Kabanata 8
S-Siraulo ba ito? Alam niya kaya ang mga sinasabi niya?
“Mag-aral ka na lang diyan, ‘no!” Ilag ang tingin na sambit ko.
Nahihirapan akong ipakali ang sarili ko sa ideyang kasama ko na nakaupo si Kerwin sa ilalim ng matayog na puno.
Simula nga nang magkrus ang landas naming dalawa, hindi na maialis sa katawan ko ang pakiramdam na laging kabado ‘pag ganitong nakakasama ko siya at nakakausap.
“Hindi ako nag-aaral ngayon,”
Kunot-noong nilingon ko siya. “Ano pala ang ginagawa mo sa librong hawak mo?”
“Ito?” tiyaka inangat ang hawak niyang libro.
“English novel ito, Devyn. Mahilig kasi akong magbasa ng mga novels, lalo na ‘pag English.
Minsan ay nag-aaral ako rito, pero kadalasan ay nagbabasa lang ako ng mga binili kong novels sa bookstore. Mas nakaka-enjoy kasi magbasa sa ganitong lugar; tahimik at mahangin.”
Kabaliktaran ko naman siya. Ni minsan ay hindi ko naging libangan ang pagbabasa ng kahit anong libro.
Una sa lahat, wala naman akong pambili ng libro at hindi ubrang manghiram ako ng libro sa paaralan dahil hindi naman ako isang estudyante.
Tiyaka isa pa, hindi rin ako marunong magbasa, lalo na ‘pag English ang salita.
“Saan ka pala nag-aaral?” Ikinabigla ko ang kanyang itinanong.
Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkabigla, isa pa ay nilamon ako ng kaba at hiya na baka ‘pag sinabi ko sa kanyang hindi ako nag-aaral ay iba ang maging tingin niya sa akin.
“Sa---”
“Huwag ka mahiya sa akin na magpakatotoo, Devyn. Mapagkakatiwalaan naman akong tao, hindi mo na kailangan pang magsuot ng magarbong maskara ‘pag ako ang kausap mo.”
Napahinga ako nang malalim.
“Mahirap lang ako, Kerwin. Ako ang nagtatrabaho para sa pamilya ko, ang kapalit nga lang no’n ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.” Dala na rin siguro ng sinabi niya ay tuluyan na akong napaamin.
“I’m sorry to hear that,”
“Hindi! Huwag mo ako kaawaan, Kerwin. Ayokong isipin mo na kinakausap lang kita ngayon para maawa ka sa akin at bigyan mo ako ng pera.
Aminado naman akong mahirap lang kami, pero ang ganyang bagay ay malabo kong gawin.”
“Mukha ngang kahit pilitin kita ng 100 times para i-accept mo ‘yong tulong ko, talagang magmamatigas ka pa rin hanggang dulo.” Bahagya siyang natawa.
Gusto ko sanang sabihin na sa pang-sampong beses na pipilitin niya akong tanggapin ‘yong tulong niya ay rurupok ako.
Marupok ako, e. Doblehin pa kaya ‘yong 10 times?
“Sige na, ipagpatuloy mo na ang pagbabasa mo ng libro. Mauuna na ako sa iyo, huh?”
Nakakailang hakbang pa lang ako paalis sa lugar na ‘yon nang magsalita siya.
“Sabihan mo lang ako kung gusto mong matuto. Handa naman akong i-share ang mga natutunan ko sa school para sa iyo.
Friends na tayo, ‘di ba? ‘Wag kang mahihiya na lumapit sa akin, okay?”
Dahan-dahan ko siyang nilingon, sinipat siya ng may pagtataka. “G-Gagawin mo ‘yon?”
“Oo naman, ‘no? Sabay tayong mag-aaral.”
Dahil siguro nagustuhan ko ang sinabi niya, napangiti na lamang ako bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
Parang magandang ideya na kasabay niya ako na mag-aaral, at mukha ring mas matutuwa si Ysay na tatlo na kaming mag-aaral.
Hindi na tuloy ako makapaghintay ng matagal para ipakilala si Kerwin kay Ysay.
Sure naman ako na mabilis magkakasundo ang dalawang ‘yon… kagaya ng kung gaano kabilis gumaan ang loob ko para kay Kerwin.
---
Nang makauwi ako sa bahay namin bitbit ang isang kilong bigas at bangus, kumunot ang kilay ko nang may makitang mga tao roon na bitbit ang isang malaking TV.
Hindi ako pwedeng magkamali na sa bahay namin ‘yon dadalhin kasi nga ay nasa tapat sila ngayon ng bahay namin.
Pero bakit naman kami bibili ng gano’ng kalaking TV, e siguradong napakamahal ng halaga no’n.
“Kanino po ‘yan?” Tanong ko roon sa isang lalaki na tangan ang malaking TV.
“Narito ka na pala.” Sambit ni Nanay tiyaka lumabas ng bahay. “Sa atin ‘yan, Devyn.”
“Po? Paano naman tayo magkakaroon ng kakayahan na bumili ng ganyan?”
Natawa bahagya si Nanay bago lumapit sa akin at mahinang tinapik ang balikat ko. “Sabihin natin na sinwerte ako sa pinasok kong negosyo.”
Ano? Sinwerte siya sa pinasok niyang negosyo? At ano naman kayang negosyo ‘yon?
Magtatanong pa sana ako kay Nanay nang biglang iwan niya ako upang asikasuhin kung paano pagkakasyahin ang malaking TV sa napakasikip naming bahay.
“Kain ka na, ate!” Lumapit si Joshua sa akin para lang iabot ang isang malaking burger.
Mula iyon sa fastfood, at ito ang unang pagkakataon ko na makatikim ng pagkain mula sa isang fastfood chain --- nang malinis at hindi galing sa basurahan.
“Saan naman galing ito?” Kinagatan ko agad ‘yon dala ng sobrang gutom. “Kumain na ba kayo nito?”
Tumango naman sa akin si Kevin.
“Uwi ‘yan ni Nanay,” sagot ni Joshua. “Ang dami niya ngang uwing pagkain, e. Marami pa sa loob, kumain ka na roon, Ate!”
Naguguluhan man ako sa mga nangyayari ay nagpahatak na lang din ako kina Kevin at Joshua papasok sa aming bahay, at doon ko nadatnan ang maliit naming lamesa na puno ng sari-saring mga pagkain.
Dahil sa mga nakikita ko ngayon, mas lalo akong nahihiwagaan sa mga nangyayari. Hindi ko maiwasan na magduda kay Nanay kung anong klase nga ba ng trabaho ang pinasok niya para kumita siya nang gan’tong kalaking halaga.
“Imbes na matuwa ka dahil nadatnan mong ‘di hamak na mas masarap ang mga nakahain sa lamesa kaysa riyan sa dala mo, e ito ka’t pang-byernes santo ang mukha mo.” Dinig kong sabi ni Tatay na kalalabas lang ng banyo.
“Sawang-sawa na kami sa daing na bangus, Devyn! Ipakain mo na lang ‘yan sa aso.”
“Ano ba talaga ang nangyayari?!” Napahinto sa paglabas si Tatay dahil sa tanong ko.
“May hindi ba ako alam? Hindi kaya ay nagbenta na kayo ng mga laman-loob n’yo kapalit ng malaking halaga ng pera na tutugon sa mga luho n’yo ni Nanay?”
“Huwag ka magsimula ng gulo, Devyn. Good mood ako ngayon, ‘wag mo nang subukan pang sirain. Malilintikan ka talaga sa akin, makikita mo.” May diin na sambit ni Tatay bago tuluyang lumabas ng bahay.
Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa sobrang galit, malakas talaga ang kutob ko na may nangyayaring kababalaghan.
Kailangan kong alamin ‘yon, at sakaling mapatunayan ko na illegal ang negosyo ni Nanay, kailangan ko siyang pigilan na ituloy ‘yon.
Hindi ko hahayaan na madagdagan pa lalo ang kasalanan ng pamilya namin sa itaas.
“Ate, maganda na rin siguro kung may trabaho na si Nanay. Ayos ‘yon, hindi ka na magnanakaw.” Ani Kevin habang ngumunguya ng fried chicken.
“Hindi ako papayag na bubuhayin niya lang tayo sa illegal na pamamaraan. Mali ‘yon---”
“Mali rin naman ang magnakaw, Ate Devyn. Pero ginawa mo pa rin para buhayin kami.” Ani Joshua naman.
Mariin akong napapikit. Hindi pa maiintindihan ng mga bata kong kapatid ang tunay na dahilan kung bakit ko ginawa ‘yon, at ang malaking pagkakaiba nito sa ginagawa ngayon ni Nanay.
Hindi pa naman ako sigurado kung talagang illegal ang negosyo niya, ngunit umaasa akong sana ay hindi.
“Kalimutan n’yo na. Kumain na lang tayo.”
Nagpatuloy ako sa pagkain nang mapansin na wala si Althea. “Nasaan si Althea?”
“Nasa bahay siya ni Ate Ruby,” sagot ni Kevin.
“Si Ate Ruby---”
Nang mapagtanto ko ang pangalan na binanggit ni Kevin, dali-dali akong lumabas ng bahay at napatakbo patungo sa bahay ng Ruby na ‘yon.
Kung hindi ako nagkakamali, prostitute ang babaeng ‘yon at tiyaka, bugaw rin siya, e.
Hindi, mali itong naiisip ko. ‘Wag naman sana.
“Ang sabi niya, hubarin mo na ‘yong panty mo.” Rinig kong boses sa loob ng isang kwarto nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay no’ng Ruby na ‘yon.
“And then---”
Inistorbo ko na sila nang tuluyan sa pamamagitan ng pagbukas ko ng pintuan.
Nadatnan ko ang kapatid kong si Althea na may hawak na manika; hubo’t hubad ang kanyang katawan habang siya’y nasa harap ng isang monitor.
“A-Ano’ng ginagawa mo sa kapatid ko?”
“Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, Devyn. Patapusin mo lang ang session namin ngayon!”
Hindi ko siya pinakinggan. Lumapit ako kay Althea upang pagsuotin siya ng damit, kahit na ba pinipigilan ako ni Ruby sa ginagawa ko.
Nang mabihisan ko na si Althea, hinatak ko siya palabas sa kwartong iyon, kaya lang ay si Nanay naman ang sumalubong sa akin sa labas ng kwarto.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Ito ba ‘yong ipinagmamalaki mo sa akin na negosyo mo?” Maluha-luhang tanong ko.
“E, mas ikatutuwa ko pa yata kung nagbenta na lang kayo ni Tatay ng laman-loob n’yo kaysa ang malaman na ibinebenta n’yo ang katawan ng kapatid ko sa mga manyakis na dayuhan!”
“Gaga ka ba? Hindi tayo aasenso kung aasa na lang tayo sa kakarampot na kinikita mo sa pagnanakaw!
Mas may pakinabang pa nga sa iyo ‘yang si Althea, kaya wala kang karapatan na tutulan ako!”
“Teka nga!” Pumagitna sa amin si Ruby.
“Akala ko ba ay napag-usapan na ng pamilya n’yo ang tungkol sa bagay na ito? Bakit gan’to maka-react itong anak mo?
Nakakahiya roon sa customer, baka magbago pa ang isip at hindi ‘yon magbayad sa atin ng malaki!”
“Hindi na magtatatrabaho ng gano’n ang kapatid ko. Uuwi na kami---”
Sinampal ako ni Nanay para patahimikin. “Kung in-demand lang talaga ang mga kagaya mong kabataan sa mga foreigner na ‘yan, sa tingin mo ba ay gagalawin ko si Althea?
Hahayaan naman kita na mababoy ang katawan mo kung sana ay in-demand ang kagaya mo. Kaso mas gusto nila ay ‘yong bata, kaya hayaan mo na ako! Mas gagaan ang buhay natin sa gan’tong trabaho. Mag-isip ka nga!”
Nanatili lamang tikom ang bibig ko, mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Althea.
Hindi ko siya kayang hayaan na maranasan ang ganitong bagay. Pinagsamantalahan na nga siya ni Tatay, magiging biktima pa siya ng cybersex?
“Ano na ang desisyon n’yong mag-ina?”
“Tara na ulit sa loob, Althea.” Sambit ni Nanay, hinigit si Althea palayo sa akin.
Nanghihinang pinagmasdan ko na lamang sa may pintuan si Althea na walang-awang tinanggalan ng damit para lamang pagkakitaan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro