito sa inyong mga respective campuses. Those are important documents so make sure to deliver them safely. Ikaw, Heaven, sa PNHS. Ikaw naman, Xianiel, sa MCSP."
Tumango ako at kinuha ang inaabot nito. "Yes, Sir. Makakaasa po kayong madadala namin ito nang walang gasgas o bahid ng kahit anong dumi."
Ngumiti sa akin si Sir Arman at saka kami binigyan ng permisong lumabas na roon.
"Girl, saan ka pupunta? Break time niyo na agad?" tanong ni Kath nang makita kaming dumaan sa ground floor.
"Hindi pa, may inuutos lang sa amin si Sir Arman."
"Ah, kasama iyang boyfriend mo?" pang-aasar nito.
Napalakas ang boses niya kaya napunta ang atensyon sa amin ng mga naroon. Pinanlakihan ko ng mga mata si Kath. Dinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Axen dahilan para siya naman ang samaan ko ng tingin. Asungot talaga!
"Heaven, please, talk to me." Hindi ko pinansin iyon. Nilampasan ko lamang si Shun nang masalubong ko paglalakad palabas ng building.
"'Yung lalaking 'yun... anong pangalan no'n?" biglaang tanong ni Axen nang makalabas kami ng Rhudarda. Panay na rin ang lakad namin.
"Bakit? Type mo?" biro ko.
Ngumiwi naman siya sa sinabi kong iyon. "Iwasan mo 'yung lalaking 'yun."
"Bakit naman? Anong pake mo kung sinong mga nilalapitan ko?!"
"Basta. Lumayo ka sa kaniya."
Napairap ako. Ano na naman bang problema ng isang 'to? "Bakit ko nga siya dapat lalayuan? Magbigay ka ng valid reason kung bakit kita dapat sundin?"
"Babaero siya. Baka mapasama ka sa mga biktima niya. At saka siya yata 'yung bumangga ng motor ko noong isang araw. Tss. Tipikal na basagulero."
Ngumiwi ako. "Idadamay mo pa ako sa problema mo sa kaniya. At saka ba't naman kita susundin? Sino ka ba sa buhay ko?!" Nagmadali na ako paglalakad. Halos lakad-takbo na nga ang ginagawa ko, e. Malapit lang din naman kasi ang PNHS kaya hindi na ako nag-abalang sumakay pa ng traysikel o anupaman.
"Ang bilis mo maglakad."
Napalingon ako kay Axen nang sabihin niya iyon. "Ba't nandito ka? Pumunta ka sa Mt. Carmel at dalhin mo iyang papel. Huwag ka sumama sa akin."
"Sasamahan muna kita."
Napairap ako. "Pwede ba, for once, huwag ka namang makulit? Baka pumalpak na naman trabaho natin dahil sa kakulitan mo, e."
Hindi nakinig ang asungot at sumunod lamang sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako. Nakakahiya namang sa gitna ng daan pa kami magbangayan nitong asungot na 'to.
"Ano sa tingin mo ang laman nitong pinapadala sa atin ni Dad?" tanong ni Axen habang pinapakatitigan ang hawak niya. "Uyy, pre-rating daw," imik niya matapos sipatin ang envelope.
"Kung anuman ang nakapaloob dito, wala na dapat tayong pakialam. Basta ibigay natin sa principal tapos bumalik na tayo sa Rhudarda."
"Buksan kaya natin? Pre-rating daw, e. Gusto ko makita anong pre-rating sa akin."
Agad ko siyang pinigilan. "Anong bubuksan?! Nangako ako sa tatay mo na dadalhin ko ang mga ito nang walang lamat o ano. Tumigil ka."
"Ito lang namang sa 'kin ang bubuksan ko."
Halos ihilamos ko ang palad sa mukha ko. Napakakulit talaga! Inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang envelope. "Pareho nating ide-deliver ang dalawang papel na ito nang maayos. Huwag kang makulit, Axen."
Inagaw niya sa akin pabalik ang envelope. "Patingin lang naman saglit. Pwede namang isara na lang ulit iyang envelope!"
"Kulit talaga," bulong ko. Hindi ko siya pinagbigyan. Mahigpit lamang ang pagkakakapit ko sa envelope.
"Titingnan ko lang 'yung rating ni Dad sa akin!" Inagaw muli niya ang envelope at saka itinaas sa ere.
Wala naman akong nagawa kundi abutin iyon at makipag-agawan sa kaniya. "Ano ba, Axen!? Akin na! Ibigay mo na iyan! Ang kulit mo!" Tumalon ako para maabot iyon pero sa tangkad nitong asungot ay wala akong panama.
"Titingnan ko lang!"
"Akin na nga!" Muli akong tumalon at hinila ang braso niya. Nang maagaw ko ang papel ay agad namang naagaw pabalik ni Axen. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at saka ko muling inagaw ang envelope. Ikinagulat ko naman nang mabitawan naming pareho ang envelope. Animo'y bumagal ang ikot ng mundo kasabay ng pagbagsak ng envelope sa lupa. Natapakan iyon ng mga taong naglalakad. Nanlaki ang mata naming pareho habang gumagawa ng paraan para makuha man lang ang envelope na iyon.
"Teka lang po, 'y-yung envelope. S-Sandali lang po!" Hindi na ako magkandaugaga sa paghahabol sa nasisipa nang papel. Kaniya-kaniya kami ni Axen sa paglapit doon. "Sandali po! 'Yung envelope namin!"
Napunta sa lugar na walang tao ang envelope dahilan para makahinga ako ng maluwag. Tumakbo ako papunta roon habang hingal na hingal. Napapunas pa ako sa noo habang pumupunta sa kinaroroonan niyon.
Handa na sana akong pulutin iyon nang biglang may grupo na maglakad doon at masipa na naman palayo ang envelope na sobrang dumi na. Agad iyong napapunta sa tabi ng kanal. Muli akong tumakbo para kunin iyon kahit halos wasak na. Kaso'y nang ihakbang ko ang mga paa ko palapit dito, ang hangin mula sa malakas na pagtapak ko ay naihip ang papel papunta sa mismong kanal.
Nanlaki na lamang ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng envelope sa umaagos na kanal.
"AXEEEEEEN!!!" Halos maputol ang litid ko sa sigaw na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro