Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

“Ang ganda ng gayak mo ngayon, Ate. Saan ang lakad mo?”

Habang abala ako na mag-ayos sa tapat ng aming salamin, nagulat ako nang nasa likod ko pala si Joshua, iba ang paraan kung makatitig sa akin.

Susmaryosep. Napansin pa nga ako ng kapatid ko na maganda ang ayos ko ngayong araw.

Hindi naman kagandahan, bale ang suot ko namang bistida ngayon ay hiram ko kay Ysay, pati na rin ‘yong doll shoes na suot ko ngayon.

Mayroon naman akong pera pambili kaya lang hindi ko magawang galawin dahil ipon ko ‘yon para sa pag-alis namin ng mga kapatid ko rito sa bahay.

“Basta,” ginulo ko nang bahagya ang buhok niya tiyaka ngumiti.

“Saglit lang naman ako sa pupuntahan ko, uuwi ako agad.

Magpakabait kayo rito sa bahay at ‘wag din kayong magdalawang-isip na magsumbong sa akin ‘pag sinaktan na naman kayo ni Tatay, huh?”

“Hindi na nga nananakit si Tatay, Ate. Napansin mo ba? Madalang na rin siyang umuuwi rito sa bahay.

Alam mo kung bakit?”

Kumunot ang noo ko dala ng pagtataka. “Bakit?”

“Ang narinig ko lang sa pinag-uusapan nila ni Nanay kahapon, bumili raw ng apartment si Tatay sa Sitio Kamuning.

Doon siya umuuwi kasama ang kabit nito, tapos uuwi lang siya rito para hingan si Nanay ng pera.”

Ikinagulat ko ang rebelasyong sinabi ni Joshua sa akin.

Wala akong kamalay-malay na sa sitwasyon ng buhay namin ngayon, nagawa pang mambabae ni Tatay. Hindi nga niya kami magawang buhayin, nagdagdag pa siya ng isa?

Ito namang si Nanay, imbes na magalit sa Tatay ko, e talagang kinokonsinte pa ang kagaguhan!

Dapat nga ay wala na siyang pakialam kay Tatay at hindi na niya binibigyan ng pera ‘yon!

“Hayaan mo, mamaya rin ay hahanap ako ng tyempo para makausap si Nanay.” Tinapik ko ang balikat ni Joshua at nagpaalam na akong aalis na.

Sa oras na makausap ko si Nanay, kung kailangan ay luhuran ko siya para lang makiusap na tuluyan na niyang talikuran si Tatay ay handa kong gawin. Hindi ko hahayaang mas humirap pa lalo ang buhay namin dahil sa kabit ni Tatay.

Okay lang naman sa akin na magkaroon siya ng kabit, basta ang mahalaga ay mawalan na rin kami ng koneksyon sa kanya.

---

“Akala ko talaga ay hindi ka na darating, e.” Salubong ni Kerwin sa akin na abalang nakaupo sa isang malaking tela na nakalatag sa damuhan sa ilalim ng malaking puno.

“Come on!”

Nahihiyang lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo sa telang nakalatag, malayo sa kanya.

Hindi ako komportable kapag magkalapit kaming dalawa, baka kasi bigla na naman magwala ang mga bulate ko sa tiyan --- ay este butterflies.

“Para namang diring-diri ka sa akin,” natawa siya.

“Naligo ako, Devyn. Kaya sure ako, mabango ako ngayon. ‘Wag ka naman dumistansya sa akin nang sobra.”

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya sa pagkakaupo, kaya naman dala ng hiya ay lumapit pa ako sa kanya nang bahagya.

Sana lang ay hindi ako himatayin dito. Ang OA naman kasi ng puso ko, ang lakas ng tibok.

Lagi na lang nangyayari ito, na sa tuwing malapit si Kerwin sa akin ay para akong lumaklak ng kape sa sobrang nerbyos, kahit na hindi naman ako mahilig magkape.

“Kapag ang equation ay 2^3, ang ibig sabihin lang n’on ay i-m-multiply mo ‘yong 2 sa sarili niya nang tatlong beses.”

Mayroon siyang hawak na isang whiteboard na hindi naman gano’n kalakihan, at mayroon din siyang panulat.

“Ano bang ibig sabihin ng multiply?” Kuryosong tanong ko.

“Hindi mo pala alam?” Tumango-tango siya at sandaling binura ang mga nakasulat sa whiteboard.

“Simple lang naman ang gagawin mo ‘pag mag-m-multiply ka. Parang addition lang din ang gagawin, kaibahan ay i-a-add mo ang isang number base sa kung ilang beses mo ito dapat i-add.

Halimbawa ay 2 times 5. Ang 2 times 5 ay katumbas ng 2+2+2+2+2, ‘di ba?

Ibig sabihin, i-a-add mo ‘yong 2 sa sarili niya nang limang beses para makuha mo ‘yong sagot.”

Nilingon niya ako bigla. “Ngayon ay subukan mong sagutan, Devyn.”

2+2+2+2+2???

“10?”

“Tama!” Muli niyang binura ang nakasulat sa whiteboard at ibinalik ‘yong kaninang isinulat niya.

“Sa exponents naman, ang kaibahan nito sa multiplication, dito ay kailangan mong i-multiply sa sarili niya ang isang number para makuha mo ang sagot.

Sa multiplication kasi, add the numbers by itself lang, base sa kung ilang beses ang hinihingi. Dito sa exponents ay multiply ang mangyayari.

Halimbawa ay 2^3. Ibig sabihin lang ay i-multiply mo ang 2 sa sarili niya nang tatlong beses. Bale, 2 times 2 times 2.”

“Edi 4 times 2??”

“Tama,” isinulat niya ‘yong 4 times 2 sa whiteboard.

“Ngayon, ‘yong 4 naman ang kailangan mong i-add sa sarili niya para makuha ang sagot.”

“Akala ko ba sa exponent ay multiply sa sarili ang gagawin?”

“Multiply nga, Devyn. E, ano ba ang rules natin ‘pag nag-m-multiply? Hindi ba’t ina-add ang sarili sa number?

Halimbawa ay ‘yong unang pair which is ‘yong 2 times 2, ‘di ba? Ibig sabihin niyan ay 2 + 2 kaya ang nakuha mo ay 4.

Tapos ang kasunod na pair ay 4 times 2 na, okay? Same procedure pa rin, ang kaibahan na rito ay ‘yong 4 ang i-a-add mo sa sarili niya nang isang beses.

Meaning, 4 + 4 ang mangyayari kaya ang sagot ay 8. Therefore, 2^3 is equal to 8.”

“Okay, gets ko na!”

Nagpatuloy pa siya sa pag-challenge sa akin na magsagot ng mga math problems about multiplication tiyaka exponential function.

May mga times na nahihirapan akong i-solve ‘yon kasi nangangapa pa ako sa pag-c-compute, gayong hindi ko naman kabisado ang multiplication.

Nalilito ako, oo, pero lahat ng kalituhan ko ay nabibigyan naman ng linaw. Salamat kay Kerwin dahil ang tiyaga niya na turuan ako.

“Hindi ko alam kung bakit may mga estudyanteng ayaw pag-aralan ang Math,” nang magpahinga kami matapos ang sesyon kanina, ‘yon ang naibulalas ko.

“Nakaka-enjoy nga pag-aralan ang Math, kahit na mahirap sa una at medyo mahirap din intindihin kasi puro numbers.

Pero iba ‘yong saya sa pakiramdam kapag nakuha mo na ‘yong tamang timpla sa pag-solve, e.”

“Exactly,” napalingon ako sa kanya nang magsalita siya na may kasamang tawa.

“Iba ‘yong fulfillment ‘pag na-solve mo ‘yong isang equation or isang problem nang ikaw lang mag-isa.

Iba ‘yong fulfillment ‘pag na-gets mo ‘yong pattern ng pag-s-solve at naintindihan mo talaga ‘yong concept at formula na itinuturo ng teacher. ‘Pag gano’n kasi, doon mo pa lang masasabi na talagang natuto ka kasi nakinig ka.

Hindi lang basta natuto kasi mataas nga ang score mo sa exam, nangopya ka lang naman.”

“Pati pala sa eskwelahan ay may krimen din pala na nagaganap,” natatawa kong sambit. “Kasi ang pangongopya, maliit man na bagay pero kasalanan pa rin ‘yan, ‘di ba?”

“Oo, kaya lang hindi naman madaling iwasan ang pangongopya. Nasa nature na ng bawat estudyante ang mangopya.

Sabi nga nila, hindi ka estudyante kung hindi mo pinagdaanan ang mangopya.” Nagligpit na siya ng mga dalang gamit at inilagay ‘yon sa gilid ng puno. “Tara na!”

“Hindi mo iuuwi ‘yang mga gamit mo?”

“Okay lang ‘yan diyan, Devyn. Wala namang magnanakaw niyan, tiyaka isa pa, ilang buwan na akong nag-iiwan ng gamit sa lugar na ito, nababalikan ko naman nang kumpleto at buo.”

At gano’n gano’n na lang ay agad niyang kinuha ang kamay ko at hinatak paalis doon.

Hawak ni Kerwin ang kamay ko ngayon. Oo, hawak niya lang naman.

Kaya hindi na rin ako nagulat sa sarili ko nang pagpawisan ako nang malamig, malamang ay kabado na naman ako dahil sa ginagawa ni Kerwin ngayon.

Kung sakali ngang may sakit ako sa puso, baka kanina pa ako nasa ospital.

---

“Ano’ng klaseng mga pagkain ito, Kerwin?” Nagtataka kong pinagmasdan ang mga nakahanda sa isang mahabang table.

Hindi ko man lang magawang mapangalanan ‘yong mga pagkain na nakahanda, dahil na rin siguro ito ‘yong unang beses na nakakita ko ng gano’ng klaseng pagkain.

Tapos may parang ihawan pa sa gitna ng table.

“Korean food,” aniya at gamit ang isang tong ay kumuha siya ng karne tiyaka inilagay sa ihawan.

“Samgyupsal ang tawag nila sa ganito. Iluluto mo muna ‘yong karne tapos pagkaluto ay ilalagay mo rito.” Kumuha siya ng dahon na nakalagay rin sa lamesa.

“Lettuce, hindi dahon.” Natatawa niyang sambit.

“Edi dahon din,”

Tinawanan niya lang ako. “Then seaweed ang tawag sa kulay itim na ito.”

Ipinatong niya ‘yon sa ibabaw ng lettuce, nilagyan ng kanin tapos ipinatong doon ang lutong karne.

Nagpahid rin siya ng kulay pulang ewan, tapos naglagay ng bawang sa ibabaw tiyaka ‘yon ibinalot. Isinubo niya ‘yon at masayang nginuya sa harap ko.

Napangiwi ako habang pinapanood siyang kumain. Hindi ko magawang kumain kahit na gustong-gusto ko na kumain, ‘yon ay dahil hindi ko alam kung paano gawin ang ginawa ni Kerwin.

Wala rin kasing kutsara dito, tanging chopsticks lang ang nakikita ko sa table. E, hindi naman ako marunong gumamit no’n.

Ano? Kakamayin ko?

“Open your mouth,” ikinagulat ko nang bahagyang inangat ni Kerwin ang upuan niya upang makalapit sa akin.

Magkaharap kasi ang upuan namin ngayon. At  hawak niya ang ibinalot niyang kung ano-ano, kaya’t ngumanga ako at isinubo ang hawak niya.

“Chew it gently, Devyn.”

Mas lalo akong natulala sa kasunod niyang ginawa… bigla na lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin upang nakawan ako ng halik sa pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro