Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22: Mga Bagong Kaibigan

Kabanata 22

"Hindi ko kilala kung sino ang mumamanipula sa mga sirena pero sigurado akong mayroon dahil kadalasan kong naririnig ang mga utos niya." Pagtango na lang ang naging tugon ni Dianna sa naging sagot ni Kye sa kaniyang tanong.

"May posibilidad kaya na makilala natin siya o makita?" desperadong pagpupumulit ni Dianna at naibagsak ang mukha niya sa ibabaw ng mini table. "Ang malas, hindi ko matandaan ang mukha ng taong tumawag sa aking marionette dahil masyado pa akong bata noon."

"Sigurado ka bang iisa ang nasa likod ng nangyayari sa mga sirena at sa nakaraan mo?" may pagdarahang tanong ni Kye at nabitawan pa ang kinakain nitong pakwan. "Iyong dalawa kanina, maaaring may alam sila."

"Sila?" Napaangat ng tingin si Dianna kay Kye dahil muli na naman nitong binggit sina Serissa at Rebel na kanina lang nila nakilala. "Kung talagang may alam sila, puwede ko silang lapitan."

"Gusto kong sumama--"

"Sa loob ng university, hindi ka naman nag-aaral doon, Kye," putol ni Dianna sa lalake na nagpatigil dito. "Pero pwede akong makipagkita sa kanila sa lugar kung saan puwede ka."

"Sa cafe," determinadong dugtong ni Kye sa sinasabi ni Dianna. At doon ay napangiti sila sa isa't isa dahil sa planong kanilang nabubuo.

At magsimula rin nang araw na iyon ay sinubukan na ni Dianna na makipaglapit kina Serissa at Rebel. Ngunit araw ang nagdaan ngunit hindi niya pa nagagawang banggitin sa dalawa ang tungkol sa napagplanuhan nila ni Kye.

"Gets ko na kung bakit nagseselos noon si Dennis kay Kye." Mula sa pagiging tutok sa pagtipa sa cellphone ni Dianna ay napaangat siya ng tingin kay Georgette nang magsalita ito.

Nakatingin ito sa kaniya na nagsasabing ibaba niya muna sandali ang cellphone niya dahil nasa kalagitnaan sila ng pagkain. Napakagat siya sa ilalim ng kaniyang labi at ibinaba rin ang hawak niya saka muling dinampot ang kaniyang kutsara.

"Pasunod na raw sina Serissa at Rebel," naiilang niyang paliwanag at sumubo ng kinakain niyang carbonara at humigop sa iced tea niya.

Tahimik silang tatlo na nagpatuloy sa pagkain hanggang sa dumating na sina Serissa at Rebel. Matamis na ngumiti at kumaway si Serissa sa direksyon nila at ganoon din ang ginawa ni Dianna hanggang sa makalapit ang mga ito.

"Sorry, ngayon lang kami," nahihiyang paghingi ni Serissa ng paumanhin na umani ng sunud-sunud na pag-iling mula kay Georgette na malugod silang inayang maupo katabi nila.

"Okay lang, hindi rin namin alam na darating kayo," pagpapalubag loob ni Georgette na ngayon ay muli nang kausap ni Serissa.

Si Dianna ang umaya kay Serissa na sumabay sa kanilang kumain ngayon ng lunch pero hindi niya talaga nakakausap si Serissa tuwing magkasama na sila dahil masyadong malayo ang personalidad nilang dalawa.

Mas kayang pantayan ni Georgette ang enerhiya ni Serissa dahil iisa sila ng paraan kung paano makisalamuha sa mga tao.

Napatingin naman si Dianna kay Rebel na tahimik lang sa tabi ni Serissa, gaya nang lagi ay mababasa sa itsura nito na gusto na nitong umuwi. Pero kahit na ganoon ay lagi pa ring namamangha si Dianna dahil sumasama ang lalake kahit saan magpunta si Serissa.

Dapat lang sigurong puriin niya si Kye dahil ito ang nagsabi sa kaniya na kahit si Serissa lang ang kaibiganin ko sa umpisa, magagawa ko nang mapalapit kay Rebel kapag nakahanap ako ng tamang tyempo.

"Ah, ikaw ulit!" ngiting matamis na turo ni Kye kay Serissa nang makita niya ito sa mesa nila nang ihatid niya ang order nila Rebel.

Natawa naman si Serissa dahil sa reaksyong ibinigay ni Kye. Pero tahimik lang si Dianna dahil alam niya na pagpapanggap lang iyon ni Kye.

Plinano na nila ang lahat nang ito. Nada kaniya na lang kung paano niya gagawin ang napag-usapan nila. Pero hindi pa sa ngayon, hindi pa hangga't nandito pa sina Georgette at Dennis.

Alam ni Dianna na sa ginagawa niyang pagpapakita nang lubos na interes kila Serissa ay nagreresulta ng agwat kila Georgette. Pero ngayon lang ito, hanggang sa makumpirma niya ang tungkol sa itim na salamangka.

Ngunit sa huli ay hindi nagkaroon nang pagkakataon si Dianna na mapag-isa kasama ang kahit na isa kina Serissa at Rebel. Hindi niya tuloy maiwasan ngunit ang mainis sa sarili dahil talagang gusto niyang burahin ang mga kaibigan sa eksena para lang sa pagiging desperado niya.

"Nahihirapan ako, parang ayaw ko nang magpatuloy. Madidismaya na naman sa akin si Dennis, baka maski si Georgette ay masaktan ko," pag-aalalang buntong hininga ni Dianna at napatanaw sa mesa kung nasaan ang mga kaibigan niya at masayang nag-uusap.

"Siguro mali ang paraan natin," ang tugon ni Kye na hindi nakatingin sa kaniya dahil sa abala ito sa pagtanggap ng orders sa counter. "Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung nahihirapan ka, siguradong may pagkakataon na darating saʼyo kung kailan makakausap mo sila nang pribado."

Napanguso na lang si Dianna sa mga sinabi ni Kye, inabot niya na sa lalake ang bayad para sa kinain nilang lahat at binigyan ng nagpapasalamat na ngiti ang lalake.

"Parang mas tao ka na kung magsalita ngayon kaysa saʼkin," habol niya pa bago kumaway bilang paalam saka nagsimulang maglakad palayo at pabalik sa mesa nila.

"Mauuna na raw sina Serissa, Din. May mahalaga pa raw silang pupuntahan," ang salubong kay Dianna ni Georgette habang binibigyan naman siya ni Serissa ng nahihiyang ngiti.

"A-Ah. . ." Napaisip si Dianna at nahihirapan pang napalunok laway. "Sige!" hindi sinasadyang bahagya niya pang sigaw. "Ingat kayo, kita na lang ulit tayo bukas."

Doon ay tumayo na sina Serissa sa upuan nila at naglakad papalabas ng cafe ngunit bago sila maglaho sa tanaw nila Dianna ay lumingon pa si Serissa kay Dianna at sinenyasan siyang padadalhan siya nito ng mensahe.

"May pag-uusapan ba kayo na hindi namin puwedeng marinig?" biglang banggit ni Dennis na nagpahugot kay Dianna ng kaniyang hininga. Ito ang dahilan kung hindi niya mapigilan ang maglihim kay Dennis.

Dahil kahit wala siyang binabanggit ay nalalaman nito ang lahat. At iyon ang ikinatatakot ni Dianna sa lahat dahil hindi pa siya handang magpaliwanag. Hindi pa lalo na at naguguluhan pa siya sa mga bagay.

"Okay lang ba kung sundan ko sila? Mahalaga lang," buong tapang na paalam ni Dianna. Sasamantalahin niya nang nakakatunog ang mga ito sa nangyayari.

Pero nang tumango ang dalawa dahil wala namang pagpipilian ang mga ito ay tila ba milyong karayom ang tumusok sa puso niya.

"Iiwan ko sa inyo ang gamit ko, babalik ako!" Mabigat ang dibdib ay tumayo si Dianna sa upuan niya at nagtatakbo na palabas ng cafe.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid sa pagbabakasakaling matatanaw niya pa sila Serissa. Nahagop niya ang buhok na humarang sa kaniyang mukha at napapadyak pa nang mahina nang hindi na makita maski anino ng dalawa.

At akmang hahakbang na siya upang magtatakbo patungo sa kabilang kalsada ay nabigla siya nang may malakas na puwersa ang humatak sa kaniya at dinala siya sa kung saan.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro