Chapter 15
Chapter 15
Love
Pero muli rin tinawagan ni Sica ang lalaki. Baka sumugod iyon at gumawa ng kung ano doon. Sinagot din naman agad ni JR ang tawag niya. "JR, huwag ka nang pumunta rito. Hindi pa ako uuwi. Narito rin sila Nanay. Nagluluksa ako sa Lolo ko kaya respetuhin mo naman sana." tuloy tuloy na niyang sinabi.
Hindi nagsalita si JR sa kabilang linya at ito naman ang nagbaba ng tawag sa kaniya. Bumuntong-hininga nalang siya at bumalik na sa loob.
Akala niya ay nagbago si JR. Okay naman ito noong nililigawan pa siya... Biglang parang hindi na niya maintindihan ang lalaki. Noon ay may pasensya siyang intindihin ito. Ngayon hindi niya alam.
Naabutan niyang nasa ganoong ayos pa rin si Gab. "Lalaine," tawag niya sa kapatid.
"Ate," lumapit naman ito sa kaniya.
Inabot niya rito ang pagkaing tinanggihan na kanina ni Gab. "Subukan mo. Hindi pa siya kumakain ng kahit ano."
Nagkatinginan sila ni Lalaine. Ngumiti ito at tumango pagkatapos pumunta na kay Gab.
Kita niyang tinanggap naman ni Gab ang pagkain mula sa kapatid niya. She sighed. Hinintay niyang kainin nito iyon pero mukhang hinawakan lang naman. Muli siyang nagbuntong-hininga. "Ang tigas ng ulo ng apo n'yo, Lolo." she whispered.
"Matigas talaga ang ulo niyan-"
Agad napabaling si Sica sa nagsalita. Napahawak din siya sa dibdib. Si Manang Nelly lang pala. Akala niya ay ang Don Eduardo na iyon na sinagot siya.
"-ni Sir Gabriel," pinangunutan naman siya ng noo ni Manang Nelly.
Tumango siya sa kasambahay. "Magkakasakit siya kapag gan'yan siya." sabi niya. May pag-aalala.
"Pilitin mo kasi. Magpapapilit naman 'yan sa 'yo. Ikaw pa ba." ani Manang.
Nagkatinginan sila ng kasambahay.
At dahil nauto nga siya ni Manang Nelly ay muli niyang nilapitan si Gab. Muli siyang naupo nang tahimik sa tabi nito. Tumingin na rin siya sa tinitingnan nito sa harapan nila. Lolo, tulungan n'yo naman po ako sa apo ninyo, sa isip niya.
"Gab,"
Hindi pa rin ito umimik.
"Gab, kumain ka na."
"I'm fine." hindi nito inaalis ang tingin sa harap nila.
Sica sighed. "Alam mo, Gab, kung nasaan man ngayon si Lolo sigurado akong hindi siya natutuwa. Palagi ka niyang pinagbibigyan. Sana naman ngayon pagbigyan mo rin siya. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Alam kong ayaw din ni Lolo na nagpapabaya ka."
Doon na napabaling sa kaniya si Gab. Muli siyang nagbuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. Habang nanatili naman na sa kaniya ang mga mata ni Gab.
"Okay..."
Nag-angat si Sica ng tingin sa lalaki. Nagkatinginan sila. Tumango siya at tumayo na. Sumunod naman si Gab sa sa kaniya.
Sumunod naman sa kanila ang tingin ng kapatid niya. May ngiti sa mga labi nito. Ang mga magulang nila ay nauna nang umuwi kanina dahil kailangan na rin magpahinga ng Tatay nila. Tumango sa kaniya si Lalaine.
Nakarating sila ni Gab sa may parking space. Sa harap ng sasakyan nito. Dala rin ni Sica ang kotse niya pero roon na sila tumigil. Pinatunog ni Gab ang kotse nito at pumasok na sila doon.
"Where do you wanna go?" tanong sa kaniya ni Gab habang minamaniobra na nito ang sasakyan paalis.
Bumaling siya sa lalaki. "Ikaw, kung saan mo gusto. Ikaw naman ang kakain."
Sumulyap sa kaniya si Gab. "How about you?"
Umiling siya. "Tapos na ako. Nakakain na kami kanina. Ikaw itong hindi pa."
Marahang tumango si Gab at nag-focus na sa pagmamaneho. Nakarating sila sa isang pamilyar na restaurant. Alam ito ni Sica dahil dito rin sila madalas kumain noon ni Gab.
Naunang bumaba si Gab at pinagbuksan siya nito ng pinto. Sabay na silang pumasok sa loob. Hindi na kailangan ng reservation at kilala rin naman si Gab ng may-ari doon.
Tinanong siya ni Gab kung ano ang gusto niya pero umiling lang siya. Si Gab nalang ang um-order at naparami yata. Nang dumating ang mga pagkain ay pinilit siyang kumain ni Gab. Medyo late na rin para sa dinner. Kahit busog pa naman talaga siya ay kumain nalang din si Sica para may kasabay si Gab.
"Oo, tapos naalala mo noong nadulas ka sa banyo?" Sica laughed at the memory.
Kumunot ang noo ni Gab sa kaniya at nakangiting napailing nalang ito. "Sinadya mo sigurong iwan ang sabon doon sa sahig ng bathroom natin."
"Hindi kaya! Nahulog lang iyon doon."
Pareho silang tumatawa at masaya. Until their laughter died down. Nagkatinginan sila.
Awkward.
Unang nag-iwas ng tingin si Sica at napainom ng tubig. Ang galing naman.
The silence stretched.
"Ang sarap ng leche flan." sabi nalang niya para may masabi lang kahit sumakit na ang lalamunan niya sa tamis ng dessert.
Tumango si Gab. "Kumain ka pa." anito sa kaniya.
Umiling naman siya. "Busog na ako." humawak pa siya sa tiyan at naramdamang parang bloated na iyon, para mas effective ang pagsabi niyang busog na nga siya. Busog naman talaga siya. Ang dami ba namang in-order ni Gab at dalawa lang sila.
Napatingin siya sa pinggan nito. Mabuti naman at marami rin itong nakain. Napangiti siya.
Nagbayad na si Gab at umalis na rin sila roon pabalik kung saan nakaburol ang Lolo nila.
Agad siyang siniko ni Lalaine nang maghiwalay sila ni Gab at may naabutan itong close family friend doon. Bumaling siya sa kapatid.
"Nag-date kayo?" Lalaine teased.
Agad naman kumunot ang noo ni Sica sa nakababatang kapatid. "Anong date? Kumain lang kami."
Ngumingisi-ngisi pa rin sa kaniya si Lalaine. Sinimangutan nalang ni Sica ang kapatid.
"Ate, ang guwapo noong relative ni kuya Gab. Pakilala mo naman ako." anito kalaunan.
Lumipat na rin ang tingin ni Sica sa tinutukoy nito. "Bakit ako? Doon ka sa kuya Gab mo magsabi."
"Ikaw nga magsabi kay kuya. Busy pa siya, e."
"Kaya nga. Mamaya 'pag wala nang kausap puntahan mo." at iiwan na sana niya ang kapatid doon para puntahan naman muna sila Manang Nelly nang pigilan siya nito sa braso niya.
"Ikaw na magsabi. 'Yong hindi obvious. Kunwari nagkataon lang tapos ipapakilala n'yo lang talaga ako."
Kumunot ang noo ni Sica sa kapatid. "Ang charot mo. At burol ito, ha, Lalaine. Hindi ka narito para maghanap ng lovelife."
"Luh? Lovelife agad? Friendship muna, ate. May nabasa ako na mas strong 'yong relationship 'pag nag-start muna sa friendship."
Friendship din naman sila nagsimula ni Gab... Tapos naging fuck buddies?
Kunot pa rin ang noo ni Sica sa kapatid. "Ewan ko sa 'yo."
"Sige na, ate! Maghihintay ako rito. Tapos kunwari wala akong alam talaga. Tatawagin n'yo lang ako ni kuya Gab at ipapakilala."
Sakto namang tapos na si Gab sa pakikipag-usap nito. Lumapit na si Sica sa lalaki. "Gab,"
Maagap namang sinalubong din siya ni Gab.
"Si Lalaine kasi, ang kulit. Pakilala mo raw siya doon sa pinsan mo ba o pamangkin?" bahagya niyang tinuro ang banda noon kay Gab.
Saglit naman na binalingan din ni Gab ang lalaking kaedad lang din siguro ni Lalaine. "Just a relative."
Tumango siya.
Nilapitan na nga iyon ni Gab at tinawag na rin nila si Lalaine na nagkukunwari ngang abala roon. Gustong irapan ni Sica ang kaartehan ng kapatid.
"Ano 'yon, kuya?" kunwari pa ito kahit inaasahan naman na nito 'yon.
Kunot ang noo ni Sica sa kapatid.
"Laine, this is Jed." at pinakilala na nga ni Gab ang mga ito sa isa't isa.
Ngiting-ngiti naman ang kapatid niya. At mukhang mabait din iyong Jed.
Hinayaan nalang niya ang kapatid. Sumunod din sa kaniya si Gab.
"Are you tired?"
Umiling siya. "Hindi, okay lang ako." tipid siyang ngumiti sa lalaki.
Hindi alam ni Sica kung bakit ang gaan nalang ng pakiramdam niya. Dapat ay galit pa rin siya kay Gab. Pero siguro dahil kamamatay lang ng Lolo nila kaya she's considering it now.
Nagkatinginan sila ni Gab. Niyaya siya nitong umupo. Sumama naman siya.
Baka rin tama ang Nanay niya. Kung nasaktan siya ay nasaktan din si Gab. Pareho lang naman silang nawalang ng anak... Pareho rin nilang hindi pa alam na buntis na siya noon. Pero hindi niya pa rin maiwasan na isipin na talagang inuna ni Gab si Elora nang araw na 'yon.
Minsan natatanong niya ang sarili kung minahal ba siya ni Gab gaya ng pagmamahal niya rito. Gusto niyang malaman ang nararamdaman nito sa kaniya... He never said he love her before.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro