Special Chapter 02
"May I talk to you, hijo?" ani Lorenzo nang ilang sandali pagkatapos ng kanilang dinner.
Nagkatinginan si Maia at James. Tumango ang huli at sumama na muna sa kaniyang ama.
Nakasunod ang tingin ni Maia sa dalawa ng kuhanin ng Mommy niya ang kaniyang atensiyon.
"Don't worry, hija. Mag-uusap lang ang Dad mo at si James." lapit sa kaniya ng ina.
Maia nodded at her Mom. "Opo. Nakausap ko na rin kanina si Daddy. Sinabi na niya sa aking kakausapin niya ngayon si James." she told her.
Tumango ang ginang at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Come here." hinawakan siya nito at giniya muna para sila naman ang makapag-usap.
Her Mom sighed at first. Tumingin ito sa kaniya. "Ano ang plano mo ngayon?" her mother gently asked.
"Mag-uusap pa po kami ni James-"
"No," inilingan siya nito. "No, hija. Ikaw, ano ang plano mo?"
Nakuha niya ang sinasabi ng ina. Tumango siya.
"I will talk to James." she started, looking at her waiting mother. "We will talk about our future together with our child. We can stay here in Canada or we can go back to the Philippines. Naroon pa rin ang trabaho namin sa hospital natin, although we can both also work here." umiling siya sa ina. "I can't really fully answer your question right now, Mom. Dahil hindi nalang pi ako ang magdedesisyon dito. Lalo ang para sa anak namin." she told her mother.
Napangiti naman si Liza sa anak. "I understand, Shemaia."
"Hindi po ba anh sabi n'yo pa nga noon sa akin, noong tanungin ko kayo kung bakit kailangang dalawa kayo lagi dapat ni Daddy ang nag-d-decide sa kahit na anong bagay? You said because you're husband and wife, and that dalawa kayong mga magulang namin ni Kuya Tristan. Kaya naman para maiwasan na rin ang hindi pagkakaintindihan dapat ay pareho kayong nagkakasundo sa mga pagpapasya."
Liza smiled more at her daughter. "Yes, hija. Kapag naging mag-asawa na kayo ni James, mas mainam na maging isa ang desisyon ninyo sa lahat ng bagay. You are not alone anymore. Partners na kayong dalawa sa kahit na ano." anito.
Napangiti na rin si Maia. She nodded her head, too. "Does that mean, pumapayag na kayo na magpapakasal kami ni James?" she hopefully asked.
Napailing ang kaniyang ina. "Oo naman, hija! Magkakaanak na kayo and it is only right... And you love him, right?" ngumiti ang kaniyang ina.
Maia nodded with a smile on her lips. "Yes, Mommy... I love James so much." amin niya.
Napangiti nalang ang kaniyang ina. "I'm your mother but I did not noticed that," umiling ito na parang nabigo sa sarili.
Maia promptly shook her head. "Huwag n'yo po isipin iyon, Mommy... Tinago ko rin naman po sa inyo..."
Umiling-iling ang ginang. Pagkatapos ay marahan siya nitong hinila and hugged her lovingly.
Maia was comforted by her mother's embrace.
Nang mukhang natapos na ang pag-uusap ni James at ng Daddy niya ay sinalubong niya ang kasintahan. "Tapos na?" she asked him.
Tumango si James at ngumiti.
Ngumiti rin si Maia at bumaling sa ama na nginitian lang din siya ng bahagya.
"It's late, hijo. Huwag ka nalang muna sigurong umuwi sa hotel mo, at puwede ka rin namang dito nalang matulog." bumaling ang Mom niya sa Dad niya.
Tumango rin naman si Lorenzo.
"Thank you, Tita." James thanked her mother.
Tumango lang ito. "Shemaia, magpahinga na siguro kayo sa kuwarto mo. Hindi maganda sa 'yo ang puyat." her Mom said.
She nodded at giniya na si James sa kwarto niya.
"Ano'ng pinag-usapan ninyo ni Dad?" she asked habang nakahiga na sila sa kama at nakaunan siya kay James.
James was also slightly combing her hair with his fingers, at parang nahihile rin si Maia sa ginagawa nito. "He apologized..." James answered.
Napangiti nalang si Maia.
Sandaling katahimikan bago muling may nagsalita sa kanila.
"I'm not happy that my Dad is in prison right now..." amin nito.
Niyakap pa ni Maia si James sa kaniyang gilid at nakinig lang muna sa sasabihin nito.
"I know what he did was wrong. And my real parents deserves justice. But... Siya pa rin ang kinilala kong ama. I grew up knowing that he's my father. That they're my parents. And then one day nalaman ko nalang na... Parang lumaki lang din pala ako sa isang kasinungalingan. I felt like the life I had was a lie."
"Shush, I won't justify Tito Rodrigo's crime... Pero alam kong hindi siya masamang tao, James... Pinalaki ka niya sa totoong pagmamahal. Alam kong mahal ka ni Tito na parang sa totoong anak. He was only blinded by betrayal and his anger then sa nagawa na rin sa kaniya ni Tita Elvira... But, yes, kailangan niya pa rin iyong pagbayaran sa kulungan para na rin sa totoong mga magulang mo, James..."
James nodded. "Iyan din ang sabi niya sa akin nang puntahan ko siya sa kulungan... He said that he loved me truly..."
Bahagyang bumangon si Maia at nag-angat ng tingin sa kaniya. "You went there?"
Tumango si James. "Yeah... Para sa mga tanong ko. I just felt like I needed to..."
Tumango si Maia at bahagyang ngumiti. "Tama lang iyon, James. You need it for yourself."
Inabot ni James ang mukha niya and he gently touched her cheek. "Ayaw ko nang magalit, Maia... I don't want to start a family with you and raise our child with anger still in me. Gusto ko nalang magpatawad... Para wala na akong iisipin kung 'di tayo..." umiling ito. "I just hope that my real parents would understand..."
Tumango si Maia. "They will, James. They love you. And love forgives." she told him.
Tumango naman si James sa sinabi niya.
They looked into each other's eyes until their lips slowly met... James claimed her lips for a gentle kiss...
Napangiti nalang si Maia pagkatapos ng halik.
"Let's sleep now?" si James.
She nodded her head.
"Kailangan mo nang magpahinga at ni baby." James gently touched her tummy.
"Ikaw rin." aniya.
James nodded. Until they both fell asleep.
Nagising si Maia na wala na sa tabi niya si James. Inisip pa niyang baka panaginip lang ang lahat. Pinakiramdaman niya muna ang sarili. At alam niyang hindi iyon panaginip. James is really here at nagkausap na rin ang kaniyang pamilya.
Bumangon na siya at pagkatapos manggaling sa banyo ay lumabas na rin ng kuwarto para hanapin si James.
"Good morning, Tata!" salubong sa kaniya ng pamangkin.
Maia automatically smiled when she saw her niece. "Good morning, baby!" niyakap niya ang bata at hinagkan.
"I'm not a baby anymore! I'm a big girl na! Nandito ang baby," Tristeen touched her protruding belly.
Bahagya nalang napatawa si Maia at tumango sa pamangkin. "Yes," sang-ayon niya rito. "Kanina ka pa ba gising?" malambing niyang tanong.
Tristeen nodded. "Yes! Toto is at the kitchen, cooking." pagpapaalam nito sa kaniya.
"Oh," napatango nalang siya. "Where's your Mommy and Daddy?" she asked her niece.
"Sa room pa, po. Still sleeping." sagot naman nito.
Tumango na si Maia at sinama na ang pamangkin sa kusina para puntahan si James na nagluluto na siguro ng almusal nila. Napailing nalang si Maia.
"Lolo and Lola left early. They went to the grocery. They also asked me if I want to go with them," kuwento ni Tristeen habang papasok sila sa kitchen.
"Hindi ka sumama kanila Lolo at Lola?" she asked.
Umiling ang bata. "Nope!"
"Bakit naman?" baling niya rito.
Umiling pa si Tristeen. "I just don't want to. I'm waiting for you to wake up!" she grinned.
Napangisi na rin si Maia sa pamangkin. "Sus! Bakit naman?"
But Tristeen only shrugged. Mukhang binobola pa yata siya ng pamangkin niya. Baka tinatamad lang din itong lumabas kasama ang parents niya. Malamig din talaga sa labas dahil na rin sa snow.
"Hey," bati sa kaniya ni James na naglalapag na ng pagkain sa mesa.
Nailing nalang si Maia. "James," she sighed. "You don't have to do this," aniya rito.
Nilapitan siya ni James at hinagkan. Nakatingin lang din sa kanilang dalawa si Tristeen.
"Sorry, hindi na kita nahintay na magising. I decided na bumangon ng maaga para na rin mapagluto kita ng breakfast. Is this okay?" binalingan nito ang mga pagkain sa mesa. May pancake din doon na nagpatakam kay Maia.
She smiled at James. "Thank you." she kissed his cheek.
James smiled, too. "You're welcome. Let's eat," bumaling ito sa pamangkin nila. "Your Mom and Dad still sleeping?" he asked Tristeen.
Tumango ang bata. "Yes. Let's not wait for them. I'm hungry na." anito.
Napangiti nalang sila ni James sa isa't isa matapos magkatinginan.
Pinaghila siya ni James ng mauupuan at pinaupo na rin nito roon si Tristeen. The three of them started eating breakfast. Madaldal din si Tristeen sa mesa kaya hindi na rin nila napigilang dalawang mapatawa sa kakulitan ng bata.
For new year ay sa top floor na ng isang hotel nilang pamilya naisipan magpalipas ng bagong taon. Nag-book na rin sila ng suites para doon na rin magpahinga at matulog. Nag-dine muna sila sa isang restaurant sa top floors kasama ang iba rin mga guests ng hotel ay nakisabay na rin sa countdown.
"Dahan dahan, Tristeen," saway ni Camille sa anak nang mukhang nagmamadali na itong kumain para makalabas sa malapad na veranda ng hotel restaurant na kinainan nila at ayaw din ma-miss ng bata ang mga fireworks.
"Happy new year," nagkabatian sila.
Pinapanood na rin nila ang fireworks habang yakap din siya ni James galing sa likod. Kumportable naman si Maia na nakasandal sa nobyo. Ang Kuya Tristan naman niya ay buhat si Tristeen at nakakapit din si Camille sa asawa habang nanonood din ng fireworks display. Sweet din sa isa't isa ang parents nila. Maia can't help but smile.
Ngunit sandali lang nawala ang ngiti sa mga labi niya nang lumuhod nalang si James sa tabi niya at may hawak nang singsing. May guwapong ngiti sa mga labi nito. Patuloy ang fireworks at halos hindi pa sila magkarinigan.
Napatakip si Maia sa bibig at naluha na rin ng konti. Tumatango rin siya sa proposal ni James kahit pa nababalot na rin ng emosyon. Hindi niya pa rin inaasahan ito. Tingin niya ay perfect din with these fireworks and the celebration of new year. Parang bagong taon din para sa kanilang dalawa ni James.
She gave her hand to James at maagap naman sinuot ni James ang singsing sa kaniya at pagkatapos tumayo ito para mayakap siya. She embraced him, too.
May mga ngiti para sa kanila ang pamilya niya at pinalakpakan na rin sila ng iba pang mga taong naroon kasama nila sa lugar.
Walang mapagsidlan ang saya sa puso ni Maia.
Alam niyang hindi pa rin dito nagtatapos. Siguro nga ay nagsisimula pa lang sila, but this is a start then. Simula ng buhay niya kasama sa James, ang tanging lalaking pinakamamahal niya at ang pamilyang bubuuin nila.
Basta ang alam ni Maia, gaya nga ng sabi ng Mommy niya, na hindi nalang siya mag-isa ngayon. She has James now... And they will do this life together.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro