Kabanata 10
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tanggapin ang bagay na ibinibigay sa akin ni Kerwin.
Mapilit kasi siya, mukhang kahit anong gawin kong tanggi sa kanya na tanggihan ang inaalok niya sa akin ay ipipilit niya pa rin ‘yon at ipipilit.
“Kapag gusto mo namang mag-selfie, ito ang pipindutin mo.” Pinindot niya ‘yong maliit na camera, laking gulat ko nang makita ang sarili ko sa phone na hawak ni Kerwin.
Bale, nagkasya ang repleksyon namin ni Kerwin sa phone bilang nakapwesto siya sa akin nang malapit.
“Then, you can switch kung ano’ng filter ang gusto mong gamitin.” At iyon na nga, nagpalit-palit bigla ng kulay ang larawan naming dalawa.
“Para saan ba ‘yong filter?”
“To enhance the quality of the picture. Pwede rin naman na gumamit ka ng filter para kuminis o pumuti ka sa picture. Depende ‘yon kung saan ka ma-s-satisfied.”
Naibalik ko na lamang ang tingin sa phone. Hindi ko naman kailangan no’n, e.
Uhm, hindi ko sinasabing proud ako sa sarili ko na maganda ako. Ang akin lang, ayoko na gumamit no’n kasi hindi naman ako mahilig kumuha ng picture.
“Tapos kapag naman gagamit ka ng facebook or messenger, make sure na may load ka pang-internet. Hindi mo kasi magagamit ito ‘pag wala kang load.”
Ang tinutukoy niya naman ay ‘yong maliit na bagay sa phone na kulay blue at kulay violet.
“Ginagamit naman ‘yang dalawang ‘yan para makipag-communicate sa mga taong malayo sa iyo at makipagkaibigan sa mga taong pwede mong makilala gamit ang social media.”
“Ibig mo bang sabihin… kahit nasa ibang lugar ang taong ‘yon ay pwede ko pa rin silang makausap gamit ang mga ‘yan?”
Tumango siya. “Basta ba alam mo kung ano ang facebook account nila, mabilis mo lang silang ma-c-contact gamit ang facebook.”
Kaya lang paano ko naman malalaman ang account ng mga kapatid ko?
Baka nga sa murang edad nila, hindi pa nila alam kung paano gumamit ng social media na sinasabi ni Kerwin, e.
Pwede sanang paraan ito para makumusta ko sila, kaya lang saan ko sila sisimulang hanapin?
“Naigawa na nga rin pala kita ng sarili mong facebook account,” pag-agaw ni Kerwin sa atensyon ko.
“Palitan mo na lang ng password rito sa settings, ilagay mo muna ‘yong luma mong password tiyaka mo palitan ng bago. Gano’n lang!”
“Okay,”
“Friend na rin pala tayo,” nag-scroll siya sandali at ipinakita na siya lang ang laman ng friendlist ko.
“Ikaw na ang bahala kung sino-sino pa ang gusto mong i-add as a friend. Basta ako, inunahan na kita kasi baka mamaya ay makalimutan mo akong i-add.”
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”
“Overthinker ako minsan, Devyn.” Natatawa niyang tugon.
“Usap na lang tayo mamaya, huh? Ingat pag-uwi!” At tuluyan na siyang nagpaalam sa akin at umalis.
Ako naman ay nakalimutan na kung saan nga ba ako papunta ngayon. Nakatitig lamang ako sa phone na ibinigay ni Kerwin sa akin, hindi namamalayang napapaguhit ng isang malawak na ngiti ang aking labi.
Ito yata ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng isang regalo mula isa sa isang taong hindi ko naman kaano-ano.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit… pero kanina ko pa iniimpit ang kilig na nararamdaman ko habang magkausap kami ni Kerwin kanina.
Hindi kaya nagugustuhan ko na siya?
“Wow, cellphone ba ‘yang hawak mo, Ate?” Salubong ni Kevin sa akin at kinuha ang kamay ko na may hawak na cellphone.
“Ang ganda! Magkano ang bili mo rito, Ate Devyn?”
“A-Ahh,” nauutal kong sagot. “Pinaglumaan ‘yan ng kaibigan ko tapos ibinigay niya sa akin.”
Pinili kong huwag na lang muna ipaalam sa mga kapatid ko ang tungkol kay Kerwin kasi baka mas lalo pa silang magtanong tungkol sa kanya.
Hangga’t magagawan ko ng paraan, pipilitin kong hindi makilala ni Kerwin ang pamilya ko at ang buhay ko.
“Hindi halatang pinaglumaan, Ate. Ang ganda kaya, bagong-bago!” Si Joshua naman ang nagsalita.
“Ang dalawang ito! Inuuto n’yo ako, ano? Gusto n’yong hiramin?”
“Pwede?” Nagpapa-cute na sambit ni Kevin.
“Maglalaro lang naman kami ni Josh diyan, Ate. Pwede ba namin mahirap kahit isang oras lang?”
Napatawa na lang ako sa kanila at nang lumaon ay pinahiram ko na rin sa dalawa ‘yong phone at hinayaan silang maglaro doon.
Katabi ko silang dalawa ngayon na namamahinga sa ilalim ng punong santol sa may harap ng aming bahay.
Malamig kasi rito, hindi kagaya sa loob ng bahay namin na napakainit na nga noon, mas lalo pang uminit dahil punong-puno ng gamit ang loob.
“Nakakausap n’yo na ba si Thea?” Tanong ko roon sa dalawa.
“Hindi pa rin, Ate. Mas madalas kasi siyang nasa bahay nina Ate Ruby, e.
Kung uuwi naman siya sa bahay natin, pinadidiretsyo kaagad siya ni Nanay sa kwarto niya at kinukulong kaya ‘di namin siya nakakausap ni Kevin.”
Bumagsak ang balikat ko sa tinuran ni Joshua. Talagang nagpasadya pa si Nanay na ibukod ng kwarto si Thea sa amin para lang makasiguro siyang hindi namin siya malalapitan at makakausap.
Gano’n ba siya katakot na makumbinsi ko si Thea na umalis na ng bahay?
Palibhasa, ‘pag nangyari ‘yon ay wala na siyang mapagkakakitaan.
“Pero ‘wag pa rin kayong tumigil sa kakasubok na makausap si Thea, huh? Kailangan ni Ate ng tulong n’yong dalawa.”
“Bakit mo ba siya gusto makausap, Ate?” Tanong ni Kev. “Tungkol pa rin ba ito sa plano mong pag-alis sa bahay?”
“Hindi, ‘no!” Pagsisinungaling ko.
“Ang akin lang naman ay gusto kong bumalik ‘yong dati na nakakasama natin si Thea at nakakalaro n’yong dalawa.
Hindi n’yo ba siya na-m-miss? Tipong nakatira tayo sa iisang bahay pero nahihirapan tayong tatlo na abutin siya’t kausapin.”
Patawarin sana ako ng mga kapatid ko sa pagsisinungaling. Hangga’t hindi ko nakakausap pa si Thea, kinakailangan ko ang tulong at kooperasyon nilang dalawa.
Sigurado akong sa oras na malaman nina Joshua at Kev na ang pakay ko kay Thea ay kumbinsihin itong sumama sa akin na umalis ng bahay, tiyak hindi na ako susundin no’ng dalawa.
“Miss na namin si Thea,” natigil sa paglalaro si Kev. “Hayaan mo, Ate. Gagawan namin ni Josh ng paraan para maging okay na ulit ang lahat.”
Nginitian ko na lamang silang dalawa.
Naniniwala ako na balang-araw, maiintindihan din nilang dalawa ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling sa kanila.
---
👦: Kumain ka na?
👩: Katatapos ko lang kumain.
👩: Salamat sa pagtatanong :)
👦: Walang anuman? HAHAHA.
Ang simple pa lang naman ng pag-uusap namin ni Kerwin pero bakit parang nagwawala na sa loob ng tiyan ko ang mga alaga kong bulate?
Kung kinikilig ako tuwing nakakausap ko si Kerwin nang personal, parang mas doble ‘yong kilig ngayong sa phone kami nagkakausap.
Palibhasa ay hindi niya nakikita ngayon na halos magpagulong-gulong ako sa ibabaw ng katre sa sobrang kilig.
Grabe, apaka OA ko.
“Ate, hinahanap ka ni Ate Ysay!” Rinig kong sigaw ni Joshua.
Agad kong binitiwan ang hawak na phone tiyaka nagmamadaling lumabas ng aming bahay. Doon ay naabutan ko si Ysay na nakatayo’t hinihintay ang pagdating ko.
“Bakit ka napasugod rito?”
“Mamaya ka na magtanong!”
Hinila niya na kaagad ako paalis ng bahay namin. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Kerwin na saglit muna akong mawawala.
“Saan ba tayo pupunta---”
“Kung ayaw mong maparusahan, magtrabaho ka! Mainit ang ulo ni Boss ngayon dahil natalo siya sa casino kagabi.
Lahat ng mga tauhan niya ay inutusan niya na magtrabaho, at ang sinuman na hindi makapagbibigay sa kanya ng pera ay pinagbantaan niyang pupugutan ng ulo.”
Huminto kami bigla sa paglalakad, hinarap ako ni Ysay at seryosong tiningnan. “Kung mahal mo pa ang buhay mo, Devyn… Huwag kang magpapakita kay Boss nang wala kang inaabot na pera.
Hangga’t tirik pa ang araw o hangga’t may liwanag pa ang buwan, ‘di dapat tayo tumigil sa pagnanakaw… hanggang sa magkaroon tayo ng pera.”
“M-Maliwanag,”
Kumilos na kaming dalawa ni Ysay at sinimulan na ang trabaho. Iba ang tensyon na dala ng araw na ito kumpara sa mga ordinaryong araw na nagnanakaw kami.
Kaibahan kasi ngayon ay hindi dapat kami pumalpak sa gagawin naming trabaho, dahil sa oras na pumalpak kami, buhay namin ang kapalit.
Matagal-tagal na rin ako sa pagsisilbi sa aming Boss, at maraming beses ko nang natunghayan kung gaano siya kalupit magpataw ng parusa sa mga tauhan niyang taksil at pumapalpak sa trabaho.
Minsan na rin nangyari sa amin ni Ysay na maparusahan dahil sa palpak naming trabaho.
Ayoko na ulit maulit ‘yon kaya kailangan kong magtrabaho ngayon nang maayos.
Sa isang China Town ako dinala ng mga binti ko dala na rin na napansin kong puno ito ngayon ng tao. Tamang pagkakataon ito na isagawa ang misyon ko, sana lang ay ‘wag akong pumalpak.
Tulad ng aking nakasanayang gawin, kunwari ay isa ako sa mga mamimili na tumitingin ng mga gamit na pampaswerte.
Sinabayan ko ng aksyon sa pamamagitan ng pagkapa sa sling bag ng isang malusog na ginang habang siya ay abala sa pagtingin-tingin ng mga paninda.
Kaagad kong natagpuan ang isang kulay pink na pitaka, at handa na sana akong umalis nang pagtalikod ko ay may sumalubong sa akin na isang ginang din.
“Magnanakaw!!”
Iyon ang naging hudyat ko upang kumaripas sa pagtakbo, batid kong nakasunod sa akin ang mga tanod na nakabantay pala sa lugar kaya mas lalo kong binilisan na tumakbo.
“Hoy, tigil!”
“Batang magnanakaw!!”
Shit, nakasunod pa rin sila sa akin!
Nang may makita kong mataas na bakod, agad ko ‘yong inakyat at tumalon patawid sa isang masikip na eskinita.
Wala na akong naririnig na sumisigaw kung kaya’t nang makalabas sa eskinita ay sandali muna akong huminto at huminga.
“Mabuti’t natakasan ko sila,” hinihingal na sambit ko.
Pinagmasdan ko ang wallet na nanakaw ko’t napangiti nang mapait.
“May ninakawan ka naman, Devyn.”
“Tama ba ang dinig ko?”
Agad akong napapihit paharap sa taong nagsalita mula sa likuran ko, kaagad na itinago sa aking likuran ‘yong wallet na ninakaw ko.
“Isa kang magnanakaw?”
Tumagaktak bigla ang pawis ko sa noo nang maharap ko siya. “Kerwin, magpapaliwanag ako---”
Agad siyang lumapit sa akin at pilit kinuha ang wallet na hawak ko.
Dahan-dahan niya akong tiningnan, puno ng lungkot ang kanyang mga mata.
“Bakit mo ito ginagawa? Hindi ko akalain na sa kabila ng maamo mong mukha, kaya mo palang gumawa ng masamang bagay.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro