Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Pagkukulang


Sica blamed herself, too. Napabayaan din niya ang sarili. Hindi na niya halos naisip ang posibilidad. Nasanay siyang nag-c-contraceptive naman. Which she realized she failed to take at times.

"Lolo, please, ayaw ko na po makita pa ang apo ninyo..." She was crying in front of Don Eduardo.

Ang gusto nalang noon ni Sica ay ang magpakalayo at isiping isang masamang panaginip lang ang mga nangyari sa kaniya.

Tumango ang Don. "Ako na ang bahalang magpawalang bisa sa kasal ninyo ni Gabriel..." the old man said after a sigh.

Samantalang buong pag-iintindi naman na tinanggap ni Gab ang kagustuhan ng dating asawa. It was not easy for him to let go of his love. It hurt him so much. But it was for Jessica. He wanted her to heal. Hindi lang ito ang nawalan, nawalan din siya. And he regret leaving her that day. If only he stayed with his wife ay sana nabantayan pa niya ito. Pero huli na. And seeing his wife in that state broke his heart. Hindi siya sanay na makita itong ganoon. She was not the Jessica he knew. And he did not want to break her more. Kaya hinayaan niya ito.

Noon na rin nagdesisyon si Sica na umalis at magtrabaho sa ibang bansa para tuluyang makalayo.

Diretsong nilagok ni Sica ang laman ng kaniyang shot glass. Limang taon na pero ang sakit na dinulot sa kaniya ng nakaraan ay parang naroon pa rin. Parang hindi nawala at hindi niya alam kung maaalis pa ba sa kaniya. She was still hurting deep inside. She was not even given the chance to be a mother. To prove if she's worthy of being one. Pero siguro ay hindi dahil maaga rin itong kinuha agad sa kaniya.

"Si, napaparami ka na ng inom." JR reminded beside her.

Umiling siya at pilit na tumayo. Medyo nahihilo na rin siya. Nagpaalam siya sa mga kasama na mag-c-comfort room.

"Samahan na kita." tumayo na rin si JR.

Pero binalingan lang ito ni Sica na may ngisi sa mga labi. "Dito ka lang! Kaya ko naman mag CR mag-isa. Hindi na ako kailangang samahan pa. Ang laki-laki ko na, e." umiling siya.

Wala rin nagawa si JR at hinayaan si Sica.

Nakita naman ni Gab ang pagtayo ni Sica at pagtungo sa ladies' room. Nakita niyang medyo hindi na ayos ang lakad nito. Maagap rin siyang nagpaalam muna sa mga kasama sa mesa rin nila.

Kamuntikang matumba si Sica kung hindi lang siya maagap na nasalo ni Gab. Naaninag niya ang mukha ng lalaki at parang napaso ay mabilis siyang lumayo kay Gab. Parang nabawasan ang kalasingan niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"You should go home and rest. You're drunk."

Sinubukan siyang abutin muli ni Gab pero humakbang pa siya ng isa palayo muli.

Gab sighed. "Jess... Let's go, ihahatid na kita-"

"At sino ka naman para payagan kong ihatid ako?" lumalabas ang pagiging mataray niya kay Gab. "Sa pagkakaalala ko hindi na dapat tayo magkakilala."

Gab looked at Jessica. Sa ayos nito. Her jeans and simple shirt and eyeglasses were long gone. He shook his head at akma muling hahawakan sa braso nito ang dating asawa.

Ngunit tinalikuran na siya ni Jessica at pumasok na ito sa ladies' room.

Ang totoo ay nasusuka na si Sica kaya pagkapasok ay agad na siyang nagsuka doon. Mula naman sa labas ay naririnig ni Gab ang babae. Walang pagdadalawang-isip na siyang sumunod sa loob. And it was a good thing na bukod sa kanilang dalawa ay wala nang ibang tao doon.

Sa sink naman pumunta si Sica para makapagmumog at hilamos. Pagkatapos ay humarap siya sa salamin. Doon ay kita niya ang repleksiyon nila ni Gab. Nasa likod niya ang lalaki at lumapit pa. She sighed. Parang tuluyang nawala ang espiritu ng alak sa sistema niya matapos makapagsuka.

Hinarap niya ang dating asawa. "Ano bang ginagawa mo? Ladies' room ito. Umalis ka na nga at iwan ako! Diyan ka naman magaling!" she burst.

Bahagyang natigilan si Gab at napailing din. "Sino ba sa atin ang nang-iwan?"

Kumunot ang noo ni Sica at hindi rin agad nakapagsalita. "Ikaw ang mahilig mang-iwan!" she threw at him.

Umiling din si Gab. "I needed to go to work kaya minsan naiiwan kita sa bahay noon-"

"Anong minsan? Madalas kaya! Hindi ka na nga halos nakakauwi! Natatapos na lang ang duty ko sa ospital ay halos hindi rin kita makita doon dahil puro ka operasyon! Puro ka trabaho!"

Bumilis ang paghinga ni Sica pagkatapos magsalita. After years, ngayon palang talaga niya nasusumbatan si Gab sa mga pagkukulang nito noon.

Muli namang natigilan si Gab. Totoong abala talaga siya sa trabaho. Ganoon naman na siya bago pa dumating sa buhay niya si Jessica. And he thought it was just fine with her. Wala naman kasi itong sinasabi. And hearing all these things now from his ex-wife made him regret more. Hindi niya hustong naisip noon na may asawa na siya at dapat magbago narin ng priorities. At noong gagawin palang niya ay hindi na rin siya nabigyan ng pagkakataon dahil iniwan na siya ni Jessica.

"Jess," muling subok ni Gab na abutin si Sica pero halos bayolente lang nitong tinabig ang kamay niya at umatras.

Gab let out a sigh.

"Huwag mo na akong kausapin ulit!" Sica shouted at him and left.

Walang nagawa si Gab at naiwan siyang mag-isa doon sa loob ng ladies' room at naabutan pa siya ng isang babaeng pumasok. Umiling si Gab at lumabas na rin.

Nagpupuyos sa galit si Sica matapos iwan si Gab sa loob ng ladies' room. Pero habang pabalik sa mesa ng mga kaibigan niya ay napaluha rin siya. Dahil bukod sa galit ay ang sobrang sakit na nararamdaman niya. Mabilis din niyang pinalis ang mga luha at may ngiti na sa mga labing humarap sa mga kaibigan na parang wala lang nangyari.

Pero kailangan na rin umuwi nila Aya at Louie kaya nadesisyon na rin siyang umuwi na. Sila Aya na ang maghahatid kay Myrna. Habang si JR naman ang nagboluntaryong muli na ihatid siya sa kanila.

Kanina nang paalis na siya sa mansiyon ay on the way rin si JR sa pagkikitaan nga nilang magkakaibigan. Si Aya ang nagpaalam sa lalaki kaya ito na ang sumundo sa kaniya doon at nagsabay na sila.

"Thanks, JR." ani Sica na nagkakalas ng seatbelt at nasa harap na sila ng kanilang bahay.

"Sica," pigil sa kaniya ni JR.

Bumaling naman si Sica sa lalaki.

JR sighed. "Ilang taon na rin... Baka naman pwede mo na akong tanggapin muli sa buhay mo," ngumiti ito.

Napangisi si Sica. "Ang baduy mo, huy!" she laughed a bit.

Pero kumalma rin ang tawa niya at nauwi nalang sa isang ngiti.

Noong nagkita silang muli ni JR noon pagkatapos din ng ilang taon, noong pinagselosan din ito ni Gab. Nagkausap din naman sila. Humingi ito ng tawad sa kaniya at binalak pang kunin muli ang loob niya pero si Gab na ang nasa puso niya... Nanghinayang din ito noon at sinabing ang totoong rason kung bakit ito nakipaghiwalay ay ang balak nga nitong pagtatrabaho noon sa ibang bansa. At natakot lang itong baka hindi nila kayanin ang long distance relationship.

Nagkasama rin sila ni JR sa ospital sa Canada. Ito rin ang tumulong sa kaniya. And those times she was still hurting and trying to heal. She cannot say now that she's completely healed. She's still hurting. Pero naisip ni Sica na ilang taon narin... And maybe it's time for her to finally move on.

Unti-unti ay tumango si Sica. Nanlaki naman ang mga mata ni JR at kita ang tuwa sa mukha nito. Bahagyang napatawa si Sica sa reaksyon ng lalaki. Then JR hugged her. Medyo kinagulat pa iyon ni Sica pero niyakap narin niya ito.

"Thank you, Sica! Promise, hindi mo pagsisisihan na binigyan mo 'ko ulit ng pagkakataon."

Sica just tapped JR's back. May maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.

Siguro ay sila talaga ni JR ang para sa isa't isa...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #rejmartinez