12
Nagpunta si James sa isang cafe kung saan sila magkikita ng Attorney. Tumayo ang babae nang makita siyang pumasok. Lumapit siya sa table na inuukupa nito. Sinalubong siya nito ng isang ngiti. Her eyes glistened with tears.
"Anthony..." bigla siya nitong niyakap na kinabigla niya.
"Gustong-gusto na kitang puntahan nang malaman kong narito ka sa bansa. Pero mahirap kang lapitan lalo na sa ospital ng mga dela Cuesta." anito matapos siyang yakapin ng mahigpit.
Hindi agad nakapagsalita si James sa pagkabigla.
The woman smiled at him longingly. Naupo sila doon at nagtawag ito ng waiter para sa order nila.
Hindi halos maalis ang mga mata niya sa mukha ng babae habang kausap nito ang server. "You're my sister?" aniya nang makaalis ang kumuha ng order nila.
Tumango ito. "Yes..."
His forehead creased. Nagsisimula siyang maguluhan. "Walang nasabi sa 'kin sila Mommy at Daddy-"
"They're not your parents, Anthony." anito na nagbago ang ekspresyon. Nakikitaan na niya ito ng poot at galit.
Umawang ang labi niya. "What..."
"Ang pangalan ng mga magulang natin ay Eva at Fidel Noble. At patay na sila, Anthony... They were murdered..." she was gritting her teeth.
Hindi nakapagsalita si James sa sinabi nito. Nanatiling awang ang labi niya at tuluyan siyang binalot ng kaguluhan.
"Pinatay sila ni Rodrigo dela Cuesta-"
"No." agad niyang putol sa sinasabi nito. "My Dad won't do that." umiling siya.
Inalala niya ang mabait na mukha ng ama. Mas malapit siya dito kaysa sa Mommy niya. His father was his bestfriend. Ni minsan ay hindi niya naranasang mapagalitan o kahit mapagsabihan man lang ng Dad niya. It's his Mom who would always scold him kapag nakakagawa siya ng hindi tama. He remembered hiding behind his Daddy kapag napapagalitan siya ng Mommy niya as a kid. Sa huli ay sasawayin ng ama niya ang ina para tigilan na siya nito. He was spoiled by his Dad. Wala pa siyang ginusto na hindi nito binigay. Kaya nga kahit papa'no ay umaasa siyang he will side him kapag sinabi na niya ang tungkol sa kanila ni Maia.
Hindi din payag no'n ang Mommy niya sa pag-uwi niya dito sa Pilipinas. Pero pumayag ang Dad niya kaya wala na ring nagawa ang ina.
"Anthony..." inabot ni Ivy ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesang pinapagitnaan nila. "Please, believe me. I am your sister at maaga tayong naulila dahil sa mga taong tinuturing mong mga magulang-"
Inagaw niya ang mga kamay sa hawak nito. Umiling siya. "I don't believe you."
"A-Anthony-"
Tumayo si James mula sa pagkakaupo at mabilis na nilisan ang cafe. Hindi na siya lumingon kahit tinatawag pa siya ng babaeng nagpakilala sa kanyang kapatid niya.
He was driving when he called his Mom. Gulong-gulo siya sa mga nalaman and he needs answer!
"James, hijo-" sagot ng kanyang ina mula sa kabilang linya.
"Sino si Fidel Noble?" agad niyang tanong dito.
Hindi ito nakapagsalita. He waited but her mother didn't speak. Marahas niyang binaba ang cellphone at pinatay ang tawag.
He continued driving. Hindi niya alam kung saan pupunta. What does this mean? Totoo ang mga sinabi sa kanya ni Attorney Ivy Noble? Hindi niya totoong mga magulang ang kinilala niyang ama at ina? And his real parents were already dead. They were murdered...
Natagpuan nalang niya ang sarili sa isang bar. Nakaupo lang siya doon sa may counter at panay ang order ng inumin sa bartender. Pakiramdam niya ngayon ay lumaki siya at nabuhay sa isang kasinungalingan.
"Hey, baby..." he picked his phone when it rang for Maia's call.
"James, where are you?"
Napangiti siya nang marinig ang boses nitong halatang nag-aalala na para sa kanya. Oo nga pala at hindi siya nakapagpaalam dito kanina nang umalis siya ng ospital at pinuntahan si Attorney Noble.
"Just somewhere..." wala sa sariling sagot niya dito.
"What? Bigla ka nalang nawala kanina sa hospital, wait, are you drunk?"
"No..."
He can hear her sighing heavily. "Nasaan ka ba talaga at pupuntahan kita."
He asked the bartender at sinabi niya kay Maia ang pangalan ng bar.
Mula sa ospital ay nag-taxi lang si Maia patungo sa address na binigay ni James. Halatang lasing ito kanina nang nag-uusap sila. Nag-aalala tuloy siya. Ano kaya ang nangyari at naisipan nitong maglasing.
Agad siyang pumasok sa loob nang makarating sa lugar. Medyo maaga pa para sa mga party goer. Kaya naman madali niyang nahanap si James lalo at nasa may bar counter lang ito. Agad niyang nilapitan ang lalaki.
"James..."
Sinalubong naman siya nito ng ngiti at halatang lasing. "Baby..."
"Hey, what's wrong?"
Yumakap ito sa baywang niya habang nakaupo sa bar stool as she stood beside him. She hugged him back and ran her fingers through his thick black hair. Ilang sandali silang nanating ganoon bago niya ito niyayang umuwi. Bukas nalang niya ito kakausapin 'pag hindi na ito lasing. But she's really worried. Ano ba kasi ang nangyari...
"Let's go home..."
Tumango naman si James at nagpaubaya sa kaniya. Sumakay sila sa sasakyan nitong maayos namang naka-park sa may parking space. Siya ang nagmaneho no'n pauwi.
"Hija!" salubong sa kanila ng Mommy niya nang makarating sila sa bahay.
Mukhang kanina pa sila hinihintay ng parents niya na dumating. His Dad looked so serious. Agad natuon ang tingin ng mga ito kay James na pinagtulungan nalang nila ng isang kasambahay para maipasok sa loob.
"What happened to him?" lumapit ang kaniyang ina.
"He's drunk, Mom." aniya na nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan sa tulong ng maid.
Sumunod ang Mommy niya sa kanila. Hiniga nila si James sa kama nito. Gusto niyang punasan at bihisan ang lalaki. Hinarap muna niya ang ina. "Mom-"
"Y-Your Tita Elvira called..." nanginig ang boses nito na para bang natatakot. Mula kay James na natutulog ay lumipat ang mga mata nitong nangingislap sa luha sa kaniya. "Alam na niya..."
"A-Ang alin, Mommy..." tanong niya kahit may ideya na siya.
Her Mom gulped. "Nagkita na siguro sila ng k-kapatid n-niya..." her mother cried in frustration.
"M-Mommy..."
Lumabas ito ng silid na maagap naman niyang sinundan. Naroon na rin ang Dad niya. "Dad..."
"Ano na ang gagawin natin ngayon, Lorenzo!" her Mom shouted-almost hysterical.
"Bakit, Mommy?" hindi na niya napigilan. Bakit ganito nalang ang reaksyon ng ina niya. "Ano ngayon kung ampon nila Tito at Tita si James? He's already an adult. Maiintindihan niya-"
"You don't understand, Maia!" putol ng ina sa sinasabi niya.
"Stop it, Liza. Bukas na bukas ay narito na sila Rodrigo at Elvira." her Dad spoke. Lumapit ito sa Mommy niya para pakalmahin.
Umawang ang labi ni Maia habang tinitingnan ang umiiyak na ina na niyayakap ng ama niya. Why are they reacting like this? At agad pang darating ng bansa bukas ang Tito at Tita niya. At alam na ni James? Kanina... Paano...
Gulong gulo pa si Maia nang umalis ang parents niya sa harapan niya. She sighed after a long while of just standing there outside James' room. She calmed herself and went inside his room again. Inasikaso niya ang binata at pagkatapos ay kinumutan ito.
She sat at the edge of his bed. Marahan at maingat niyang hinaplos ang maamong mukha ng binata at sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya. Pinakatitigan niya ito. Makaraan ang ilang sandali ay bumaba ang ulo niya para mahalikan ito sa noo.
May kaba at takot sa dibdib niya para sa mga mangyayari. Pakiramdam ni Maia ay maliit na parte lang sa pagkatao ni James ang nalaman niya. Dahil may hindi pa sila nalalaman ng binata...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro