Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

“Mali ang narinig mo, Ysay. Hindi totoong---”

“Una na ako.”

Naglakad na papalayo si Ysay nang hindi man lang inabala ang kanyang sarili na pakinggan ang sasabihin ko.

Balak ko sana siyang sundan ngunit kamay ni Kerwin ang pumigil sa akin sa akmang paglalakad.

“Bitiwan mo ako,” utos ko sa kanya ngunit hindi siya natinag, mas hinigpitan niya pa ang pagkapit sa braso ko kung kaya naman inis ko siyang binalingan ng tingin.

“Hirap ka bang makaintindi ng tagalog, Kerwin? Bitiwan mo ako sabi!”

“Bakit mo pa siya susundan, Devyn?”

“At ikaw pa ang may lakas ng loob na magtanong?” Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

“Ano ‘yon, Kerwin? Ano’ng pinagsasabi mo na nililigawan mo ako? Nahihibang ka na ba?”

Iniwas niya sa akin ang kanyang tingin. “Matagal ko nang gustong umamin sa iyo na gusto kita at gusto kong ligawan ka… kaya lang hindi ako makahanap ng tyempo.”

“Ang ganda ng timing mo,” ang naibulalas ko.

“May gusto sa iyo si Ysay, e. Ano ngayong mararamdaman niya ngayon? Dahil sa sinabi mo, baka tuluyan na akong mawalan ng kaibigan!”

“H-Hindi ko alam---”

“Malamang, hindi! Hindi mo naman talaga alam at kasalanan ko na hindi ko kaagad pinakilala sa iyo ‘yong kaibigan ko kahit na ang dami kong pagkakataon na gawin ‘yon.”

Upang itago ang nagbabadyang pagpatak ng luha, yumuko ako. “Kung sana ay kaagad mo siyang nakilala, siguro hindi mo maiisipang ligawan ako… hindi ba?”

“Kilala ko si Ysay ngunit hindi ko alam na crush niya pala ako,” aniya, “pero kahit malaman ko man ‘yon kaagad ay hindi magbabago ang isip ko na ligawan ka pa rin.

Nirerespeto ko na crush ako ng kaibigan mo pero sana ay respetuhin niya rin na ikaw ang mas binigyan ko ng atensyon dahil… dahil ikaw ang gusto ko.”

“Hindi nga tayo pwede---”

Pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla niya na lang hawakan ang mukha ko. “Inaamin kong may gusto ako sa iyo, Devyn. Pero hindi naman yata tama na porke may gusto ako sa iyo ay gagawin ko lahat ng sinasabi mo, kabilang na ‘yan.

Sorry pero hindi mo ma-c-control ang nararamdaman ko at hindi mo ako pwedeng ipasa na lang sa kaibigan mo na parang isang laruan.”

“Liligawan kita kasi gusto ko at willing akong maghintay para sa iyo.

Pagiging selfish man ang tawag sa ginagawa ko ngayon, pero masama bang kahit minsan man lang sa buhay ko ay sarili ko muna ang unahin ko?” pagpapatuloy niya sa sinasabi.

Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanya ang gusto kong sabihin, ang gusto kong mangyari.

Hindi ko alam kung paano ko ba siya mapahihinto sa tangkang panliligaw niya sa akin na batid kong mas ikasasama ng loob ni Ysay ‘pag nagpatuloy sa panliligaw sa akin si Kerwin.

Ipit na ipit ako ng sitwasyon na kung saan hindi ko na alam kung alin sa dalawang pagpipilian ang dapat kong piliin.

“Pwede bang ‘wag mo muna akong kauusapin o lalapitan?” nagsusumamong tugon ko.

“Kerwin, hayaan mo akong ayusin muna ang pagkakaibigan namin ni Ysay. Ayos lang ba ‘yon?”

“Kung kailangan mo ng tulong ko, sabihan mo ako kaagad. Handa akong tulungan ka tutal naman ay ako ang puno’t dulo ng lahat.”

‘Oo. Ang pogi mo kasi, e.’

Tinanguan ko na lamang siya bago ako pumasok nang muli sa paaralan. Sinubukan kong hanapin kung saan nagtungo si Ysay ngunit hindi ko siya makita.

Halos galugarin ko na nga ang buong paaralan para lang hanapin siya pero mukhang mas magaling siya sa akin magtago.

‘Gano’n siguro niya ako kaayaw na makausap o makita man lang.’

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa classroom namin, tahimik akong naglakad patungo sa upuan ko sa likod.

Hindi naman problema sa akin kung maging loner ako sa loob ng silid na ito basta ang importante ay dalawa kami ni Ysay na loner.

Okay lang na ma-bully ako pero dapat kasama ko si Ysay. Nakakatawa, ‘di ba?

Sa halos lahat ng pagsubok at problema ko sa buhay, kasama ko siya lagi. Siya ang lagi kong takbuhan, gano’n din naman siya sa akin.

Magkadikit na ang bituka naming dalawa kaya sobrang hirap para sa akin ang nangyayari sa aming dalawa ngayon.

Kahit na hindi kami magkadugo, parang pamilya na ang tingin ko kay Ysay. Masakit sa akin na mag-away kami nang dahil lang sa lalaki.

Parang hindi ko kaya ‘to.

“Nasaan ‘yong loser mong kaibigan?” Muli ay kinompronta ako ni Samantha.

Mukhang wala siyang kapaguran na awayin kami ni Ysay, e.

“May mata ka naman siguro,” inangat ko ang ulo ko, “edi hanapin mo kung nasaan siya.”

Ngumisi siya, “Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para sagut-sagutin ako.

I will, soon, teach you a lesson. You, wretch!”

Bumalik na ang malditang ‘yon sa upuan niya sa harap dahil dumating na rin ang teacher namin.

Sa wakas ay matatahimik na panandalian ang buhay ko, samantalang nababagabag pa rin ang isip ko dahil si Ysay ay hindi ko pa rin nakikita.

Ano kayang pumasok sa isip no’n at hindi siya pumasok ngayon sa klase? Tungkol pa rin ba sa nangyari?

Jusko, mukhang legit na talagang baka mawalan ako ng kaibigan dahil lang sa isang lalaki, ah?

Kaya ko namang magpaubaya para kay Ysay, pero hindi ko naman hawak at kontrolado ang desisyon ni Kerwin. Hindi naman siya aso para sundin ang anumang sasabihin ko.

May sariling utak at puso si Kerwin, at ‘yon ang wala kong kakayahan na kontrolin.

“Miss Cabrera, are you still with us?”

Lumagpak ang atensyon ko sa teacher na nasa harapan nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko.

Agad akong tumayo sa aking upuan at magalang na sumagot, “Opo, Ma’m.”

“Join us here.” Ang iniutos niya sa akin kung kaya’t naglakad ako patungo sa harap.

Ikinagulat ko pa nang nasa harap din si Samantha na kung makatingin sa akin ay para bang mayamaya lang ay tatama siya sa lotto.

“Ikaw ang napili ni Sam na maka-debate.”

“D-Debate?”

Tumango ang guro, “Ang may pinakamagandang argumento sa inyo ay exempted sa quiz ngayong araw.”

Tumalikod siya saglit at parang may kinuha sa teacher’s table. “Ang topic na pag-d-debate-han n’yo ay…

Dapat bang ikulong ang mga delinquents o dapat silang manatili sa isang probation ayon sa batas?”

Pinamili niya kami ng side --- si Sam lang pala ang mamimili at ang hindi mapipili ang mapupunta sa akin.

Dahil siya ang nag-volunteer kaya siya ang pinapili ng side, at ang side na pinili niya ay dapat mapunta sa kulungan ang sinasabing mga ‘delinquents’.

“Bago tayo magsimula, ang tinutukoy na ‘delinquents’ ay ‘yong mga menor de edad na nag-c-commit ng crime at their young age.

Sila ‘yong mga kabataan na imbes na dapat ay nasa paaralan at nag-aaral, nasa kung saan-saan sila para gumawa ng krimen upang kumita ng pera.

Ang sinasabing probation naman, pinapayagan ang bata na kumpirmadong nag-commit ng krimen na manatili sa komunidad at hindi makulong sa kulungan ngunit may nakabantay sa kanilang probation officer and it requires them to comply certain court orders, rules and regulations.

Para din silang nasa kulungan pero nasa labas ng selda. Kung baga, malaya sila sa selda ngunit mayroon pa ring nakabantay sa bawat galaw nila at mayroon silang dapat ma-comply to help them change.”

Hinarap kaming dalawa ni Ma’m, “Malinaw sa inyo ‘yon, huh?”

Tinanguan lamang namin siya ni Sam bago opisyal na nagsimula ang debate.

Mukhang akma sa akin ang topic ng debate dahil ako ay maituturing na isang delinquents, at napunta pa sa akin ang side na manatili na lamang ang kagaya ko sa isang probation; na first time ko lang din nalaman.

Buong akala ko kasi ay ‘pag nahuli kami ng pulis ay sa kulungan ang bagsak namin.

“Of course, they should be put into jail! Despite their age, kriminal pa rin sila at nagkasala sila sa batas.

At ‘yon ang pinaniniwalaan ng nakararami… na dapat lahat ng kriminal ay maikulong sa kulungan. Menor de edad man sila o hindi.”

“Kapag ba ang isang tao ay gumawa ng masama, ibig sabihin ba kaagad no’n ay ginusto nilang gawin ‘yon?”

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “Para sa akin, mahalagang sa isang probation bumagsak ang mga kabataang namulat kaagad sa madilim at masalimuot na paksa ng kanilang buhay.

Kagaya ng binanggit ko, naniniwala akong hindi lahat ng gumagawa ng masama o ng krimen ay masasabing ginusto nilang gawin ‘yon para sa sarili nilang pangangailangan.

May ilang mga kriminal na napilitan lamang kumapit sa patalim alang-alang sa kanyang pamilya, hindi lamang para sa kanyang sarili.

Sobrang hirap ng buhay ngayon kaya masisisi ba natin ang ilang mga kabataan na piniling maging masama para lang maitawid ang maya’t-mayang pagkalam ng kanilang sikmura?

Hindi man makatarungan para sa ibang nakikinig, ngunit naniniwala akong sa likod ng masamang imahe ng isang tao ay nakatago ang isang libong dahilan kung bakit nila piniling maging masama.

Ang mga menor de edad na ito na naging kriminal, naniniwala akong mayroon pa silang pagkakataon na makapagbagong-buhay.

At ‘yon ang saysay kung bakit kailangang isailalim sa probation ang isang bata at huwag muna sa isang kulungan.”

“Pero---”

“Kung ang mga drug users nga ay dinadala muna sa isang rehab center, ‘di ba? Ang saysay ng rehab center ay upang baguhin ang pananaw ng isang taong nalulong sa drugs.

Binibigyan sila ng pagkakataon na baguhin ang sarili nila at mabuhay sa malinis at maayos na paraan.

Gano’n din ang mga batang kriminal, may karapatan din silang magbago at naniniwala akong ang probation ang makakapagbigay no’n.”

Humarap ako sa klase. “Bilang panapos, maging bukas din sana ang isipan n’yo na kung wala lang sanang corruption at buwaya na nakaupo sa gobyerno, wala sanang naghihirap na mga pamilya ngayon sa bansa.

Kung pantay lang ang pamamahagi sa kaban ng bayan, wala sanang mga kabataan ang naiipit ng sitwasyon upang pilitin silang tahakin ang landas na hindi dapat para sa kanila.”

Batid kong may sasabihin pa si Sam ngunit inunahan ko na siya ng paglalakad patungo sa upuan ko.

Sa tingin ko naman ay naipahayag ko nang maigi ang punto ko, nasa sa kanila na lang kung paano nila ‘yon i-a-absorb.

Basta ako… naniniwala akong ang isang kagaya ko ay dapat magkaroon din ng pagkakataon na magbago.

Sana ay i-konsidera din nila ‘yong mga kagaya kong gustong-gusto nang magbago... at maituwid ang baluktot kong pagkatao.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro