Chapter Nine
Chapter Nine
Umbrella
Umismid ako nang makita ko si Stephen na madadaanan ko. Nakatayo siya roon sa labas ng OR pagkatapos ng operation niya sa isang pasyente niya. I was ready for him to annoy me again. Pero naabutan ko naman siyang nakatulala pa roon. I got curious kaya nilapitan ko na lang siya. Hindi ba successful ang naging operation niya ngayon? Then it's a first time. Kasi palagi naman siyang successful sa trabaho niya.
"Hey, are you all right?" Nilapitan ko na siya at tinanong.
Bumaling naman siya sa akin pagkatapos ng pagkakatulala niya.
"How's your patient?" I added another question.
"The operation went well." He said.
Oh. Successful naman pala ang naging operation niya sa patient niya. Bakit siya natutulala pa riyan na para bang may malalim pa siyang iniisip... Hmm.
Alam ko na. And I remember how he was even before. Dati pa man at may ugali na rin talaga siyang gan'yan. Iyong natutulala pa minsan sa kawalan.
At wala naman talaga siyang iniisip na malalim. Mahilig lang talaga siyang matulala minsan...
Napaisip tuloy ako, sana naman hindi siya natutulala kapag nag-oopera sa pasyente, 'no? I can't help it but to chuckle to myself thinking about it and imagining him spacing out in the middle of operating a patient. It's not safe, though.
"What?"
Nabalik ang atensyon ko sa kay Stephen. Sandali kong nakalimutan na nasa harapan ko lang pala siya.
Umiling naman ako sa kaniya pagkatapos ng konting tawa ko. "Wala. Sige, I'll go ahead now." Pagpapaalam ko na lang sa kaniya.
At lalakad na sana ako nang pigilan pa niya ako. "Bakit?" I asked him why he stopped me.
"Are you busy?" He asked me back.
Tumango naman agad ako sa kaniya. "Yes." Of course, ang dami kaya naming trabaho rito sa ospital. "Why?" I asked him.
Unti-unti naman siyang umiling sa akin pagkatapos. "Nothing..." aniya na parang may sasabihin pa pero kailangan ko na rin umalis at pumunta na sa trabaho ko kaya wala na akong panahon na magtagal pa doon at maghintay pa ng sunod niyang sasabihin.
"I'll go now." sabi ko na lang at iniwan ko na siya doon.
And then it was a rainy evening. Tapos na rin ang duty ko sa hospital para sa araw na ito kaya naman uuwi na ako. May basement parking naman ang hospital but I was in a rush earlier dahil may emergency rin ako sa hospital kaya naman dito na lang ako sa labas nag-parking ng sasakyan ko kanina. And it was raining and I didn't bring my umbrella with me today.
"Tsk." Tiningnan ko pa ang buhos ng ulan. Malakas nga at mababasa na ako kung susuungin ko pa ito. I plan to just go back inside the hospital and barrow an umbrella. At baka mayroon din naman sa security guard.
Pero tatalikod pa lang ako nang makita kong nandoon na sa tabi ko si Stephen na may dalang payong. Napatingin ako sa payong na dala niya. Napatingin din naman siya sa akin.
And then he raised his umbrella and I know that he would probably offer it to me. Mukhang tapos na rin siya sa trabaho niya rito at pauwi na rin gaya ko.
At dahil medyo may inis pa rin ako sa pang-aasar niya sa akin kaya ayaw ko pa sanang tanggapin iyong payong na in-offer niyang ipahiram sa akin ngayon.
Pero naisip ko rin naman agad na mas paiiralin ko pa ba ang inis ko kay Stephen kaysa sa ang makauwi na ako ngayon agad dahil pahihiramin niya ako ng payong niya?
Kaya naman sa huli ay tinanggap ko rin. "Thanks..." I said.
Tumango lang naman sa akin si Stephen. At pagkatapos ay nakita ko pang sumuong na lang siya sa ulan...
And I went to my car na hindi nabasa talaga dahil sa payong na pinahiram niya sa akin. And then I went home.
The next day at the hospital I saw Stephen again at mukha na naman siyang tulala. Balak ko pa sanang gulatin dahil parang ang lalim na naman ng iniisip. Pero nakita ko rin na parang hindi yata siya okay ngayon...
At oo nga pala ibabalik ko rin sa kaniya 'yung payong niya. Nilapitan ko na nga. "Stephen... are you okay?" Napatanong na rin ako sa kaniya. Because he obviously doesn't look okay to me.
Bumaling naman siya sa akin at tumango pa. "Yeah..." He answered that.
But when I looked at him he doesn't really look so fine to me now. Tingin ko pa ay hindi yata mabuti ang pakiramdam niya...
And then my eyes widened a fraction when I realized that he might be sick because he let me have his umbrella yesterday night at nabasa naman siya sa ulan dahil wala siyang payong.
At para makumpirma ko ay agad ko nang inabot ang noo niya at halos mapaso ako dahil ang init niya! Mukha pa siyang inaapoy ng lagnat. "You're hot!" sabi ko pagkatapos damhin ang noo niya.
Pero ang loko ay nagawa pang ngumisi sa akin. "Yes, I am?"
Inikutan ko na lang siya ng mga mata ko. "What I mean is you probably have a fever! Bakit pumasok ka pa?"
"Dahil ba sa pag-uwi mo kahapon at naulanan ka pa?" Naguiguilty na tuloy agad ako sa naisip na possibility.
Umiling naman siya sa akin. "I won't get sick sa konting ulan lang." sabi pa niya.
Inirapan ko naman siya. "May lagnat ka na nga ngayon!" I told him. Kasi baka hindi pa niya ramdam sa sarili niya? But it's already so obvious that he's really sick!
"Come here." Hinila ko siya. "You should stop working for a while... Kailangan mo nang umuwi ngayon at magpahinga sa bahay. Or let's get you checked now." I said.
"It's just flu, Iris..." sabi naman niya sa akin pero hinila ko pa rin siya.
"You have high fever, Doctor Guevara." sabi rin sa kaniya ng isang doctor na kasama rin namin dito sa Dela Cuesta Medical.
I looked at Stephen. "See? I told you so." sabi ko pa sa kaniya.
He turned to the doctor. "I'll just rest at home, doc. This will be gone soon." Stephen said.
"Yes, pwede rin naman..." sabi ni Doctor Angeles.
"Thanks." Stephen said at tumayo na.
Sumunod naman ako sa kaniya. "Sure ka na uuwi ka na lang? Ayaw mong pa-admit na lang nandito na tayo sa hospital?"
Bumaling naman siya sa akin na parang nainis. "I'm going home." He just told me and turned to his phone and made a call.
Habang napangisi naman ako nang nakatalikod na siya sa akin at nakasunod pa rin ako sa kaniya.
"Where's your house? Ipagdadrive na kita. You're not feeling well, Stephen. Baka mabangga ka pa o ano..." sabi ko naman sa kaniya na concerned lang.
He turned back to me. At mukhang nag-isip pa siya but in the end he gave me his car key and let me drive him home.
At nang makarating na kami sa bahay nila nakita kong ito pa rin ang dati nilang bahay. Noong nabubuhay pa ang Mama niya...
"Shiloh's at school?" I asked about his son. Weekday din kasi ngayon so I assumed that the kid was probably in school.
Bumaling sa akin si Stephen at tumango lang. Pagkatapos ay tuloy-tuloy siya sa pag-akyat sa hagdanan papunta sa second floor ng bahay kung saan ang mga kwarto. I also remember that his bedroom was upstairs. Nakapunta na rin ako noon dito sa kanila. Noong mga bata pa kami ni Stephen.
Sumunod ako kay Stephen. Tumingin pa siya sa akin pero hinayaan niya rin naman ako. And I started taking care of him. Doctor naman ako at nag-aalaga rin kami ng mga may sakit na pasyente sa ospital kaya alam ko rin ngayon kung paano ko aalagaan ang may lagnat na si Stephen.
"Are you hungry?" I remember to ask him.
Umiling naman siya. "No." But then his stomach just grumbled. And we both heard it.
I looked at him at nangingisi naman ako. While Stephen only sighed, defeated. I smirked more. Pagkatapos ay tumayo na ako para bumalik sa baba at sa kusina para ipagluto siya ng pagkain. Probably a soup would be better for his condition right now.
Natuto na rin naman akong magluto. Although I still live with my parents now, dahil malulungkot daw si Mommy kung aalis ako sa bahay namin. So I stayed in our home. Pero kalaunan ay nagpaturo na rin akong magluto kay Mommy kasi baka magamit ko rin in the future. And sometimes I help my mom in the kitchen. Iyon na rin ang way ko na mag-practice ng cooking skills ko sa bahay.
And now making a soup dish for Stephen wouldn't be that hard. I may not be the best cook pero edible naman ang mga niluluto ko. At mabuti na lang din na may stocks si Stephen dito sa kitchen niya. Mukhang nakapag-grocery naman siya. May maluluto kami.
Pero habang nagluluto naman ako ay naisip ko rin na bakit nga pala ako sumama rito sa bahay? Stephen has a son... And the child has a mother, right? Pero nasaan ito? Nakalimutan ko na palang magtanong din kay Stephen. And I didn't really mean to barge in here, you know.
I just got guilty because I used his umbrella the other night so he got sick. And I thought that I must take care of him now, since it's my fault...
At dito pa rin nakatira si Stephen sa dating bahay nila. Wala ngayon dito si Shiloh. And we seems alone here now...
Pagbalik ko naman sa taas pagkatapos ko nang maluto iyong sopas ay pinakain ko na rin si Stephen at pinainom ko siya ng gamot pagkatapos para bumaba na rin agad ang fever niya.
"Thank you, Iris." He said to me after.
Bahagya lang akong ngumiti sa kaniya. Pagkatapos ay naisip ko na rin na tanungin na siya tungkol sa pamilya niya. But before I could ask him ay nagsalita naman si Stephen.
"Iris... can I ask you out?" He directly asked me this and even in his state now that he still has a fever.
Ilang sandali pa akong natulala sa kaniya dahil hindi ko inasahan ang tanong niya sa'kin ngayon. Naisip ko pa nga na baka may lagnat lang siya kaya naman kung ano pa tuloy ang nasasabi niya. But he looked at me like he's serious about it.
At habang nagtatagal na rin kaming nakatingin lang sa isa't isa ay naalala ko iyong confession niya sa akin many years ago.
And then I suddenly realized it.
Was this why he also asked me if I was busy? I remember him asking me a few times the last time. Kasi gusto pala niya akong yayain na mag-date...
I shook my head. He didn't directly asked me to go out on a date. But he's asking me now to go out with him... And on a date, right? Argh! Ano ba talaga, Iris?
But, wait.
No.
Napailing pa ako sa harapan niya pagkatapos kong mag-isip-isip.
"Is that... a no?"
Umiling muli ako kay Stephen. "Yes, I mean..." Tiningnan ko siya nang mabuti.
"Stephen, aren't you married?" naitanong ko na.
Stephen was looking at me, at kumunot naman ang noo niya sa tanong ko. "What?" He asked me like he's confused about my question.
Kumunot na rin ang noo ko. "I mean, you have Shiloh so..."
Nagkatinginan kaming dalawa. Pagkatapos ay sumunod na umiling si Stephen.
"Isn't Shiloh your son? So, where's his Mom?" I just had to ask him.
Muli pa kaming nagkatinginan ni Stephen sa isa't isa.
"Shiloh is your son, right?" I asked him again.
"He's my son." He answered my question directly.
Pero parang naguluhan na rin ako. "So... where's his Mom?" Parang pabalik-balik na lang ang tanong ko sa kaniya.
Stephen looked at me. "She's not here. She passed away a long time ago." He said and then he looked away.
Habang nanatili naman ang tingin ko sa kaniya. And my lips parted after what I learned.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro