Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24: Iiwan Mo Na Ako?

Kabanata 24

"Kumusta ang university?" biglang pangangamusta ng papa ni Dianna habang inaayos nito ang kuwelyo ng suot na uniporme sa trabaho. "Kaibigan mo pa ba si Dennis? Hindi ko na siya nakikita."

"Magkasama po kami kahapon nila Georgette," maliit na ngiting sagot ni Dianna habang nagsasandok ng dagdag na kanin sa plato niya. "Kinukumusta niya rin po kayo sa akin."

"Sabihin mo, dumalaw siya kahit minsan. Matanda na ako, baka hindi na kami magkita ulit kapag maaga akong kinuha sa mundo." Buntong hininga na lang ang naitugon ni Dianna sa isinambit ng papa niya.

"Hʼwag niʼyo pong kalimutan ang lunch bag niʼyo," paalala ni Dianna at nagsimula nang maglakad upang umakyat ng kuwarto niya.

Hindi naman na muling nagsalita ang papa niya kaya tumuloy na siya. Pahakbang na siya sa unang palapag ng hagdan nang hindi niya na mapigilan ang sarili niya.

Muli niyang hinarap ang papa niya na ngayon ay nagsusuot na ng sapatos at buong lakas na binitawan ang mga salitang, "si Dian Masalanta-mali, si mama. Kung anuman po ang kuwento niʼyo tungkol sa kaniya, gusto ko na po silang marinig ngayon."

Nang matapos sa pagsusuot ng sapatos ang papa niya ay muli itong tumayo nang tuwid at itinutok sa kaniya ang mga tingin. Bahagyang nakaarko ang kanan nitong kilay habang may mga nahihiwagaang tingin sa mata ngunit sa parehong pagkakataon ay nagpapakita ng walang interes.

"Hindi bale na, dalhin mo lang sa akin si Dennis. Mas paniniwalaan niya pa kahit anumang kalokohang sabihin ko tungkol sa pagmumukha ni Dianna na animo pinagsakluban ng langit at lupa.

Kinuha ni Kye mula kay Dianna ang tray ng pagkain na halata pa ang panginginig ng mga kamay dahil sa gutom mula sa paghihintay.

"May trabaho ka ba ngayon?" paglilihis ni Dianna sa usapan at dumiretso sa kama niya matapos maisarang maigi ang pinto.

"Mayroon pero nalipat ang oras nang pasok ko nang hapon," sagot na lang din ni Kye nang mahalatang ayaw ni Dianna na pag-usapan pa ang dahilan kung bakit bigla itong naging malungkot.

Ibinaba ni Kye ang tray sa nakalatag na mini table at naupo sa sahig. Akmang magsisimula nang kumain si Kye nang nagtataka itong nagtaas ng tingin kay Dianna na pinanonood lang siya.

"Hindi ka kakain?"

"Ibig sabihin gabi na ang uwi mo?" muli ay pag-iwas ni Dianna sa hindi malaman ni Kye na rason. "Hindi pwede, nakauwi na ng bahay si papa nang ganoong oras. Mahuhuli ka niya."

"Plano kong magrenta ng sarili kong kuwarto," pag-amin ni Kye sa planong ilang gabi niya na ring pinag-iisipan. "Tinuruan ako ni Dennis nang ilang bagay sa pag-upa, mas ligtas iyon para sa ating dalawa."

"Dahil ba nakaipon ka na ng pera galing sa pagtatrabaho mo?" Sa hindi mawaring dahilan ay natutunugan ni Kye ang pagiging mapait sa mga salitang binibitawan ni Dianna. "Iiwan mo na ako?"

"Hindi mo ba naisip na sobra na ang itinagal ko rito, Dianna? Hindi mo man lang ba kinunsidera na sinamantala kita noong utang mo sa akin ang buhay mo para mapasunod kita sa gusto ko?" Tunay na naguguluhang wari ni Kye.

Ngunit tila walang naririnig si Dianna. "Bakit hindi mo ako patuloy na samantalahin ngayon? Ibibigay ko naman lahat ng kailangan mong suporta, Kye. Hʼwag mo lang akong iwan sa bahay na ito nang nag-iisa."

Sunud-sunod, mabilis, at bahagyang pasigaw na ang pagsasalita ni Dianna. Ngunit habang maiging pinakikinggan ni Kye ang mga hinanakit ni Dianna ay unti-unti siyang nagkakaideya kung ano ang rason at biglang nagkakaganito ang dalaga.

"Ang papa mo ulit ang problema, tama ba? Ano bang nangyari, Dianna? Ikuwento mo sa akin para matulungan kita." Napatayo si Kye mula sa sahig at nilapitan si Dianna. "Sa itinagal nating magkasama, isa't isa na ang napaglalabasan natin ng problema. Bakit hindi ka humingi sa akin ngayon ng tulong?"

Huminto si Kye sa mismong harapan ni Dianna at marahang lumuhod sa sahig, nakatingala sa babaeng nakaiwas ngayon ng tingin. Inabot ni Kye ng kaniyang mga daliri ang pisngi ng dalaga at may pagdarahan itong pinaharap sa kaniya.

"Sa mga nagdaang linggo, wala akong ibang ginawa kundi ang maging tapat saʼyo." Habang binibigkas ni Kye ang mga salitang iyon ay hindi niya nilulubayan ng tingin ang babae. "Sana, ganoon ka rin sa akin."

Tila malamig na tubig na ibinuhos kay Dianna ang mga salitang iyon ni Kye at ginising siya sa kaniyang katinuan. At ngayong natauhan siya ay hindi nga tamang habang buhay niyang ikulong si Kye sa tabi niya dahil lang sa napalapit ang loob niya sa lalake.

"Kasalanan ko, Kye. Dahil saʼkin kaya lumalayo ang mga taong malapit sa buhay ko," pagtatapat ni Dianna at iniyuko ang ulo. "Pinagtatabuyan ko sila tuwing pakiramdam ko ay hindi kami magkakaintindihan. . .kaya ganoʼn na lang kita panghawakan."

Tahimik lang si Kye na pinakikinggan ang bawa't hinaing nang dalaga, walang ibinibigay na tugon ngunit lubos na ipinararamdam ang kaniyang pakikiramay sa pamamagitan ng paghawak sa mga kamay nito.

"Puno ng katanungan ang buhay ko, pero takot akong malaman ang sagot. Nabubuhay ako sa sarili kong paniniwala at ibinabaling ang atensyon sa ibang bagay na kakaiba para saʼkin. . .dahil gusto kong makumpara ang pagkakaiba ko sa ibang tao. At bakit may kailangan akong patunayan dahil lang sa anak ako ng isang Diyos."

"Hindi mo pa tanggap kung ano ka ba talaga?" ang hindi napigilang wika ni Kye. Nang hindi magsalita si Dianna ay inabot ni Kye ang mga pisngi nito at marahang pinatitig sa kaniya.

"Ano ba talaga ang totoong ako?" walang makitang emosyon sa mga matang sambit ni Dianna. "May kapangyarihan ako, Diyos na rin ba ako niyon? Pero muntik na akong makapatay noon--"

"Hindi mo kailangang may patunayan, Dianna," putol ni Kye sa babae. "Hindi mo kailangang pantayan ang ekspektasyon nila para saʼyo. Puwede kang humindi kung hindi mo kaya, at puwede mong subukan kung talagang desidido kang patunayan kung ano at sino ka ba talaga."

﹏𓊝﹏𓂁﹏

"Kapag may sarili ka nang bahay, ako naman ang tutuloy sa kuwarto mo," pagbibiro ni Dianna habang nakangiting pinanonood si Kye na magtampisaw sa tubig.

"Sige ba, ako naman din ang magluluto para saʼyo," hindi naman pagtanggi ni Kye na iwinawasiwas pa sa tubig ang buntot nito. "Kapag kailangan mo ng makakausap, magpunta ka lang sa bahay ko. Magkukuwentuhan tayo."

"Buong araw?" ngayon ay malaki na ang ngiting sambit ni Dianna at itinago ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng pagpatong ng kaniyang ulo sa kaniyang magkadikit na mga tuhod.

"Oo, buong araw. Hindi ako magsasawa kahit paulit-ulit na lang ang pinag-uusapan natin. Hangga't ikaw ang kausap ko, hindi ko alintana ang oras at panahon."

Nakatataba ng puso, iyon ang iniisip ni Dianna habang pinakikinggan si Kye. Ang katotohanang buong araw ang nilaan nila para lang mapag-usapan nila lahat ng hinanakit niya ay talagang ipinagpapasalamat niya.

Kahit paano ay gumaan ang loob niya at para bang nabawasan ang bigat sa kaniyang damdamin.

Nang magsawa si Kye sa pagtatampisaw sa tubig ay bumalik na sila sa loob ng bahay. Gaya nang lagi ay maingat sila sa bawa't yapak na kanilang ginagawa. Tikom ang mga bibig, para lang hindi makagawa ng ingay.

Nang makapasok ng kuwarto si Kye ay luminga muna sa paligid si Dianna. Nakukunot ang noo sa kakaibang atmospera ng paligid na bigla niyang naramdaman.

Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa salita, ngunit pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanila.

Ang papa niya ba? Pero sinigurado niyang tulog na ito bago sila magpunta ng pool ni Kye sa likod bahay.

Sana, guni-guni niya lang iyon.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro