05
Maia was wearing an off-shoulder long dress for her brother's wedding. Finally ay ikakasal na ito and she's their maid of honor. Nakabalik na rin ang parents nila galing sa bakasyon ng mga ito noong isang araw. Kumapit siya sa braso ng Kuya Louie niya na siya namang best man. Isa ito sa mga matatalik na kaibigan ng kapatid niya.
Perfect by Ed Sheeran started playing, at pumasok na rin ang entourage.
Hindi napigilan ni Maia ang maging emotional para sa kapatid. She witnessed how they started. At masayang-masaya siya ngayon lalo na para kay Tristeen. Isa pang blessing na nagdadalang-tao nga si Camille.
Na kay James ang garter at nasa nakapareha naman nitong isa sa mga bridesmaids ang bouquet. She tried, alright. Pero iba pa rin talaga ang nakasalo.
"Higher! Higher!" the guests at the reception chanted.
Naiiling na nakangiti lang naman si James habang inaangat ang garter sa binti ng babae. And the woman was giggling.
Nagpakalawa ng buntong-hininga si Maia at hindi natagalan ang nakikita. Tinalikuran niya iyon at nagtungo muna sa restroom. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa malaking salamin na naroon. Walang ibang tao roon bukod sa kaniya. Lahat ay nag-e-enjoy sa reception.
"Come on, Shemaia! He's your cousin." sita niya sa sarili.
Ilang sandali siyang nanatili roon at gano'n nalang ang gulat niya nang buksan ang pinto ay bumungad sa kaniya ang lalaki. Napahawak pa siya sa dibdib. "J-James,"
"Natagalan ka. Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Tita Liza." salubong nito sa kaniya.
Bahagya siyang napalunok at palihim na kinalma ang sarili. "Uh... h-hindi pa kasi ako nagugutom..."
James sighed na para bang pinoproblema siya nito. Pagtapos ay hinawakan siya nito sa siko that made her heart skipped a beat. Hinila siya nito diretso patungo sa buffet table.
Si James na ang kumuha ng plato para sa kaniya. "Gusto mo 'to?" he asked her.
Halos wala pa sa sariling tumango siya ng marahan.
"How 'bout this?" turo nito sa isa pang dish.
Tumango lang siya at pinigilan ito nang makitang napapadami na ang nilalagay nito sa plato niya.
"Huwag ka nang mag-diet. Ang payat mo na nga." sabi nito.
"Hindi naman ako nag-d-diet. Baka kasi hindi ko maubos." sagot naman niya rito.
"It's okay. Ako nalang ang kakain 'pag 'di mo naubos." saka dinagdagan pa nito ang laman ng plato niya.
"Tama na..." pigil niya sa kamay nitong patuloy sa pagkuha ng pagkain para sa kaniya.
James stopped and looked at her. Then he chuckled. "You're so cute." anitong nangingiti habang nakatingin sa mukha niya.
Kumunot ang noo ni Maia at mukhang lalo namang natuwa si James. Pagkatapos ay giniya na siya nito patungo sa isang mesa. At umupo silang dalawa roon.
"Eat now, my baby."
Nanlalaki ang mga mata ni Maia na tumingin dito. Her heart boomed inside her chest.
"What?" ani James nang makita ang obvious niyang pagkakagulat. "You're my baby cousin. Ikaw naman yata ang bunso sa mga pinsan natin."
Kinalma niya ang sarili at bahagyang tumikhim. Tinuon nalang niya ang atensyon sa pagkain. Nagsimula siyang sumubo. And her heart was getting crazier nang punasan pa ni James ng tissue ang gilid ng labi niya habang kumakain siya. May sauce sigurong kumalat doon.
"Nako... kung hindi ko lang alam na magpinsan kayo, iisipin ko talagang magjowa kayo, e."
Muling nanlaki ang mga mata ni Maia nang isang kasamahan nilang doctor sa ospital ang dumaan at nakapuna sa kanila ni James.
"Doctora..." bati ni James sa OB.
Ngumiti ito sa kanila at agad din naman nagpaalam.
Bumaba ang mga mata ni Maia sa kaniyang plato. Sobra ang pagkabog sa kaniyang dibdib sa... takot. Now she's not just scared of her feelings but the thought of even one person knowing it. Malaking kahihiyan itong nararamdaman niya para sa pamilya nila...
"Don't mind what Dr. Sanchez said. Kilala mo naman 'yon. She's just kidding." James interrupted her thoughts.
Nag-angat siya ng tingin kay James at marahang tumango. Ngumiti naman ito sa kaniya.
Later on Maia found herself dancing with James...
When I saw you in that dress, looking so beautiful I don't deserve this, darling, you look perfect tonight...
"You're perfect." James whispered habang marahan silang nagsasayaw kasama ang bride at groom at iba pang sumasayaw na rin doon sa gitna. Gaya sa lyrics ng kantang naririnig nilang pinapatugtog doon.
Pinakiramdam ni Maia ang puso niya at nagwawala na naman ito. How dare her heart be this sinful. Gusto niyang maiyak sa nararamdaman para sa pinsan niya. Pinsan niya! Bakit ba parang hindi iyon matanggap ng puso niya?
"Bagay sa 'yo ang dress mo." James added. "And your makeup is simple. I like it."
Nag-angat siya ng tingin at nakita ang magandang ngiti sa mga labi nito.
Napaisip siya habang nakatingin sa mukha ng lalaki. Kung bakit nangyayari sa kaniya 'to... Naging mabuti naman siyang anak. Naging mabuti naman siyang tao. Pero bakit tingin niya ay parang parusa ito sa kaniya? Kung bakit naging pinsan pa niya ang lalaki... And her heart would always ache at the thought of it.
"Excuse me, James. Powder room lang ako." maagap niyang paalam sa lalaki bago pa tumulo ang luha niya.
Mabilis niya itong tinalikuran at nagpunta sa walang taong lugar. At doon tuluyang bumuhos ang kaninang nagbabadya na niyang mga luha...
"Maia,"
Nilingon niya ang tumawag. It was another usual day at the hospital.
"Dr. Castro." ngumiti siya sa lalaking doktor.
"You can just call me, Dustin. I won't mind." guwapo itong ngumiti.
Napailing lang si Maia habang nakangiti pa rin.
"Malapit na ang birthday ko. Baka naman papayag ka nang makipag-date sa 'kin?" pabiro nitong sinabi but there was a glint of hope in his eyes.
Nawala ang ngiti ni Maia. "Dust..." hindi niya alam ang sasabihin sa lalaki.
Napakamot ito sa batok at nagpaalam na rin agad sa kaniya. Kailangan na kasi ito sa operating room.
Napabuntong-hininga nalang si Maia nang makaalis ang lalaki. Tinungo niya ang nurses' station at doon naabutan si James na nakangiting nakikipag-usap sa isang magandang nurse.
Her blood automatically boiled at the sight. Parang agad nasira ang araw niya. Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili. Tumalikod na siya at hindi nalang tutuloy doon nang bigla siyang tawagin ni James. Natigil siya sa paglalakad.
Hinarap niya ang lalaki at naabutan ang paglalakad-takbo nito palapit sa kinatatayuan niya.
"Are you done?" he asked nang makalapit. "Uwi na tayo?"
Maia sighed and nodded her head. Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Sumunod naman sa kaniya si James at ilang sandali pa ay bigla siya nitong inakbayan.
"Let's eat dinner outside first, bago tayo umuwi sa bahay." anito.
Hindi na nakaimik si Maia at hinayaan nalang itong igiya siya sa elevator pababa sa basement.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro