Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5: Dian/na Masalanta

Kabanata 5

Marahan ang mga ito na gumagapang pasunod sa kanila, animo nag-iingat na hindi mapansin ng kanilang pakay. Ngunit ano pa ang magagawa ng mga ito? Hindi nila magagawang makapaglakad sa lupa gamit ang makaliskis nilang mga buntot.

Ang mga katanungang iyon ni Dianna sa sarili ay agad na nasagot nang makita niya ang malaking alon ng tubig na paparating at tatama sa kanilang dalawa ng lalake. Nanlalaki ang mga mata ay nagpumiglas siya sa pagkakabuhat sa kaniya na ikinamulat ni Kye.

"Aabutin tayo ng alon at dadalhin tayo niyon sa tubig, mapapahamak tayo!" tahasang sigaw niya sa lalake at pilit na tumayo sa kaniyang mga sariling paa ngunit natumba lang siya nang maramdamang walang lakas ang sarili niyang katawan.

Agad na napalingon si Kye sa kanilang likuran at nakita nga ang nagbabantang alon ng tubig, hindi iyon pagtaas ng tubig dulot ng ulan kung hindi kagagawan na namang muli ng kaniyang uri. Kaya naman iginala niya ang mga mata sa paligid ngunit hindi niya makita kung nasaan maaari nagtatago ang mga ito.

Ngunit hindi iyon ang oras upang maghanapan, tama ang sinabi ng babae. Mapapahamak silang dalawa. Hindi dahil sa itinakas niya ang dapat na alay. Kung hindi dahil na rin sa pumaslang siya ng sirena. Isang bagay na labag sa kanilang palasyo.

Mabilis ang kilos ay muli niyang binuhat ang babae na hindi na nagawang magpumiglas nang payakapin niya ito sa kaniyang mga braso habang ang mga binti nito ay ipinulupot niya sa kaniyang mga baywang. Isang posisyon na nagpatuliro kay Dianna lalo na at ngayon niya lang napagtanto na wala ni isang saplot na suot ang lalake.

Kabaliktaran niya naman si Kye na walang pakialam, ang tangi lamang na nasa isipan nito ay ang kanilang kaligtasan. Kaya naman tumatakbo ito hanggat sa abot ng kaniyang makakaya ngunit hindi iyon sapat dahil nang tumama ang alon ng dagat sa dalampasigan ay agad sila nitong inanod pabalik ng tubig.

Katawa-tawa ang itsura nilang dalawa para kay Dianna nang higpitan nilang dalawa ang pagkakayakap sa isa't isa. Na hindi nila alintana kahit anumang mangyari hanggaʼt nakakapit sila sa isaʼt isa.

Pumaikut-ikot sila sabay sa alon ng dagat, wala namang humpay ang pagsigaw ni Dianna dulot ng takot para sa sariling buhay. Tila hindi na nila parehong kinaya ang masakit na hampas ng tubig na nabitawan nila ang isaʼt isa at agad na nagkahiwalay.

Tinanggka ni Dianna na alalayan ang sariling lumangoy ngunit hindi siya isa sa tubig, hanggang sa tumama siya sa bato at doon lamang tila huminahon ang kaniyang mundo. Hindi niya alam kung ang ulo niya ba ang tumama dahil bigla siyang natigilan at tila natulala pa.

Ang mga matang hindi niya magawang imulat dahil sa maalat na tubig ng dagat ay mas lalong nanlabo ang paningin na animo yumayanig ang kaniyang mundo. Ngunit isang bulto ng hindi niya maaninag na nilalang ang kaniyang nasilayang papalapit sa kaniya.

Sa pagnanais na tulungan ang sarili ay iniangat niya ang kaniyang palad sa direksyon ng papalapit sa kaniya at doon ay nagdasal siya mula sa kailaliman ng kaniyang puso, humihingi ng gabay. Humihiling para sa kaniyang kaligtasan.

Hanggang sa tuluyan siyang pawian ng ulirat at tuluyan na ring nakalapit sa kaniya ang nilalang. Si Kye, na ngayon ay gamit nang muli ang kaniyang tunay na katauhan ayo. Ang kaniyang mga palikpik at buntot.

Tinanggap ni Kye ang palad ni Dianna na nakalahad sa kaniya at agad na inakap ang babae sa mga baywang nito, muli ay umangat siya sa ibabaw ng tubig na wala na ni isang bakas na panganib. Maski ang bagyo na kanina lamang ay nagaganap, ngayon ay lumipas na.

Ang langit ay walang kasing linaw, ang kaninang lugar na nababalot ng kalungkutan dahil sa dilim ay nagliliwanag dahil sa taas ng araw. Kinailangan ni Kye na magmadali dahil isa-isa nang naglabasan ang mga tao sa kanilang mga tahanan upang masilayan ang araw at ang pagiging kalmado ng karagatan.

Papasok sa magubat na parte ng probinsyang kinaroroonan nila ay sandaling huminto si Kye sa pagtakbo upang lingunin ang dagat na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga taong bayan. Napakalinaw ng tubig, hindi lang basta malinaw dahil sa pagiging mahinahon ng dagat.

Kakaiba ang linaw niyon na animo nalinis nang husto sa puntong makikita mo ang mga munting isda, pagong, starfish at crabs na lumalangoy sa tubig at naglalakad sa ibabaw ng buhangin. Gaya ng mga taong nasisilayan ngayon ang nagaganap na himala, ito lang din ang unang pagkakataon na natunghayan ni Kye ang ganitong kaganapan.

Gaya nang kaniyang hinuha, mapanganib ang kakayahan ng babaeng ngayon ay nasa kaniyang bisig para sa kanilang uri. Dahil wala silang ibang kinatatakutan sa mundo bukod sa mga tao. Sa mga tao na minsan muntik nang umubos sa kanilang lahi dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga anyo.

﹏𓊝﹏𓂁﹏


"Puno pa, papa!" nagtatatalon sa tuwa ang batang si Dianna habang pinanonood ang kaniyang papa na pinupuno ng tubig ang inflatable pool gamit ang hose. "Yeah hey!" hiyaw na palakpak niya nang sa wakas ay umaapaw na ang tubig niyon.

"Gusto mo bang lagyan natin ng bomb soap ang pool mo, Dian?" tanong kay Dianna ng papa niya habang ipinapakita sa kaniya ang ibaʼt ibang kulay ng bomb soap na paborito niya tuwing siya ay maliligo sa bath tub sa kanilang banyo.

"Blue!" pagpili niya sa kaniyang paboritong kulay na agad sinunod ng kaniyang papa at inilubog n sa tubig. Atat na pumasok ng kiddie pool ngunit dahil masyado pa siyang maliit ay kinailangan niyang magpabuhat sa kaniyang papa.

Nang makapasok ng pool ay agad na pinaglaruan ni Dianna ang mga bulang ginagawa ng bomb soap. Naaliw siyang makita na kulay asul ang tubig na kaniyang ipinaliligo ngunit pakiramdam niya ay magiging ganoon din ang kulay ng balat niya kaya naman gusto niyang tanggalin ang kulay niyon.

At para magawa iyon ay kailangan niya lang magdasal at humiling. Nakalapat ang palad sa tubig ay dahan-dahang natatanggal ang kulay asul sa tubig hanggang sa muli iyong luminis na maski ang mga bula ay naglaho na.

Animo nakagawa ng isang napakahusay na bagay ay napapalakpak si Dianna sa sarili at sinimulang ilubog ang sarili sa tubig na ngayon ay wala nang kasing linis sa mundo. Habang ang kaniya namang papa ay naiwang nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Dianna, magmula kailan mo pa nagagawa ang bagay na iyan?" nahihiwagaang tanong ng lalake at histerikal na nilapitan ang anak na bahagya pang natakot sa kakaibang biglang ikinilos ng ama.

"H-Hindi ko po alam, papa. . ." inosenteng sagot ng bata na animo tutang nababahag ang buntot na nakakuyom ang mga kamao. "Bakit, papa? Mali po ba ang ginawa ko?" nababahalang tanong ng bata na ngayon ay nagsisimulang mamula ang mga pisngi at malapit nang umiyak.

"Anong mali?" bigla ay ngiting tugon ng lalake sa anak. "Walang mali roon, Dianna. Patunay iyon na anak ka ng iyong ina," animo nais nang magdiwang na wika ng lalake. "Dianna, ano pa? Ano pa ang ibang nagagawa mo bukod sa magpalinaw at luminis ng malabong tubig? Ano pa?"

At simula nang araw na iyon ay unti-unting nagbago ang trato kay Dianna ng kaniyang papa. Sinimulan nitong ipakilala sa kaniya ang kaniyang ina na ni minsan ay hindi niya narinig mula sa papa.Ang tungkol sa mga kakayahan at kapangyarihan nito.

Mga kahiwagaan na ipinilit kay Dianna ng kaniyang ama na dapat ay mayroon din siya. Na humantong sa matinding dismaya nang magtagal ang panahon na hindi niya napatunayan na magagawa niyang lampasan ang mga nagawa ni Dian Masalanta.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro