F O R T Y
Like/Follow my Facebook page: @thorned_heartu. Thank you and have fun reading.
...
Malala
Dahil sa pagpapadede ko kay baby ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ay pansin kong wala nang kumakatok sa pinto ng kwarto. Bumangon ako saka inayos ang postura ni baby bago ako lumabas ng kwarto.
My eyes settled at Nanay Ernesta who was busy putting her clothes inside her bag. Kunot-noo ko siyang pinanood.
"Nanay, what are you doing? Bakit mo pinapasok sa bag mo iyang mga damit mo?" taka kong tanong.
Agad naman siyang tumingin sa akin. "Naku, hija. Nagkasakit kasi ang apo ko. Kailangan kong umuwi. Walang mag-aalaga sa kanya doon dahil alam mo namang nasa trabaho ang nanay niya."
I sighed and nodded. "Okay, sige po. Mag-ingat po kayo, ah. May pera po ba kayo?"
Tumango siya. "Huwag kang mag-alala, may pera ako rito. Kailangan ko na talagang umalis, hija."
Tumango ako. "Sige po, ingat po kayo sa biyahe."
Mabilis niyang isinukbit ang bag niya saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Pinanood ko na lang siya bago ako napabuntong-hininga saka naglakad patungo sa kusina.
I wish her grandchild will be fine. I'm pretty sure that she's in worry right now.
Bago pa ako nakarating sa kusina ay biglang nag-ring ang cellphone kong nakalagay sa mesa ng living room. Muli akong naglakad pabalik saka pinulot ang cellphone ko. It was my Mom calling.
"Yes, Mommy?" Masigla kong bungad sa kanya.
But then my smile froze when I heard her sniffing on the other line. Kumunot ang noo ko.
"Mommy? Are you okay? Sinisipon ka po ba? Is anything wrong?" tanong ko.
"A-Anak, your Dad," aniya.
Kumunot lalo ang noo ko. "Ano po ang nangyari kay Dad, Mom? What happened to him? Is there something wrong?"
I could feel my heart racing. Parang sasabog ang puso ko sa kabang nararamdaman. Unti-unti na ring nanginginig ang mga kamay ko.
"H-He was shot, hon. N-Nasa isang sitio siya kanina lang para tumulong sa mga tao doon. T-Tapos may biglang tumawag sa akin tapos sinasabing nabaril raw siya." Now I could clearly hear her sobs and cries.
Agad na nanlabo ang mga mata ko. Nanginig ang mga labi ko saka nagmamadaling umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko para magbihis.
"W-Where's he now, Mom? Is he okay? S-Saang hospital siya dinala?" My voice broke together with my tears started falling.
I wasn't prepared for this situation. I know how dangerous and risky it is to be a politician specially when going out to help people. I know every move that my Dad does and I know how uptight he is when it comes to bodyguards not just for his safety but for us as well.
And right now, hearing my Mom say that he was shot while helping people makes me feel affrighted. Hindi ako handa kung sakali mang may mangyaring hindi maganda kay Dad. I am still young, he is still young. I don't want my Mom to grow old alone.
"I-I'll text you the address. But it's alright if you'd stay at home. It's dangerous," wika niya.
Umiling ako kahit pa alam kong hindi niya makikita. "N-No, I'm coming. Text me the address immediately, Mom. I want to see Dad. I want t make sure that he's okay."
"P-Please be careful," aniya.
"Yes, Mom."
Nang mamatay ang tawag ay mabilis akong nagbihis. Walang tigil ang mga luha ko at ang kaba habang nagpapalit ng damit. When I was done, I noticed that Mom had already sent me the address.
Mabilis kong tinawagan si Harriet. Mabuti na lang at agad siyang sumagot.
"Hello, Primm?" aniya.
"Yet, I need help," wika ko.
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Ramdam kong nataranta na rin siya dahil sa sinabi ko.
"M-My dad was shot. I need to go the hospital. Wala kasing magbabantay kay Precy rito sa bahay. Our nanny went home dahil may sakit ang apo niya. And Simour is not around, nasa work," wika ko.
"Okay, okay. Tatawagin ko lang si Evs. Pupunta na kami diyan," aniya.
I nodded. "Sige. Please hurry. I-I need to visit my Dad as soon as possible."
"Sige."
Ilang minuto kong hinintay si Harriet. Nang makarating siya ay nalaman kong kasama niya pala sina Nikki. Agad akong nagpaalam sa kanila saka nagmamadaling umalis.
I drove my car towards the hospital that my Mom had texted me. Walang pakundangan ang pagkabog ng dibdib ko at ang panlalabo ng mga mata ko.
There's nothing I ever wished for other than my father being okay. That he will survive the shot. I only prayed to God to never perish my Dad. He and my Mom are my everything up until now. Hindi siya pwedeng mawala sa akin.
When I arrived at the location, I immediately ran at the long hallway and went to the medical receptionist.
"Hi. I am looking for Seleno Corpuz. I am his daughter. What room is he in?" tanong ko.
Agad niyang kinalikot ang computer na nasa desk saka binasa ito. She then told me the number of my Dad's room.
Mabilis akong tumakbo patungo doon. When I arrived there, my Mom was already waiting at the long chair on the hallway, sitting there, crying, with the bodyguards beside her and some police officers.
Agad akong lumapit sa kanya saka niyakap siya. Saka niya lang napansin na nandito na ako.
"Mom, how's he?" I asked.
"H-Hindi ko pa alam. W-Wala pang sinasabi ang doctor. H-Hindi pa siya lumalabas," wika niya habang iyak nang iyak.
I felt my tears falling once again as I watch my Mom cry. "Magiging maayos lang po siya, Mommy. L-Let's just trust him. H-He's a strong man."
Isinandal niya ang ulo sa balikat ko saka humagulhol. "H-Hindi ko kaya, anak. H-Hindi ko kayang may mangyaring masama sa daddy mo. I-I love him so much. H-Hindi ko kayang wala siya."
Hinaplos ko ang likod niya. I know that, I feel the same way. I don't want to lose Dad. He's the first man in my life and losing him means losing myself and my Mom too. I don't want to lose them both.
"H-He'll be fine, Mom." My voice broke as I kissed her head. "H-He'll be fine. Pagagalitan pa natin siya later dahil pinag-alala niya tayo."
Mas lalo siyang humagulhol. "T-Talagang mapapagalitan ko siya kapag nagising siya! H-How dare he make me cry like this?! H-He promised me that he'll never make me cry!"
Ilang minuto lang ay lumabas na ang doctor. Agad kaming napatayo agad ni Mommy.
"Doc, how's my husband? How is he doing? Maayos ba siya?" My Mom immediately asked.
The doctor smiled a bit. "Don't worry, Ma'am. Your husband is doing fine so far. He was shot on his left bicep so it didn't hit any sensitive nerves. As of now, he's still sleeping. Hintayin na lang natin na magising siya."
Sabay kaming napahinga ng malalim ni Mommy. I hugged her right as a smile pasted on my lips.
"That asshole," bulong ni Mommy na mahina kong kinatawa sa kabila ng mga luha ko.
Thank God for taking care of my Dad. At least now I am at ease knowing that he's fine, that it wasn't severe. But one thing's for sure. I wouldn't want this to happen again.
"So, uhm... are we allowed to get in the room already?" tanong ko.
Agad na tumango ang doctor at tipid na ngumiti. "Yes, you may now enter the room."
Tumango ako sa doctor. Nang umalis siya ay saka kami pumasok ni Mommy. Umiiyak pa rin siya hanggang sa nakapasok kami until she sat beside the bed and caressed my Dad's hair as she kissed his forehead.
I couldn't help but admire them both. Admire the love they both shared. Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung tatanda rin kaya kaming ganyan ni Simour?
I smiled as I listened to my Mom whispering to my Dad. "I love you so much."
I wiped my wet tears. "Should I buy some food, Mom?"
Nilingon niya ako. "Are you sure that you'd be fine going out alone? Magsama ka ng bodyguards. Or mas mabuti kung ang bodyguards na lang ang pagbilhin mo ng pagkain."
I smiled. "I'll be fine and don't worry, I'll bring a bodyguard with me."
She nodded.
Agad akong lumabas ng kwarto saka lumapit sa mga bodyguards na nakatayo lang malapit sa pinto ng kwarto ni Dad.
"Hello, everyone. I need two people to assist me. I'm going to buy food for us. Sinong sasama sa akin?" wika ko sa mga ito.
Agad na nagkatinginan ang mga ito at pawang mga seryosong bumaling sa akin. The other one speak up, "Hinihintay po namin ang utos mula sa boss namin, Ma'am. Pasensya na. Hindi ka muna namin palalabasin hangga't wala siyang iniutos sa amin."
I sighed. "My Mom is already hungry. And my Dad would probably wake up starving as well. I need to buy foods. But if you want, kayo na lang ang bumili."
Umiling muli ang lalaki. "Wala pong magbabantay rito kung aalis kami."
"Marami naman ang matitirang magbabantay rito, ah. It's alright. Ikaw na lang ang bumili since ayaw mo akong palabasin," wika ko.
"I'm sorry, Ma'am, but I can't. Hihintayin ko na lang po ang orders ng boss ko," aniya.
Napasinghap ako saka namaywang sa harapan niya. "Who's your boss then? Tell me. I will talk to him."
"Hindi po pwede, Ma'am. Nasa trabaho siya ngayon-"
"You don't have to deny me, Roxoz," biglang may nagsalita galing sa likod ko.
Agad ko itong nilingon. My eyes widened to see who it was and I couldn't stop myself from smiling.
My eyes raked on his outfit. He's wearing a black shirt under his denim jacket paired with a black pants and a black leather boots.
"Oh my gosh! Eros?!"
Tipid siyang ngumiti sa akin saka tinanguan ang mga bodyguards. Agad namang umayos ang mga ito ng tayo saka nag-salute sa kanya.
He then faced me. "Ano ba ang gusto mong gawin, Primm? Masyadong delikado kung lalabas ka ngayon? Mag-isa ka lang bang pumunta rito kanina?"
I nodded. "Yeah. But I knew na may bodyguards sa likod ko, nakasunod so I don't really have to worry. So, these are your men?"
He nodded. "Yeah. They're agents as well. They're trained in combats and in using any types of guns. Kaya sila ang pinili kong maging bodyguards ng pamilya mo."
Tumango ako ng paulit-ulit habang pilit iniintindi ang mga sinasabi niya. "So, uhm... so you're the boss. What do they call you? Or uhm... ano ang position mo?"
Tipid siyang ngumiti sa akin. "I am the Chief of FBI. Also called as the director of the federal agency."
Agad na napaawang ang mga labi ko. "Wow! Really?! Congrats!"
Ngumiti siya sa akin. "Thank you. Now, do you need anything? Sasamahan na kita."
"Uhm... sa fast food chain tayo. I'll buy food para may makain si Dad kapag gumising na siya," wika ko.
He nodded. "Okay. Tara na."
Agad akong nauna na, siya naman ay sinasabayan ako. Mabilis kaming naglakad patungo sa garage saka sumakay sa kotse niya. We then drove towards the near fast food chain and bought food.
Mabilis naman kaming natapos sa pagbili kaya agad rin kaming bumiyahe pabalik. He then started talking.
"So, how are you and Sim doing?" tanong niya. "Wala na akong balita sa inyo simula no'ng umalis ako."
I smiled. "We're doing fine. Sana ay alam mo na may baby na kami and that we're already married."
Mahina siyang natawa. "Of course, alam ko. So, hindi naman ba kayo masyadong nag-aaway?"
I pursed my lips. "Well, of course there were times na nag-aaway talaga kami. Pero hindi na gaya ng dati. We're more matured now, we both can handle hard situations."
He nodded. "Good for you then."
"Eh, ikaw? When are you getting married?" I asked.
He shrugged and chuckled. "Not on the plan."
"Oh... but how's your bar doing ba? Hindi mo na dinagdagan ng branch?" tanong ko.
He shook his head. "I was too busy to even add another branch of Cupid. Ayos na sa akin ang isa."
I nodded. "Umuuwi ka naman ha rito?"
He nodded. "Yeah. Pero bumabalik lang din ako agad. Kapag naman umuuwi ako ay dumederetso ako sa bar saka doon na natutulog. So, that's why you haven't seen me around."
I nodded. "Oh alright. May mga naging missions ka rin ba here in the Philippines?"
Tumango siya. "Marami. Madalas din iyon ang dahilan kaya ako umuuwi rito."
I nodded. "Hindi naman ba super delikado niyang work mo? Kasi diba lagi lang kayong nakikipagbarilan niyan?"
He chuckled. "Delikado. Our lives are on the palm of God's hands. We've already gave our lives to him the moment we entered the CIA. But our purpose is to make the world a better place for children to live in, so no matter how risky this job is, I will stay."
I smiled. "You know, I'd rather have you as my bodyguard than those ones na nasa labas ng room ni dad."
"And why is that?" tanong niya.
I shrugged. "Kasi ayaw nila akong payagang lumabas."
He chuckled. "They're just trying to keep you safe."
Nang makarating kami ulit sa hospital ay agad akong pumasok sa kwarto. Hindi pa rin gising si dad nang makarating ako kaya hinintay na lang namin na magising siya.
However, I was in the middle of talking to my Mom when a call from Evs interrupted us. Napatingin din doon si Eros dahil siguro napansin niyang Kuya niya iyon.
"It's your brother," wika ko sa kanya. Tinanguan niya ako kaya agad kong sinagot. "Hello, Evs?"
"Primm, emergency! Si Sim naaksidente, nandito siya sa Creola Hospital ngayon. Malala ang lagay niya!" wika niya.
Agad akong nataranta. My eyes widened as I looked at my Mon and Eros.
"What's happening?" tanong ni Mom sa akin.
"I-I'm coming," wika ko saka agad na pinatay ang tawag.
Mabilis kong isinukbit ang hand bag ko sa balikat ko saka naluluhang nilingon si Mommy. "Simour got into an accident, Mom. M-Malala raw. I need to go and check for him. I-I'm sorry, please tell Dad when he wakes up."
Mabilis na tumango si Mommy sa akin. "S-Should I come with you?" tanong niya.
Umiling ako. "N-No need. J-Just stay here with Dad and call me if he wakes up."
She nodded. "Sige, mag-ingat ka."
Tumango ako saka akmang lalabas na nang magsalita si Eros. "I'll come with you, Primm."
Nilingon ko siya saka tinanguan. Agad kaming lumabas muli ng hospital saka tumungo sa Creola Hospital.
Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang panlalamig ko. Hindi agad nag-sink-in sa utak ko ang nangyari sa dalawang lalaking mahal ko.
I could feel my eyes turned blurry until it slowly fall down my cheeks. Hindi ko mapigilang takpan ang mukha ko saka mahinang humagulhol.
I felt Eros sighed and caressed my shoulder. "He'll be fine, Primm. Masamang damo iyon."
Hindi ako nagsalita. I'm out of words. Dalawang lalaki sa buhay ko ang nasa hospital at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Trust me, he's fine," wika ni Eros sa akin.
Humikbi ako. "I-I don't know what to do. U-Una ang dad ko tapos n-ngayon, siya? I-I told him to take care of himself!"
"Shh... malapit na tayo," aniya.
Ilang minuto lang ay nakarating nga kami sa sinasabing hospital. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Eros saka patakbong pumasok. I went to the medical receptionist and asked about Simour's room. When the receptionist told me the number, I immediately ran towards it while tears flowing down my cheeks.
Walang paalam na binuksan ko ang pinto saka agad na pumasok. My teary eyes met with Evs' and Clad's. They are standing just beside the bed and they were looking so... happy?
"W-Where's Simour?" tanong ko.
Agad silang umatras saka tinuro ang kama kung nasaan siya nakahiga. Pero hindi gaya ng sabi ni Evs na malala. Wala naman siyang masyadong sugat maliban sa bandage sa noo niya. Tsaka... mulat na mulat ang mga mata niya.
Agad ko siyang nilapitan saka hinaplos ang buhok niya. "A-Are you okay? A-Are you feeling fine? May masakit ba sayo?"
Tumango siya saka nginitian ako. "Yes, babe. Bakit ka ba umiiyak? Kunting galos lang naman sa noo ang inabot ko, eh."
Napatayo ako ng maayos. Kunot-noo kong nilingon sina Evs at Clad na may ngisi sa mukha. Samantalang kakapasok lang ni Eros.
"I thought malala ang lagay niya, Evs!" Inis kong bulyaw sa kanya.
Ngumisi si Evs. "Oo nga. Malala naman talaga. Malala na... siya."
"Tsaka, huwag mo kaming sisihin. Siya ang may kasalanan. Nagmaneho ng lasing," wika naman ni Clad.
Nilingon ko si Simour. "Why were you drunk driving?!"
Painosente siyang nag-iwas ng tingin sabay nguso. "Eh, kasi, naglalasing lang naman ako doon sa loob ng kusina natin nang makita kong nandoon sina Harriet tapos binabantayan ang anak natin. Akala ko iniwan mo kami kaya hinanap kita."
"Ng lasing ka?!" bulyaw ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "Okay naman ako, babe-"
"Hindi iyan okay, Primm," wika ni Clad. "Sinasabi ko sayo hindi iyan okay. Nagpadala iyan sa hospital para umuwi ka sa kanya."
Agad na kumulo ang dugo ko. Inis kong nilingon si Simour saka sinamaan siya ng tingin. May inosenteng ngiting nakaukit sa labi niya.
"Tsaka alam mo bang iyak nang iyak iyan kanina?" Tumatawang sabi ni Evs. "Sinabihan pa ako na tawagan ka tapos sabihing malala ang lagay niya."
Napapikit ako ng mariin. Inis ko siyang nilapitan saka agad na nahanap ng kamay ko ang kanan niyang tenga sabay pingot doon.
"Alam mo ikaw? You're such an asshole, 'no?!" bulyaw ko sa kanya.
"A-Aray! Babe, mahal na mahal kita- a-aray ko!" Hawak-hawak niya ang kamay ko habang pingot-pingot ko siya.
Samantalang ang dalawa naman ay tawa nang tawa. While Eros was just looking at the two as if they were the stupidest mistakes. Nakapamaywang siyang nakasandal sa hamba ng pintuan saka paramg disappointed na tatay na pinapanood sina Evs at Clad.
"Next time, don't do that again, ha? Hindi mo ba alam na nag-alala ako ng sobra sayo? I was even crying, Simour! Tsaka do you even know na nasa hospital rin si Dad because he was shot, ha?!" bulyaw ko sa kanya habang pingot-pingot pa rin siya.
"Sorry na, babe. Hindi ko na uulitin. Promise, hindi na-a-aray!"
I pursed my lips and let go of his ear. Agad rin naman akong nakonsensiya saka agad siyang hinalikan sa noo saka niyakap.
"Don't do that again, okay? I was scared," wika ko.
Niyakap niya ako pabalik saka isiniksik ang mukha sa dibdib mo. "Sorry, babe. Hinding-hindi ko na uulitin talaga."
I smiled and caressed his hair and kissed his head. Agad ko namang narinig ang ungutan ng tatlo sa likod ko.
Nilingon ko sila saka sinamaan ng tingin. "What?! Ganito rin naman kayo sa mga girlfriend ninyo, ah!"
Nagtaas ng kamay si Eros. "I don't have a girlfriend. Pass."
Tumango naman si Evs. "Sabagay, tama ka naman."
Samantalang si Clad ay napasimangot. "Tsk."
Napailing na lang ako habang yakap si Simour na naglalambing sa akin.
Love isn't about the luxury things that a person have, it is about the person's capability of giving up those gold things in exchange of an irreplaceable love. And only a rare person could do that-they're the real diamonds.
Know that just like diamonds, the right person is rare to find, hard to have and always hidden by the universe. You might not see the right person for now, but when the right time comes, it will unveil itself-from a stone to a glittery gem.
One thing's for sure... I found the best diamond that I will never replace in this lifetime.
...
©️thorned_heartu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro