16
Naging mabilis ang pangyayari. Walang nagawa ang mga police. Nakatakas ang sasakyan nila. Sinubukan pa silang habulin but Leo was able to maneuver the car hanggang sa nakalayo sila.
"A-Are you okay, Maia?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Ivy mula sa passengers seat.
Marahan siyang tumango at bumaling kay James na nasa labas lang ng bintana ang tingin. Leo was calling someone on the phone.
Nagbaba ng tingin si Maia. Nararamdaman pa rin niya ang takot at sakit mula sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwalang nagawa siyang tutukan ng baril ni James.
Hindi sila napaputukan ng mga pulis dahil nasa loob siya ng sasakyan.
"James," tawag ni Leo sa katabi niya habang nagmamaneho ito. "lilipat kayo ng sasakyan mamaya. Kukunin kayo ng kaibigan ko. Ako na ang bahala sa Ate mo. I'll bring her to a safe place, first."
"What? No!" agad na tutol ni Ivy sa sinabi ng lalaki. "Hindi ko iiwan ang kapatid ko-"
"Hindi ko pababayaan ang kapatid mo. Please trust me, 'Vy." Leo assured.
Natahimik si Ivy hanggang sa tumigil ang sinasakyan nila sa tabi ng tahimik na kalsada. Unang lumabas si Leo at sumunod naman sila. Sinalubong sila ng isang lalaking kaedad lang siguro ni Leo.
"Alec." bati ni Leo sa lalaki.
The man looks handsome and dangerous. Binati rin nito si Leo at mukhang malapit na magkaibigan ang dalawa.
"Ivy." tipid na nginitian ni Alec ang ate ni James. "Sinagot mo na ba 'tong kaibigan ko?" he smirked.
Bahagyang pinangunutan ng noo si Ivy at tumingin kung saan saan. "We'll get there." simple lang nitong sinabi.
Leo was already grinning widely. Agad lang itong pumormal nang masamang binalingan ng tingin ni Ivy. Alec laughed. Tipid na napangiti si Maia. Maybe he's not that dangerous after all. She thought.
"Alec, this is my brother, James" pagpapakilala ni Ivy sa kanila. "...and Maia."
Tipid silang tinanguan ni Alec.
"Thanks, man." narinig niyang pagpapasalamat ni Leo sa lalaki nang papasok siya sa sasakyan nito.
Hindi pa niya agad sinarado ang pinto ng kotse. She saw James hugging his sister. Hindi kalayuan sa kinaroroonan niya kaya naririnig niya ang pag-uusap ng magkapatid.
"I won't let them hurt you." she heard James saying habang yakap nito ang nakatatandang kapatid.
Nagpaalam na sila sa isa't isa at sumunod nang pumasok sa sasakyan si Alec at James. Sa likod siya at sa passengers seat naman ito.
Mahaba din ang binyahe nila hanggang sa makarating sila sa isang Barrio. Madaling araw na. Unang lumabas ng sasakyan si Alec at sumunod naman sila ni James. An old couple welcomed them.
"Pasensya na po sa abala, Lola, 'Lo." si Alec.
"Ano ka ba, Alec. Wala lang ito." anang matandang babae saka bumaling sa kanila.
"This is James and Maia." Alec introduced them.
"G-Good morning, po." hindi pa halos malaman ni Maia kung paano babatiin ang mga ito.
The old lady smiled at her kindly. "Magandang umaga rin sa inyo, hija. Tawagin mo nalang akong Lola Lydia. At ito naman ang Lolo Manuel n'yo."
Ngumiti si Maia sa mag-asawa.
Pinatuloy sila sa maliit na bahay ng mga ito. Nagpaalam din agad si Alec matapos silang ihatid doon at nagsabing babalik din kinabukasan.
Nanatili si Maia sa maliit na sala habang nagpapasalamat si James sa lalaki. Hinatid ng mag-asawa si Alec sa labas at naiwan silang dalawa ni James doon.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki ngunit nag-iwas lang ito ng tingin sa kaniya. Nakabalik din agad ang mag-asawa at pinayuhan silang magpahinga na muna. Dalawa lamang ang maliliit na kuwarto sa bahay na 'yon.
"Pasensya na kayo hijo, hija. Maliit lang itong bahay namin." ani Lola Lydia.
Maagap naman itong inilingan ni Maia. "Okay lang po, Lola. Salamat po sa inyo ni Lolo at pinatuloy ninyo kami." aniya.
Ngumiti naman ang matanda at nagpaalam nang babalik sa pagtulog matapos silang pahiramin ng pamalit na damit.
"Sa sala nalang ako matutulog."
Napakurap pa si Maia nang bigla siyang kibuin ni James. Napatingin siya sa lalaki. "Huwag na." pigil niya nang maalala ang pahabang upuang gawa sa kahoy sa labas. Sa tangkad ng lalaki ay hindi ito magkakasya doon.
"Kasya naman tayong dalawa dito sa kama..." mahina niyang dagdag.
Ilang sandali pa ay tumango si James at tinungo na ang kabilang dulo ng kamang gawa sa kawayan. Natatabunan lang ito ng banig. Unti-unti na rin siyang nahiga sa tabi nito. Although may maliit na distansya sa pagitan nila.
Nagising si James sa tilaok ng mga manok sa labas. Bumungad sa kanya ang natutulog na ayos ni Maia sa kanyang tabi.
Marahan siyang bumangon. Pagkatapos ay maingat na inayos pa ang higa ni Maia doon. He was careful not to wake her up. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto.
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Maia. Agad hinanap ng paningin niya si James na nasa tabi niya lang kagabi. Naalarma siya nang makitang wala na doon ang lalaki. Mabilis siyang bumangon at lumabas ng maliit na kuwarto.
"Oh, hija, gising ka na pala." sinalubong siya ng ngiti ni Lola Lydia.
Hindi naman siya makangiti pabalik sa matanda. "Lola, si James po?" agad niyang tanong dito.
"Nasa likod." sagot nito. "Tumulong sa Lolo Manuel mong magsibak ng kahoy."
Doon pa lang nakahinga ng maluwag si Maia. Kumalma siya at nagsimulang tumulong na rin sa kay Lola Lydia maghanda ng almusal.
"Ayos na ba sa 'yo ang mainit na tsokolate, Maia?"
Tumango siya at ngumiti. "Opo. Salamat po, Lola."
Ngumiti lang ito at nagsalin na pati ng kape sa mga tasa. Pumasok na rin si Lolo Manuel sa bahay gamit ang pintuan ng kusina. Kasunod nito si James na pawisan at walang damit pang-itaas.
Matapos mag-agahan ay sinubukan niyang tumulong kay Lola Lydia sa mga isasampay raw nito sa likod ng bahay kung saan naro'n ang sampayan.
"Kanina n'yo pa po nilabhan ang mga 'to?" natanong niya.
"Oo. Doon sa may ilog sa baba, hija."
Napatango tango siya. Akala niya ay noong unang panahon lang naglalaba sa ilog ang mga tao.
"Teka saglit," paalam nito sa kaniya. "Kukunin ko lang ang mga pang-ipit. Naiwan ko pala sa loob."
Tumango siya at sinundan ito ng tingin papasok sa bahay. Hindi pa niya naaalis ang tingin doon ng lumabas si James. Tuloy tuloy itong lumapit sa kaniya at nagsimulang magwala ang puso niya sa pinaghalong kaba at antisipasyon sa paglapit nito.
"James..."
"Hindi mo ba hihingin sa 'kin na ibalik na kita sa inyo?" agarang tanong nito sa kaniya.
Seryoso ito at hindi siya sanay. Namimiss na niya ang mga ngiti nito at paglalambing sa kaniya.
"A-Ano?" hindi niya ito agad naintindihan.
"I kidnapped you, Maia. And soon I'll use you against your family." halos walang emosyong sinabi nito.
Umawang ang labi ni Maia at parang may kung anong tumusok sa puso niya. Sa sandaling 'yon pakiramdam niya ay hindi ang lalaking mahal niya ang kaharap. Para itong ibang tao. Not the same James she knew anymore... The man standing in front of her at that moment was hard and cold. And broken.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro