Kabanata 25: Kakayahan, Tukuyin
Kabanata 25
"So, anong powers mo?" inosenteng tanong ni Serissa kay Dianna habang nakahalumbaba. "My power has to do something about nature: Thunder, grass, floral, plants, basta nature."
"Siguro tungkol din sa kalikasan ang kapangyarihan ko," nahihiyang turan ni Dianna at hindi naiwasan ang mainggit dahil mukhang kilala talaga ni Serissa ang sariling kapangyarihan.
"Parang hindi ka sure?" ang naging komento naman ni Rebel at ipinakitang gilas ang kakayahan nitong lumikha ng lubid na may kasing init at tingkad ng kulay ng araw.
Nang ipulupot ni Rebel ang lubid na ang kapangyarihan ay nagmumula sa araw ay talagang namangha si Dianna.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita, tunay nga talaga ang mga kapangyarihan na madalas niya lang mabasa mula sa mga libro at mapanood mula sa mga pelikula. Tunay at aktwal iyong nasasaksihan ng dalawa niyang mga mata.
"Nagagamit ni Dianna ang kapangyarihan niya sa pamamagitan ng dasal. Pero ang nasusubukan niya pa lang ay hilingin ang kalinisan sa anumang uri ng tubig," pagpapaliwanag ni Kye nang mga bagay para kay Dianna.
"Bakit ba ikaw ang laging nagsasalita?" pagtataka ni Rebel dahil sa katunayan ay si Kye ang nagpaliwanag nang lahat ng tungkol kay Dianna na dapat si Dianna ang nagbabahagi sa iba.
Animo si Kye pa ang may mas malawak na vocabulary sa kanilang dalawa. Samantalang maging isang guro sa larangan ng Filipino ang pangarap ni Dianna.
Sadyang nahihirapan lang kasi siya na ipakilala ang sarili niya sa iba dahil hindi niya lubos na kilala ang sarili. Kaya nakamamangha na parang mas kilala pa ni Kye ang pagkatako niya kumpara sa kaniya.
"Love language kasi nila 'yan, si Kye ang sasagot para kay Dianna at si Dianna naman ang sasagot para kay Kye. To be known is to be loved ika nga nila," animo inasinan sa puwit na kinikilig na turan ni Serissa.
Hindi naman pinansin ni Rebel si Serissa at nagpatuloy na lang sa talagang dahilan kung bakit palihim silang nagkitang apat. Iyon ay para gabayan si Dianna na makilala nang lubos ang sarili nitong kapangyarihan.
"Noong maliit ako, muntik na akong malunod sa bathtub naming puno ng bubble soap," pagkuwento ni Dianna habang pinakikiramdaman sa dulo ng hintuturo niya kung gaano kalamig ang tubig na laman ng basong nasa harapan nilang lahat.
Tahimik naman ang lahat na pinakikinggan siya. Kung kayat marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at doon ay nagsimulang umusal ng dasal.
"Dalangin sa mga Diyos na nakaririnig sa aking tinig, sa pamamagitan ko ay gawin niʼyong ligtas na unimin ang tubig na humahaplos sa balat ko."
Nang muling magdilat si Dianna ay nakangiti niyang sinalubong ang tutok na mga mata ng tatlo. Binigyan niya ang mga ito ng tango bilang senyales na tignan kung ano na ang nangyari sa tubig ngayon sa baso.
"Hʼwag ka na," pagsusungit pa ni Rebel kay Serissa nang lumapit din ito upang kunin ang baso ngunit inunahan ang babae.
At walang pagdadalawang isip ay nilagok ni Rebel ang nawasang tubig sa baso hanggang sa huling patak. At nang maubos ay binigyan nito ng tango si Dianna bilang pagsanggayon.
"It turned sweet." Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Serissa sa pagkamangha sa pag-apruba ni Rebel.
"Noong nalunod ako, hiniling ko na sana maubos ang tubig sa bathtub dahil wala akong makita sa sobrang pagkahilam. Nang maabutan ako ni papa na nalulunod, sabi niya ay napakalinis na raw ng tubig, ni walang bula."
Matapos niyon ay ibaʼt ibang eksperimento pa ang ginawa nila sa kapangyarihan ni Dianna. Sinubukan nila kung nagagawa niyang magpakulo o mag-init ng tubig ngunit mukhang hindi iyon isa sa mga kakayahan niya.
Sinubukan din nila kung kaya ba niyang makontrol ang pagkilos ng tubig sa kahit anong paraang gusto niya ngunit gaya nang una ay bigo sila.
"Kaya mo bang gawing yelo ang tubig?" napapagod nang subok mula ni Serissa ngunit iling na lang ang nagawang isagot ni Dianna na mas pinakapagod sa kanilang lahat.
Pakiramdam niya ay sumabak siya sa hard labor sa pananakit ng kaniyang katawan. Wala na rin siyang lakas o maski enerhiya. Pakiramdam niya ay magkakasakit na siya kung magpapatuloy pa sila.
"That's enough for today," sa wakas ay putol ni Rebel sa kanilang ginagawa. Parang wala lang dito ang buong maghapong inilaan nila sa pagsubok ng ibaʼt ibang bagay.
Nakatatayo pa ito nang husto.
"Ihahatid na kita sa inyo, kailangan ko pang pumasok sa trabaho," tunog nababagot nang pagpapatigil ni Kye kay Dianna at inalalayan ito sa paglalakad.
Palibhasa ay nakaupo lang ito at nanonood buong maghanapon, magsasalita lang ito tuwing kailangan at kung gusto nito.
"Mag-iingat kayo!" kaway na paalam ni Serissa kila Dianna na paalis na sakay ng ipinara nilang taxi.
Kumaway din pabalik si Dianna ngunit hindi niya na halos magawang iangat ang mga braso niya dahil pakiramdam niya ay naabuso ang mga ito.
Kakaiba pala ang pagod ang buong araw na paggamit niya ng kapangyarihan. Dahil lakas at enerhiya niya ang pinakaunang pinagkukunan ng suporta ng kapangyarihan niya ay mukhang maraming pagsubok pa ang daraanin niya.
"Matulog ka na pag-uwi para makapagpahinga ka. Hʼwag mo na akong hinayin, basta iwan mong hindi nakakandado ang pinto ng veranda. Ako nang bahala kung paano makaaakyat ng kuwarto mo," mahabang bilin ni Kye habang inaalalayan si Dianna pababa ng taxi.
"S-Sige," hindi na nakipagtalo pang tugon ni Dianna at kamuntikan pang matumba nang tila nawalan ng lakas at suporta ang mga tuhod niya.
Sa huli ay pinasan na lang siya ni Kye hanggang marating nila ang bahay nila Dianna. Wala pang sindi ang mga ilaw ng bahay, senyales na hindi pa nakauuwi ang papa ni Dianna kaya naman inihatid ni Kye ang dalaga hanggang sa loob ng bahay.
"Aalis na ako," paalam ni Kye at binigyan ng ngiti si Dianna na pumupuwesto na ng higa sa kama nito.
Tipid na tango na lang ang naibigay ni Dianna kaya naman lumabas na si Kye ng kuwarto matapos patayin ang sindi ng ilaw. Naglalakad na siya pababa ng hagdan nang bigla siyang makarinig ng mabibigat na yapak ng paa.
Awtomatiko siyang napahakbang muli paakyat ng hagdan, pinakikiramdaman ang paligid habang tinatalasan ang mga pandinig. Hanggang sa may makita siyang anino ng isang tao.
Napakamalas, mukhang nakauwi na ang papa ni Dianna.
Napakakagat sa labi ay magtatakbo na sana si Kye paakyat ng hagdan upang pumasok sa kuwarto ni Dianna ngunit pagpihit niya ng pinto ay nakakandado iyon.
Natataranta ay nawalan na ng pag-asa si Kye lalo na nang makaharap niya nang tuluyan ang lalake. Ngunit hindi gaya nang inaasahan, hindi ang papa ni Dianna ang taong pumasok.
"Kye?" kunot ang noo at lubos na nagtatakang tawag ni Dennis sa kaniyang pangalan. “Anong ginagawa mo rito? Si Dianna, nasaan?”
Kahit sino ay matataranta sa pagkakataong ito lalo na kung mayroon kang tinatago. Pero hindi para kay Kye, dahil imbis na magpahalatang kinakabahan. Itinuwid niya ang kaniyang postura.
Magaan siyang ngumiti at nagsimulang magsalita nang mabagal. “Nasa kuwarto niya na, hinatid ko lang siya.”
Pero hindi dapat basta-basta inisip ni Kye na magagawa niyang makalusot nang ganoon lang. Dahil nang magsimula siyang humakbang papaba ng hagdan upang lapitan si Kye ay siya namang pagdating ng papa ni Dianna.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro