Kabanata 5
"Kung minsan man ay nasasaktan ko kayo, patawarin ninyo sana ako," abala ang boss namin na nagbibilang ng salapi sa aming harap nang magsalita siya.
"Kilala n'yo naman ako, 'di ba? Mainitin talaga ang ulo ko kaya minsan ay napagbubuhatan ko kayo ng kamay.
Mahirap kontrolin ang emosyon kaya't sana intindihin n'yo na lang ako."
Mataman niya kaming tiningnan ni Ysay. "Hiling ko lang ay sana huwag na kayong gagawa ng mga bagay na ikaiinit ng ulo ko dahil ayaw ko rin na saktan kayong dalawa."
"Mahuhusay kayo't tapat sa akin kung kaya't inaasahan kong hindi ninyo ako lolokohin." Pahabol na sambit niya habang kami ni Ysay ay pinipilit ang sariling huwag umiwas ng tingin sa kanya.
Wala pa man kaming sinasabi ni katiting na salita tungkol sa nangyari sa pagnanakaw namin, maging ang kilos naman namin ay normal, ngunit pakiramdam ko ay nakahahalata na sa amin si boss... na mayroon kaming itinatago sa kanya.
"Mapagkakatiwalaan n'yo po kami," matapang na sagot ni Ysay.
Tumango si boss. "Makakaalis na kayong dalawa."
Tiyaka inabot ang dalawang puting envelope, doon nakapaloob ang sweldo namin sa araw na ito.
Habang naglalakad pauwi sa aming tahanan, hindi ko maiwasang mag-alala at mabalisa.
Pakiramdam ko talaga ay nakakahalata na sa amin si boss... at sa oras na malaman niya ang tungkol doon, tiyak ay delikado ang buhay namin ni Ysay.
"Ysay---"
"Huwag ka na masyadong kabahan diyan, Devyn. Malabong malaman kaagad ni boss ang sikreto natin sa kanya. Magtiwala ka lang sa akin!"
Tinapik niya ang balikat ko. "Basta ipangako mo sa akin na hinding-hindi ka magsasalita at wala sanang laglagan na mangyari nang sa gayon, pareho tayong ligtas."
"Oo naman," pinilit ko ang sarili na ngumiti.
"Tiyaka isa pa, bakit naman kita ilalaglag kung alam ko namang 'pag ginawa ko 'yon, pati ako ay damay."
Natawa kami parehas, masayang ipinagpatuloy ang pagtahak sa daan pauwi sa aming bahay.
Sa araw na ito, binigyan kami ng tig-apat na libo ni boss dahil na rin malaki-laki ang salaping nakuha ni Ysay sa kanyang raket.
Maraming salamat talaga sa kanya... dahil sa perang natagpuan ni Ysay ay natulungan ako nito kahit papaano sa palpak na trabaho ko.
---
"A-kin-tans?" Pag-uulit ko sa binabasa ko, kulot ang kilay na tiningnan si Ysay. "Ano ulit basa riyan?"
"Akweyntans hindi akintas!" Inirapan niya ako matapos sabihin 'yon.
"Kwey ang basa sa quai kaya ang naging basa ay akweyntans."
"Okay," napapatango ako habang inuulit sa isip ko ang tamang pagbigkas sa salitang acquaintance.
Nasa ilalim kami ng puno ng rambutan at itinuloy ang naging usapan namin ni Ysay na magkasama kaming mag-aaral gamit ang diksyonaryo na kanyang napulot sa tapat daw ng Hamilton.
Gustong-gusto ko naman talaga matuto kaya lang hindi ko inaasahang gan'to pala talaga kahirap ang mag-aral.
"Sut ba ang basa rito?" Turo ko sa salitang suite.
Umiling siya. "Swit," bigkas niya. "Babasahin mo ang letrang ui na parang wi kaya ang basa riyan ay swit."
Ang lalayo naman pala ng paraan ng pagbigkas ng mga salitang 'yon sa kung paano ito baybayin. Mukhang unang araw ko sa pag-aaral ng mga salitang ito, e mukhang susuko agad ako, a?
"Kaya mo pa ba, Devyn?" Natatawang asik ni Ysay sa akin, nginitian ako ng nakakaasar kung kaya't naasar na ako sa kanya nang tuluyan.
"Pahinga muna," humikab ako at tumingala, pinitas ko ang naabot kong rambutan at binalatan, diretsyo sa aking bunganga.
Ang asim talaga ng rambutan nina Ysay... kasing asim niya.
"Ano ka ba naman, Devyn! Hindi pa nga tayo nakakaabot ng kalahating minuto, e pagod ka na? Okay ka lang?"
"Pakiramdam ko kasi malapit na akong duguin,"
"Ano?!"
"Iyong ilong ko, malapit na duguin." Mariin akong napapikit, itiningala ko ang ilong ko at umarteng may umaagos na dugo rito.
"Ewan ko sa iyo!" Umirap na naman siya sa akin sa ikalawang pagkakataon.
"Nahirapan din ako noong unang beses kong sinubukang aralin ang mga salitang laman ng dictionary na ito."
Binuklat niya ang mga pahina nito isa-isa, sa marahang paraan. "Nahirapan ako no'ng una pero na-enjoy ko rin namang basahin at pag-aralan nang lumaon.
Bigla akong nagkaroon ng interes na pag-aralan ang mga salitang ito dahil sa isang salitang nabasa ko..."
"Ano'ng salita?"
Ngumiti siya sa akin nang tingnan niya ako. "Fantasy," bigkas niya sa tinutukoy na salita.
"Sa tagalog ay pantasya, kalapit na salita ng salitang imahinasyon sa Tagalog."
"Habang binabasa at ninanamnam ko ang kahulugan ng salitang ito, nagsimula akong maging interested sa pagbabasa ng laman nitong dictionary... at nagsimula na rin akong i-relate ang sarili ko sa mga salitang nababasa ko."
"Kagaya ng salitang fantasy kung saan ang mga pangarap kong mangyari na sa utak ko lang nangyayari ay parang gano'n... fantasy."
"Pero may paraan naman para madala ito sa reality," bigkas ko sa salitang nabasa ko sa diksyonaryo.
Tiningnan ko si Ysay at ngumiti. "Magtiwala ka lang dahil lahat ng nasa imahinasyon mo ay magkakaroon din ng katuparan."
"Sana nga," mahinang usal niya. "Sana hindi pa huli ang lahat upang magawa ko ang mga gusto kong gawin at matupad ang pangarap ko sa buhay."
"Kasi sa totoo lang, ayoko na sa gan'tong buhay natin, Devyn. Gusto ko nang tigilan ang pagnanakaw dahil alam kong pagkamatay natin ay hinding-hindi magbubukas ang pintuan ng langit para sa atin..."
"Tiyaka nakokonsensya ako sa mga taong ninanakawan natin. Para lang hindi tayo magutom, kinakailangan talaga na magnakaw tayo o gumawa ng masama para doon... na sa tingin ko ay hindi na tama simula pa lang."
Ako man ay napapaisip tungkol sa ginagawa namin ngayon ni Ysay. Nandoon 'yong saya sa tuwing nakakapagnakaw kami nang malaking halaga... dahil ang ibig sabihin lang no'n, malaking pera din ang matatanggap namin bilang kapalit.
Konsensya nga lang ang malupit naming kalaban.
Nakakalungkot isipin na sa murang edad namin ay natuto na kaming gumawa ng isang bagay na hindi dapat ginagawa ng isang bata.
Dahil sa sobrang lupit ng buhay, ilang kabataan na kagaya namin ay kinakailangang humanap ng paraan para lang mabuhay.
'Yon nga lang... sa patalim kami dinala ng malupit na tadhana upang kumapit.
"Bawi na lang tayo next life," pagsubok ko na magbiro ngunit hindi natinag si Ysay sa pag-iisip nang seryoso.
"Subukan kaya nating maghanap ng ibang trabaho? 'Yong disente?"
Kumunot ang noo ko. "Sa tingin mo ba ay may tatanggap sa atin? Wala pa tayo sa wastong edad para magtrabaho kaya't mahihirapan tayong maghanap."
"Maaaring may tumanggap sa atin sa palengke para magtinda o kaya naman tagahakot ng isda... pero asahan mong hindi sasapat ang kikitain natin doon para tumbasan ang kinikita natin sa pagnanakaw." Dagdag ko.
"Masama naman, Devyn! Illegal!"
"Ano'ng magagawa natin? Dito na tayo nakatadhanang mapunta... sa landas na ito. Gustuhin ko man na lisanin ang madilim na landas na 'to, pero paano?"
"Sinubukan mo na bang itanong sa sarili mo kung handa ka na bang iwan ang trabahong pinasok natin... kasama ang mga posibilidad na malaking halaga na pera na kinikita natin kada raket?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko kasing isipin ng crush ko na masama akong tao once na malaman niyang nagnanakaw ako," tumingin sa akin ang nangungusap niyang mga mata.
"Natatakot ako kasi baka bigla na lang siyang lumayo sa akin 'pag nalaman niya ang tunay na pagkatao ko."
"Hindi pa nga kayo nagkakausap ni minsan, 'di ba? Ang advance ng utak mo, huh? Paglayo agad ang iniisip mo." Pagbiro ko.
"Seryoso kaya ako, Devyn!"
"Ganito lang 'yan," pagtapik ko sa balikat niya, nginitian ko siya. "Ang tunay na lalaki, ano pa man ang katauhan mo ay willing ka niyang tanggapin.
'Wag kang matakot sa posibilidad na layuan ka niya, kung sakali mang piliin niyang lumayo sa iyo.
Dapat mo pa ngang ipagpasalamat dahil may isang pekeng tao na peke ang pakikitungo sa iyo na nawala at lumayo sa buhay mo."
Hinawakan ko ang kamay ni Ysay. "Kaibigan mo man siya o lalaking mahal mo, ang palagi mong tatandaan... hindi ka iiwan ng taong totoo at tapat sa iyo, maging sino ka man."
Punong-puno ang mundo ng mga taong peke lang ang pakikitungo sa iyo. Kung tawagin nila ay plastik na dapat nga raw ay sinusunog na lang.
Nasa sa iyo na mismo kung pipiliin mong lapitan sila, kung pipiliin mong papasukin sila sa buhay mo.
Kaya't ako... madalang ang kaibigan ko.
Si Ysay nga lang ang kaibigan ko dahil alam kong totoo siya sa akin at kahit kailan, hindi niya ako tatalikuran.
---
"Tay, 'wag po! Bata pa po ako para pagsamantalahan n'yo! Tatay, maawa na po kayo sa akin!"
Nasa labas pa lang ako ng bahay namin ay rinig ko na mula rito ang panaghoy ng kapatid kong babae... si Althea.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay, naabutan kong hawak-hawak ni Tatay si Althea sa braso, ang kapatid ko naman ay iyak nang iyak.
"Ano'ng nangyayari dito?!"
"Ate!!!" Sigaw ni Althea sa pangalan ko. "S-Si Tatay---"
"Manahamik sinabi!"
Malakas na sinampal ni Tatay si Althea kung kaya't mabilis akong lumapit sa kanila upang hatakin palayo sa kanya ang kapatid ko.
"Bitiwan n'yo siya, Tay!"
"Isa ka pa, e!"
Dahil sa pagsubok kong ilayo si Althea kay Tatay, nakatanggap ako ng mag-asawang sapak sa mukha mula sa kanya, dahilan upang mapaatras ako palayo kay Althea.
"Huwag mo na sinabing subukan pang tutulan ang mga nais kong gawin sa bahay na ito..." tumingin siya sa kapatid ko, hinaplos at inamoy ang buhok nito.
"At mas lalo sa inyong mga anak ko!" Muli niyang sigaw.
"Tandaan n'yong nasa pamamahay ko kayo kung kaya't anuman ang naisin ko ang siyang masusunod!"
"Wala kang karapatan!" Asik ko sa kanya.
"Sa iyo man ang bahay na ito at anak mo man kami, wala kang karapatan na galawin at saktan ang mga kapatid ko!"
"Kung tutuusin, ako dapat ang sundin mo! Ako dapat ang sundin n'yo ni Nanay dahil ako ang gumagawa at kumikilos sa bahay na ito para lang mapakain kayo!"
Sa pagkakataon na ito, pinili kong lakasan ang loob ko upang isumbat sa kanila lahat ng pagkukulang nila at ang mga sakripisyong ginawa ko para lang mabuhay sila.
"Tay, sabihin n'yo nga sa akin kung ano'ng nagawa n'yo para sa amin? Para lang ituring ka naming ama?
Ni hindi mo nga kami magawang pag-aralin! Hindi ka man lang nagpakapagod na magtrabaho para lang buhayin kami!"
"Kasi sino? Sino lang ba ang tumayong taga-tustos n'yo ng pagkain kung hindi ako lang naman, 'di ba?
Bitbit ko ang mga kasalanang ginawa ko, pinili kong pasukin ang pagnanakaw para lang masigurong may makakain kayo!"
"Ginawa ko 'yon lahat para sa inyo!" Gamit ang likod ng palad, pinunasan ko ang takas na luha sa aking pisngi.
"Hindi naman ako nagrereklamo, Tay. Ang gusto ko lang, sana kahit hindi na kayo maging magulang para sa amin... pero sana huwag n'yo na kami ulit saktan at abusuhin."
"Tapos ka na?" Dahan-dahang naglakad palapit sa akin si Tatay, ako naman ay napapaatras.
"Kung tapos ka na... ito ang premyo mo." Sinampal niya ako nang malakas.
"Wala kang kadala-dala, e. Sinabi ngang ang ayaw ko sa lahat ay sinusumbatan ako.
'Yan tuloy ang napala mo. Wala ring saysay ang mga sinabi mo dahil wala akong pakialam!"
Nanghihinang iniangat ko ang ulo ko upang tingnan ang nanlilisik at pulang mga mata ni Tatay.
Ngumisi pa ito na tila demonyo sa akin bago muling hinawakan ang braso ng kapatid kong si Althea.
"Ate---"
"Tahimik!"
Nanghihinang pinagmasdan ko na lamang si Althea na kaladkarin ni Tatay papasok ng banyo.
Tuwing naririnig ko ang hagulgol niya't pagmamakaawa na huwag ituloy ni Tatay ang panggagahasa sa kanya, wala akong magawa kung hindi ang ikuyom ang kamao ko at maiyak na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro