Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

"You rest." ani James nang makapasok sila sa isang silid ng rest house.

Iniwan muna sila ni Attorney Noble pagkatapos ihatid dito. Maagap niyang pinigilan si James sa braso nang tangka itong aalis. Napabaling sa kaniya ang binata.

"H-Huwag mo 'kong iwan..." unti-unti siyang nagbaba ng tingin.

James sighed. "Sa baba lang ako."

Maia nodded gently and slowly let go of his arm. Hinarap siya nito. "Magpahinga ka. You've been crying,"

Muli siyang tumango at ngumiti rito. He didn't return her smile, tho. Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Maia.

"Rest." muli at huling bilin ni James bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto.

Bumaling si Maia sa kama at umupo sa gilid no'n. Lumipas ang ilang sandali ay nagpasya siyang sumunod kay James sa baba. Hindi naman siya pagod...

"Everyone thought I was dead. But the truth is, I was just in a coma for years. Since I was four, Anthony..."

Natigilan si Maia sa pagpasok sa dining area kung saan naririnig niya ang boses ng magkapatid. Nanatili siya sa hamba at tahimik na nakinig sa usapan. Again, eavesdropping is wrong, but she can't help it. Gusto niya ring malaman ang buong katotohanan na kahit sa kanya ay hindi masabi ng Mommy niya. At mukhang alam ni Attorney Ivy iyon.

"I was under Ninong Gustav's care. He's a doctor and Mommy's best friend. Hindi umasa noon ang parents natin na magigising pa ako. Kaya hinayaan nalang din nila ni Dad na isipin ng lahat na namatay ang panganay nilang anak. Kumplikado ang naging pagbubuntis sa 'kin ng Mommy natin at pinanganak din akong sakitin, until one day I fell into coma. Pero hindi ako sinukuan ni Ninong. Dito sa rest house na ito ako nakaratay noon." She can hear the Attorney sighing. "Pribado ang pamumuhay ng mga magulang natin, Anthony. Hanggang sa nasangkot si Dad sa isang iskandalo..."

Hindi nagsalita si James. Nanatili lang itong nakikinig sa kapatid niya.

"Usap-usapan noon na may affair si Daddy at isang socialite na si Elvira dela Cuesta, wife of a rich Doctor Rodrigo dela Cuesta..." tumigil sa pagsasalita ang Attorney.

Wala pa ring naging imik si James.

"Kinumpirma 'yon ni Ninong Gustav sa 'kin... Kaya nga nagalit din siya noon kay Dad. Dahil sinaktan nito si Mommy. Our Dad cheated on our Mom..." pagpapatuloy nito.

Natutop ni Maia ang bibig sa mga narinig. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng Tita Elvi niya sa Tito Rod niya noon. They looked so good together even in their age now. Napailing siya...

"Nalaman din Rodrigo dela Cuesta ang kataksilan ng asawa niya. He was furious... At nang gabing 'yon... sinugod niya si Daddy sa bahay natin..." there was anger and hatred in her voice. "May dala siyang baril. Galit niya 'yong tinutok kay Dad. And our Mom was there. Hinarang ni Mommy ang katawan niya kaya imbes na si Dad ay siya ang tinamaan at n-namatay..."

Maia's heart hurt hearing Attorney Ivy's voice broke.

"Nanlaban pa si Daddy pero binaril din siya ni Rodrigo dela Cuesta..." she was sobbing. "They were murdered, Anthony... Our parents were murdered. Nagising ako mula sa coma na wala na ang mga magulang natin. They were killed..." humagulgol ito.

Naninikip din ang dibdib ni Maia habang pinapakinggan ito. Naramdaman nalang niya ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.

"At ang mga dela Cuesta... Ginamit nila ang pera at kapangyarihan nila para maitago ang krimen. They paid everyone. They burned our house para pagmukhaing namatay sa sunog ang mga magulang natin kasama na ang mga taong naroon... Our househelps... Including you... Pinalabas din nilang kasama kang namatay sa sunog pero ang totoo, ninakaw ka nila! You were only three then, nang dalhin ka nila sa ibang bansa at doon sila namuhay na parang wala lang nangyari!"

"Pero may isang nakatakas na kasambahay nang gabing 'yon... Matagal nang naninilbihan sa pamilya natin. Kilala niya si Ninong Gustavo kaya agad niya itong hinanap. She was the one who told everything she witnessed to Ninong. Kaya lang ay natakot siyang magsalita. Natakot din noon si Ninong... Hindi basta-basta ang mga dela Cuesta. They're not just a family of doctors. May iba pa silang mga negosyo at malalago ang investments at shares sa malalaking kompanya hindi lang sa bansa but overseas. They have wide connections. Kaya wala ring nagawa si Ninong. Nanatili siyang tahimik. Sinabi niya ang lahat sa akin noong magising ako. He raised me and send me to law school... Kaya naging Attorney ako ngayon. Just like our parents... Isa ring Attorney si Mommy and Dad was a young Judge."

"And I want justice for them, Anthony."

Tahimik na tumalikod si Maia at bumalik sa kuwartong pinanggalingan niya kanina sa ikalawang palapag ng bahay.

Hiyang-hiya siya sa presensya niya ngayon dito kasama ang magkapatid. Isa pa rin siyang dela Cuesta. Ang pamilyang dahilan ng sakit na tinatamo ngayon ni James at ng ate nito...

Nagising si Maia nang maramdamang may humahaplos sa pisngi niya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kanina nang mahiga siya sa kama habang umiiyak. Unti unti niyang minulat ang mga mata at ang maamong mukha ni James ang unang bumungad sa kaniya.

"J-James..."

He stopped carressing her cheek. Agad namang bumangon si Maia.

"I'm s-sorry... Narinig ko lang sila Mommy na nag-uusap sa study ni Dad no'n. I even confronted Mom but she won't tell me. May nakita lang akong address ni Attorney sa drawer ni Dad kaya napuntahan ko siya. G-Gusto ko naman talagang sabihin sa 'yo ang nalaman ko, James. Pero inisip ko sila Tito at Tita... Sila pa rin ang nagpalaki sa 'yo... I'm sorry... I'm sorry... S-Sorry..." she started crying again.

At parang nabawasan ang mabigat na nakadagan sa dibdib niya nang bigla siyang yakapin ni James. Lalo siyang naiyak at mahigpit itong niyakap pabalik.

"Shush, tahan na. Namamaga na ang mga mata ko kakaiyak." mahina itong napamura habang magkayakap sila. "I can't stand seeing you like this... Stop crying now, baby." she felt him kissing her hair.

Napapikit si Maia at dinama ang yakap at halik nito.

Magkahawak na ang mga kamay nila nang bumaba sila sa hapag kainan. Madilim na sa labas at maghahapunan na.

Sinalubong sila ni Attorney Ivy Noble ng ngiti nang pumasok sila doon. Bukod sa abogada ay may isa pang lalaking naroon.

Tahimik silang apat na naghapunan. Paminsang kinakausap ng Attorney si James-mga tanong lang sa kung ano'ng hilig at paborito nito and the likes. Sumasabay din sa kwentuhan ang lalaking nakilala niyang si Leo ngayon lang.

"T-Tulungan na kita..." aniya nang matapos silang kumain at nagliligpit na ng mesa.

Nauna nang lumabas ang dalawang lalaki ng kusina.

Nilingon siya ng Attorney at inilingan. "Ako na. Konti lang naman ang liligpitin." she genuinely smiled at her.

"Maia pala ang pangalan mo. Nasabi sa akin ni Anthony kanina habang tulog ka sa taas." anito.

"Shemaia... dela Cuesta." hinintay niya ang magiging reaksyon nito.

Ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. Bahagyang umawang ang labi niya. Mas in-expect pa niya ang galit nito. She's a dela Cuesta! "I-I'm sorry..." nasabi nalang niya at yumuko.

"Don't be." anito.

Nag-angat ng tingin si Maia at naabutan ang pag-iling nito.

"I know what you're thinking. You're a dela Cuesta pero wala ka namang alam sa mga nangyari noon." bumuntong-hininga ito at nag-iba ng topic. "I'm curious," bahagyang kumunot ang noo nito. "you two were introduced as cousins..." hindi nito matuloy at halata ang kaguluhan sa mukha.

Tipid na napangiti si Maia. "Yes, but..." she slowly shrugged. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag.

Napakibit balikat din ito. Pagkatapos ay muling nagsalita. "I can see that my brother loves you." she gently smiled at her.

Bahagyang nakagat ni Maia ang pang-ibabang labi. Ramdam din niya ang pag-iinit ng mga pisngi. "M-Mahal ko rin siya..."

Lalong lumapad ang ngiti ng abogada.

"Tungkol nga pala sa pagpunta ko no'n sa opisina mo..." she bit her bottom lip before she continued. Hindi rin siya halos makatingin ng diretso sa babaeng kaharap. "May nakita lang akong address ng firm n'yo sa drawer ng Dad ko kaya napuntahan kita. Kailan ko lang din nalaman na hindi kami magpinsan ni James..."

Agad naman itong tumango sa pag-iintindi. Parang nabunutan ng isang tinik sa dibdib si Maia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #rejmartinez