T W E L V E
Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.
...
Akin
"One cappuccino and a slice of strawberry cake please," wika ko.
Nasa loob ako ng isang cafe. Pagtapos ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay naisipan kong lumabas naman. Of course, my bodyguards are following me. Alam at ramdam ko iyon. I told them not to show themselves at me because I want to make myself believe that they don't exist at all; that I am living a simple, a safe one where no one knows me.
"Wait na lang po muna, Ma'am, ha? We'll just bring it on your table," wika ng babaeng nasa counter.
I nodded. "Alright. Thank you."
I then went to find a table. Nang makahanap ay agad akong naupo doon saka nilagay lahat ng bitbit kong kagamitan sa mesa. I brought a laptop, books, papers, notebooks and of course pen and pencils.
I just love the cafe's atmosphere. I have a feeling that I could focus while I'm here. Marami akong gagawin pero naisipan kong dito na lang gawin sa cafe para naman kahit papaano ay hindi ako masyadong pressured sa dami ng kailangan kong gawin.
I started opening my books and started studying. Akala ko ay walang lalapit sa akin at gagambalain ako nang biglang may nagsalita sa harapan ko.
"Can I sit here? Wala naman sigurong nakaupo rito?" The man asked.
I blinked for awhile before I looked at the other tables. Maraming table ang walang laman. Halos lahat nga ay walang nakaupo, siguro dahil maaga pa at wala pa masyadong customers.
Now, I wonder why this guy would want to sit in front of me?
"Uhm... Okay."
I have no choice. It's rude to say 'no'.
Malawak siyang ngumiti saka naupo sa upuang nasa harapan ko. Sinubukan ko na lang siyang balewalain at nagbasa na lang ulit.
Maybe the reason why he prefers sitting here is that he doesn't like to be alone.
Ilang minuto kaming tahimik doon. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil hindi naman siya mukhang masamang tao. Siguro ay awkward lang talaga dahil hindi kami close at mas lalong hindi kami magkakilala.
Well, as of for me, I would want our silence to stay the whole time that we're together. Mas gusto ko iyon.
But then to my disappoinment, he talked, "So, I would not ask you if you're alone, because obviously you are. I would like to ask you about your name. Just so you know, we wouldn't feel awkward while we're in this cafe."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. He isn't annoying at all but I am studying. Siguro ay mali na pumunta ako rito sa cafe para mag-study. I should have just stayed inside my room.
"Uhm..." I am hesitant if I should tell him my name. But then it'd be rude if I wouldn't. "I'm Primm."
He smiled and nodded. He tapped his fingers on the table.
I admit, this guy is handsome and charismatic. He looked good on his denim jacket and his clean cut haircut.
"Oh, I'm Heaveno," aniya.
My brows raised as I slowly nodded. Hindi ko lang talaga alam ang e-re-react ko.
"Oh... It's nice meeting you then."
He smiled and chuckled. "Likewise." He pursed his lips as he looked around the place. "Ngayon lang ako nakapunta dito. Ikaw ba?"
I am pretty sure that he's just trying to start a conversation to lessen the awkward atmosphere.
I smiled. "I love it here. I always come here whenever I have the chance."
He nodded. "That's great." Tumingin siya sa aklat na hawak ko. "You study while eating in this place? Hindi ka ba naiistorbo?"
Hindi naman kung hindi ka lang lumapit.
"Well, sometimes. Pero maayos naman kasi ang mga tao at ang lugar kaya okay lang sa akin." I sighed. "So, are you new here? Bakit hindi ka pa nakapunta rito?"
He nodded. "Yeah, I am. I live in El de Hera Island. Though, palagi akong nakakapunta rito, hindi ko naman masyadong kabisado ang paligid."
"Oh, okay." I nodded.
"Here's your order, Ma'am." Biglang lumapit sa table namin ang babaeng kanina ay nasa counter.
I smiled at her when she placed the food and the cappuccino on the table.
"Thank you."
Bumaling ang babae kay Heaveno. "How about you, Sir? Ano po ang order ninyo?"
Heaveno smiled. Akala ko ay sasagutin niya na ang babae but to my disappoinment, he raked his eyes on the woman's body.
Akala ko pa naman ay iba siya. Gago rin pala. Hays! Ang dami na talagang gago ngayon.
"What a beautiful lady we have here," he smirked almost making me grimace.
Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil ramdam kong maglalandian sila sa harapan ko. I tried to focus on what I am reading pero hindi ko magawa dahil rinig na rinig ko ang landian at hagikhikan nila.
I don't want to be rude so I stayed silent. Pakiramdam ko kasi kapag sinita ko sila ay sobrang bastos ko na noon.
"Thank you, Sir," hagikhik ng babae. "So, what's your order?"
"Well, what do you like in this cafe's menu? I'll have that," wika ng mahanging si Heaveno.
"Sure, Sir! Coming right up."
Nang makaalis ang babae ay mahinang tumawa si Heaveno. "I like woman like that."
Nagtaas ako ng kilay. I almost said, paki ko?
"So, uhm... what did you ordered?" tanong niya.
"Cappuccino and cake," maiksi kong sagot.
He nodded. "So, do you have a boyfriend?"
Mas lalong napataas ang kilay ko. Pakiramdam ko nga ay abot na sa noo ko ang tenga ko.
"I don't."
His mouth formed into an 'o'. "Oh... really?"
I nodded. "Yeah."
"Bakit wala? Just had a break up?"
Umiling ako. "I don't want to be committed. I am a college student and I don't want to feel stressed because of a damn boy. Crying for your grades is worth it than crying for an immature boy."
Suminghap siya saka napailing at tumawa. "Goddamn it! Tinamaan yata ako doon! I may look like a man but I am a boy at heart."
"Yeah, and women likes men, not boys."
Suminghap siya saka mahinang natawa. "I like you already—"
Pero sabay kaming napaigtad nang may biglang padabog na naglagay ng aklat sa mesa namin. Sabay kaming napaangat ng tingin dito.
My eyes widened to see who it was. He's looking at the man sitting in front of me with his raging eyes.
"Tabi. Akin."
Napasinghap ako nang hawakan niya ang kwelyo ni Heaveno saka hinila patayo. Padarag niya itong binitawan nang makatayo niya saka hinila niya ang upuan at tinabi sa akin. Saka doon siya naupo.
He then picked up his book as he crossed his legs. Then he started reading on the book innocently as if he didn't do anything at all.
I blinked. "S-Simour? What are you doing here?" bulong ko.
Hindi niya ako tiningnan. "Kakain, malamang."
"Huwag kang masyadong stress, bro." Tumatawang sabi ni Heaveno na naglalakad na palayo. "Baka tubuan ka ng wrinkles at ayawan ka na niyan."
Padarag muling binaba ni Simour ang makapal na aklat na hawak niya bago niya nilingon si Heaveno.
"Magtago-tago ka na, Heaveno! Uupakan pa kita!" sigaw niya dito.
And instead of shouting back, Heaveno stayed laughing as he exited the cafe.
Hinihingal na nilingon ako ni Simour. His brows met as his forehead creased.
"Bakit kayo magkasama ng lalaking iyon?" aniya.
Even with livid features, his voice still remained calm. At alam kong todo na ang pigil niya para hindi ako masuntok ngayon. Though, hindi ko alam kung bakit siya galit na galit? Wala naman akong ginagawa.
"Uh... so what? Heaveno is a nice guy. Nag-usap lang kami," kalmado kong sagot.
He scoffed. "Usap? Nag-usap kayo? Galing, ah. Nag-enjoy ka naman?"
I blinked. "So, what? It's nice talking to him. Mabait siya saka masaya kausap. Bakit ba mukhang galit ka? And don't be sarcastic on me."
"Sinong hindi magagalit kung ang pag-aari mo may kasamang iba?" aniya.
Tumaas ang kilay ko. "Kawawa ka naman. Anong bagay ba iyang tinutukoy mo?"
He glared at me. A deathly glare that everyone would get scared of... except me.
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo, Primmly Athena. Seryoso ako."
"Seryoso rin naman ako, ah. Do I look like joking? I am not!"
"Ah talaga? Ikaw pa nga ay may sabi na huwag akong maging sarcastic, tapos ikaw pala itong sarcastic, ha?" Himutok niya.
Kumunot ang noo ko. I put my book on the table. I look at his face and tried to analyze his expression because honestly I don't get him.
"I am not being sarcastic," sagot ko.
I really am not!
"Bakit mo nga kasama ang lalaking iyon?" tanong niya habang nakapikit ng mariin.
"Well, he went here to eat. Ako naman, I went here to study since I like the cafe's atmosphere. So, nagkakilala lang kami no'ng nilapitan niya na ako rito sa table ko."
Biglang umaliwalas ang mukha niya sa hindi malamang dahilan. Ako man ay nagtataka pero hinayaan ko na lang. Kaysa naman sa matubuan nga siya ng wrinkles sa stress.
"Ganoon ba?" aniya.
I nodded. "Yeah."
I started eating my cake and drinking my cappuccino while looking at him. Maaliwalas na ang mukha niya pero may munting simangot pa rin na nakaukit sa mukha niya.
"So, bakit hindi mo siya pinaalis? Hindi ka ba niya nagambala? Sure ako na nagambala ka ng lalaking iyon. Bakit hindi mo siya pinaalis? Dapat pinaalis mo siya. Dapat tinulak mo siya palayo," aniya.
"Well... I don't want to be rude. And in his case, I think gusto niyang may kausap. He don't want to be alone kaya hinayaan ko na lang. Tsaka, hindi naman niya ako naistorbo, eh."
"Ah, talaga?" aniya. "Hindi ka talaga naistorbo ng lalaking iyon?"
I nodded. "Yeah. Why are you asking anyway? Tsaka anong ginagawa mo rito?"
He blinked. "Wow! Kung ang lalaking iyon, okay lang na nandito siya. Pero kung sa akin, parang nakakagulat na nandito ako."
I shrugged and continued eating my cake. "Well, sa mukha mong iyan, duda ako na pumupunta ka sa ganitong lugar. As far as I know, you go to the bar most of the time."
"Hindi, ah!" He said defensively. "Sa bahay lang ako palagi!"
Tumaas ang kilay ko. "Really?"
He nodded. "Oo." Sabay kuha ng cappuccino ko saka uminom.
I blinked. Gago talaga ang lalaking ito, eh. Ano na ang iinumin ko, eh, ininom niya na?
"Are you here to study?" kunot-noo kong tanong.
Hindi sa wala akong tiwala sa kanya at nagdududa ako, pero... mukhang halata naman na nagdududa talaga ako. Kaduda-duda naman kasi talaga ang mukha niya.
"Oo!" Agad niyang sagot sabay pulot sa aklat niyang nasa mesa saka nagbasa.
My brows raised when I noticed that the book is backwards. "Uhm... baliktad ang libro mo, Simour."
Agad siyang napatingin sa akin saka mabilis na binaliktad ang aklat na hawak tapos ay muling seryosong nagbasa... ewan ko lang kung talagang nagbabasa nga ba siya?
I sighed. I raised my hand to call the attention of the waitress. Agad naman itong lumapit sa akin nang makita ako.
"Yes, Ma'am?"
"Can I order another cup of cappuccino?"
She nodded. "Sige po, Ma'am. Iyon lang po?"
I nodded. "Yeah. Thank you."
Agad na siyang umalis. Napansin ko naman na nakalagay na ulit sa mesa ang aklat ni Simour. Kunot-noo siyang nakatingin sa cappuccino na nasa harap namin.
"Mahilig ka ba masyado sa cappuccino?" tanong niya.
I nodded. "Yeah. But not too much. Minsan lang din akong umiinom noon."
"Kung ganoon, bakit ka nag-order ulit?"
"Because you drank my cappuccino," sagot ko.
"Hindi pa naman iyan ubos, ah. Ang liit lang ng ininom ko." Kinuha niya ang cappuccino saka inangat sa ere. "See? Mabigat pa. Marami pa'ng laman. Ba't ka um-order ulit?"
I blinked. Seriously, what's wrong with him? Bakit parang ang dami niyang kalaban ngayong araw?
"You drank on my cup of cappuccino. Do you expect me to still drink on it?" Mahinahon kong sagot.
Suminghap siya. Napaawang ang mga mapupulang labi.
"Nandidiri ka ba sa akin, babe?!" aniya.
I raised my brows. "Don't call me 'babe'. My name isn't 'babe'."
"Bakit ba? Babe kita, eh!" Magkasalubong ang kilay na sabi niya.
"I am not your 'babe'. Just shut up."
"Angas mo. Nandito lang naman ako para mag-study," aniya sabay pulot sa aklat niya saka nagbasa.
Napailing ako. Of course alam kong hindi lang study ang pinunta niya rito. Wala sa itsura niya ang mag-study.
Nagbasa na lang ako ulit. I tried to focus my attention on the book that I'm reading. Kaya ko naman na mag-focus kahit may taong nakaupo sa harapan ko, eh, as long as hindi magulo. But unfortunately, iba itong lalaking ito. Talagang sinasadyang guluhin ako.
Malakas niyang nililipat ang pahina ng aklat na hawak niya. Tapos bigla-bigla ay padarag na nilalagay sa mesa tapos pinupulot naman ulit. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon kaya nadi-distract talaga ako.
"Could you please stop that? I can't focus," wika ko.
Agad siyang napatingin sa akin. Binaba niya ang aklat na hawak saka inirapan ako.
"Wala naman akong ginagawa, ah. Nag-aaral ako kaya ganito." Ngumuso siya saka tinabunan ang mukha niya gamit ang aklat na hawak.
I sighed as I shook my head. If he says so. Hindi ko naman siya pipiliting umamin sa bagay na hindi naman totoo. I trust his words. Kasalanan na niya kung magsisinungaling siya sa akin.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang takip pa rin ang mukha.
I pursed my lips and look at him. "Why are you asking?"
Binaba niya ang aklat na hawak. "Nagseselos ako." Seryoso niyang sabi.
Napakurap ako ng ilang beses. Kumunot ang noo ko nang mag-sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Bahagyang napaawang ang labi ko.
"H-Ha? T-That's not the answer to my question," wika ko.
He chuckled. "Tinanong kita, hindi mo rin naman ako sinagot sa tama, eh."
Nag-iwas ako ng tingin. Napanguso ako. Ngayon mas lalo nang nawala ang atensyon ko mula sa aklat na nasa harapan ko.
Hindi ako nagsalita. Wala akong lakas magsalita. Ramdam ko ang bigla-biglang pamumula ng pisngi ko.
"Hindi naman siguro kayo magkaibigan ng gagong iyon, 'no?" he asked.
"Why are you asking, anyway? Of course, we're not friends. We just met."
"Nagseselos ako," aniya.
I could feel my heart hammered. "W-With whom?"
"Sa gagong iyon." Agaran niyang sagot.
I pursed my lips. "W-Why?"
Padarag niyang binitawan ang aklat niya. Sumandal siya sa upuan saka humalukipkip at tinitigan ako.
"Nakikipag-usap siya sa pagmamay-ari ko," aniya bago tumayo saka umalis ng cafe bitbit ang aklat niya.
It's been a week since that scene in the cafe happened. Luckily, hindi na kami nagkita ni Simour matapos noon. I don't think I could be able to talk to him or look him in the eyes if we meet. Mas mabuti na siguro ang ganito.
What he told me brought turmoil and havoc in me. It was so new. No one had ever told me that they're jealous because I talked to someone else.
And apparently, I didn't know it's this awkward.
"Primm?!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. My eyes met with Zek and Rhythm.
"Yes?" Kunot-noo kong tanong.
"Villegas was looking for you early this morning," wika ni Zek. "He's holding a bouquet of flower. Probably for you."
I blinked. No, he can't be looking for me. Kapag nagkita kami ay talagang magiging awkward lalo. As much as I can, I want to stay away from him.
"Uhm... so?" Wala akong ibang masabi.
"Nagkita na ba kayo?" tanong ni Rhyth.
Umiling ako. "Hindi." Iniiwasan ko siya. Ayokong magkita kami.
"Well, guess what? He's here," wika ni Zek.
"What?"
Bigla akong kinabahan. Kakasabi ko lang na ayokong magkita kami.
"Sige, una na kami." Paalam nilang dalawa saka sabay na umalis.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko lalo na nang lumakas ang tilian. I breathed in and had the courage to look around me.
Then my eyes met with Simour who's holding a bouquet of yellow tulips. He then started walking towards me, without a smile on his face.
Now, I wonder... Masaya ba itong lalaking ito o hindi?
"W-What are you doing?" tanong ko nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin.
He didn't answered. Binigay niya lang sa akin ang bulaklak na tinanggap ko naman dahil wala na akong nagawa. People are looking at us, everyone's eyes are on us and I don't want to be rude. I don't want to hurt Simour's ego either so I chose to accept the bouquet.
"W-What's this for?" Muli kong tanong.
He glanced at me before he faced the people. Namulsa siya saka tinuro ako.
"Listen, people! This girl right here is mine. Hear me?!"
Nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko. Namula ang mga pisngi ko saka halos nagtago na sa bouquet na ibinigay niya sa akin.
"S-Simour, what are you saying?!" Pabulong kong sabi.
Pansin ko ang pagtahimik ng mga tao na nasa paligid namin. Pero imbes na tumigil siya ay ngumisi lang siya saka tiningnan ako.
"She's mine. So don't bother taking her away from me," aniya saka ako nilapitan muli at hinawakan sa likod.
He's way stronger than me that he was able to pull me away from the people. Halos itago ko na ang mukha ko sa malaking bouquet na hawak ko. Ni-hindi ko na lang pinansin na nasa likod ko pala ang kamay ni Simour at na nakasunod pala sa amin ang mga ugok niyang kaibigan.
Nang makarating kami sa likod ng school ay agad akong lumayo sa kanya. I then glared at him.
"What the hell did you just do?!" I yelled at him.
Agad namang nagkantiyawan ang mga kaibigan niyang nasa likod ko, making me close my eyes in annoyance.
"Hayaan mo na, Primm." Tumatawang sabi ni Evs. "Hindi na niya napigilan, eh. Pagbigyan mo na."
He smirked at me as he ran his fingers on the tip of my hair. "Binalaan ko lang sila. Pasalamat ka nga wala akong ginawang iba, eh."
Napasinghap ako. "You're such an asshole!"
"Thank you, babe," he said as he winked at me. "Tara na. Late na tayo. Gago!"
Nagtatawanang inakbayan siya ng mga tropa niya saka agad na nagtakbuhan papasok sa paaralan. Napailing ako.
"Such a jerk!"
"Yeah, he is."
Napalingon ako kay Eros na nasa likod ko pa pala at hindi sumunod sa tatlo. "Why are you still here?"
He shrugged. "Sabay na tayo. Alam kong pag-pi-piyestahan ka ng mga tao dahil sa nangyari kaya sasamahan na kita hanggang sa classroom natin. Be thankful that we're classmates."
I sighed. Ngayon lang naproseso ng utak ko na maaari nga'ng pagpiyestahan ako ng mga tao dahil sa nakita at narinig kanina.
I nodded. "Alright. Let's go."
Tumango siya. Sabay kaming naglakad patungo sa entrance ng hallway.
"So, kayo na ng gagong iyon?" he asked.
I shook my head immediately. "Of course, not. Ewan ko nga sa kanya kung bakit niya pinagsasabi iyon, eh. My Dad would really be mad at him."
Nailing siya. "Hindi na ako nagtaka sa ginawa niya. We may quarrel a lot but I already knew Sim. Gago iyon."
I pursed my lips as I breathed out. "Yeah. Gago nga."
"Corpuz, kakausapin ka raw ni Prof. Gonzalez," tawag sa akin ng isang studyanteng lalaki.
I sighed. "Bakit daw?"
The last time that I and Prof. Gonzalez had a talk, it wasn't really that good. Parang ayoko pa siyang kausapin. Para kasing hindi siya ang professor na kausap ko no'ng huli naming pag-uusap.
"Ewan ko, hindi niya sinabi, eh. Puntahan mo na lang," wika ng lalaki.
I nodded. "Sige. Thank you. Nasaan siya? Sa office ba?"
"Sa music room," aniya.
I nodded. "Thank you."
Agad naman siyang umalis. Napabuntong-hininga ako nang mawala na ang lalaki sa paningin ko. Wala talaga ako sa mood na makipag-usap kay Prof. Gonzalez ngayon dahil hindi maganda ang pag-uusap namin noong nakaraan. Ayokong madagdagan pa iyon.
"Bakit naman sa music room ka niya gustong kausapin?" mahinang tanong ni Eros sa akin na nasa likod ko.
I blinked as I look at him. "What do you mean?"
Blanko ang mga mata na tumitig siya sa akin. "Sasama ako."
"Hindi na. Baka maabala pa kita. I will be alright," wika ko.
Umiling siya. "Matagal na akong nagdududa sa professor na iyon, Primm. Mas lalo lang akong nagdududa ngayong gusto ka niyang makausap sa loob ng music room, eh, hindi naman siya music teacher."
Napakurap ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. Sa hindi malamang dahilan ay may pakiramdam na ako na maaaring may hindi magandang mangyari mamaya.
"Let's... let's not conclude," wika ko. "Pupunta na lang ako doon para makausap siya."
He nodded. "Sasama ako."
I nodded. "Sige."
Agad kaming tumungo sa music room. May kaunting panginginig pa akong nararamdaman sa buong katawan ko pero sinusubukan kong maging matatag. Tiwala rin naman ako na walang mangyayaring masama lalo pa't kasama ko naman si Eros.
I breathed in when we finally arrived at the door of the music room. I felt Eros tapped my shoulder.
"Nandito lang ako sa labas. Kung anong mangyari, sumigaw ka lang," aniya.
I glanced at him and nodded even though his words is making me tremble. Mas pinapakaba niya ako.
"Akin na muna ang bag mo," aniya.
Agad kong binigay sa kanya ang dalawa kong bag. Tapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Sa dulo ng music room, kung saan ang isang pahabang mesa, nakaupo si Prof. Gonzalez. He's looking livid and it scares me.
"G-Gusto niyo raw po akong makausap, Prof?"
He nodded. "Come here and have a seat, Miss Corpuz."
Kinakabahan man at nanginginig ay naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya. I then sat on the chair in front of him as I waited for him to start talking.
"Uhm... Prof? Bakit po nandito kayo sa music room? Nagtuturo ka po ba nitong subject na ito?" I am thankful that I was able to ask amidst my nervousness.
"Totoo ba na kayo na ni Villegas, Miss Corpuz?" Sa halip ay sagot niya sa tanong ko.
Tumaas na ang kaba sa dibdib ko. His question is very personal and I think I have the right to not answer him.
"I think it's personal, Prof. I think I have the right to avoid answering your question," sagot ko sa nanginginig na boses.
He scoffed. Then all of a sudden he smashed his hands on the table, creating a loud echoing noise.
Nanlaki ang mga mata ko sa kaba at gulat. Napatayo ako mula sa kinauupuan lalo na no'ng tumayo rin siya mula sa upuan niya saka naglakad palapit sa kinaroroonan ko.
"I already told you to never be friends with Villegas, haven't I?!" he shouted.
Napaigtad ako. "S-Sir, I think you don't have a say in my life. Wala na po sa inyo iyon kung sino ang taong kakaibiganin ko o hindi—"
"Sinabihan na kita na lumayo kay Villegas pero hindi mo ginawa!" sigaw niya na halos maputol na ang litid niya sa lakas ng boses.
His eyes are now red in anger. His veins are showing.
"S-Sir, this is my life. You are just my teacher. W-Wala po kayong karapatan na sabihan o utusan ako sa mga bagay-bagay—"
"Shut up!" sigaw niya saka mabilis na nakalapit sa akin.
He grabbed both of my arms tight that it hurts me already. Napaigik ako nang mas higpitan niya pa ang pagkakahawak sa mga braso ko. Pakiramdam ko ay tumutusok na ang kuko niya sa balat ko.
"S-Sir, nasasaktan po ako—"
"You are mine, Primmly Athena Corpuz! Mine alone!" sigaw niya saka malakas akong tinulak pahiga sa mahabang mesa.
Agad akong napasigaw. "Help! Help me!"
Napatili ako nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. I felt my tears flowing down my cheeks as I tried to escape from his hands.
"No! No!" sigaw ko ng paulit-ulit.
"Akin ka lang! Naiintindihan mo?!" he shouted angrily as he slapped me hard on my cheek.
Mas lalo akong napaiyak nang hawakan niya ang butones ng damit ko. Pero dahil hindi niya ito agad matanggal ay pinunit niya ito.
"No! Please, no!" hagulhol ko. "You're mad! You're insane!"
Nakatanggap akong muli ng isang malakas na sampal mula sa kanya na nagpamanhid sa mukha ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Wala ang lakas ko kumpara sa kanya.
When he started kissing my neck again, heavens brought a knight to save me.
"Primm?! Putangina!"
Simour.
Kasabay ng sigaw niya ay ang pagkawala ng professor sa itaas ko. I felt a cloth placed on top of me and a body hugging me.
"Sinasabi ko na nga ba at may mangyayaring hindi maganda," Eros whispered, the one who's hugging my body tight.
When I saw how mad Simour is, I immediately covered my eyes. Alam kong hindi niya titigilan ang propesor hangga't hindi ito magmamakaawang tumigil na. Lalo pa't kasama ni Simour sina Evs at Clad sa pambubugbog sa kanya.
I don't know why this is happening to me? I did nothing but be good to the people. Bakit nangyayari sa akin ito? Bakit ginagawa ng mga taong ito sa akin?
Was my kindness not enough?
...
©️thorned_heartu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro