06
Tuwang-tuwa si Tristeen nang dalhin nila ni James ang bata sa amusement park isang araw. May checkup kasi si Camille sa OB nito at syempre sasamahan ng kuya niya. Pagkatapos ay dadalawin na rin ng sister-in-law niya ang mga magulang nito sa cemetery. Day off din ni Marie na yaya ng pamangkin niya. And her parents were both busy.
"Teen! Huwag kang tumakbo!" napabuga nalang ng hininga si Maia sa kakulitan ng pamangkin.
Maagap naman itong nahabol ni James. Sinundan niya ang dalawa.
"I want icecream, Toto!" tinuro ni Tristeen ang vendor.
Karga na ito ngayon ni James para hindi na maglikot. Madami pa namang tao dahil weekend. Mabaliw pa ang kapatid niya 'pag nawala nila ang pinakamamahal nitong prinsesa.
"Alright!" James kissed Tristeen's cheek at nagtungo na sila roon para makabili.
"Gusto mo rin?" James asked her.
Tumango lang siya.
Nag-ikot sila sa buong park and tried the rides. Enjoy na enjoy talaga si Tristeen at nakikita niyang ganoon din si James. Masaya naman siyang kasama ang dalawa. They also took some pictures together.
"Picture ko po kayo ni Toto, Tata." ani Tristeen na basta nalang hinablot ang cellphone niya.
"Teen-" pigil pa sana niya pero naramdaman niyang pinulupot na ni James ang braso nito sa baywang niya.
"Smile." ani James at nakangiti nang humarap sa camera.
Narinig niya ang pag-click no'n pero nanatili lang ang mga mata niya kay James.
Muling binuhat ni James ang pamangkin nila and they resumed walking around. While she checked their shot. Hindi nga siya nakatingin sa camera kung 'di kay James. Background nila ang ferris wheel. Nakagat nalang ni Maia ang pang-ibabang labi habang tinitingnan ang kuha nila. May tumatama ding sikat ng araw sa mga mukha nila. Napangiti siya sa kuha ng pamangkin.
"Maia?"
Mula sa screen ng kaniyang cellphone ay nag-angat siya ng tingin kay James na tinawag siya. Medyo napalayo na siya sa dalawa. Nilagay niya sa loob ng kaniyang bag ang phone at mabilis nang lumapit sa mga ito na hinintay pa siya.
Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang maramdamang hinawakan ni James ang kamay niya habang naglalakad sila. Bumaling siya sa lalaki pero busy lang ito sa pakikipagkuwentuhan kay Tristeen na karga nito sa isang braso.
Bumaba ang tingin niya sa kamay nilang magkahawak. She gulped ngunit parang wala lang naman 'yon kay James. Baka hinawakan lang siya nito para hindi sila magkahiwalay sa dami ng tao sa lugar.
Nakatulog na si Tristeen sa balikat ni James nang makauwi sila sa bahay. Naroon na rin ang kuya at sister-in-law niya, sinusundo ang kanilang anak.
"Thank you, Maia, James." ngumiti sa kanila si Camille.
Binigay naman ni James si Tristeen sa Daddy nito na agad humigpit ang yakap sa leeg ng kapatid niya nang maamoy siguro ito ng bata.
"Wala 'yon, Camille." she smiled. "Kamusta nga pala ang result ng ultrasound?" she excitedly asked.
Ang kapatid niya ang sumagot na may masayang ngiti sa mga labi. "It's a boy." anito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Wow!" she congratulated the two.
Ganoon din si James sa tabi niya.
Nagpaalam na rin ang mga ito sa kanila at parents nila pagkatapos.
Kinabukasan ay nagsabay pa rin sila ni James patungo sa ospital. Nakasabay nila sa breakfast ang mga magulang niya bago sila pumasok sa trabaho.
"How's the Philippines so far, hijo?" nakangiting baling ng Mommy niya kay James habang kumakain sila sa hapag.
"Great, Tita. I think I'm liking it here." nakangiti ring sagot ni James.
Nakita ni Maia na nagkatinginan ang Mommy at Daddy niya.
"Uh, well..." ngumiting muli ang Mommy niya but this time ay medyo pilit na 'yon. "w-wala ka bang naiwang girlfriend sa States? I mean, you're already of age. Wala ka bang naiwang o baka naman fiancée na roon?" pabirong anito.
Bahagyang nabulunan si Maia sa tanong ng ina sa katabi niya. Agad namang inabot ni James ang isang baso ng tubig at binigay sa kaniya.
"Are you alright?" nag-aalala nitong tanong.
Tinanggap niya ang tubig at uminom doon. Tumango siya. "Yes, sorry." nagpunas siya ng bibig gamit ang table napkin.
Bumuntong-hininga si James bago muling bumaling sa Mommy niya at sumagot. "Wala po, Tita."
"G-Gano'n ba, hijo..."
Hindi nakatakas kay Maia ang parang disappointment at pag-aalala sa mukha ng Mommy niya. Mukhang hindi naman 'yon napansin ni James.
"Wala ka talagang naiwang... girlfriend sa States?" Maia can't help but ask. Hindi siya matatahimik. Bakit hindi niya naisip ito noong una pa lang?
Mula sa daan ay sumulyap sa kaniya si James. Nasa loob na sila ngayon ng sasakyan at patungo na sa ospital. "Wala." anito. "The last time I had a girlfriend was when I was still in college."
Matagal na pala... She thought.
"Ah... bakit kayo nag-break?" hindi talaga niya mapigilan ang sarili.
James just shrugged while driving. "It did not work." simple lang nitong sagot.
"Uh... ilan pala ang naging ex mo?" Maia bit her tongue after.
Bahagyang natawa si James. "Three. Dalawa nung nasa highschool ako at 'yong isa no'ng college."
Napatango-tango siya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit sa mga babaeng 'yon. At least they were given a chance to be with James. To be his girlfriend. Eh siya? "Flings?" wala sa sarili pang naitanong niya rin.
"I don't do that." anito.
Napabaling siyang muli sa lalaki. Nasa daan lang ang atensyon nito kaya malaya siyang pagmasdan ito. Napangiti siya. He's really a good boy. She thought. She can imagine James na pag-aaral lang halos ang inaatupag. Ang alam niya ay nagtapos ito with latin honors. Nabanggit 'yon ng Mommy niya.
"How 'bout you?" bigla itong sumulyap sa kaniya na kinakurap pa niya.
Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin. Nahuli pa siya nitong nakatingin dito.
"Nagka-boyfriend ka na ba?" he added.
Umiling siya. "Strict sila Mom and Dad." sabi niya lang.
"That's good."
Nahimigan niya ang tuwa sa boses ng lalaki kaya muli siyang napabaling sa gawi nito. At nahuli pa nga niya itong nakangiti habang nasa daan lang ang mga mata.
Kumunot nalang ang noo ni Maia.
"Batiin mo naman ako. It's my birthday today." ani Dustin isang araw nang magkasabay sila patungo sa pharmacy ng ospital.
May inutos kasi sa kaniya ang Mommy niya na i-check doon. Habang mukhang may bibilhin naman si Dustin para sa pasyente nito. Napaka-hands on talaga ng Doctor. Maia can see his genuine care for his patients.
She smiled at Dustin. "Happy birthday!" she greeted him.
"Wala sila Mom at Dad. Out of the country. Busy naman ang mga kapatid ko. That means mag-isa kong i-c-celebrate ang birthday ko." he cutely pouted, nagpaparinig.
Napatawa nalang si Maia at napailing sa tinuran ng lalaki.
Dustin pouted more. Nabili na nito ang mga kailangan sa pharmacy at nagpaalam na sa kaniya.
Nakatalikod na ang lalaki at naglalakad na palayo nang tawagin niya.
"Dustin," she called.
Agad naman itong bumaling sa kaniya at ngumiti. "Yes?"
She heaved a sigh. "Let's have a date later. We will celebrate your birthday."
Nanlaki pa ang mga mata ng lalaki na parang hindi makapaniwala. Binalikan siya nito. Napatawa nalang muli si Maia.
"O-Okay. Thank you! Saan mo gustong mag-dinner mamaya?" there was excitement and happiness on Dustin's eyes.
Maia smiled. "Ikaw na ang bahala."
Tumango-tango ito at malapad na ngumiti. "Alright!"
Siguro ay kailangan niya rin ito. She never experience going out on a date before. School at bahay lang siya noon. At ni minsan ay hindi niya naisip na suwayin ang parents niya. Although she was curious at times, she never dared. Takot siyang magkamali noon.
At ngayon ay alam niyang hindi naman na siya pagbabawalan ng mga magulang niya. Nasa tamang edad na rin naman siya. And her parents knew Dr. Dustin Castro. Isa ito sa mga magagaling na surgeons ng kanilang ospital.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng suot na doctor's robe. She started typing a text message for James. Sinabi niyang huwag na siya nitong hintayin mamaya at lalabas sila ni Dustin. Ito na rin ang maghahatid sa kaniya pauwi.
She waited for his reply but none came.
Nagkibit-balikat nalang siya at muling binalik ang phone at namulsa sa kaniyang robe.
Siguro ay kapag binaling niya ang atensyon sa iba ay mawawala rin itong nararamdaman niya para kay James. Para sa pinsan niya. At hiniling niyang maramdaman din niya sa iba ang nararamdaman niya sa lalaki. Dahil hindi pa niya kailanman naramdaman ito noon. These feelings are new to her at kay James pa lang niya ito naramdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro