Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Chapter Ten

Save

I feel like it wasn't right to ask more questions. Kaya naman pagkatapos ng nalaman ko ay tumahimik na lang din ako.

Nahiga na rin muli si Stephen sa kama niya. At patalikod pa na humiga sa akin. Tiningnan ko na lang naman siya.

And then my eyes turned to the photo frame on his bedside table. Nakita ko roon ang picture nilang dalawa ni Shiloh na magkasama. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na tatay na si Stephen. It's not a bad thing. Wala namang problema sa pagiging tatay niya.

But when I silently left Stephen's room and saw more displayed pictures of him and Shiloh in the house, I don't know why but I only thought that they looked like they were brothers instead...

O siguro kasi ang bata pang tingnan ni Stephen especially sa mga old pictures nila na nakita ko.

May isa nga roon na bata pa talaga si Shiloh maybe around six years old on this photo? Tapos si Stephen naman, he just looked so young...

So I thought that he probably had Shiloh when he was younger, right? Mga ilang taon kaya si Stephen noon...

Bumalik na lang ako sa kusina at hinugasan na iyong pinagkainan ni Stephen. And when I came back upstairs to his room, I saw him already sleeping and resting. Kaya naman hindi na ako nakapagpaalam pa nang umalis na rin ako sa bahay niya.

When Stephen recovered from his fever ay agad din siyang pumasok muli sa hospital. Nagkita rin kami. I stopped on my steps when I saw him again at the hospital after days.

"Thank you for taking care of me the last time..." He said.

Bahagya lang naman akong ngumiti at tumango sa kaniya.

I feel a little awkward now after our last talk...

So I haven't really been able to talk to Stephen when he came back to work like we used to, kahit pa nga nag-aasaran lang din kami madalas kapag nagkikita o magkasama.

Until one day nagulat na lang ako at sobrang pinanlamigan ng katawan nang makita ko na lang na pinapasok na sa ER sina Stephen at Shiloh na parehong sinugod ng ambulance sa hospital.

Hindi pa agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko sila. Ang alam ko ay off duty ni Stephen ngayon sa hospital and he would probably be spending the weekend with his son...

Pero naaksidente sila habang pauwi na lang sana galing sa lakad nilang mag-ama...

Pero agad din akong natauhan nang makita ko si Stephen na kahit may dugo rin sa ulo niya he was still conscious at sinusubukan pa niyang abutin si Shiloh na wala namang malay...

I went directly to him. "Stephen!" tawag ka sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin. And I swear I haven't seen Stephen wore this scared face before. Gusto pa rin niyang tumayo at puntahan si Shiloh kahit hindi naman niya kaya.

"Stephen—" Pinigilan ko siya sa ginagawa niya.

"Iris... Shiloh... Please I need to stand up here and save Shiloh..." aniya kahit nahihirapan na siya at mawawalan na rin ng malay.

Umiling ako sa kaniya. And I held his hand to make a promise. I had to promise him para mapanatag na siya. "Don't worry about your son, Stephen. I will save him. I promise that I will save him." sabi ko sa kaniya.

Tumingin sa akin si Stephen at parang doon pa lang siya medyo kumalma.

At pagkatapos ay mabilis na rin akong nag-instruct sa mga staff sa ER para maagapan agad namin ang mag-ama. And like I promised Stephen I managed to save Shiloh... Thank God.

Doon pa lang ako ako nakahinga pagkatapos.

Pagkatapos din ay nailipat na namin sila sa private room. Hanggang sa nagkamalay na rin si Stephen at agad niyang hinanap si Shiloh. So I was there too nang magising ang mag-ama and I brought Stephen to his son.

"Shiloh..." tawag niya nang pumasok naman kami sa private room din nito.

Nag-angat naman ng tingin si Shiloh kay Stephen na gising na rin ang bata mula sa aksidente.

I sighed in relief. And then I just left them there to give them privacy.

Stephen was probably worried sick of Shiloh since his mother already left them... At si Shiloh na lang ang mayroon si Stephen...

In the end we learned that the vehicular accident was reported to be due to the road and the rain. Maulan kasi talaga nitong mga nagdadaang mga araw at madulas na rin ang kalsada dahil sa halos walang tigil na pag-ulan. Stephen also mentioned that he too was hesitant to go out with Shiloh that day. But the kid was looking forward to go to an amusement park outside Manila. Kaya natuloy pa rin sila. Because Stephen probably just want na makabawi rin sa anak niya since he's been a busy doctor at minsan lang din talaga siya magkapanahon din para sa anak niya. At hindi lang din talaga naiiwasan minsan ang mga aksidente na nangyayari.

Binalikan ko rin ang kwarto ni Shiloh and I saw that Stephen was still there. Hindi na niya maiwan ang bata. At nang silipin ko pa sila ay mukhang kakatapos lang kumain ni Shiloh. And then I saw Stephen patting the top of Shiloh's head like a little boy. Bahagya naman sumimangot si Shiloh sa kaniya. Napangiti na lang ako and decided na huwag ko na muna silang istorbohin. Babalik na lang siguro ako uli mamaya to also check on Shiloh.

Lumipas pa ang mga sumunod na araw and the two got better. Mabuti na lang din at hindi rin naman sobrang malala iyong mga tinamo nilang injuries sa aksidente. They recovered fast at uuwi na rin sa bahay nila para doon na lang din magpahinga pagkatapos.

Dinalaw nga rin ni Daddy sina Stephen at Shiloh when they were still confined. And I noticed na parang hindi na nagulat si daddy na may anak na si Stephen. Maybe he already knew, too. At ako na lang ang hindi pa agad na nakaalam.

At lumipas pa lalo ang mga araw at linggo. Pumapasok na rin muli si Stephen sa duty niya hospital.

"Did Doctor Lopez also asked you out? That's why you still can't decide and can't give me your answer?" Stephen said.

I looked at him. At nagtagal ang tingin ko sa kaniya. "What do you mean? Is this about..." Iyong niyaya pa ba niya ako na lumbas daw kami noong hindi pa sila naaaksidente ni Shiloh? Medyo matagal na rin 'yon, ah. "Is this about you asking me out?" I asked him directly, too.

Tumango naman siya sa akin at halos nakasimangot pa.

Nagtagal pa ang tingin ko sa kaniya.

And then I just realized something...

Mataman kong tiningnan si Stephen. "Aminin mo nga, were you worried of Doctor Lopez? Kaya naman parang nagmadali ka na tuloy na yayain akong i-date kita." Ngumisi na ako sa kaniya pagkatapos ng sinabi ko.

Suplado niya lang naman akong tiningnan pagkatapos ng tanong ko. Pero hindi ko na mabura ang ngiti sa mga labi ko. I feel like I caught him and it annoys him a little that it makes me kind of happy na inis din siya ngayon.

And I didn't stopped there but instead I continued to tease him the whole day in between our duties at the hospital and our breaks. Nakasimangot lang naman si Stephen while I'm satisfied. And I kept on giving him smirks.

But seriously... I think Stephen still has feelings for me now from before...

Pinakiramdaman ko rin naman ang puso ko. And I would lie if I'll try to deny it to myself...

Hindi rin uso kay Stephen ang magpaliguyligoy sa nararamdaman niya. Just like before even when he was still younger he confessed his feelings to me. He was brave enough to do that. And I was a coward...

At kahit pa hindi ko rin nasabi sa kaniya noon ang tunay kong nararamdaman din sa kaniya... Pero alam ko rin sa sarili ko ang nararamdaman ko noon pa man... At hindi ko lang talaga nasabi sa kaniya.

At sa edad namin ngayon that we're already adults ay talaga bang magpapaliguyligoy pa rin kami?

And I thought to myself that maybe it's the time now to finally tell Stephen about how I feel, too. About how I feel for him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro