Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S E V E N T E E N

Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.

Wattpad Second Account: @thorn_heartu.

...

Declaration

"Babe, baka naman hindi ka pupunta sa birthday ko, ah! Magtatampo na talaga ako sayo!" Nakangusong wika ni Simour.

Ito agad ang bungad niya sa akin kinaumagahan habang papasok ako sa gate ng school. Hindi ko naman nakalimutan na birthday niya na bukas. Pero heto pa rin siya at talagang pinapaalala sa akin.

Inakbayan ko siya saka dalawang beses na tinampal ang dibdib niyang kay tigas.

"Don't worry, I will be there, Simour. Pero syempre, magpapaalam muna ako kay Dad at Mom. I won't go there without their permission. Baka magalit pa sa akin," saad ko.

He nodded. His right arm then went down to my waist. "Gusto mo ako na ang magpaalam sayo sa parents mo?"

Umiling ako. "No need. Kaya ko na. I bet papayag sila."

"Paano ka nakakasigurong papayag sila?" aniya.

I shrugged. "Instincts." We continued walking while our arms are on each other. "So, ano ang magandang isuot bukas? Teka, what time is the party?"

"Kahit naman anong isuot mo, maganda ka naman, eh. Ikaw na lang ang bahala. Ang party 6 PM magsisimula. Kaya marami kang oras para maghanda ng susuotin mo bukas," aniya. Bigla siyang ngumisi. "Pero, okay lang naman kung pupunta ka nang walang suot. Gift mo para sa akin."

Agad akong umalima saka tinampal muli ang dibdib niya. "Ang landi mo talaga kahit kailan!"

"Anong malandi doon?" Tumatawa niyang tanong.

I rolled my eyes. Binaba ko ang braso kong hirap na hirap sa pag-akbay sa kanya. "Bitawan mo nga ako. Nahihirapan ako sa kakaakbay sayo. Ang tangkad mo."

"Iyan, ang liit mo kasi," aniya pero agad rin namang binalik ang braso ko sa pag-akbay sa kanya.

"Stop teasing me about my height! Matangkad naman ako! Sadyang mas matangkad ka lang sa akin!"

"Ang pangit naman kung mas matangkad ka sa akin, 'no!"

"Bitawan mo na nga lang ako! I'm going to my classroom already! I am having a hard time walking dahil sa kakaakbay sayo!" saad ko.

"Hatid kita sa classroom mo," aniya.

Umiling ako. "No. Male-late ka na sa klase mo!"

"Hindi iyan. Tara!"

Napatili ako nang bigla siyang tumakbo habang nakaakbay ako sa kanya. Sa laki niya ay halos sumabit na lang ako sa katawan niya.

"Oh my gosh, Simour! What the hell?! 'Pag nahulog ako, papatayin kita!"

Pero dahil gago siya, imbes na tumigil mas lalo lang niyang binilisan ang takbo niya. Hinawakan niya ang magkabila kong bewang saka itinaas sa ere saka siya tumakbo lalo ng mabilis.

Paulit-ulit kong hinahampas ang braso niya saka napapatili. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya hindi ko mapigilang mamula. Pero dahil sa kaba at inis na nararamdaman ko sa gago kong boyfriend ay hindi ko na magawang pansinin ang mga tao sa paligid namin.

"Simour, I will kill you!" tili ko.

Humagalpak siya ng tawa. Bigla niya akong ibinaba kaya halos mapahandusay ako sa sahig. Pero dahil mabilis siya, agad niya ako sinalo saka pinapasok sa classroom namin.

Dahil sa kagaguhan niya ay hindi ko man lang napansin na nasa loob na pala kami ng classroom ko.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko sabay tiningnan siya ng masama.

"Gago!" asik ko.

Humagalpak siya ng tawa saka mariing hinalikan ang noo ko. "Pasok na ako sa classroom ko, babe!"

"Edi, pumasok ka! No one cares!"

Mas lalo siyang natawa sa akin. Samantalang ako ay halos maiyak na sa inis na nararamdaman.

Minsan tuloy napapatanong ako kung bakit ko nga ulit siya boyfriend? Paano ko nga ulit siya naging boyfriend?

"Who you?!" asik ko saka inirapan siya.

"Me?" Tumatawa niyang tinuro ang sarili. "Ako ang future mo!"

Rinig ko ang mahihinang tawa ng iba kong kaklase. Ang iba naman ay tila ba napapatili.

Napakagat-labi ako saka akmang hahabulin siya nang magtatakbo siya palabas sabay sigaw, "Love you, babe!"

"Kay tamis naman!" Biglang sigawan ng mga kaklase ko.

Napapikit ako saka napatakip sa mukha ko gamit ang dalawa kong palad. I could feel my cheeks heating as well as the butterflies in my stomach making trouble.

I have an asshole for a boyfriend.

After that incident, Zek and Rhyth plumbed me with questions. Inaasar nila ako dahil pati pala sila ay nakita ang kaabnormalan ni Simour kanina.

"Ang tamis-tamis ninyo masyado. Sure na ba iyan?" tukso sa akin ni Zek.

"Of course, hindi pa iyan sure," sabad ni Rhyth. Ang bitter talaga ng isang ito. "Ganyan talaga ang magjowa, sa una lang iyan masaya."

"Hoy!" saad ko. "Inaano ka diyan?"

Umirap siya. "Bakit ba kasi nagpapalandi ka sa boyfriend mo? Hindi naman iyon kagwapuhan. Tsaka, landi lang ang alam no'n, eh!"

"I wasn't!" Talima ko. "Huwag niyo na nga akong pag-usapan. Iba na lang ang pag-usapan natin."

"Oh sige, ano ang pag-uusapan natin kung ganoon?" tanong ni Zek.

"Invited ba kayo sa birthday ni Simour?" tanong ko.

"Syempre, hindi! Gago iyang boyfriend mo, eh! Hindi kami inimbita!" asik ni Rhyth.

"Anong hindi? Imbitado kaya ako," wika ni Zek.

Suminghap si Rhyth. Sinamaan niya kami ng tingin ni Zek. "Aba, gago pala talaga iyang boyfriend mo, eh! Ako lang ang hindi inimbita!"

"Anong hindi?" saad ni Zek. "Nakita ko iyong invitation card na galing sa kanya na ibinigay niya sayo. Tapos inirapan mo siya saka tinapon sa basurahan."

Napasinghap ako saka pinandilatan si Rhyth. Agad siyang pekeng ngumiti sa amin.

"I was just kidding, of course, I am invited. Tsaka, hindi ko tinapon ang card, nandito sa bag ko. Iba iyong tinapon ko," aniya.

"Ano ba iyong tinapon mo?" tanong ko.

"Bigay sa akin no'ng football player. Ang chaka ng card niya, eh!"

"Ah, you're such a bully!" asik ni Zek.

"Anong 'bully' ka diyan? Pinipilit kasi niya ako na sagutin siya. I talked to him in person just to tell him that I am not planning to commit pero ayaw niya akong tantanan. Palagi pa rin niya akong binibigyan ng mga bulaklak," aniya.

"Don't you like that?" tanong ko. "I mean... that's what every girl wants, Rhyth. A man who can court you without planning of giving up. A man who will court you even if you already said 'no'."

"Bakit ba? Iba-iba tayo. Ayoko ng ganoon. Hindi na nirespeto ang desisyon ko," aniya.

I sighed and pursed my lips. Nagkatinginan kami ni Zek saka sabay na napakibit-balikat. Ano pa nga ba ang magagawa namin? It's her decision, not ours.

After some talk with the two, I went to my locker to pick up the book for my next subject. However, while I was on the way, I heard two girls talking and it definitely caught my attention. Because they're both talking about my boyfriend's birthday.

"So, he invited you personally?!" tili ng isang babaeng makulot ang buhok.

"Yep. He asked me just this morning. But his mother, Tita Mirabelle already invited a month ago. Talagang hinintay ko lang na imbitahin ako ni SJ," the girl said.

"OMG! I'm so happy for you! Is it true ba na there's a possibility na magkabalikan kayong dalawa?" tanong ulit ng babae.

"Of course, Dash!" aniya.

"OMG! I like your fighting spirit, girl!" saad ng babaeng nagngangalang Dash.

Nanghina ako habang pinakikinggan sila. I can't help but feel worried and hurt knowing that Simour's mother actually invited his ex to his birthday party. That just means something, right? Maybe she likes this girl?

I would love to think that she just asked her for something else and not to ship Simour with her. Because honestly, as Simour's girlfriend, it hurts.

"So, ano ang gift mo for him, Shanty?" tanong ni Dash sa kanya.

Halos itago ko na lang ang ulo ko sa loob ng locker ko para hindi nila mapansin na ako ito; na nakikinig ako. I don't want to be a creep.

"I've already thought about it. Surprise ko na lang iyon sa kanya sa birthday niya! He'd probably love it!" wika ng babaeng ang pangalan ay Shanty.

"Oh... why do you say so? How sure are you na magugustuhan niya?" tanong ni Dash.

"Well... I was his girlfriend. I knew him better more than anyone... kahit pa ang girlfriend niya ngayon," wika nito.

My heart hurt with the thought that there's someone else who actually knew a lot about Simour more than I do. I feel like I'm no longer special.

Tumili silang dalawa at ramdam ko pa na nagtalunan. At habang naglalakad palayo doon ay ramdam ko ang pagiging mag-isa ko.

I sighed. I want to confront him about it. I want to ask him if it's true. I want to know the truth from the corner of his mouth yet I don't want him to think that I don't trust him. I don't want him to think that I'm paranoid or that I don't trust him enough.

No matter how bad I want him to divulge everything to me, I am scared. And it's hard because I want to keep him. I don't want my trust issues to destroy what we have.

Nang uwian na ay alam kong napansin niya ang pag-iiba ng mood ko. Ayaw niya lang magtanong siguro pero pansin kong alam niya.

"Uhm... so, ngayon mo ba tatanungin ang parents mo?" tanong niya sa akin habang kumakain kami ng kwek-kwek.

I nodded. "Yeah."

Nilingon niya ako saka saglit na tinitigan pero agad ring nagbaba ng tingin sa hawak niyang pagkain.

"Uhm... Sigurado naman akong papayag sila. Susunduin ba kita sa bahay ninyo?" aniya.

I know that he's trying to start a conversation. I want to be cheerful but I just can't.

"It's okay. Magpapahatid na lang ako kay Tatay Sancho," saad ko sa mahinang boses saka tipid siyang nginitian.

Saglit kaming natahimik. Nanatili rin akong tahimik dahil wala naman akong planong sabihin. Ayokong buksan ang bibig ko dahil baka biglang lumabas ang mga bagay ba kanina ko pa gustong itanong.

"Susunduin na lang kita," aniya saka saglit na tumitig sa akin samantalang ako ay hindi makatingin sa kanya. "Text mo lang ako tapos susunduin na lang kita. O kaya ay tatawagan na lang kita."

I pursed my lips and nodded. "Sige."

Ganoon ang nangyari sa amin noong hapon na iyon. When I was about to leave and go home, he sent me to our car. He was even hesitant on letting go of my hands.

It saddened me. My trust issues —my personal issues might create malfunctions in our relationship. I feel so toxic!

Nang makauwi sa bahay ay agad akong lumapit kay Mom at Dad. Desidido pa rin naman ako na pumunta sa birthday niya. I don't want to annihilate his day.

"Dad, birthday ni Simour tomorrow. Pwede po ba akong pumunta?" I asked.

My Dad who was reading on the newspaper looked at me as he raised his brows. "Sure. Sino ang mga kasama mo doon aside from your boyfriend?"

Natuwa ako nang pumayag siya. Kapag kasi nagpapaalam ako sa kanya, fifty-fifty na papayag siya. Pero ngayon, talagang pumayag siya agad-agad.

"Zek and Rhyth are coming too. Pati sina Evs, Clad and Eros," wika ko.

He nodded and went back to reading. "Okay. That's great. Be careful."

I nodded. Gusto ko sana siyang tanungin kung hindi ba sila inimbita ni Simour pero nahihiya ako. Siguro ay kay Mom na lang ako magtatanong.

I went to her office and disturbed her a bit. "Mom, hindi ba kayo pupunta sa birthday ni Simour tomorrow?"

She shook her head. "I am very busy, Primmly Athena. I don't think I can come. Hindi rin naman pupunta ang Daddy mo kung wala ako kaya ikaw na lang ang pumunta doon in behalf of us, alright?"

I nodded. "Sige po. Alam na po ba ni Simour na hindi kayo makakapunta?"

She shook her head once again while typing on her laptop. "Nope, honey. Not yet. Care to inform him for us?"

I nodded. "Sige po."

Though, I am still not psyched on talking with him I guess it's my responsibility to inform him that my parents are not coming. I am their daughter after all.

I immediately went to my bedroom and texted Simour. I told him that my parents couldn't be there and fortunately ayos lang sa kanya.

But then, the next morning, nagkaroon ako ng problema. I forgot to buy him a gift. Of all the things that I had forgotten, ang gift ko pa sa kanya!

Kaya nagbake na lang ako ng cupcake para sa kanya. I may not be that good in terms of cooking but somehow natuto naman ako ng kaunti. Alam kong hindi ito ang pinaka-best gift pero mas marami naman ang effort na inilaan ko rito kaya sana lang ay magustuhan niya.

"What's your gift for him, Shanty?" I heard Dash asked Shanty.

They're walking in the hallway just near my locker, so I was able to hear their conversation clearly.

"I was planning to buy him a new watch kasi hindi ko type iyong watch na suot niya ngayon," ani Shanty. Napatigil ako, ako ang bumili ng wristwatch na suot ngayon ni Simour.

"So, watch ang bibilhin mo?" tanong ni Dash.

"Yeah. But I will also buy him a pair of shoes. I know na mahilig siya sa Adidas na sapatos kaya bibilhan ko siya ng bagong labas ngayon," anito.

I couldn't help but question myself. I am his girlfriend pero bakit parang wala akong masyadong alam tungkol sa kanya? Bakit mas maraming alam si Shanty sa kanya kaysa sa akin? Would my gift be good enough to make him smile during his big day?

Ang daming katanungan sa isipan ko. Sa dami ay naluluha ako. Nahihirapan ako. Sobrang nahihirapan ako.

Kinagabihan ay narinig ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Alam kong si Simour iyon pero hindi ko matiyak kung bakit tila ayaw ng mga paa ko na salubungin siya? I was rooted on the sofa.

"Honey, nandito na si Simour," wika ni Mom. "Bakit hindi mo siya salubungin? Baka ma-late kayo sa celebration niya."

With the thought of him being late on his own celebration just because of me, agad akong tumayo. Bitbit ang box ng cupcake na bi-nake ko lang ay agad akong naglakad palabas ng bahay. Ni-hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mom at Dad.

Sakto naman nang makarating ako sa labas ay lumabas rin siya ng sasakyan. His eyes raked down my body as he smiled softly at me. But sadly, I don't have the strength to smile back. And I felt awful!

Sinalubong niya ako. "Ganda naman ng babe ko."

I can't seem to look him on his eyes and I hate myself for it. "Thanks."

He held my chin and made me look at him. "So, what's with the frown? Bakit parang wala ka yata ngayon sa mood? Birthday ko kaya."

Napakagat-labi ako. Kasi kahit ako hindi ko rin alam. Sobrang dami ng pumapasok sa isipan ko kaya hindi ko na maalala kung bakit nga ba ako naiinis at naiiyak. Ang dami ng rason kaya ako nagkakaganito.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya saka nagbaba ng tingin. "Wala. Let's just go. Baka ma-late ka sa birthday mo."

Hindi ko na siya hinintay pa. Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya sa backseat. I buckled my seatbelt and held my gift tight on my hands.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya pero hindi naman na siya nagsalita. Pumasok na rin siya sa driver seat saka pinaandar ang makina ng sasakyan.

He looked at me through the rearview mirror. "Uhm... are you ready? Gusto mo ba talagang pumunta? Kung hindi naman maganda ang pakiramdam mo, pwede namang magpahinga na lang."

My heart clenched painfully. My eyes went blurry. Hearing him say those things seems like he wants me to just take a rest at hayaan na lang kahit wala ako doon sa party niya. It pained me because I knew how excited he was for this day yet here I am destroying his day for being dramatic.

"A-Ayos lang ako. S-Sige na, umalis na tayo," wika ko saka binuksan ang bintana sa tabi ko at doon na lamang giniya ang atensyon.

Rinig ko ang muli niyang pagbuntong-hininga. Hindi na siya nagsalita saka pinasibad na lamang ang sasakyan.

We were silent all throughout the ride. No one bothered talking that it multiplied the pain.

Nang makarating sa bahay nila ay agad akong lumabas ng sasakyan niya. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya.

Pero nanatili akong nakatayo sa labas ng sasakyan lalo na nang makita ko kung gaano karami ang tao. Yes, I am used to parties like this one. But the mere fact that I am in a Villegas' party, I feel like I don't belong here.

I felt Simour's hand held my elbow as he whispered on my ear. "Let's go? Sigurado ka ba na ayos lang sayo ito?"

Hindi ko siya tiningnan at mahinang tumango. "Oo."

Bumuntong-hininga siya. "Babe, hindi naman kita pinipilit na pumunta sa birthday ko, eh," bulong niya. "Bakit ka ganito?"

Muling nanlabo ang mga mata ko. I could feel the pain on his voice and it made me regret eventually.

"W-Wala lang ako sa mood. I-I'm sorry," bulong ko.

"Okay," aniya. Hinalikan niya ang ulo ko saka binaba ang palad sa likod ko. "Let's go inside then?"

I nodded. "S-Sige."

Agad na kaming naglakad papasok ng bahay. A lot of people were greeting him. Ang iba ay binabati rin ako pero tipid na ngiti lang ang naibibigay ko pabalik. Ang iba ay tinutukso kaming dalawa pero wala man lang akong maramdamang kilig o saya.

Nang tuluyang makapasok ay hinatid niya ako sa table kung saan naroroon sina Zek at Rhyth. Hindi ko na hinintay pa'ng hilahan niya ako ng upuan, ako na mismo ang humila ng upuan para sa akin saka naupo doon.

"Kakausapin ko lang sina Mom," paalam niya sa akin.

Hindi ako sumagot at tipid lang siyang tinanguan. Muli siyang napabuntong-hininga saka naglakad na lang paalis.

Ako naman ay inilapag ang cupcake na dala sa ilalim ng mesa namin. Pansin ko ang mga titig nina Zek at Rhyth sa akin pero hindi ko na lang masyadong binigyan ng pansin.

"Are you okay, Primm?" Zek asked me softly.

Bumaling ang tingin ko sa kanya saka tipid siyang tinanguan. "Yeah."

Rhyth creased her forehead while staring at me. "You're not," aniya. "Ano ba'ng nangyari at mukhang wala ka sa mood ngayon? It's your boyfriend's birthday."

Napakagat-labi ako saka bahagyang napayuko. Saglit kong nilaro ang mga daliri ko. "I don't know either. Maybe I am just feeling a bit insecure," bulong ko.

Tumaas ang kilay nila. "Insecure? Bakit? Kanino?" Zek asked.

I sighed and shook my head. "Ayokong pag-usapan."

Saglit silang natahimik pero hindi nila inalis ang tingin sa akin. Alam kong nagdududa sila at maraming katanungan ang bumabalo sa isipan nila. Pero ganoon rin naman ako. Marami ring katanungan.

"Are you having a quarrel?" Zek asked with her soft tone.

Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanila. Alam ko kung paano maging mapanuri ang mga tingin nila. Alam ko rin na kapag titingin ako sa mga mata nila, malalaman agad nila ang katotohanang nais na iparating ng mga mata ko.

Everything that your mouth couldn't spill could be seen in your eyes.

"Wala naman. We weren't having a quarrel. Sadyang wala lang ako sa mood. Medyo magulo lang. I can't explain it properly," sagot ko.

They both nodded. Then Rhyth talk, "You can't make your relationship work if you would keep your secrets from him. A relationship would work only if the two of you have the strength to spill out what you're feeling inside."

I nodded. "I know. I know," mahina ang boses na sabi ko.

"I do hope you can fix that, Primm," wika ni Rhyth. "I may not like Simour, but I am worried about you."

"T-Thanks," bulong ko.

Ilang minuto lang ay sinimulan na ang celebration. Wala namang masyadong ginawa maliban sa kainan, kaunting kantahan at sayawan, at syempre night swimming.

"Babe, ipapakilala kita kay Dad at Mom," wika sa akin ni Simour.

Pansin kong malumbay rin siya ngayon, siguro ay naapektuhan siya sa mga pinakita kanina kaya agad naman akong nagsisi.

"Why do you have to? Kilala naman na nila ako, ah," saad ko sa kanya.

He sighed. "Yes, they do. Pero gusto kong ipakilala ka sa kanila ng personal. Ayokong makilala ka lang nila mula sa bibig ng ibang tao."

I sighed. "Fine. Pero mabilis lang, ah."

He nodded and smiled timidly. Agad niyang inabot ang kamay ko saka mahigpit na hinawakan. It's as if he's telling me to count on him, to hold unto him and to never give up— and it hurts me.

Agad naming binaybay ang daan patungo sa mga magulang niya. Habang naglalakad palapit sa kanila ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba.

What if they would like me? What if they liked someone else? What if they would think that I am not suitable as their son's girlfriend?

"Mom, Dad!" Malawak ang ngising bungad ni Simour sa Mommy at Daddy niya.

Kilala ko syempre ang Mommy at Daddy niya. Ang Daddy niya may-ari ng paaralan namin samantalang ang Mommy naman niya ay school head.

Sabay silang bumaling sa amin. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Simour nang dumapo ang tingin nila sa akin.

"Dad, Mom, my girlfriend. Primmly Athena Corpuz," pakilala sa akin ni Simour. "Babe, Mommy at Daddy ko."

I could see how wide Simour's smiles are. I don't want to spoil it but I am just really intimidated.

"H-Hello po. I'm Primmly Athena Corpuz, I'm Governor Seleno Corpuz's daughter. It's nice meeting you po," wika ko, mabuti na lang at napigilan kong manginig ang boses ko.

Pansin ko ang pagtitig sa akin ng Mom ni Simour. Samantalang ang Dad niya ay tipid lang na ngumiti sa akin saka tinanguan ako.

"So, you're my son's girlfriend," ani ng Mom niya. "Of course, I know you, Miss Corpuz. You're a smart girl. Your name would always ring a bell. That's why I couldn't help but wonder why you actually chose my son to be your boyfriend out of all your intelligent suitors—"

"Mommy!" Ungot ni Simour. "Anak mo 'ko! Ba't ka ganyan sa akin?"

I smiled timidly yet nervously. "Uhm... Simour is different, Ma'am. Out of all my suitors, he's the only guy who made me feel what it's like to be a lady. Aside from being prominent, he also saved my life a lot of times. He proved to me that not all boys have dark intentions."

His Mom raised brows on me. "Well, I do hope that his prominence didn't lead you in saying 'yes'. And I do hope that you didn't treat the butterflies in your stomach as the basis of your 'yes' towards him."

Agad akong umiling. "Hindi po."

She nodded. "Good then."

Akmang magsasalita na si Simour nang biglang nag-announce ang MC. Sinabi nitong may importanteng sasabihin ang Mom ni Simour. I expected her to announce her birthday wishes towards her son.

Hawak-kamay na naupo ulit kami ni Simour sa table namin nina Zek at Rhyth. Nandoon na rin kasama namin sina Evs, Clad ay Eros.

We all watched Simour's mother went upstage. Then she held the microphone elegantly as she intimidatingly look at the crowd.

"How's the party?" panimula nito. "I do hope you're enjoying."

Agad namang nagsigawan ang mga tao ng 'oo'.

"Well, this would be fast, don't worry. It isn't a speech but more on information," aniya. "Well, as you all know, my son, SJ, had always been in love with architecture."

I know that, kakasabi lang sa akin ni Simour na magshi-shift siya ng course. I am the proudest when he told me that.

"Unfortunately, SJ grew hard-headed and would only like to play around. The very reason why he chose Education aside from Architecture," aniya. "But just weeks before this day, he told me that he wants to shift course— and I am the happiest. That's what I wanted to hear from him. SJ following his dreams."

Me too. I want him to follow his dreams.

"However, I want him to study abroad," saad nito na kinawala ng ngiti ko.

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Simour. Kita kong nagulat rin si Simour sa sinabi ng Mom niya.

"I want him to study abroad with Shantalia Gomez," saad nito na mas lalo kong kinatigil.

The spotlight then went to Shanty who was just sitting calmly together with her parents near Simour's father. She smiled when the spotlight stopped on her.

Agad kong nilingon si Simour. Napatingin rin siya sa akin. Kunot na kunot ang noo niya.

Agad na humapdi ang puso ko. I would want him to stay beside me but I also want him to reach his dreams. Pero hindi naman pwedeng itago niya sa akin na may makakasama pala siyang babae sa pag-alis niya.

Kita ko ang pag-igting ng panga niya bago siya tumayo saka binitawan ang kamay ko. My heart raced when he started walking towards his mother. At nang nakalapit ay inagaw niya rito ang microphone.

He chuckled on the microphone. A dark chuckle. "I'm sorry about that. I've already talked with my Mom and Dad and I already told them that I am not leaving," ani Simour.

Rinig ko ang singhapan at bulungan ng mga tao. Lalo na nang bumaba muli siya sa stage at saka lumapit sa kinaroroonan ko bago ako hinila patayo at saka kami lumabas ng venue.

...

©️thorned_heartu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro