09
Maia secretly went inside her father's study one day. Hindi talaga siya matatahimik. James seemed to be clueless na maaring hindi ang Tito Rodrigo at Tita Elvi niya ang parents nito. Tinago ba nila kay James? There's so much questions in her mind. Pakiramdam niya ay may hindi talaga tama...
She opened her Dad's drawers. Checked his files. Hanggang sa may nahanap siya doong profile ng isang nagngangalang Judge Fidel Noble. Narinig na niya ang pangalan nito mula sa pag-uusap ng Mommy at Daddy niya dito noong nakaraan.
She found out that Judge Fidel Noble was married to a woman named Attorney Eva Noble through his Dad's files. Umawang ang labi niya nang mabasa ang isang report na naroon tungkol sa pagkamatay ng mag-asawa sa isang sunog. Their house was burned at kasamang namatay ang nag-iisang anak ng mga ito na si Anthony Noble...
"James Anthony..." she whispered and gasped.
It was stated na tatlong taong gulang lang ang batang lalaki noong mangyari ang trahedya. At base sa edad ngayon ni James she concluded na maaring ito ang batang 'yon! Pero bakit pinalabas sa report na kasama itong namatay? At paano ito napunta sa Tito Rod at Tita Elvi niya-
Another report caught her attention. Mabilis niya 'yong kinuha sa drawer ng Dad niya at binasa. Rumor iyon tungkol sa Tita Elvi niya kasama... si Judge Noble. Umawang ang labi ni Maia sa mga nalalaman. Her Tita Elvira was almost always seen before with the Judge!
May isang note pa siyang nakita doon. Where the name of a certain Attorney Ivy Noble was written. And the address of a law firm kung saan located ang office nito.
"Shemaia!" gulantang ang Mommy niya nang maabutan siya nitong naghahalungkat doon sa mga gamit ng Dad niya.
Nanlaki din ang mga mata niya nang mapagtantong nahuli siya ng ina! Sa sobrang focus niya sa mga nabasa ay hindi na niya naramdamang may papasok na pala sa study!
"M-Mom..."
Mabilis na lumapit sa kaniya ang ina. "What are you doing here?!" halos marahas nitong inagaw sa hawak niya ang mga papeles.
Malakas ang kabog sa dibdib niya sa kaba at kaunting takot but that did not stop here from asking her mother. "A-Ano po ang connection ni James sa mga Noble..."
Seryosong tumingin sa kaniya ang ina.
"Narinig ko po kayo ni Daddy noong isang araw... dito... I-I'm sorry Mom, hindi ko po sinasadyang marinig ang pinag-uusapan n'yo..."
Marahas na suminghap ang Mommy niya. "Sa susunod ay huwag kang mangingialam-"
"Hindi totoong anak nila Tito Rod at Tita Elvi si James?" pilit niyang tanong.
"Shemaia!" her mother hissed at her.
"Please, Mommy, tell m-me..." nagsimulang manginig ang labi niya. "W-Who's Judge Noble-"
"Fidel and your Tita Elvira had an affair! Galit na galit noon ang Tito Rod mo sa nagawa ng asawa niya-" her Mom stopped there at frustrated nalang itong napailing. "Mababaliw na ako sa mga lihim ng pamilyang 'to!"
"What is is it, M-Mom..." sobrang lakas ng kabog sa dibdib niya... sa takot sa mga malalaman pa... "What happened?" she urged.
Napahilot ang Mommy niya sa sentido nito bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Bumuntong hininga ito at hinawakan ang mga kamay niya. "Shut it, Shemaia. You did not hear anything. Wala kang alam."
"Pero, Mom!-"
"Stop." mariing pigil nito sa kaniya.
Binawi niya ang mga kamay mula sa hawak nito at mabilis na nilisan ang silid.
Maia stood in front of the said Law firm. Hindi siya nakinig sa Mommy niya. For the first time in her life ay sinuway niya ang magulang. Takot siyang magkamali mula noon but she's taking the risk now... for James.
Pumasok siya sa gusali at inakyat ang tamang palapag. Sinalubong siya ng isang may katabaang babae na mukhang secretary sa labas ng opisina ng taong sadya niya.
"Hi... ito ba ang opisina ni Attorney Ivy Noble? Uh, can I see her?" kinakabahan siya.
Ngumiti naman sa kaniya ang babae. "Teka, puwede naman siguro. Hindi rin naman gaanong abala si Attorney ngayon." anang mabait na sekretarya.
Tumango siya at tipid itong nginitian.
Pumasok ito sa pinto ng opisina. At saglit lang ay nakalabas na itong muli. "Pumasok ka na, Ma'am."
"Thank you." Maia said politely to the woman.
Ngumiti lang ito sa kaniya at giniya na siya sa loob.
Narinig niya ang pagsara ng pintuan nang nasa loob na siya ng malaking ospisina ng Attorney. Kasabay no'n ang paglabas din ng sekretarya nito. Nagbuntong hininga siya bago nag-angat ng tingin.
Isang matangkad at magandang babae ang may nakahanda nang ngiti sa mga labi nito para sa kaniya ang bumungad kay Maia.
She gulped. She can feel her eyes widening. Hindi niya maalis ang tingin sa babae sa kaniyang harapan na kamukhang kamukha ni... James. Only that she's a woman.
Nagsimula itong humakbang palapit sa kaniya. Naroon pa rin ang maganda at magaang ngiti nito para sa kaniya. "I'm Attorney Ivy Noble." naglahad ito ng kamay.
Tinanggap naman niya iyon sa medyo nanginginig na kamay. "S-Shemaia..." naputol ang pagpapakilala niya. Marahan siyang napailing. Halos kapusin ng hininga. "P-Puwede bang bumalik nalang ako sa ibang a-araw?"
Bahagyang kumunot ang noo nito sa kaniya ngunit ngumiti pa rin. "Yeah..." tumangu-tango ito. "Of course."
"Thank you." tipid na aniya at isang hakbang na umatras bago tuluyang tumalikod para makalabas na sa opisina nito.
Nasapo ni Maia ang dibdib nang makababa at makalabas ng building. Kinalma niya ang sarili at naglakad na patungo sa kaniyang sasakyan.
James is not her cousin! Matagal nang patay ang totoong mga magulang nito. And she just met his sister! At hindi alam ni James ang lahat ng ito...
Dapat ay matuwa siya na hindi naman talaga sila magpinsan. There's already a chance for them! Ngunit hindi din niya lubusang maintindihan kung bakit mas nakaramdam siya ng sakit... Nasasaktan siya... para sa lalaking mahal niya...
"Nag-half day ka lang raw kanina sa hospital?" agad na salubong sa kaniya ni James nang makarating siya sa bahay.
Mukhang kakarating lang din nito galing sa ospital.
"Sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo kanina. May pinuntahan lang ako."
Tumango ito at ngumiti. "It's okay." bahagya itong pinangunutan ng noo habang nakatingin sa kaniya. "You look tired. Are you okay?" marahan at may pag-aalala nitong puna.
Bahagyang umiling si Maia and she assured him with a smile. "I'm fine."
Tumango-tango ito ngunit naro'n pa rin ang pag-aalala. Then he smiled. "Let's watch some movies? I bought icecream for us." malapad ang ngiti na anito.
Hindi napigilan ni Maia ang paglapad na rin ng ngiti sa mga labi niya. "Okay. Later after dinner."
Kasabay nila sa hapunan ang parents niya. Walang imik si Maia habang may pinag-uusapan naman tungkol sa hospital at gamot ang Dad niya at si James. Ramdam niyang pagsulyap sulyap sa kaniya ang Mommy niya.
Later that night ay pinagbuksan niya si James ng pinto ng kaniyang kuwarto. Dito niya napiling manood sila ng movie. Nagiging hobby na talaga nilang dalawa ang pag-m-movie marathon tuwing alam nilang linggo kinabukasan. Madalas ay sa kuwarto sila ni James gaya noong unang beses. At ito ang unang pagkakataon na makakatapak ang lalaki sa room niya.
"Nice." puri nito sa silid niya nang makapasok.
Maia just smiled at hinila na ito sa kamay patungo sa kama. Sa laptop lang sila ngayon manonood. She sat on her bed at sumunod naman sa tabi niya si James. Ito ang may hawak ng isang pint-sized na icecream. At paboritong flavor pa niya iyon. Marami nga itong binili. Nilagay nalang muna nila sa fridge niya dito sa kuwarto ang iba.
Pareho silang nakasandal sa headboard ng kaniyang kama nang magsimula ang unang movie. And they're sharing a spoon for the ice cream. Madalas ay sinusubuan pa siya ni James.
Nakadalawang movie pa lang sila nang makaramdam na ng antok si Maia. She felt James kissing the top of her head dahil nakasandal siya sa balikat nito. Ngunit biglang nawala ang antok niya nang makitang naghahalikan na ang mga bida sa pinapanood nila. They started kissing passionately. At hinuhubaran na rin ng mga ito ang isa't isa.
Maia felt the atmosphere of her room turning hot. Unti unti siyang bumaling kay James at nadatnan itong nakatingin na rin sa kaniya. Ilang sandali silang nagkatitigan before James lowered his head to capture her lips.
Nakaawang na ang labi niya kaya mabilis lang nitong napasok ang bibig niya. She moaned in his mouth.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro