Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28: Ang Kuwento Ni Dian

Kabanata 28

"Saan po ang punta niʼyo, papa? Nakaimpake po kayo." Nagulat si Dianna nang lumabas siya nang kuwarto at maabutan ang papa niya na may bitbit na malaking maleta.

Agigaga ito at natataranta. Ni hindi na nito nagawang makapagluto ng almusal nila.

"Sa bakasyon, magbabakasyon kami ng parents ni Dennis," paliwanag nito habang isinusuot ang pares ng medyas at sapatos.

"Kailan pa kayo nagplano? Walang nasabi saʼkin si Dennis," buong pagtataka niya at sinundan ang papa nang magtungo ito ng kusina.

Binuksan nito ang fridge at inilabas ang balot ng mga tinapay at isang tray ng palamam. "Hindi naman kayo kasama ni Dennis. Mag-almusal ka na, ilang araw akong mawawala."

"Pero, papa!" Hindi malaman kung ano ang dapat maramdaman at napakamot si Dianna at tinanggap ang tinapay na pinalamanan at isinaksak iyon sa bibig niya.

"Hʼwag kang magreklamo, alam kong ayaw mo na ako sa bahay na ito," may pait sa tinig pa nitong sambit at hinatak na ang maleta habang may nginunguyang pagkain.

Hanggang sa tuluyan nang nakaalis ang papa niya, iniwan siyang tulala. Ano bang nangyari? Parang napakabilis.

"Dianna?" Mula sa pagkalunod sa sariling mga iniisip ay napalingon si Dianna sa gawi ng hagdan at nakita si Kye na pababa ng kuwarto.

"Bakit bumaba ka––" ang dapat ay tanong niya ngunit hindi niya na naituloy pa. Wala na ring saysay kahit pa pagbawalan niya si Kye.

Wala naman nang makahuhuli sa kanila. Umalis ang papa niya at paniguradong hindi ito uuwi nang ilang araw.

"Tara, samahan mo akong magluto ng almusal," pag-aya niya na lamang na umani nang maliit na ngiti at pagtango kay Kye na kinukusot pa ang mga mata sa antok.

﹏𓊝﹏𓂁﹏

"Hindi ko rin alam na may plano pala silang umalis, parang kagabi ay kausap ko pa si ninong," ang sagot ni Dennis sa naging tanong ni Dianna tungkol sa pag-alis ng mga magulang nilang dalawa.

Oo, malapit ang papa ni Dianna sa mga magulang ni Dennis. Pero masyado naman atang biglaang ang plano ng mga ito na bakasyon at hindi pa sila nasabihan.

"Pero teka--kausap mo kagabi si papa?" natatauhang bulalas ni Dianna at binigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Dennis na kinakagat ang straw ng inumin nito.

"Oo, nakasalubong ko kasi siya pauwi. Matapos, inaya niya akong magpunta sa inyo. Nagkuwentuhan lang naman kami. Tulog ka kaya hindi ka na namin inabala," mahabang paliwanag ng lalake at matapos ay isinubo ang ibibigay ritong pagkain ni Georgette.

"Ayon lang?" paniniguro niya.

"Ayon lang." At salamat sa Diyos ay nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang iyon lang naman lahat ng nangyari.

Sandali niyang tinanaw si Kye na abala sa pag-aasikaso sa ibang customers. Iniisip sa sarili, siguro mas mabuti na ito.

Mas magiging malaya silang dalawa ng lalake. Kahit pansamantala.

"Hindi ba tayo kikitain nila Serissa today?" biglang alala ni Georgette sa mga bago nilang kaibigan.

"May mahalaga ata silang kailangang gawin, tipid na sagot ni Dianna na tinanguan na lang din ni Georgette.

Sa katunayan ay hindi niya muna kinulit sina Rebel at Serissa. Nahihiya na kasi siya kahit pa sabihing bukal naman sa loob ng dalawa ang pagtulong sa kaniya.

Ngayon niya lang napag-isip na hindi niya dapat dinadamay ang iba sa sarili niyang problema. Kung may kailangan man silang pag-usapan, ang tungkol sa taong nag-utos sa kaniya noon na patayin si Rebel.

Si Arianna gaya nang ipinangalan ni Rebel.

Iyon lang ang nagkokonekta sa kanila, wala nang iba.

O mayroon pang iba?

Si Apolaki, ang kapatid ni Dian Masalanta.

Sinabi noon ni Dianna na iniwasan niyang malaman ang iba pang tungkol sa tunay niyang ina o si Dian Masalanta. Pero ni minsan sa buhay niya ay hindi niya naiwasan ang pangalang iyon.

F l a s h b a c k . . .

"Kinuwento rin saʼyo ni papa?" Hindi malaman mg batang si Dianna kung dapat ba siyang mahiya sa harapan ng kaibigan niyang si Dennis.

"Bawal ko ba dapat malaman?" may pag-iingat na wika ni Dennis at ipinilig pa ang ulo, sinisilip ang mukha ni Dianna na pilit itinatago ng batang babae.

"Naniniwala ka ba? Na Diyos ang mama ko? Gaya nang sinasabi lagi ni papa. . ." At pareho silang natahimik ni Dennis na hindi rin alam kung ano ba ang dapat isagot.

Masyado pa silang mga bata upang humarap sa ganito kakumplikadong sitwasyon. Inosente at madali pang maimpluwensyahan.

"Malay mo totoo. 'Di ba sabi mo, hindi mo nakita ang mama mo? Baka dahil Diyos siya." Inosente pang itinuro ni Dennis gamit ang maliita niyang mga daliri ang maliwanag na kalangitan sa labas ng bintana ng kuwartong kinaroroonan nila. "Ang Diyos, sa langit nakatira."

"Okay, kids. Story time na tayo?" ang pag-agaw ng guro sa atensyon ng bawa't bata. Inilabas nito ang isang picture book na mayroong mga guhit ng super heroes.

"Yeah hey! Story time!"

"Gusto ko, Superwoman!"

"No po, dapat si Gagamboy!"

Natawa naman ang guro dahil sa hirit ng mga bata. At para hindi na patagalin ang pananabik ng mga istudyante ay binuklat na ng guro ang libro at ipinakita sa mga bata ang litrato ng isang dalagang may gandang angkin.

"Alam niʼyo ba ang kuwento ng Mt. Makiling?"

"Opo! Nakapunta na ako roon!"

"Edi wow."

"May nagbabantay raw po na diwata sa Mt. Makiling."

"Si Maria Makiling po 'yon, teacher!."

Sa naririnig na hiyawan ng mga bata ay napahawak na lang ang guro sa tiyan habang pinapakawalan ang mga bungisngis niyang pagtawa.

"Tama, si Maria Makiling. Pero may isa pa siyang pangalan. At noong unang panahon ay kilala siya bilang si Dian Masalanta, ang Diyos ng love, pregnancy, chilhood, at peace."

Dian Masalanta.

Tila nagpantig ang mga tainga ni Dianna sa eksakto, buo, at walang kulang na pangalang narinig niya mula sa guro.

"Pangalan iyon ng mama mo, 'di ba, Dianna?" ang bulong ni Dennis kay Dianna na alam din ang tungkol sa Diyos na iyon dahil walang araw ang lumipas na hindi bukambibig ng papa ni Dianna ang pangalang iyon.

"Si Dian ang pinakamabait, pinakamaganda, at pinakamapagmahal na Goddess noon. Mahal niya ang mga may buhay gaya ng puno, bulaklak, mga hayop, at ibon. At mas lalo ang mga tao."

"Wow!"

"Kapag mabait po, maganda talaga!"

"Tama po, parang mama ko po."

"Papa ko rin po, maganda. Mabait siya at mahal niya kami ni papa."

"Tungkulin ni Dian ang magpalagnap ng kapayapaan sa sangkatauhan ngunit nagmahal siya ng isang mortal na ikinagalit ng mga nakatataas na Diyos."

"Aww, bakit?"

"Kapag nagmamahal ka, nagiging payapa ang mundo ang sabi po ng papa ko."

"Tama, bakit po sila nagagalit kay Dian?"

"Pero naging masaya naman si Dian kahit pinarusahan siya. Dahil nagawa niyang makasama ang mga tao na talaga namang mahal niya."

"Ano po nangyari sa lalakeng mahal ni Dian?"

"Wala silang anak, teacher? Sila mama, sobra nilang mahal ang isa't isa. Kaya lima kaming magkakapatid."

"Grabe, ang dami niʼyo naman."

"Wala akong kapatid kahit isa, pahingi."

"At iyan ang kuwento ni Dian, nang maglaho siya ay kinilala siya bilang si Maria Makiling bilang pag-alala sa lahat ng kabutihan niya sa mga tao. Dahil mahal siya ng mga tao na binigyan niya rin ng pagmamahal."

Parehong-pareho iyon ng mga ikinukwento ng papa ni Dianna tungkol sa tunay niyang ina. Totoo ba ang mga iyon? Bakit alam ng guro niya ang tungkol doon?

Dahil ba Diyos ang mama niya? Pero paano siya nakasisigurong si Dian Masalanta nga ang mama niya. Ni minsan ay hindi niya ito nakita.

Ang papa niya, hindi ba ito nahihibang? Hindi ba nito pinaniniwala lang ang sarili na isang Diyos at si Dian Masalanta ang mama niya?

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro