Chapter 4
Chapter 4
Elora
"Sandali, Doc, pasabay-" hindi magkandaugaga si Sica sa paghabol kay Gab na paalis.
Natigilan siya nang bigla siya nitong harapin. Muntikan pa siyang bumangga sa matipuno nitong dibdib kung hindi lang siya agad nakaatras. Nagkatinginan sila. Annoyance was written on Gab's face. Ngumiti naman si Sica sa lalaki at nag-peace sign pa. Mukha na naman kasi itong galit.
Pero alam ni Sica na hindi. Sa magdadalawang taon na rin niyang kakilala ang lalaki ay nalaman na niyang seryoso lang ito at mukhang palaging galit sa kaniya pero ganoon lang talaga ito. Hindi naman na siya muli nito pinaratangan ng kung ano.
Sa nakalipas na taon na paninirahan niya sa mansiyon ni Don Eduardo ay wala halos silang interaksiyon ni Gab. Palagi itong wala sa bahay at gaya nga ng sabi ng Lolo nito ay mukhang ang ospital na ang buhay nito.
At ngayon ay sasabay na lang nga sana siya kay Gab papunta sa Dela Cuesta Medical, kung saan doctor ang lalaki at si Sica na intern naman doon. Fourth year na siya sa kaniyang kursong Nursing at kasalukuyang nasa On the Job Training. Parehong lugar lang naman ang pupuntahan nila at wala naman sigurong masama kung magsasabay sila ni Gab.
"Kung ayaw mong magpahatid sa driver," parang inis na naman si Gab sa kaniya. "mag-taxi ka! Hindi 'yong ginugulo mo ako. I am not your driver-"
"Grabe naman, doc! May sinabi ba akong driver kita? Para makikisabay lang pareho naman ang pupuntahan natin. At nagpapahinga si Manong," tukoy niya sa driver. "bakit naman mag-t-taxi pa ako kung puwede naman akong sumabay sa 'yo-"
"You know what," parang gigil na tinuro siya ni Gab. "Fine! Get in!" malakas ang boses nito na pumunta na sa pinto ng driver's seat.
May ngiting tagumpay naman sa mga labi ni Sica at binuksan na rin ang pinto ng shotgun seat at pumasok na doon.
Masama pa rin ang tingin ni Gab sa kaniya nang nasa loob na sila ng sasakyan. Kunwari namang tumingin tingin si Sica kung saan para maiwasan ang intense nitong mga mata.
Gab sighed, almost rolling his eyes. "Seatbelt,"
"Oh," nakuha naman agad ni Sica at mabilis nang nagkabit ng seatbelt.
Gab was shaking his head as he started the car's engine and drove.
Naging abala si Gab sa mga gawain sa ospital at ganoon din naman si Sica. Minsan kapag napapadaan si Gab sa kung nasaan ang babae ay lihim na lang siyang napapangiti kapag medyo napapagalitan ito. Paano ba naman kasi at mas marami pang alam na kalokohan kaysa talagang gawain. Napapailing na lang siya.
Napagsabihan na naman si Sica. Hindi niya kasi namalayang nagtagal na pala siya sa pakikinood ng video sa cellphone ng isang batang pasyente sa ward. Gayong may mga gawain pa siyang dapat matugunan agad.
"Inuuna pa kasi ang landi." obvious na parinig sa kaniya ng isang nurse na talaga doon sa ospital.
Tiningnan niya ang babae. Tinarayan pa siya nito. Kumunot naman ang noo ni Sica. Sino raw nilandi ko? Gayong wala naman siyang maisip na nilalandi niya. Tiningnan niya rin ang nurse. Attitude ka, girl?
Buntong-hiningang hinayaan na lang niya ito. Umalis din ito at iniwan siya doon sa labas ng ward.
Sus! Kunwari pang ayaw akong isabay tapos hihintayin naman pala ako, sabi ni Sica sa sarili habang may ngiti sa mga labi na palapit sa kinatatayuan ni Gab.
Umayos naman ng tayo si Gab mula sa pagkakasandal sa kotse nito nang makita siyang palapit. Pinatunog nito ang sasakyan at papasok na sa driver's seat. Maagap din namang pumasok sa sasakyan si Sica.
"Hinintay mo ako, Doc?" ngiting ngiti si Sica habang nagkakabit ng seatbelt.
Kinunutan lang siya ng noo ni Gab na hindi na rin siya apektado. Sanay na pa nga siya sa palaging pagkukunot ng noo ng lalaki. Hindi na bago sa kaniya. "Lolo's worried. Binilin niyang isabay na kita pauwi." Gab said.
"Hmm," tunog nang-aasar pa ang tono ni Sica. Ang assuming niya lang talaga minsan. Parang lahat ng gawin ni Gab ay bibigyan niya ng ibang meaning.
Pero ganoon naman siguro talaga kapag crush mo ang isang tao. Lahat ng gawin niya ay may meaning talaga para sa 'yo, she thought.
Hindi na siya pinansin ni Gab at nakatuon lang ito sa pagmamaneho.
"Oh..."
Hindi namalayan ni Sica na nagsisimula na naman pala siyang kantahin ang kanta ni Elsa sa Frozen 2. LSS pa rin talaga siya.
"Oh..."
"What are you doing?" pukaw sa kaniya ng nakakunot noo nang si Gab.
Bumaling naman si Sica sa lalaki. "Kanta ni Elsa sa Frozen 2? I can hear you but I won't. Some look for trouble while others don't..." kinanta pa niya.
Nalukot lang ang mukha ni Gab. "Stop that," saway nito sa kaniya na nag-iingay lang sa loob ng tahimik nitong sasakyan.
Tumigil din naman si Sica sa ginagawang pagkanta. Nangunot na rin ang noo niya kay Gab. Sa pagkakaalala niya ay hindi naman siya sintunado at may talent din naman sa pagkanta. Siguro ay hater ni Elsa, Anna at Olaf si Gab, sa isip niya.
Tapos ay may naalala siya. Iyong kwento kwento sa ospital. "Doc," tawag niya pero hindi siya pinansin ni Gab na mukhang tamad lang na nagmamaneho. Pero dahil siya si Jessica Dimaguiba ay nagpatuloy siya sa ikukuwento. "narinig mo na siguro 'yong tungkol sa babaeng nakaputi sa elevator doon sa ospital..." humina pa ang boses niya sa mga huling salita. Parang bumubulong.
Mula sa pagmamaneho ay sumulyap sa kaniya si Gab. Seryoso naman ang mukha ni Sica. Gab's forehead creased as usual.
"You're talking nonsense." ani Gab.
"Hindi, Doc, totoo! Usap-usapan na kaya ng mga nurses at staffs..."
Hindi nagsalita si Gab.
But the next day he was already hesitant to take the hospital's lift. Naaalala niya 'yong kinuwento sa kanya ni Jessica.
"That woman," he hissed. Then took the stairs instead.
Lihim na humahagikhik si Sica sa sarili habang nakikita si Gab na hindi pumasok sa elevator at gumamit ng hagdanan. Takot talaga sa multo ang lalaki. Ang laki laking tao tapos takot sa multo, sa isip niya.
"Doc..." marahang tawag ni Sica kay Gab.
Nasa labas sila ng Operating Room at mukhang pagod na pagod ang lalaki na galing doon. Alam ni Sica na hindi naging successful ang operation...at namatay ang pasyente.
Hindi siya napansin ni Gab at tulala lang ito habang nakaupo sa sahig. Walang pakialam kung madumihan man ang suot na scrub suit. Tinanggal nito ang surgical mask.
Maingat na umupo sa tabi ni Gab si Sica.
"I failed..."
Halos hindi marinig ni Sica ang sinabi ni Gab sa sobrang hina. Tiningnan niya ang lalaki na nakatingin lang sa harapan nila, sa kawalan. It tugged Sica's heart.
Alam ni Sica na magaling na surgeon si Gab. Kita naman iyon. Pero hindi lang talaga maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. Lalo kung oras mo na ay oras mo na talaga. She sighed.
"Hindi mo kasalanan, Doc..." pang-aalo niya sa lalaki. "Ganoon talaga siguro kapag oras na ng pasyente..."
Gab let out a heavy sigh. Ramdam ni Sica ang bigat na nararamdaman nito sa mga sandaling iyon. Parang down na down si Gab. And Sica wanted to do something to cheer him up. Paano kung biglang ayaw na lang maging doctor ni Gab dahil sa nangyaring ito? Iisipin niyang hindi naman siya karapatdapat na maging doctor? May ganoon pa naman, sa isip ni Sica. Sayang naman kapag nangyari 'yon! Bagay na bagay pa naman kay Gab ang pagiging doctor-
"Hey," bahagya na siyang siniko ni Gab.
"Huh?" baling ni Sica sa lalaki. Medyo nag-space out na pala siya sa pago-overthink niya. Napakurap pa siya sa biglang lapit na pala ng mga mukha nila. Agad namawis ang mga kamay niya at pinang-initan ng mga pisngi. Her heart boomed. Ang guwapo lalo ni Gab sa ganito kamalapitan!
Bahagyang umatras si Gab nang makuha na ang atensyon niya.
"Ah!" biglang tumayo si Sica. "Alam ko mahilig ka sa ice cream! Ikaw lagi umuubos no'n sa bahay." sinubukan niyang hilahin si Gab patayo at medyo na awkward-an pa siya. "T-Tara! May alam akong perfect na ice cream parlor!" she grinned.
Buntong-hininga ay kusa nang tumayo si Gab at sumama sa kaniya.
At dinala nga niya sa isang magandang shop si Gab. At kahit paano ay nakita ni Sica na gumaan ang pakiramdam ng lalaki. Napangiti siya habang pinagmamasdan itong inuubos ang order nila.
"Magbayad na tayo." sabi niya kay Gab.
"Magbayad ka na." sabi naman ni Gab sa kaniya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Sica. May pagdadalawang-isip pa siyang naglahad ng palad sa harapan ng lalaki.
"What?"
"Magbabayad ba kayo o paghuhugasin na lang namin kayo sa kusina?"
Nag-angat ng tingin si Sica sa mataray na waitress. Attitude din?
Bumunot na ng wallet si Gab at naglahad ng bayad sa naghihintay na waitress.
"Ikaw ang nag-aya. Akala ko libre mo." Bumaling sa kaniya si Gab nang makaalis ang waitress.
"Luh? Ang mahal mahal kaya rito. At ikaw ang maraming pera." pagdadahilan naman niya.
"Then why did you chose this place?"
"Huh? Nakita ko lang 'to sa IG posts ng mga na follow ko sa Instagram."
Gab just sighed and then slowly a smile curved on his lips.
And Sica's heart automatically boomed at the sight of Gab's smile. Ngayon pa lang yata niya nakitang ngumiti ang lalaki! Paano ba naman kasi at puro serious o angry o irritated face lang ang pinapakita nito sa kaniya palagi.
"Jessica,"
Para siyang nabalik sa kasalukuyan nang medyo malakas na tinawag ni Gab ang pangalan niya para makuha ang kaniyang atensyon na kanina lang lumilipad na kung saan.
Tumayo na sila at umalis na ng ice cream shop.
***
"Wala rin po si Gab dito sa bahay, Lolo?" salubong ni Sica kay Don Eduardo nang makarating siya sa mansiyon. Wala pa rin kasi sa labas ang madalas na sasakyan ni Gab.
Nagmano si Sica sa matandang Don at kinumusta ito gaya ng nakasanayan na niya.
"Hindi ko rin po siya nakita sa hospital,"
Tumango ang Don.
"It's Elora's death anniversary."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro