13
James woke up with a headache. Nang imulat niya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang pamilyar niyang kuwarto sa bahay nila Maia. He can't clearly remember how he got here. Naalala niya ang pagkikita nila ni Attorney Ivy Noble kahapon... at ang mga sinabi nito sa kanya...
Nag-angat siya ng tingin nang bumukas ang pinto. Si Maia iyon na agad siyang binati ng ngiti. May dala itong breakfast para sa kanya. "Good morning."
Agad niyang niyakap sa baywang ang nobya nang mailapag nito ang bed table. Umupo si Maia sa gilid ng kama at niyakap din siya pabalik. "How are you feeling?" malambing nitong tanong sa kanya.
"My head's aching..."
"Hmm... ba't ka ba kasi naglasing?" kumalas sa kanya si Maia. "Inumin mo 'tong gamot at kumain ka na rin. It's already late, James. Malilipasan ka na ng gutom."
He nodded and puckered his lips. Maia chuckled and pressed her lips to his. James smiled. Sa kabila nang kaguluhan niya sa mga nalaman, this woman still makes him happy and and at ease.
Napatingin siya sa orasang nakapatong sa bedside table. Tapos ay muling tumingin kay Maia. "Hindi ka pumasok sa hospital?" he asked.
Umiling si Maia. "Mamaya. Inasikaso lang muna kita."
His smile turned into a grin. "Thank you, baby."
She smiled and kissed his lips again. He think his heart just skipped a beat. Napangiti nalang siya.
Pagkatapos niyang mag-agahan ay naghanda na rin sila sa pagpasok sa ospital. Hinihintay siya ng mga batang pasyente niya doon. Sabay silang bumaba ni Maia sa hagdan. Bahagya lang siyang natigilan nang makita kung sino ang mga taong nasa living room. Mukhang kararating lang ng mga ito at pinapasok ng mga katulong ang luggage ng parents niya sa bahay.
"Son." anang Daddy niya nang bumaling ang mga ito sa kanila. Ngumiti ang kanyang ama.
"James, hijo..." lumapit sa kanya ang ina. Sinalubong siya nito ng halik sa pisngi.
"What are you doing here?" malamig niyang bati sa mga magulang.
"James..." narinig niya ang mahinang boses ni Maia sa kanyang tabi.
"You already met your sister?" kalmadong lapit sa kanya ng Dad niya.
He gritted his teeth. "Yes... And she told me the truth."
Tumango tango ang ama niya. Kalmado pa rin ito. "What's your plan now, son?"
Bahagyang umawang ang labi niya sa reaksyon ng kinalakhan niyang ama. He looked at his father. Nagkatinginan sila. There's nothing in his eyes but gentleness. His heart hurt. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Attorney Noble that this man who raised him with nothing but love and care killed his real parents. Ni minsan ay hindi naging malupit sa kanya ang ama. Kaya hindi siya makapaniwala.
"Rodrigo." mariing tawag ng Tito Lorenzo niya sa kapatid nito. "May utang na loob pa rin sa 'yo ang batang 'yan." bumaling ito sa kanya.
His Dad sighed at Maia's father. "Kuya... hindi mababayaran ng pagpapalaki ko sa anak ko ang nagawa ko..."
"So... it's true?" nasasaktan niyang hintay sa sagot ng ama.
Bumaling ito sa kanya na parang nawawalan ng lakas. "I'm so sorry, son..."
Mahina siyang nagpakawala ng hininga. "I can't believe this." mahinang aniya.
"James! Come back here!" tawag sa kanya ng ina when he started walking out.
Ayaw niyang maging bastos but he can't take it. Gulong gulo siya at labis na nasasaktan. Nabuhay pala siya sa isang malaking kasinungalingan. He felt lost. Hindi niya alam kung saan pupunta o kung saan magsisimula.
"James!" it was Maia's voice nang malapit na siya sa kanyang sasakyan. Sinundan siya nito.
Huminto siya at bumaling sa babae. Puno ng pag-aalala ang mukha nito para sa kanya. Maia stood in front of him. "James... pakinggan mo naman muna sila Tito at Tita. Kailan ko lang nalaman na hindi ka nila totoong anak pero-"
Umawang ang labi niya. "What?" natigilan si Maia at bahagyang nanlaki ang mga mata. "Alam mo?" parang trumiple ang sakit na nararamdaman niya. He felt betrayed by the woman he loves. "Kailan pa..."
"J-James..." sinubukan siya nitong hawakan ngunit iniwas niya ang sarili.
Parang wala sa sariling napatango tango siya. "Is that the reason why you let me kiss and touch you? Why you let me own you... dahil alam mong hindi naman talaga tayo magpinsan..."
Umiiling na si Maia habang nagsasalita siya. Nangislap ang mga mata nito sa luha. "Hindi, James... Let me explain. Kailan ko lang din nalaman, I'm sorry..."
He shook his head at muli itong tinalikuran. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat at pumasok na doon. And the moment he's inside ay mabilis ding pumasok si Maia sa passengers seat.
Bumaling siya sa babae. "What are you doing-"
"Sasama ako sa 'yo. Please, James... Mahal kita kaya hinayaan kong may mangyari sa 'tin." she's already crying.
Nag-iwas siya ng tingin at umiling. He started the car's engine. "Get out, Maia." pagtataboy niya rito. He was being blinded by anger and pain.
"No!" pilit naman nito at nagsuot na ng seatbelt. "Sasama ako sa 'yo." matigas nitong sabi.
His jaw clenched. "Maia-"
"Please, James... I'm sorry. Please, please..."
Nanatili ang tingin niya sa babae na punong puno na ng luha ang pisngi. May nakikita siyang takot sa mga mata nito.
He sighed after awhile at muling nag-iwas ng tingin. He's stopping himself from hugging her. Pinausad nalang niya ang sasakyan palabas ng malaking gate ng mansion.
"I have nowhere to go..."
Naririnig ni Maia si James habang may kausap ito sa phone. Nakalayo na ang sasakyan sa bahay nila. Nagpupunas siya ng mga luha habang nasa passengers seat ng kotse nito at kinakalma ang sarili.
"Thank you." huling sabi ng lalaki before he ended the call.
Hindi ito sumusulyap man lang sa kaniya buong biyahe. Tahimik lang itong nagmamaneho at halos parang wala pa sa sarili. Maia's heart hurt as she looked at him. Alam niyang nasasaktan ito sa mga nangyari at nalaman nito. That's why I won't leave your side, baby... Kahit ipagtabuyan mo pa ako.
Hindi niya alam kung ilang minuto o umabot ba sila ng oras sa daan. Pumasok ang sasakyan ni James sa gate at tumigil sa harap ng isang mukhang resthouse...
"Anthony!" isang pamilyar na babae ang lumabas ng bahay at sumalubong sa kanila.
Maia's eyes widened. Agad siyang nagbaba ng tingin nang dumapo sa kaniya ang mga mata nito.
"Pumasok na tayo sa loob." naririnig niyang anyaya nito.
Nauna na itong pumasok muli sa loob at sumunod naman sila ni James. Tahimik siya habang kinakausap ng Attorney si James. Hanggang sa binalingan na siya nito.
"You look familiar." anito.
Lalo siyang nagbaba ng tingin.
"What do you mean?" it was James.
"She... went to my office the last time..." sagot ng Attorney sa kapatid nito.
Nag-angat siya ng tingin kay James. Naabutan niya ang pag-iigting ng panga nito. "James..." mahina niyang tawag sa lalaki, almost begging.
"K-Kumain na ba kayo?" anang Attorney na mukhang naramdaman ang tensyon.
James heaved a sigh at bumaling sa kapatid nito. Sinabi nitong tapos na silang kumain at nagtuloy tuloy na ang magkapatid sa malaking sala ng bahay. Almost all the furniture there are made of wood. Tahimik lang na sumunod si Maia sa magkapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro