Heart Snatcher
HEART SNATCHER
written by Endee (loveisnotrude)
"MAG-IINGAT KA, HA." Ayan ang huling bilin ng dating may-ari nitong bahay na nilipatan ko bago niya ako tuluyang iwan.
Nitong mga nakaraang araw daw kasi, nadadalas talaga ang nakawan dito sa lugar. At hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol doon. Panatag pa naman ang loob ko na magiging safe ako rito sa lilipatan ko. Tapos biglang may gano'n pala . . .
Nagbuntonghininga na lang ako pagkatapos ay muling itinuloy ang pag-aayos ng gamit. Sa sobrang dami ng dapat kong ayusin at linisin, alas-otso na ng gabi at hindi pa rin ako tapos. Nagpa-deliver na nga lang ako ng pagkain sa isang fast food restau para sa dinner ko dahil wala na talaga akong energy na magluto pa. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na nakakapagod pala itong ginawa kong paglipat ng bahay.
"Okay. Bukas naman ulit," pagkausap ko sa sarili nang maramdaman ko na ang sobrang pagod.
Alas-diez na rin kasi ng gabi. Dapat talaga ay tulog na ako ng ganitong oras dahil maaga pa ang pasok ko sa trabaho kinabukasan. Mabuti na lang at naisipan kong mag-file ng leave for three days. Kasi kung hindi, paniguradong mag-aaligaga talaga ako sa pag-aayos nitong sandamakmak kong mga gamit. Isama mo pa ang paglilinis ng buong bahay.
"I-double check mo ang pinto at mga bintana mo. Siguraduhin mong naka-lock ang mga ito nang maayos."
Nang maalala ko na naman ang bilin na 'yon sa akin, dali-dali kong siniguradong naka-lock na ang lahat ng pinto at bintana dito sa bahay bago ako pumasok sa kuwarto para tuluyang magpahinga.
Ngunit hindi ko inaasahan na sa kalagitnaan nang mahimbing kong pagtulog ay maaalimpungatan ako dahil sa isang malakas na kalabog.
3:41 a.m.
Pagka-check ko ng oras, hindi ko na mapigilang hindi kabahan. Hindi pa nakatulong ang pag-o-overthink ko na bakâ nabiktma na nga agad ako nung nakawan na sinabi sa akin.
Kung susuwertihin ka nga naman, o.
Mahigpit kong hawak-hawak ang hanger na nakita ko bago ako dahan-dahang bumaba upang tingnan kung may tao ba (na taimtim ko ring pinagdadasal na sana wala). At saktong isang hakbang na lang pababa nang may anino akong naaninag banda sa pintuan. Sa hitsura nito, mukhang palabas na ito kaya dali-dali na akong dumiretso sa kusina at agad na binato sa gawi nito ang unang bagay na nadampot ko: ang kaldero.
Pagkatapos saka ako nagsisisigaw at humingi ng tulong. Sa sobrang lakas ng boses ko, thankfully, nagising naman ang mga kapitbahay ko.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili dito sa may barangay hall kasama yung lalaking nang-ahas na pumasok sa bahay ko at nagtangka pang nakawan ako. Mabuti na lang walang nawala. Ka-badtrip nga lang dahil sinira niya pa talaga yung pinto ko.
"Hindi nga ako yung magnanakaw. I'm just trying to help you out!"
"Sus. Bulok na 'yang palusot mo. Huling-huli na kaya kita sa akto," mariing sabi ko. "Hindi por que't pogi ka ay may free pass ka nang gumawa ng kung ano-ano, ha," pahabol ko pang bulong sa sarili.
Sa totoo lang, muntikan na akong mabudol nang maayos kong makita ang kabuuang hitsura niya. Ang pogi, e. Tapos naisip ko agad na bakâ isa lang 'yon sa modus nila---na ginagamit nila yung face value nila to get away from what they did.
Kaya looks can be really deceiving, e.
"Ilang beses ko bang kailangang ipaliwanag na nahuli ko nga yung mga sumubok magnakaw sa bahay mo kaya kinailangan kong pumasok sa loob? Hindi ako kasya sa bintana na pinaglusutan nila kaya wala akong choice kundi sirain yung pinto."
"Nire-review na nila yung CCTV kaya hintayin na lang natin," sabi ko na lang at iniwas na ang tingin sa gawi niya.
Iba pa naman ang karupukan ko sa mga pogi.
Bakâ ang ending pa nito, puso ko ang mananakaw.
Kaya erase, erase. Hindi ito ang tamang oras para maging marupok. Nandito ako para sa hustisya---hustisya sa pinto kong nasira. Kasi grabe naman---kalilipat ko lang, wala pang isang araw, tapos may kailangan na agad akong ipaayos sa bahay. Nakakaiyak.
"Mukha ba akong magnanakaw?"
Muli akong napatingin sa gawi niya nang magsalita siya. Honestly, kung ibabase ko lang sa hitsura niya ngayon, hindi talaga, e. Mukha pa nga siya yung taga-condo sa may BGC na mahilig mag-jogging by 5 p.m. onwards with his plain white shirt and sweat short. Tapos amoy Johnson's Baby Powder Blossoms pa siya. But then again, looks can be deceiving. Hindi niya ako madadaan sa kapogian niya, 'no.
Dahil hindi na ako nagsalita pa, mukhang mas lalo lang siyang na-frustrate. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin ko. Kung hindi nga talaga siya yung magnanakaw katulad ng pilit niyang sinasabi, e 'di, magso-sorry ako sa pambibintang sa kaniya. Pero kung siya nga yung magnanakaw, pananagutin ko talaga siya.
Grabe kaya yung stress at trauma na idinulot niya sa akin! Kalilipat ko pa lang tapos may ganitong encounter na agad? Kaloka!
"Pasensya na po at natagalan kami sa pag-review ng CCTV." Umayos na ako nang upo pagbalik nung barangay official na nakausap ko tungkol dito sa nangyari. "Sa kasamaang palad, sira po kasi yung CCTV sa may poste sa tapat ng bahay ninyo kaya hindi namin agad nakita kung sino ba yung mga salarin. Pero may nahagip po kami sa kalapit na kanto. Ito po."
Maingat kong pinanood yung video at nakita ko nga roon yung dalawang kahina-hinalang lalaki na papunta sa gawi ng bahay ko.
"Tapos nakipag-coordinate na rin po kami sa may katabing bahay na may CCTV," dagdag pa nito. "At mukhang nagsasabi nga ng totoo itong si Sir. Tingnan niyo po."
Okay . . . Bakit hindi ko agad naisip na sobrang nakakahiya pala yung pambibintang na ginawa ko?
Kasalanan 'to ng pagiging Cancer ko, e! Masyado akong nagpapadala sa emosyon, ayan tuloy . . .
This is really very embarrassing.
Matapos mapanood yung buong video, hindi ko na alam kung paano pa siya haharapin o tingnan man lang sa mga mata. Sabi ko pa naman magso-sorry ako, pero . . . paano?
"Can I leave now?"
At bago pa ako makapagsalita, mabilis na siyang naglakad palayo.
Habang pauwi, ang dami tuloy gumugulo sa isipan ko: yung kalilipat ko pa lang pero muntikan na akong manakawan, yung pambibintang ko roon sa tumulong lang pala sa akin, at yung nasira kong pinto.
Paano na ako makakatulog niyan kung sira yung---
Napatigil ako sa pag-iisip nang masilayan kong may kung sinong nag-aayos ng nasira kong pinto. Dali-dali na akong naglakad papalapit sa bahay ko at laking gulat ko yung pamilya niyang mukha.
"Nandito ka na pala," aniya. "Masyado pang maaga para magtawag nang mag-aayos nito kaya ako na lang muna ang gumawa so you can still sleep well. Don't worry kasi I'll call someone who can replace your door later."
Dahil sa ginawa niya, mas lalo lang tuloy akong nahiya lalo na sa inasal ko sa kaniya kanina.
"Thank you. At . . . um, sorry nga pala," marahang sabi ko. "I shouldn't have accused you right away."
"That's all right. I shouldn't have reacted like that knowing the situation. I should have known better."
"Salamat ulit sa tulong mo. Lalo na diyan sa pinto."
"Wala 'yon. Kasalanan ko rin naman kung bakit nasira 'yan, e."
Hindi ko na alam ang sasabihin kaya magpapaalam na sana ako nang maunahan niya ako.
"Teka . . . kapitbahay lang pala kita?" gulat na tanong ko nang ituro niya kung saan siya nakatira.
"Natch," pakilala niya. Agad ko rin namang inabot ang kamay niya at nakipagkamay sa kaniya pagkatapos kong banggitin ang pangalan ko.
At o-to-the-m-to-the-g, ang lambot ng kamay niya! Tapos yung veins na nasilayan ko . . . grabe. Bago pa tuluyang magwala ang lahat ng cells ko sa katawan na active at 5:05 a.m., nagpaalam na talaga ako at pumasok na sa loob.
Pero bigla na lang akong napatakip ng bibig nang makita yung kaldero at naalala ang isa pa sa nakakalokang ginawa ko kanina. Dali-dali akong lumabas at tinawag si Natch.
"Yung ulo mo . . . K-Kumusta?"
"Ha?"
"Yung . . . Yung natamaan ng kaldero na binato ko . . ."
At sa pagbanggit ko n'on, parang doon niya lang din naalala at saka siya napahawak sa likurang bahagi ng ulo niya sabay daing ng, "A-Aray."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa pagngiwi niya. Sa lakas nang pagkakabato ko, hindi talaga malabong magkabukol siya---or worse, nagka-internal bleeding pa!
"Hala."
Paglapit ko para i-check ito, nagulat ako sa bigla niyang mahinang pagtawa.
"This is probably the weirdest first encounter I had with someone," aniya nang may ngiti sa mga labi. "Nice to meet you talaga, Heart."
And at this moment, naniniwala na akong nadadalas nga talaga ang nakawan sa lugar na ito.
Because it looks like even my heart has been stolen . . . by him.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro