Chapter 7
Chapter 7
Unang halik
"Alam mo 'yong akala mo road to forever na tapos biglang naging cold siya sa 'yo?"
"Wala nga kasing forever. 'Di ba sinasabi mo 'yan noon?" sagot naman ng kaibigan kay Sica.
Tiningnan ni Sica si Aya. May binabasa itong isa sa mga libro nito sa med school. Nagkakilala sila noon at naging magkaklase sa Nursing bago pa man siya nahinto. Hindi siya ganoon kapalakaibigang tao at ganoon din naman si Aya kaya siguro naging mag-bestfriends sila. At dahil nahinto siya ay nauna itong makatapos at ngayon nga ay nag-m-med school na.
Nang makalibre si Sica ay binisita niya ang kaibigan na nakatira na ngayon sa condo ng boyfriend nito. Patay na patay talaga si Aya kay Louie na playboy naman at pumayag pa ang kaibigan niyang makipag-live in sa lalaki.
"Pero, Jessica, ha! Ang hot din niyang si doctor na crush mo. Jowain mo na para naman madiligan ka na, 'no."
Nakita na ni Aya ang hitsura ni Gab sa pinakita niyang mga stolen shots nito na kuha sa ospital at sa mansyon na nasa cellphone niya. Napangiwi si Sica sa kaibigan. Hindi naman ganito noon si Aya nang una niyang makilala. Mahinhin ito at tahimik. Ganoon parin naman ang kaibigan pero nahaluan na ng kademonyohan ng boyfriend nito.
"Ano? Hihintayin mo pa bang lawain 'yan?" napatawa si Aya.
"Tsk. Palibhasa seventeen ka lang no'ng ma-devirginized ka ng Louie na 'yan."
"Hoy, 18 kaya!"
"Oo na. Pinatanda mo pa ng isang taon."
Tumawa lang si Aya.
Halos buong araw yata siyang naroon lang sa unit ng kaibigan. Nagpaalam lang si Sica nang dumating na ang boyfriend ni Aya na si Louie.
"Naku, Ayanna Juarez, sinasabi ko sa 'yo kapag ikaw nabuntis-"
"Magiging Ninang ka na." putol lang ni Aya sa sinasabi niya na nakangiti habang hinatid siya nito sa pinto ng unit. Nasa loob naman na si Louie.
Nagpakawala nalang ng mabigat na hininga si Sica. Wala talaga siyang tiwala kay Louie. Ilang beses na nitong sinaktan at pinaiyak ang kaibigan niya. At ito namang si Aya ay isa rin marupok at natanga na yata ng tuluyan. Tapos kapag nasaktan na naman ay sa kaniya rin tatakbo at iiyak-iyak. Magsasabi pa na hindi na uulit o babalik. Pero ganoon parin naman sa huli. Kaya minsan ay nakakapagod na rin mag-advice. Sayang lang effort at laway.
Tuluyan nang nakapagpaalam sa isa't isa ang magkaibigan at nakaalis si Sica.
***
"Gusto mo talagang ikaw na ang maghatid para malandi mo si Doctor Angeles."
Natigilan si Sica sa narinig na sinabi ng parehong ma-attitude na nurse noon. Kunot-noo niya itong binalingan at napagtanto rin ang sinasabi nito. Si Gab pala ang tinutukoy nito na nilalandi niya raw. Landi agad? 'Di pwedeng close lang, sa isip niya. Para sa kaniya ay close naman na talaga sila ni Gab.
"Close lang kami ni Doc. Malicious minded mo naman." sabi lang ni Sica sa babaeng nurse at tinalikuran na ito. Minsan ay hindi naman na kailangan ng mahabang paliwanag. Dahil iisipin ng tao ang gusto nitong isipin.
May kailangan kasing ihatid sa clinic ni Gab dito sa ospital at mabilis na siyang nagboluntaryo. Wala pa rin naman siyang ginagawa masyado. Tumungo na siya roon at naabutan si Gab.
"Salamat," ngumiti kay Sica ang mabait na assistant ni Gab na kinukuha ang dala niya.
Ngumiti rin si Sica kay Mary. Nakilala na niya ito at matagal nang assistant ni Gab dito sa clinic. Tapos ay lumipat ang mga mata niya sa nagsusungit na doctor.
Hindi alam ni Sica kung bakit parang nabalik sa dati ang pakikitungo sa kaniya ni Gab. Akala niya ay okay na sila. Ngumingiti na nga ang lalaki si kaniya. Kaya medyo hindi rin niya maintindihan si Gab. Kung bakit kasi ginaya pa niya si Julius Han. Iyon pa siguro ang hindi nagustuhan ni Gab.
"Hi, Doc!" ngiting-ngiti pa na bati ni Sica kay Gab.
Pero ang ngiti niya ay parang napanis din nang bumaling lang si Gab kay Mary at nagsimulang magbilin. Pagkatapos ay lumabas na ito ng clinic at umalis.
Sica sighed. Mabilis na rin siyang nagpaalam kay Mary.
"Doc, sandali!" tawag ni Sica kay Gab na nakasunod sa lalaki.
Saglit nalang naipikit ni Gab ang mga mata at binalingan na ang babae. Knowing Jessica, hindi rin siya nito titigilan. Agad naman napangiti si Sica sa ginawa niya.
Lumapit si Sica sa kinatatayuan niya. She was pouting her already pouty lips. "Galit ka pa rin ba sa 'kin, Doc?" may lungkot na tanong nito.
Umiling si Gab. "I'm not mad at you." he seriously said.
"Bakit hindi ka namamansin?" para itong bata.
Gab then let out a sigh. "I'm just...busy." he sighed again.
Tumango tango naman si Sica. Pagkatapos ay may kinuha ito mula sa bulsa ng suot na uniform at nilahad sa kanya. "Bati na tayo?"
Sandaling tiningnan ni Gab ang maliit na nakabalot na chocolate sa nakabukas na palad ni Sica. Buntong-hininga niya 'yong kinuha mula sa babae at tinanggap na.
"Bati naman talaga tayo." pagtatama ni Gab kay Sica.
Nagliwanag naman ang mga mata ng babae. Unti-unti ay sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ni Gab. Nakakahawa rin talaga ang ngiti ng babae.
Gaya nga ng sinabi ni Gab ay bati naman talaga sila ni Sica. And he wasn't mad like what she thought. Sadyang...naalala lang niya si Elora sa ginawa ni Sica noong isang gabi. At ayaw niyang maalala ang namayapang girlfriend...sa ibang babae.
Si Elora ang tanging naging nobya niya. They were also best friends. Sa babae niya naranasan unang umibig. All his firsts was her. Kaya halos ikamatay niya rin noon ang pagkawala nito. She died of cancer three years ago. And somehow those times as he mourned for her, he understood his father. Kung hindi lang dahil sa Lolo niya na nagmakaawa sa kanya ay sumunod narin siya kay Elora...
Nangako siya kay Elora na ito lang ang babaeng mamahalin niya...
Masaya si Sica dahil okay na sila ni Gab. Nga lang ay talagang busy ito sa ospital at hindi na naman halos muli nakakauwi sa mansiyon. Medyo malayo rin kasi. Inintindi na lang ni Sica.
Hanggang sa dumating ang araw ng graduation niya. Masayang masaya ang pamilya ni Sica. Um-attend rin si Don Eduardo, syempre, kasama ang bodyguard nitong si Sebastian. Palaging kasama ng matandang Don ang lalaki. Nakikita rin naman ni Sica na bukod sa trabaho nito ay talagang nag-c-care si Sebastian para sa Don. At masaya si Sica para sa matanda. Maraming nagmamahal dito ng totoo, ang apo nitong si Gab, si Sebastian at syempre siya. Deserved naman iyon ng matanda dahil napakabuti nito.
And her heart boomed at the sight of Gab walking towards her direction with a bouquet of beautiful flowers in his hand. It automatically warmed her heart. Tinupad ni Gab ang hiling niya rito noon. Medyo matagal na rin iyon at hindi na niya muling ni-remind ang lalaki pero naalala pa rin nito. Parang matutunaw ang puso niya sa labis na pag-iinit.
"Congratulations!" bati sa kaniya ni Gab nang makalapit ito at may ngiti pa sa mga labi.
Hindi na halos maalis ni Sica ang tingin sa lalaki. Parang gusto niyang magtitili sa kilig. Napakaguwapo pa nito sa ayos nito. Ang medyo humabang buhok na halos tumatabing narin sa noo nito ay malinis na naka-brushed up ngayon.
"Ate, 'yong laway mo tumutulo na." bulong sa kaniya ni Lalaine sa kaniyang tabi.
Tapos na ang ceremony at nag-p-picture picture nalang sila nang dumating si Gab.
Doon lang napabaling si Sica sa iba. Na kinainis niya rin dahil hindi naman totoo ang sinabi ng kapatid at binibiro lang siya nito.
May reservation si Don Eduardo sa isang mamahaling restaurant at doon na sila dumiretso pagkatapos. Kasama ang pamilya ni Sica na panay ang kausap ng Nanay niya kay Gab na polite naman sa parents niya.
***
"You're beautiful..." Nakatingin lang si Gab sa mukha ni Jessica.
Ang maliit nitong mukha ay may bahid ng manipis na makeup. Her pouty lips was painted with a nice colored lipstick. And for the first time she wasn't wearing her eyeglasses. Napilitan din si Sica na mag-contact lenses para sa espesyal niyang araw. Nakababa lang din ang buhok nitong palaging nakapusod. She was attractive, no, Jessica just became more attractive in Gab's eyes.
Maganda naman talaga ang babae. Kulang lang sa ayos minsan. Pero maganda rin ito kahit pa simple.
Pinamulahan naman ng mga pisngi si Sica sa puri ni Gab. Ito yata ang unang beses na pinuri siya ng lalaki.
Kakauwi lang nila galing sa kinainang restaurant. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay sila Don Eduardo at Sebastian. Kasunod naman sila ni Gab na natigilan nga sa labas nang purihin siya ng lalaki.
Titig na titig pa sa kaniya si Gab.
"Doc-"
Ngunit hindi na natuloy ni Sica ang sasabihin nang biglang ibaba at nilapit ni Gab ang mukha nito sa kaniya. Her eyes widened as she felt his soft lips on her.
She was still in shock when his lips started moving. Ngunit unti-unti rin naipikit ni Sica ang mga mata at kalaunan ay nahanap nalang niya ang sarili na gumaganti na sa halik ni Gab.
Saksi ang dumidilim nang kalangitan at tahimik na bakuran ng mansyon sa una nilang halik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro