Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 33: Hindi Mo Maiintindihan

Kabanata 33

“Nagsisimula nang pumatak ang ulan.” Sabay na napatingala sina Kye at Dianna sa kalangitan kung saan nagmumula ang mga butil ng tubig na tumatama sa kanilang mukha.

“Sila Dennis.” Muling naalala ni Dianna ang mga kaibigan at nag-aalalang kumalas mula sa pagkakahawak ni Kye ngunit napatingala siya sa lalake nang hindi siya nito pakawalan.

“Bakit hindi mo ulit subukan? Para matulungan natin sila Rebel, sila ang nakikipaglaban ngayon para sa’tin.” Sa sinabi ni Kye ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dianna.

Hindi inaasahan ang matatanggap na balita na bumilis ang tibok ng puso niya at nagsimula siyang mataranta kung ano ba ang gagawin.

“Kalma, huminga ka.” Hinaplos ni Kye ang kaniyang mga braso habang paulit-ulit siyang pinaalalahanan na h’wag siyang magmadali. “Hinga nang malalim.”

Habang sinusunod niya si Kye na ikalma ang sarili ay unti-unti niyang ipinipikit ang kaniyang mga mata at doon ay sinimulan niyang magdasal.

“Mula sa mga Diyos sa langit, bigyan ni’yo po kami ng lakas na labanan ang masasama. H’wag ni'yo po kaming hahayaang mapahamak.” Sa huli ay hindi lang humihiling si Dianna bagkus ay nagdarasal na siya.

Mataimtim at may pananampalataya.

Tama, ito ang kapangyarihang ipinama sa kaniya ni Dian Masalanta. Ang lumaking may paniniwala sa mga Diyos at sa kanila humingi ng gabay.

Kung noon, si Dian Masalanta ang pinagdarasalan upang humiling ng biyaya at himala.

Siya naman ngayon ang magpapanatili ng kapayapaan sa mundo sa pamamagitan ng pagdarasal. Bilang ang susunod na Masalanta sa makabagong henerasyon.

“Dianna! Kye!” Naimulat ni Dianna ang kaniyang mga mata at agad na nilingon ang tumatawag sa kaniyang pangalan.

“Serissa. . .” natutuwa niyang banggit sa pangalan ng babae at buong galak itong sinalubong ng yakap. “Nasaktan ba kayo?”

Agad na kinalas ni Dianna ang kanilang pagyayakapan upang sipatin ang buo nitong katawan, sinisubukang tignan ang mga galos nito ngunit wala.

“Kami? Masasaktan? Pfft, masyado kaming malakas para magalusan ng mga ‘yon.” Umakto pa ang babae na animo maliit na langgam lang ang mga nakasagupa nito kaya napangiti na lang si Dianna.

“Siya na ba ang anak ni Dian Masalanta?” Naagaw naman ng isang lalakeng hindi pamilyar kay Dianna ang atensyon niya.

Matangkad ito at masasabi niyang malapit kay Kye ang taas ng lalake. Tulad ni Kye ay kulay itim ang buhok nito.

Ngunit may isang napakaganda sa lalake.  At iyon ay ang kristal nitong mga mata. Maging ang aura nito na kay gaan sa pakiramdam kahit titigan mo lang siya.

“Saturnino nga pala,” animo ay nahihiya pang pagpapakilala ng lalake sa sarili at inabutan si Dianna ng malinis na panyo.

Napatitig naman si Dianna sa inaalok sa kaniya at tinanggap din iyon para na rin sa mabuting loob ng lalake. “Salamat.”

“Ako naman si Dianna,” ngiting pakilala ni Dianna sa sarili at ginamit ang panyong iyon upang tuyuin ang mga pisngi niyang nabasa ng sariling luha.

Ngunit mukhang hindi niya na rin iyon kailangan pa dahil nagsimula nang bumuhos nang pagkalakas ang ulan na bumasa sa kanilang buong katawan.

﹏𓊝﹏𓂁﹏

“So, that means. . .your power is actually related with the heaven and not by nature?” Tango ang ibinigay na bilang kumpirmasyon sa mga sinabi ni Dianna. “Make sense since your mother is Dian Masalanta, the Goddess of Love.”

“Tama at sa tingin ko, mas nagagamit ko ang kapangyarihan kong makipagkomunikasyon sa langit kapag maganda ang intensyon ko,” dagdag pa ni Dianna.

“I think you have a support power,” singit ni Rebel na ginugulo ang sariling buhok dahil nabasa ito ng ulan. “But you can't fight fist to fist if you can only support your team mates.”

“So, anong ibig mong sabihin? Tuturuan mo ba si Dianna na makipagbunong braso?” singhal ni Serissa na mukhang inaakalang nagbibiro si Rebel.

Ngunit hindi itinanggi ni Rebel ang mga iyon kaya naman nanlaki ang mga mata ni Serissa. Isa lang ang ibig sabihin niyon, nauna nang naisip ni Rebel ang bagay na iyon bago pa sabihin ni Serissa.

Tahimik naman na nakaupo lang sa sinisilungan nilang bus stop. Sinusundan ng mga mata niya ang bawa’t patak ng ulan. Palihim na nasasabik maramdaman ang lamig niyon.

Ngunit ang pantasya ni Kye ang bahagyang naudlot nang marinig niya sa tabi niya si Saturnino na umubo at matapos ay hinaplos ang sariling mga balikat upang bigyan ng init ang sariling katawan na giniginaw t’wing iihip ang hangin.

Dahil sa pagtitig niya sa lalake ay napatingin din ito sa kaniya at nahihiya siyang binigyan ng nagtatanong na tingin. Wala naman siyang nais na pag-usapan kaya hindi niya na lang ito binigyang atensyon at muling itinuwid ang tingin sa kalsada.

Wala halos dumaraang sasakyan, hindi nila magagawang makasakay nito para makauwi. Malamang na giniginaw na rin si Dianna.

Ngunit bago pa man sila mawalan nang pag-asa sa gitna nang malakas na buhos ng ulan ay isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa kanilang tapat at bumusina upang agawin ang kanilang atensyon.

Bumaba ang salamin ng kotse sa driver's seat at isang hindi pamilyar na mukha ng malaki at may edad na lalake ang nakita nila. Pero may isa pang sumilip sa binata na siyang nagpabuhay ng loob nila.

“Georgie! You're such a lifesaver!”

Lahat sila ay napatayo sa tuwa dahil magagawa na nilang makauwi dahil mayroon na silang masasakyan.

“But wait.” Nagtataka, lahat sila ay napatingin kay Serissa. “Magkakasya ba tayong lahat sa kotse? I mean, lima kami rito.”

Napadungaw naman nang tuluyan si Georgette sa labas ng sasakyan at biniling kung ilan nga ba silang naghihintay na may masakyan at madramang napatakip ng bibig matapos makumpirma ang dami nila.

“Joke, oo kasya.” tuwatawa ay binuksan ni Georgette ang pinto sa direksyon nila. “Kakandong na lang ako kay Dennis para makaupo naman bawa’t pisngi ng puwit ni’yo.”

₊˚✧ *✧'࿐ ₊˚✧ *✧'࿐

“Excuse me po, daddy ni Georgie. Okay lang po bang pahinaan ang aircon?” hirit ni Serissa na nakaupo sa gitna nina Rebel at Saturnino sa passenger seat.

“No, sugar. Hindi open ang aircon, baka nilalagnat ka na.”

“May sapin dito, baka gusto mo,” alok naman ni Kye na katabi nina Georgette at Dianna sa pagsisiksikan sa back seat.

“Yes, please! Buti ka pa, caring. Itong may suot na leather jacket dito, hindi man lang maisip na ialok sa’kin.”

Akmang iaabot na ni Kye ang sapin nang maghubat ng suot na Jacket si Rebel at isinuot iyon kay Serissa.

“Iyo na lang?” alok ni Kye kay Dianna dahil mukhang hindi na rin gusto ni Serissa ang sapin at kuntento na ang babae sa jacket ni Rebel.

Napangiti naman si Dianna at kinuha rin kay Kye ang sapin saka iyon binuklat. “Hati tayo.”

“Wow, ginawa ba naman akong third wheel,” parinig ni Georgette sa mga katabi.

“Hati tayong tatlo,” dagdag ni Dianna at tumatawang kinumutan ang kaibigan. Doon ay masaya nilang isinandal ang mga likod sa backrest.

Pero mula sa kinauupan ni Dianna ay tanaw niya si Dennis na siyang nakaupo sa shutgun seat. Kanina pa ito tahimik at ni minsan ay hindi niya ito nakita lumingon sa kanila sa likod.

At habang pinagmamasdan ang likod ng lalake ay unti-unti siyang nakararamdam ng kunsensya dahil alam niyang nasaktan niya ang dadamin ng kaibigan.

At isang ala-ala ang bumalik sa kaniya.

F l a s h b a c k . . .

“Dianna!” umalingawngaw sa buong hospital room ni Dianna ang naghihisterikal na boses ni Dennis na kararating lang kasama ang mga magulang nito.

“Wala po kayong dapat na ipag-alala, hindi po pagmamay-ari ng pasyente ang mga dugong mayro'n siya,” ang anunsyo ng doktor bago ito nagpaalam na mauuna na.

Lumabas naman ng kuwarto ang papa ni Dianna maging ang mga magulang ni Dennis at naiwan ang dalawang magkaibigan.

“May nanakit ba sa’yo? Bakit ‘di mo sinumbong sa’kin? Pagbabayarin ko sila para sa’yo!” animo naiinis pang hiyaw ni Dennis.

Kahit na ang totoo ay lubos itong nag-alala nang malaman mula sa mga magulang na naospital ang matalik na kaibigan samantalang magkasama lang silang dalawa noong umaga at naglalaro.

“Pa’no kung ako ang nanakit, Dennis?” Nakatulala lang sa kawalan si Dianna, animo ito nananatiling wala sa sarili matapos nang mga nasaksikan na hindi para sa mura nitong edad.

“Ano bang sinasabi mo? Bakit ka mananakit?” pagtataka ni Dennis at humakbang papalapit sa kamang kinahihigaan ng batang babae. “Sabi ni ninong, magiging super hero ka. Kaya ‘di ka dapat mananakit.”

“Tama.” Doon ay nagbaba ng tingin si Dianna kay Dennis. “Hindi mo maiintindihan.”

Y e a r s  L a t e r . . .

“Hindi mo maiintindihan, Dennis.”

“Bakit hindi mo ipaintindi sa’kin, Dianna?”

Naiinis na nag-iwas ng tingin si Dianna dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya kung patuloy niyang sasalubungin ang mga galit na titig sa kaniya ni Dennis.

Tinanggka niyang humakbang paalis ngunit tulad nang kanina ay muling hinarangan ni Dennis ang kaniyang daraanan.

“Ilang araw mo na akong iniiwasan, kung may nagawa akong mali. Sabihin mo para maitama ko.” Animo hirap na hirap na ay nasapo ni Dennis ang kaniyang sentido.

Ngunit nanatiling tahimik si Dianna. Dahil hindi niya magagawang aminin kung hindi rin magawang pansinin ni Dennis ang rason kung bakit pinili niyang lumayo sa lalake.

Sadyanh mahirap para sa kaniya na suportahan ang relasyon nito at ng kaibigan nilang si Georgette. Lalo na at hindi niya inasahan na magkakaroon din ito ng ibang babaeng magugustuhan.

At hindi siya nagkaroon nang pagkakataon upang ipagtapat sa kaibigan ang tunay niyang nararamdaman.

E n d  o f  F l a s h b a c k . . .

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro