Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

"This will be your room." dinala ni Maia si James sa magiging kuwarto nito sa bahay nila.

And it's just beside her room. Hindi siya ang pumili because it was her Mom na muli siyang tinawagan kanina lang para ipaalam na pinahanda na nito sa mga katulong ang magiging silid ng pinsan niya.

"Don't worry, Mom. Ako na po ang bahala. Mag-enjoy lang po kayo ni Dad diyan sa vacation ninyo." she remembered assuring her mother dahil parang masyado itong aligaga para sa pinsan niya.

"Thank you, sweetheart. Palagi mong samahan ang pinsan mo sa mga lakad niya, okay? Magsabay na rin kayo sa pagpasok sa hospital. He'll be working there."

"Sure, Mommy." mabilis niyang tugon sa mga bilin nito.

"And lastly, hija..." parang hindi nito masabi ang panghuling bilin.

"What is, Mom?"

"Well... if possible, keep your cousin away from strangers..." parang hindi nito siguradong sabi.

Hindi napigilan ni Maia ang matawa. "Mom," she sighed. "James is not anymore a kid, right? Mas matanda pa nga siya sa akin. Ka-age siguro sila ni Kuya." ang weird naman ng Mommy niya.

She can hear her mother blew a heavy sigh. "I know, hija... Basta, your cousin is new here. Wala pa siyang kakilala rito and anyone might take advantage of him. Mas mabuting ikaw lang ang palagi niyang nakakasama."

Kumunot na ang noo ni Maia sa mga sinasabi ng ina. "Mom-"

"For now, hija. For now... Of course he'll have his friends, soon. Sa hospital. Mga kapwa niya doctor..." her mother was sighing again. "Basta, report to me everything, okay? 'Yong mga nangyayari sa pinsan mo, mga ginagawa niya diyan araw-araw..."

"Seriously, Mom?" hindi siya makapaniwala.

"Huwag nang madaming tanong, Maia. Sumunod ka nalang. Ito rin ang utos ng Daddy mo." there's already a hint of iritation in her mother's tone. And she also sounded a bit frustrated or stressed over something...

Oh... kay. Mukhang gagawin pala siyang babysitter ng parents niya para kay James. Sa pinsan niya. She blew a sigh bago sumunod sa ikalawang palapag ng malaking bahay kung saan nauna na si James kasama ang mga kasambahay na may dala nang mga gamit nito.

"This is nice. Thank you." he politely said.

Ngumiti si Maia. "Pinabago pa ni Mommy ang interior nitong room. Sana maging comfortable ka rito."

"Of course! Tita Elizabeth is so thoughtful. Please say my thank you to her."

Nakangiting tinanguan ni Maia ang pinsan.

"I think you should rest. Kagagaling mo lang sa biyahe. Ipapatawag ka nalang dito mamaya 'pag ready na ang dinner." she said after a while.

James nodded. "Yeah. I'm a bit tired." ngumiti ito sa kaniya that once again made her heart skip a beat. "Thanks, Maia."

Lumunok muna siya bahagya bago tumangu-tango at walang pasabing lumabas na sa silid nito. Maia then again blew a heavy breath as she was walking to her room.

Pabagsak siyang nahiga sa kaniyang kama habang paulit-ulit na sinasaway ang sarili. Hindi niya na maalala kung na experience rin ba niyang magkaroon ng kahit crush man lang noon. She can't remember feeling this way towards a guy before. Masasabi pa nga niyang bago sa kaniya ang mga nararamdaman ngayon... para kay James. Para sa pinsan niya... Damn it!

Is she finally having a crush on someone? At sa pinsan pa talaga niya? Oh God. It's incest. She really did pray and asked for forgiveness for feeling that way towards someone who's a family.

Hindi namalayan ni Maia na nakatulog na pala siya. Dapat ay babalik pa siya sa ospital but since wala na rin naman siyang importanteng gagawin doon ay hinayaan nalang niya ang sariling makapagpahinga.

Inayos niya lang saglit ang sarili bago lumabas ng kuwarto at bumaba sa living room. Madilim na sa labas and surely patapos na ring maghain ng hapunan ang mga kasambahay. Kaya lang may iba pa siyang naabutan sa dining area.

Naroon si James who's now wearing an apron at ito pa ang naglalapag ng mga nalutong pagkain sa mesa. Although with the help of their maids.
"James... Manang, bakit n'yo po siya hinahayaang-"

"It's okay, Maia. I wasn't able to sleep. Namamahay siguro ako-as what Manang Nelia said." pigil sa kaniya ni James. "The food's ready! Let's eat?" nakangiti siya nitong inaya.

Parang wala pa siya sa sariling sumunod at umupo sa pinaghila nitong dining chair para sa kaniya. Sumunod din itong naupo roon at inabot sa isang mas batang kasambahay ang apron na hinubad nito. Hindi napansin ni James but she saw the young maid secretly sniffing the apron.

Naningkit ang mga mata ni Maia sa katulong. Apron lang naman iyon but for heaven's sake ay parang gusto niya itong kunin sa kasambahay. Maia doesn't know why she felt irritated all of a sudden. Maybe because she just woke up. Tama. Kakagising ko lang kasi.

"Are you okay, Maia? Maia?"

"Huh?" agad natuon ang atensyon niya sa lalaki.

James smiled softly at her. "You look more cute when your forehead is creased." lumabas pa ang mapuputi nitong ngipin sa pagkakangiti. Mukhang na-c-cute-an nga talaga sa kaniya.

Maia felt her cheeks heated. Tumikhim siya ng kaunti at sumimangot to try to hide her blushing. "I'm just cute? Not pretty?" sinubukan niya rin itong biruin.

James just smiled more that soon became a soft low chuckle. And damn it... her heart just melted at the sound of his laughter. "You're pretty and cute." anito.

Sumimangot pa rin siya but her insides is already getting wild. Parang gusto niyang tumakbo pabalik sa kuwarto niya at doon ilabas ang lahat ng kilig na nararamdaman niya ngayon. Oh my... I'm really going to hell. Noon ay sa mga libro at american drama series and movies lang siya kinikilig. Mukhang nag-iiba na yata ngayon... And it's slowly scaring the hell out of her!

"Hey, you okay?" bahagya nang pinangunutan ng noo si James dahil sa pag-s-space out niya.

She assured him with an almost forced smile. "Yeah. I-Ikaw ang nagluto nito? You can cook?" pag-iiba niya sa usapan.

James smilingly nodded. Napapansin niyang palangiti ang lalaki. "Yup! Cooking is also one of my hobbies. I just hope you'll like my cooking... though."

His eyes looked hopeful. And it's so freaking adorable for Maia. Sinimulan niyang tikman ang luto nito at agad nag-thumbs up. Not because she want him to feel good but because he really cooks well! May talent ito sa pagluluto. Agad siyang nakaramdam ng hiya para sa sarili. Ilang beses na ba niyang sinubukan ang sarili sa kusina? But end up failing every time, anyway.

"Masarap." aniya.

"Really?" para itong batang masayang-masaya dahil nabili ang gustong laruan.

Right now Maia can say that James Anthony dela Cuesta is a simple person. Mabilis lang itong mapasaya and he's talented in kitchen. His features is like of an angel. His smile can capture any girl's heart. She's sure of it. At naiinis siyang isipin pa lang na may ibang mga babaeng makakapuna sa lalaki. I'm really getting sinful here.

Nilakihan niya ang ngisi para rito. "Yes, really. Sana everyday ikaw na ang magluto." she kidded.

Nagbibiro lang naman siya but for the following days ay palagi na talaga siya nitong pinagluluto. Kahit pa baon niyang sandwich ay ito na ang gumagawa.

At lalo lang lumalaki ang lugar ng lalaki sa puso niya sa bawat ngiti at efforts nito. Sa bawat maliliit at inosenteng bagay na gingawa nito para sa kaniya. She denied it at first and made herself think na pagmamahal lang para sa isang kapamilya ang nararamdaman niya rito. Until one day she found out that it was already different. And it scared her to bits na iniwasan niya ang lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #rejmartinez