T H I R T E E N
Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.
2nd Wattpad Account: @thorn_heartu.
...
Might be love
"Hey, Primm!" tawag sa akin ni Zek.
Malawak ang ngiti niya at tila ba masaya sa kung ano man ang nais niyang sabihin sa akin.
These past few days, I, Zek and Rhythm had been a bit closer to each other. Though, there's still the hesitation in me, I couldn't hide the fact that I am slowly accepting them in my life— openly.
Napapadalas ang pag-imbita nila sa akin na kumain at napapadalas na rin ang pagtanggap ko ng mga imbitasyon nila. It softened me knowing that there are people who actually want to jam with me; that someone out there actually want to be friends with me. And it saddened me for the reason that I am still being wary of the things surrounding me.
To be honest, I would want to find real friends. Someone new. Someone whom I could lean on.
It's hard being friendly but you don't have any friends. You know, that feeling na ang dami mong kakilalang ngingitian, nakakatawanan, nakakabiruan... but the sad part is that they're not your friends. You're not part of their group.
A feeling of being friendly yet friendless.
The day after Prof. Gonzalez did to me, he was immediately arrested. Hindi iyon pinalampas ni Dad at ni Mom. Natanggal na ang lisensiya ni Professor at hindi na rin siya makakabalik pa ng trabaho. I didn't ask them kung ilaw taon siyang mananatili sa kulungan. I am not happy that this happened. And if I could turn back the time, I would pay more respect and kindness to him, for him to realize that there are more good things in the world.
"Yep?" sagot ko.
Inaayos ko ang mga kagamitan kong nasa loob ng locker. Pansin ko kasi na nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na ito nalilinisan. Hindi na organized ang mga nasa loob.
"Oh... Love letters!" Manghang saad ni Zek.
I chuckled and shook my head. "Yeah... love letters," buryo kong sabi.
She picked up all the love letters that are placed on top of my bag. Inilagay ko muna ang mga ito doon dahil inaayos ko pa ang locker ko. Madalas kasi ay may naghuhulog ng mga letters sa loob kaya mas lalong nagiging madumi.
Even so, I don't have any problem with the love letters. I appreciate everyone who wrote something for me and exerted an effort to slip it inside my locker. Pero hindi ko pa nababasa ang mga iyan. More like... ayokong basahin.
"You don't sound so happy," aniya. "Why? I mean, you should be! Sa dami ng love letters na ito, hindi ka ba masaya? Aren't you happy knowing that these people admired you?"
I sighed. "Of course, I am, Zek. It's just that... I feel so... you know, different. Bakit ako lang ang may love letters na ganito karami? Dapat ang iba rin mayroon. I don't like this. Though, I appreciate all of these, I still don't like the part that people are admiring me this hard." Muli akong bumuntong-hininga. "Tsaka, malay natin, hindi pala lahat ng mga nakasulat diyan love letter."
"Hindi mo ba binabasa ang mga ito?" she asked.
I shook my head. "Nope. I don't want to."
"So, tinatapon mo ang mga ito?"
"Hindi rin. Dinadala ko sa bahay tapos nilalagay ko sa boxes na nasa room ko."
She nodded. "Aren't you worried that someone wrote to you just to ask for help? Kasi hindi ba nga, hindi mo binabasa ang mga ito? Paano pala kung may nanghihingi ng tulong sayo tapos hindi mo natulungan dahil hindi mo binasa."
It struck me. Paano nga ba? What if one of the letter sender is actually asking for help?
I sighed. "Oh, come on! Huwag ka nga'ng ganyan! Nag-aalala na tuloy ako!"
She chuckled. "I was just kidding. You're too serious."
Napailing ako. "So, where's Rhyth? Mag-isa ka lang yata?"
"She's busy," aniya. "You know... cheerleading."
I nodded. "Oh, yeah. Bakit ba kasi hindi ka na lang sumali? You're small and slim. You can pass as a cheerleader."
Umiling siya. "I don't want to. Masyado akong busy sa mga kailangan kong aralin kaysa sa pag-che-cheer."
I nodded understandingly. Sabagay, ganyan din ako. Though, I am not small, I don't think I would pass as a cheerleader.
"So, what brought you here? Wala kang kasabay kumain? Sabay na lang tayo," I said without realizing that I am actually asking her out with me.
Suminghap siya saka napapalakpak. "Really?! Wala talaga akong kasabay kumain! So, okay lang sayo na sabay tayo?"
I sighed. "Yeah, of course. You and Rhyth had been inviting me. Ngayon, ako naman. So, where do you want to eat?"
"Sa cafeteria na lang tayo. Balita ko may pancit daw doon mamaya, eh."
Mahina akong natawa saka tumango. "Alright. Tatapusin ko lang ito. Sobrang dumi na kasi ng loob."
She look inside my locker. "Wala naman akong nakikitang madumi diyan, ah."
"Madumi, hindi lang kita diyan dahil malayo ka. Disorganized lahat ng mga gamit ko dahil mas marami pa ang love letters kaysa sa mga aklat ko rito."
Tumawa siya. "Oh, bad for you."
Nailing ako. "Yeah, bad for me. Can you please hand me the books inside my bag?"
"Sure!"
Agad niyang isa-isang kinuha ang mga nagkakapalan kong aklat mula sa bag ko. Binibigay niya ang mga ito sa akin at ako naman ang naglalagay sa loob ng locker ko. Siniguro kong arranged lahat para hindi ko na kailangan pa'ng e-arrange ulit bukas.
Soon as we're done, I immediately took my backpack. I saw Zek got shocked.
"A backpack?! Seriously?! Nagdadala ka na ng backpack ngayon? And in fairness! Wala na ang dalawa mong malalaking handbags!" bulalas niya.
Mahina akong natawa saka napailing. "Nabibigatan na kasi ako. My Dad also advised me to just bring a small backpack kaysa raw magdala ako ng dalawang malalaking bag."
She nodded. "I was actually about to tell you that but I am worried that you might misinterpret it."
I smiled. "You can tell me something that you think is wrong with me. I would understand."
She shrugged. "Maybe, next time then."
"We're here," wika ko nang makarating kami sa cafeteria.
Sabay kaming pumasok. As usual, nasa amin na naman ang tingin ng ibang mga students. Sanay na ako sa ganoon but I guess Zek isn't used to it. Madalas ay nagtatago siya sa likod ko o sa likod ni Rhyth.
"I really hate the way they look at me," bulong niya.
I laugh. "Just don't mind them."
Dumeretso kami sa counter saka sabay na ng-order ng pagkain. Tuwang-tuwa pa si Zek nang makitang marami pa ang pancit nang maabutan niya. Marami rin ang in-order niya. Nakakagulat dahil sa liit ng katawan niya, kakayanin niya ng ganoon karaming pagkain?
We then went to one empty table. We placed our foods there and sat.
Napatawa na lang ako nang mapansing agad na sinunggaban ni Zek ang pagkain niya. Walang salita siyang kumain. Pakiramdam ko nga ay nakalimutan niya na na may kasama pala siya dahil sa pagkaing nasa harap niya.
Napailing na lang ako saka kumain na rin. I thought it would a peaceful snack. But unfortunately, malakas na tilian ang sumunod sa amin, together with a bunch of men ran towards us as if they're on a race.
"Primm?! Primm?!"
Napabuntong-hininga ako saka nilingon si Clad na halos magkandapa-dapa sa pagtakbo patungo sa amin. Nakasunod sa kanya sina Evs na tumatakbo rin at tumatawa. While Eros... as usual, is walking blankly.
Kunot-noo ko silang tiningnan. They stopped in front of us. Pati ang busy sa pagkain na si Zek ay napatingin na rin sa kanila.
"What is it?" I asked.
"Guess what?" ani Clad.
"Guess what, what, Cladville?" wika ko.
Humagalpak siya ng tawa. "Wala lang. Nauna lang kami rito para makapanood sa isang gwapong nilalang na papasok diyan sa entrance ng cafeteria. Mas gwapo nga lang ako."
Hinila niya ang upuan sa tabi ko saka doon naupo. Kumuha pa ng pagkain ko na gamit ang sarili kong kutsara.
"Sinong gwapong nilalang?" taka kong tanong. "And could you please buy your own food, Clad? Marami ka namang pera, ah! Give me my spoon!"
Inagaw ko sa kanya ang kutsara ko. Pati ang pagkain ko ay inagaw ko. May pera naman siya, siya na lang bumili.
Tumawa si Evs. "Pagpasensiyahan mo na, Primm. Patay-gutom lang talaga iyan."
Umirap si Clad sa kanya. "Manahimik ka nga, hindi ikaw ang kausap niya. Ako."
Naupo na rin si Evans sa isa pa'ng upuan na nasa mesa namin. Pati si Eros ay naupo na rin. Silang tatlo ay nakatanaw sa entrance ng cafeteria kaya napapatingin na rin kami ni Zek doon sa pagtataka.
"Ano ba ang tinitingnan niyo diyan?" tanong ni Zek na puno ang bibig.
Sabay na napatingin ang tatlo sa kanya. Eros spoke, "Don't talk while your mouth is full."
Agad na mabilis na nginuya ni Zek ang kinakain niya saka nag-focus muli sa pancit niya. Ako naman ay bumaling kay Evs.
"Evs, anong tinitingnan ninyo diyan?" tanong ko.
He smirked. "Wala ka ba'ng napapansin sa amin?"
I blinked. Isa-isa ko silang tiningnan. Mula buhok hanggang sapatos. Pero wala naman akong napansin.
"Uhm... wala akong napansin, eh."
Napabuntong-hininga si Eros. "That's not what he means, Primm. Ang ibig niyang sabihin ay kulang daw sila ng isa."
My mouth formed into an 'o'. "Oh... Oo nga. Wala si Simour. Where is he, by the way—"
Napapikit ako nang biglang nagtilian ang mga ka-schoolmates ko. I closed my eyes tight as I look at the entrance.
Only to see Simour walking towards us with a bouquet of flowers on his hand, a bunch of chocolate and... he looks different.
Tumaas sa buhok niya ang mga mata ko. Unlike before, mas lalo pa'ng naging clean-cut ang buhok niya. Wala na ang bangs na tumatabon sa noo niya dahil naka-brush-up na. And—oh my gosh! He's wearing a uniform! A damn uniform!
Napakurap ako. Hindi ko napigilang turuin siya.
"I-Is that a uniform?" tanong ko kay Evs.
Humagalpak ng tawa si Evs. "Sabi ko na nga ba at magugulat ka, eh! Oo, uniform iyan!"
Napatakip ako sa nakaawang kong bibig gamit ang dalawang palad. My eyes are wide open as I look at him more clearly.
"Oh my gosh! Anong nakain niya?! Why is he... looking like that?!" Hindi ko napigilang bulalas.
Humagalpak ng tawa si Clad. "Hindi naman pala masyadong gwapo, Evs. Sakto lang. Akala ko ba sobrang gwapo? Bakit hindi pa rin makalahati sa akin?"
If I was in another situation, I could've rolled my eyes at Cladville. But my eyes were too focused looking at Simour, watching him walk towards us like a... good boy.
"He's still the Villegas asshole. His features changed but not him," wika ni Zek habang cool na nakatingin rin kay Simour.
And I hate to admit that she has a point.
"Don't be so judgemental, Joaquin!" asik ni Clad. In fairness, napa-English siya doon. "Nagbago na iyang kaibigan namin. Hindi lang halata!"
Zek rolled her eyes. "I don't think so. A person's feature can change, but his bad habit wouldn't."
"Anong bad habits bad habits?" wika ni Clad. "Manood ka na nga lang."
When Simour stopped in front of us, he bit his lower lip as he scratched the back of his head. He then cleared his throat, making the crowd went silent.
"Uhm... Primm... for you," aniya sabay bigay sa akin ng bouquet saka ng tsokolate.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Sinong hindi magugulat kung bibigyan ka ng bulaklak at tsokolate ng lalaking alam mong... gago.
Wala sa sariling tinanggap ko ang binigay niya. Kasabay noon ay ang malakas na tilian ng mga taong nasa loob ng cafeteria at syempre ng mga kaibigan niya.
Saka ko lang napagtanto ang mga nangyayari. Saka ko lang naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko sa tindi ng hiya.
Napayuko ako saka napakagat-labi. Parang gusto ko na tuloy lumabas ng cafeteria. I could all eyes on me.
"So, pwede ba akong maupo rito?" aniya.
"Uh—"
"Why would we let you?" asik ni Zek.
I blinked. I would have said 'yes' if she didn't interrupted.
Napatingin si Sim kay Zek. "Bibilhan kita ng maraming pancit mamaya, huwag ka nang makipagtalo sa akin."
Zek's grim face turned into a smile. "Sure! Damihan mo, ah? Thank you."
Napakurap ako. Lalo na nang binigay niya pa talaga kay Sim ang upuan kung saan doon naupo si Clad at si Sim na ang naupo sa tabi ko.
The grinning Sim stared at me as he said, "Hi, babe."
With reddening cheeks, I rolled my eyes and said, "I am not 'babe'."
Suminghap siya. "Ang suplada talaga."
"What's the flowers for?" tanong ko nang hindi makatingin sa kanya.
He smiled. This time, I swear I see how genuine that smile he gave off. I may not be that good at reading people, but for the first time, my heart swelled seeing his smile.
"Uhm..." Kinamot niya ang likod ng ulo niya. He straightened his back as he smiled shyly. "Manliligaw po sana, Miss Pres."
Para akong nabingi saglit sa sinabi niya. My brows raised upwards as I stared at his eyes to see a glint of naughtiness. Pero wala akong makita kundi kaseryosohan.
I blinked together with the butterflies rumbling in my stomach. Alam kong pulang-pula na ang mga pisngi ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa kanya.
"M-Manliligaw?" I asked in almost a whisper.
He smiled shyly and nodded. "Opo."
Napakurap ako ng ilang beses. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig. Alam kong matagal nang gago si Simour, alam kong marami na siyang napaglaruang babae, pati nga teachers sa school na ito napaglaruan na niya, kaya hindi ako mapaniwalang ako na naman ang tinatanong niya ng ganito. But the difference is he's eyes are full of genuine sparkles.
Now, I couldn't help but ask... Ganito rin ba siya sa mga babaeng dumaan na sa mga kamay niya?
"I am not up to some games, Simour. If you're just playing around, sa iba na lang please. Ayoko ng laro. I am busy with my life, I have a lot of things that I still want to do and I don't want your games to be the hindrance of my dreams," wika ko nang walang kurap.
I want to tell him what I am feeling. Ayokong maging peke.
Nawala ang ngiti sa labi niya at mahinang tumango. Tumikhim siya saka hinawakan ang palapulsuhan ko.
He then stood up. Nasama ako sa pagtayo niya. Nagtataka man ay sumunod na lang ako.
"Sa labas lang kami," paalam niya sa mga kaibigan niya.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Zek nang hilahin na niya ako palabas ng cafeteria. Naglakad kami sa mahabang hallway. Pinagtitinginan kami ng mga tao, lalong-lalo na ang kamay niyang nasa palapulsuhan ko.
Tahimik lang akong nakasuno sa kanya habang binabaybay namin ang kahabaan ng hallway. We entered the door leading to the rooftop. We walked upstairs and when we arrived at the rooftop, he let go of my wrist.
Tumalikod siya sa akin. We were invaded by silence.
"I know that my words aren't convincing enough for you to believe me. Hindi rin naman kita pipilitin kung ayaw mong maniwala sa akin." He laughed blankly. "Sino lang ba naman ako? I am nothing but a boy who loves to play games."
Nanatili akong tahimik habang pinakikinggan siya. Alam kong marami pa siyang gustong sabihin. Hangga't nagsasalita siya, hindi ako magsasalita. Others say it's better to listen and let other people speak up.
"Alam kong gago ako, Primm. Matagal ko nang alam iyon." Mahina siyang natawa. "Sabi ko sa sarili ko noon, maglalaro lang ako nang maglalaro ng walang kapaguran, wala naman akong mahahanap na babae na kayang iparamdam sa akin ang magkahalong saya, selos at inis nang walang pagnanasa. Iyong tipo ng babaeng makikita ko hindi dahil sa katawan kundi dahil sa kung sino siya." He chuckled once again.
This time, he faced me. May ngiti na sa labi niya. "Pero mali ako. Kasi sayo ko naramdaman ang saya, selos at inis. And guess what's surprising? I fell in love with every inch of you. It's sad that I can't even express how much I love you in a proper way. Palagi na lang kitang iniinis para... mapansin mo ako. I'm sorry, okay? I don't know where to start with." Mahina siyang tumawa. "I really thought I would end up with an older woman. But I actually fell in love with someone younger than me."
Napailing ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya.
"Was that a compliment? Or an insult?" Taas-kilay kong tanong.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Hindi ko rin alam. You're... you're not my type."
Napasinghap ako sa sinabi niya. "Really?!"
"Yeah. But I still fell in love with you from head to toe," aniya.
My heart hammered. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na alam ang sasabihin. Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa mga naririnig mula sa kanya.
"You're not my type either," sa halip ay sabi ko.
Siya naman ngayon ang napasinghap sa sinabi ko. Nagkasalubong ang mga kilay niya saka namaywang sa harap ko.
"Oh, tapos?" asik niya.
I laughed with his reaction. The shrugged. "I can't imagine you as a boyfriend."
Mas lalo siyang napasinghap. Napahawak siya sa dibdib niya saka sinamaan ako ng tingin.
"Hindi mo ba ako nakikita, ha? Tingnan mo, oh. Naka-complete uniform na ako. Maayos na rin ang gupit ko. May dala na rin akong bag na may lamang notebook, papel at ballpen! Hindi mo pa rin ako type niyan?" Himutok niya.
I shook my head and smiled widely.
But I definitely know that I am feeling something ecstatic towards him. His ways changed my views. It's surprising that this playboy was able to make my heart beat fast whenever his near, or whenever I hear his name.
"Ang sama mo sa akin, ah!" aniya.
I shrugged. "What? Iba ang type ko, eh. Iyong mga—"
He signaled me to stop talking. "Hulaan ko. Gusto mo iyong mga may eyeglasses, ganoon ba? Iyong mga may bitbit palagi ng aklat? Iyong hindi late? Iyong mga kasali sa dean's list?"
My heart tugged happily knowing that he knew what I actually like.
"Yep. Tumpak!" saad ko.
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Paki ko sa kanila? Eh, magaling naman ako sa sports! Tapos gwapo pa ako! Hot rin! Hindi makakalahati sa kalingkingan ko ang mga iyon, 'no!"
Napahagalpak ako ng tawa sa sinavi niya at sa itsura niya. Para siyang batang inagawan ng laruan. Nakakatuwa!
"But I am inclined to see your good side, Mr. Villegas," wika ko.
Agad na nawala ang simangot sa mukha niya at napalitan ng malawak na ngiti. He jumped and punched the air as he shouted, "Yes!"
I smiled. "Manliligaw ka pa lang, okay? You should court my parents too."
He nodded. "Syempre, ako pa."
After that day, everyone saw the changes in Simour. Maliban sa palagi na siyang naka-complete uniform at may maayos na gupit ay hindi na rin siya late. Palagi na rin siyang pumapasok sa klase. Hindi na rin siya nakikipag-kompetensiya sa mga kasamahan niya sa varsity. Maliban pa doon ay pansin ko rin na may bitbit na siyang aklat kapag free time niya at seryosong nagbabasa doon. Hindi na rin siya masyadong nakikipaglapit sa mga babae.
I trust him. So, I don't really care if he would go and talk with every girl in the school. Pero siya ang may gusto noon, kaya pababayaan ko na lang siya.
Madalas na rin siyang pabebe. He always like it when I scold him. Gusto niyang napapansin ko ang mali niya at pagagalitan ko siya.
True to his words, he did courted my parents. My Dad was shocked about it and was really giving Simour a hard time. While my Mom was like a teenager, kilig na kilig.
Kapag may free time siya at nag-s-study ako ay tumutulong siya. He would often bring me to the rooftop, tsaka doon niya ako tinuturuan.
Actually, matalino naman si Simour. Siguro sadyang tamad lang siya.
"Sige, tatanungin kita, ha?" aniya. "Tapos kapag mali ang sagot mo, hahalikan mo ako."
Napasinghap ako. "Hindi ba parang lugi ako doon? Tsaka bakit naman kita hahalikan, ha? Hindi pa nga tayo, eh!"
"Uso iyon ngayon," aniya. "Tsaka, kung ayaw mo akong halikan, edi, ayusin mo ang pagsagot, siguraduhin mong tama ka."
Tuwing nag-s-study ako ay palagi kaming may deal. Halik palagi ang kapalit ng mali kong sagot. Kaya naman talagang ginagawa kong tama lahat ng sagot ko.
"Lugi naman ako nito, eh!" reklamo niya. "Ako na nga nagtatanong, wala pa akong halik!"
I must admit, I am having all the good times whenever he's with me. Hindi ko alam kung ano ang mayroon siya na nakakapagbago ng mood ko. Whenever I felt so down, just with his presence, my mood lits up. And it's already something.
And I still couldn't believe that he had been courting me for five months now.
"We're here," deklara ni Daddy.
We're invited in a birthday celebration on one of his friends. I am so happy when I learned that we were not going to wear a gown.
"Primmly Athena, humawak ka sa akin at baka mawala ka pa," wika ni Mom.
I chuckled. "Mom, I'm not a baby anymore."
"Oo nga. May manliligaw ka na," hagikhik niya.
"Mom, hindi lang naman si Simour ng manliligaw ko, ah!"
"Bakit? Sinabi ko bang si Simour lang? Kaya nga 'mga' ang sinabi ko, diba?"
Napasinghap ako. Nakakainis! Nakakainis si Simour! Siya na lang ang laman ng isip ko palagi.
"Alright, let's sit there, my ladies," wika ni Dad.
Agad kaming sumunod sa kanya. Naupo kami sa isang bakanteng table. Pero tumayo rin naman agad sina Mom at Dad para makipag-usap sa mga kaibigan nila.
I am fortunate that my parents are not pressuring me into business. Hindi nila ako pinipilit na makipagkilala sa mga kaibigan nilang businessman. Hinahayaan lang nila ako sa kung ano ang gusto ko.
"Psst!"
Napakurap ako ng makarinig ng sitsit. I immediately look around.
Nang mag-angat ako ng tingin sa itaas ng hagdan. My lips immediately tugged into a smile when I saw who it was. He's holding a glass of wine and sipped on it with a small grin on his lips.
Agad akong tumayo saka naglakad patungo sa kinaroroonan niya. It seems like he couldn't wait for long because he started walking towards me as well.
"What are you doing here?" agad kong tanong nang magkaharap na kami.
He then intertwined our hands as he smiled. "Imbitado rin kami dito."
"Oh..." Tumango ako. "So, what are you drinking?"
Tumingin siya sa baso niyang malapit nang maubos ang laman. "Huwag kang mag-alala, wine lang ito."
"Talaga lang, ha?"
"Talagang-talaga. Oh, ito, tikman mo," aniya saka akmang ilalapit sa labi ko ang baso niya.
"Ayoko nga! May laway mo na iyan, eh!"
Suminghap siya. "Ano ngayon? Masarap naman ang laway ko."
Tumawa ako saka inirapan siya. I felt his huge hand went down to the small of my waist as he whispered.
"Labas tayo, babe," bulong niya sa akin.
For five months, I already got used to 'babe'.
"Saan naman? My Dad might look for me."
"Hindi na. Nakita na niya tayo," aniya sabay kaway.
Agad akong tumingin sa gawi kung saan siya kumakaway. And there's my Dad glaring at the man beside me.
Natawa ako saka kumaway na rin. Mas lalong sumimangot si Dad na ikinatawa namin parehas ni Simour.
"So, labas tayo?" tanong niya.
I nodded. "Sige. Saan tayo?"
"Sa likod. Malawak ang garden nila dito. Maganda doon," aniya.
"Madilim ba doon?" I asked.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano ngayon kung madilim?"
"My Dad remind me to never go to a dark place with you," wika ko.
Suminghap siya. "Ang sama talaga ni Dad sa akin!"
Tumawa ako saka hinampas ang balikat niya. Mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya.
"Tara na nga lang. Huwag kang mag-alala, hindi madilim doon. Maraming ilaw."
We then went to the backyard. At totoo nga na sobrang ganda ng likod. It was like a small resort.
"Picture-ran mo ako," sabi ko saka binigay sa kanya ang cellphone ko.
Agad niyang tinanggap ang cellphone ko saka sinimulan akong kunan ng litrato. Ang dami niyang inuutos sa akin kung ano ang dapat kong posing. Nakakapagod!
"Oh, ako naman picture-ran mo," sabi niya.
Kaya ako naman ang kumuha ng litrato. I couldn't help but smile while taking a picture of him. Ang gwapo-gwapo niya kasi! Pang-model ang dating.
Halos ang tagal naming natapos sa pagkuha ng picture sa kanya. Ang dami kasing arte!
"Hindi, iyong nasa gitna ako, babe! Nasa gilid ako dito, eh!" aniya.
"Babe, bakit blurred ito?"
"Babe, pindutin mo ang focus. Sa akin mo e-focus ang camera, hindi sa upuan."
"Babe, feeling ko nakaharang iyang daliri mo diyan, eh."
At kung ano-ano pa'ng reklamo. Sa dami ay naabutan na lang kami ng pagsisimula ng party.
Malakas na tugtog ang maririnig mula sa backyard. Sa music pa lang ay alam ko nang marami na ang magjowa na sumasayaw ngayon.
"Babe, sayaw tayo," yaya niya sa akin.
Nginitian ko siya. "Sige."
Agad niyang binulsa ang cellphone niya. He held both of my hands as he placed it on his broad shoulders. His huge hands went to hold my waist as we started dancing with the rhythm.
"Babe, nasabi ko na ba na ang ganda mo ngayon?" bulong niya habang nakatitig sa akin.
Mahina akong natawa kasabay ng pamumula ng pisngi ko. "Kakasabi mo lang."
Tumango siya saka tumawa. "Ako ba? Hindi mo ba sasabihing ang gwapo ko?"
"Ang gwapo ko."
Ngumuso siya saka nagsalubong ang kilay. "Babe naman! Seryoso kaya ako!"
"Bakit? Sabi mo, sabihin kong 'ang gwapo ko', edi ang gwapo ko!" sabay hagalpak ng tawa.
"Hindi! Sabihin mo ang gwapo mo."
"Ang gwapo mo."
Agad siyang napangiti. "Alam ko."
Isang malakas na hampas ang inabot niya sa akin. Sabay kaming nagtawanan habang sumasayaw sa malamyos na musika. Nang biglang nakaramdam ako ng mga mumunting patak ng tubig sa braso ko.
Napatingin ako sa kalangitan. "It's raining."
Unlike me, he keep on staring at me with a small soft smile pasted on his lips.
"Mahal na mahal kita, Primmly Athena Corpuz-Villegas," bulong niya.
Malawak ang ngiting hinampas ko siya. "Hindi pa nga kita sinasagot, eh!"
"Edi, sagutin mo na ako. Basic."
I smiled and stared deeply on his eyes.
I met him when we were a little younger. I never liked this guy. I wouldn't even want to talk to him.
But the moment he invaded my life, everything has changed. He colored my already colored life. He lifts me up whenever I felt so down. He had been with me for a not-so-long-time but he proved to me that he is genuine.
He is the only guy who could turn my heart and mind crazy. Only him.
Who knows what it is? It might be love.
I never thought I would be right in front of him, inside his arms, and saying...
"Yes, Simour," I whispered. "Yes, I want to be your girlfriend."
I felt him stopped dancing. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan niya. I look at his face and he's eyes are wide open.
"W-What the fuck?" Bulalas niya sabay bitaw sa akin saka napasapo sa ulo.
Napasinghap ako. "Really?!"
"What the fuck?! Fuck!"
Natawa ako sa reaction niya. Napailing ako habang pinapanood siyang tila ba nawala sa sarili.
"Stop cursing!" saad ko habang natatawa.
Unti-unti kong narinig ang mga tawa niya. Sapo niya pa rin ang ulo at tila hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.
"S-Seryoso ito, babe?"
Tumango ako. "Yeah."
Napaupo siya sa bermuda grass. "T-Teka kailangan ko ng tubig."
Mas lalo akong natawa saka tinakbo ang distansiya namin bago naupo sa tabi niya at mariing hinalikan ang pisngi niya.
"Kailangan mo pa rin ng tubig?" I asked.
Agad siyang umiling saka tumitig sa akin. "H-Hindi na. Halik lang pala kailangan ko."
"Sige. Pero sa pisngi lang, ah," wika ko.
Ngumiti siya ng malawak. "Kahit nga wala nang halik, eh, basta girlfriend na kita."
Agad niya akong niyakap ng mahigpit saka paulit-ulit na hinalikan sa ulo. I laughed hard as I felt how tight his hugs are.
But my laughter died down when I felt his shoulders shaking.
"S-Simour? Are you okay?" bulong ko.
"Shh... h-hindi lang ako makapaniwalang binigyan mo ako ng malaking pagkakataong ito. A-Akala ko kasi talaga hindi mo ako sasagutin. S-Sino lang naman ako, diba?" bulong niya.
I felt my eyes sting. "You're the most handsome man that my eyes could ever laid on, Simour. You're the man who changed my views. The man who makes my heart beat fast and who brings butterfly in my stomach. You're the man who makes me laugh when I am down. Kaya hindi ka 'sino lang', you're more than anything."
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. His face is now on the crook of my neck. And for the first time, I saw the tough Simour Jeff Villegas cried and sobbed in front of me.
...
©️thorned_heartu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro