Kabanata 2: Kapangyarihan, Kapahamakan
Kabanata 2
Tila nag-uunahan ang bawat isa sa bilis ng kanilang paglangoy matungo lang ang may kalaliman na parte ng malawak na karagatan.
Ngunit hindi gaya noon na ang bawat isa ay may ngiti sa kanilang mukha, walang bakas ng buhay ang tanging makikita sa mulat nilang mga mata.
Habang pinagmamasdan ni Kye ang kaniyang uri ay parang pinipiga ang puso niya. Ang makita ang buo niyang lahi na noon ay masaya at malayang namumuhay malayo sa karahasan, ngayon ay isa na lang tanging mga manikang utusan.
Mula sa direksyon niya ay tanaw na niya ang ginintuang kaharian. At maski iyon ay naglaho na rin ang liwanag at kinang.
Napahinto siya sa pagsisid at tuwid na iniangat ang kaniyang buong katawan, nahihirapang mamili ng magiging desisyon. Ngunit sa huli ay tumalikod siya at bumalik sa direksyon na kaniyang pinanggalingan, yakap ang isang dalagang wala nang malay sa kaniyang mga bisig.
Sa katunayan, maaari niya nang dalhin ang taong kaniyang bitbit upang isama sa mga alay. Ngunit nasa katinuan pa siya upang mandamay ng inosente at may buhay.
Kaya mas makabubuti kung ibabalik niya ito sa ibabaw ng lupa kung saan ito tunay na naninirahan. Nang abot tanaw na niya ang ibabaw ng tubig ay sandali siyang huminto.
Nagbaba siya ng tingin sa dalaga na bahagyang nakaawang ang mga labi dulot ng pagkaubos ng hangin. Kaya naman marahan niya itong hinawakan sa baba at inilapit dito ang sarili niyang ulo.
Doon ay binigyan niya ito nang magaang halik sa labi habang ang kaniyang isipan ay humihiling na sana hindi pa huli para iatama ang kaniyang pagkakamali.
Matapos niyon ay tinunton niya na ang ibabaw ng tubig. Agad niyang narinig ng boses ng mga tao mula sa pampang kaya naman nagtago siya sa likod ng malalaking bato.
"Kailangang maging katanggap-tanggap ako sa mata ng mga tao," bulong niya sa sarili habang unti-unting nililisan ng tunay niyang anyo.
Hanggang sa tuluyang maglaho ang kaliskis sa kaniyang katawan, maging ang mga tainga niyang mahahaba at tulisan. Ang buntot niya ay napalitan ng mga binti at paa.
Maski ang mahaba at natural na puti niyang buhok ay namatay at naging kasing dilim ng gabi at biglang umiksi hanggang sa kaniyang batok at leeg.
Umihip ang malamig na hangin na humaplos sa walang saplot niyang katawan. Saka siya umalis sa likod ng mga bato at lumangoy papalapit sa pampang habang nasa bisig niya pa rin ang dalaga.
"Tulong! Tulungan niʼyo ako! May babae akong nakitang lumulutang sa pampang habang naliligo ako!" sigaw niya na umagaw sa pansin ng mga tao sa paligid.
Agad namang naglapitan ang mga ito upang tumulong na ihiga ng buhangin ang dalagang walang malay at may bahagyang pamumutla dahil sa tagal nito sa tubig.
“Hijo, marunong ka bang magbigay ng CPR––” itatanong sana ng isang ginang ngunit para itong naputulan ng dila nang mapatingin kay Kye.
Ang mga mata nito ay bumaba mulo ulo at huminto sa pagitan ng kaniyang mg mata. Napatingin din si Kye sa kaniyang sarili at nakitang wala nga pala siyang suot ni isa.
“Naliligo kasi ako kanina sa likod ng mga bato,” pagpapaliwanag ni Kye nang ang lahat ay nakatitig na sa kaniya habang nakanganga. “At. . .naiwan ko roon ang mga suot ko para mailigtas ang babae.”
﹏𓊝﹏𓂁﹏
"Magiging malaki rin ba putoytoy ko gaya sa'yo kapag tumangkad ako, kuya?" Puno ng pagtatakang napahinto sa paglalakad si Kye dahil sa isang batang lalakeng humarang sa kaniya at nagtanong ng kakaibang kwestyon.
Nakukuha niya ang punto ng inosenteng bata ngunit hindi siya sigurado kung pareho ba ang nasa isipan nilang dalawa. Dahil unang-una sa lahat ay hindi pa siya hasa sa lenggwahe ng mga tao.
Sa huli ay nagpaalam siya sa batang lalake na aalis dahil nagmamadali rin siya sa pupuntahan niya. Nang marating nga niya ang munting kubo na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy ay pumasok siya sa loob.
Dumiretso siya sa unang kuwarto kung saan inasahan niyang makikita ang dalagang ilang araw na ring walang malay. Ngunit sa surpresa niya ay wala ito sa karte o sa kahit saang sulok ng maliit na kwarto.
“Hinahanap mo ba siya?” salubong sa kaniya ng kaniyang lolo. “Nakaalis na, kagabi pa siya nagising at nagpasundo kaninang umaga sa pamilya niya.”
Nalukot ang mukha ni Kye sa mga narinig mula sa matanda. Sa isip ay sinasabing, hindi dapat siya nawala nang pagkatagal.
“Siguradong hindi pa sila nakabababa ng bundok, baka mahabol mo pa ang sasakyan nila,” makahulugang wika ng matanda na nagbigay sa kaniya ng ideya dahil alam niya kung ano ang nais nitong iparating.
Kaya naman nagmadali siya at patakbong lumabas ng bahay. Kahit na hindi pa siya lubos na sanay sa kaniyang mga binti ay ibinigay niya ang bilis na magagawa niya sa pagtakbo.
Nang marating niya ang pampang ay agad siyang sumuong sa tubig, sandaling luminga sa paligid at nang masigurong walang makakakita ay sumisid pailalim. Walang makakapagpaliwanag kung gaano kabilis na nilangoy ni Kye ang karagatan kahit na hindi pa siya lubos na bumabalik sa tunay na anyo.
Mula sa ilalim ng tubig ay tanaw niya ang isang kotse pababa ng bundok. Hindi niya matanaw ang mukha ng mga nakasanay roon ngunit patuloy niyang sinundan ang sasakyan.
Hindi niya maaaring hayaang mawala sa kaniyang paningin ang bahae. Hindi matapos niyang makita kung ano ang kakayahan nito.
Nanumbalik sa kaniya ang unang beses na narating niya ang tinatawag ng mga tao na syudad. Malakas ang pag-ulan sa isla na ramdam nila sa ilalim ng karagatan kung gaano kagalit ang langit.
Nang bigla ay isang mahiwagang lagusan ang lumabas at lahat sila ay hinigop ni'yon. At nang dahil doon ay narating niya ang syudad kung saan kinailangan niyang magmatyag upang masigurong wala ni isa sa uri niya ang mapapahamak habang wala ang mga ito sa sariling katinuan.
At doon ay natanaw niya ang dalaga at ang pagtangka nitong haplusin ang maruming tubig ng baha. Kakaiba ang mahika ng babae dahil sa isang haplos lang nito ay luminaw ang malabong tubig.
Hindi niya planong dagitin ito ngunit kusang nagdesisyon ang katawan at isipan niya. Na may kailangan siyang gawin tungkol sa babae kung ayaw niyang maraming tao ang makatuklas sa kanilang uri.
Ngunit may hanggangan ang lahat, hindi niya na magagawang magpatuloy dahil sa konkretong semento na gawa ng mga tao para ipatayo ang kalsada. Nakababa na ng bundok ang sasakyan, iniwan siyang nawawalan ng pag-asa.
//
authorʼs note:
i got into the mood to draw the other day and drew, uhm. . .dianna? haha! she actually looks far from the dianna that I can picture in my imagination but here yah go~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro