F I V E
Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you so much.
Happy 9k to us, mga tiniks at rosas. Nawa'y pagpalain tayo ng Diyos.
...
Thank you, Jerk
"What are you wearing? Naubusan ka na ba ng uniforms at iyan ang suot mo?" Taas-kilay na tanong ni Mom sa akin.
I caressed the clothes that I am wearing. There's nothing wrong with it. It's a white T-shirt paired with a denim sleeveless dress reaching below my thighs. I also wear a pair of white shoes and my anti-rad eyeglass.
I smiled at her. "Isn't it nice?"
She blinked as she ran her eyes down to my body. "Yes, I know. Pero bakit 'yan ang suot mo, Primmly Athena? I thought it's clear that students must wear their uniforms."
I smiled. Sinukbit ko ang dalawang bag ko sa magkabila kong braso. "Of course, Mom. But you see? It's Friday. Wash day Friday! Kaya ito ang suot ko. Walang punishments kapag hindi nag-uniform basta't Friday."
Her mouth formed into an 'o'. "Oh. Okay. Very well. Let's go."
"A'right."
Agad akong sumunod sa kanya. I went inside the car wherein Tatay Sancho is driving. Tsaka kami agad na dumeretso sa paaralan.
"Thank you, 'Tay," wika ko saka lumabas ng sasakyan.
"Whoah! Himala! Si Miss Pres hindi nag-uniform!"
Mahina akong natawa nang sinalubong ako ng mga ka-schoolmates ko; both genders. Siguro ang iba ay kakarating lang samantalang ang iba ay tumatambay lang talaga sa gate.
I chuckled as they went near me and checked me out. They were encircling on me as fascination danced on their eyes. It made my cheeks reddened. It's making me shy for some reason. But at some point, it does boosted my confidence as well.
"Ang ganda, ah!" bulalas ng isang lalaki. I don't know his name but he's familiar. Probably because we've interacted many times before. "Himala, ah! Ganito ang suot mo, Miss Pres! Bakit? Anong nakain mo?" Mangha niyang bulalas.
Napahawak ako sa noo ko saka napakamot sa kilay. Blood rushed up to my face as I carefully look down to my shoes to prevent eye contact with them.
"T-Thank you," wika ko.
"Ganda mo, Miss Pres!" saad ng isa pa'ng lalaki. "Dapat dalas-dalasan mo na ang pagsusuot ng ganito. Hindi kasi kita masyadong nakikita sa labas ng paaralan kaya hindi ko nakikita kapag hindi ka naka-uniform."
"T-Thank you."
"Tsaka, bagay na bagay sayo ang suot mo ngayon, Miss Pres!" A girl giggled as she look at me with her magnetizing eyes.
I chuckled softly as I placed some strands of my hair on the back of my ear.
Gosh! Nakakahiya!
"T-Thank you. Y-you're pretty on your dress too," mahina kong sabi.
She giggled. "Mas maganda ka syempre. Nakakamanghang makita kang ganyan ang suot. Lalo pa't alam mong ayaw mo sa students na hindi nagsusuot ng uniforms."
Umiling ako agad. "Oh no. I just don't like it when students don't follow rules. Pero okay lang naman for me na magsuot kayo ng hindi uniform basta ba Friday. Since wash day natin 'yon."
Ngumisi ang isa pa'ng babae. "Parang gusto ko na tuloy maging lalaki."
Tumawa ako saka namula. Naiiling ako habang tumatawa. "T-That's crazy. And thank you. You're pretty yourself."
Ngumiti siya. "Matagal na akong maganda. Pero hindi ko alam na may mas gaganda pa pala sa akin. Sayo na ang korona, Miss Pres," aniya saka umaktong may inangat mula sa ulo niya saka nilagay sa ulo ko.
I laughed at her. "You're funny." Tiningnan ko sila saka nginitian ng matamis.
"Totoo po," aniya. "Dapat dalas-dalasan mo po talaga ang pagsusuot ng civilian clothes. Para naman araw-araw maganda ang mood ko."
I laughed. She's funny. "That's crazy."
"Tsaka, feeling ko nga magiging transgender ako soon, eh," sabad ng isa pa.
My eyes widened. "Oh, gosh! Why? Are you tired of being a woman na? Though, I understand. Being a woman is really tiring."
Ngumiti siya. "Hindi. Dahil gusto na po yata kita, Miss."
Namula ako saka napapikit ng mariin habang nakikitawa sa kanila. They definitely know how to make me laugh.
I may not have a group of friends but apparently I have these students who genuinely treated me similarly to a friend. Though, I am not part of their group, they didn't treated me differently. Mababait sila sa akin. They were even boosting my confidence. It's nice to know that regardless the fact that I do not know them, they still acted fair towards me.
I breathed in and smiled wide. "So, uhm... why are you all still here? Diba dapat nasa loob na kayo ng classrooms ninyo?" I smirked a bit. "Oh no! Hindi porque ni-compliment niyo ako ay hahayaan ko na kayong pagala-gala sa labas ng classrooms."
Agad silang nagtawanan. The boys were shaking their heads, some were scratching their hairs. The girls pouted as they acted like an abandoned puppy in front of me.
"Minsan lang naman, Miss Pres." Nguso ng isang babae.
I laughed and shook my head. "Nope. Definitely not. Sige na." Pumalakpak ako. "Get inside your classrooms. Nagpa-punish pa rin ako kahit Friday!"
Nagsiungutan sila pero may mahihinang tawa na kumakawala mula sa mga labi nila. They then said their 'goodbyes' to me so I did the same.
Naglakad na rin ako sa hallway patungo sa classroom ko. Of course, since students are still at their lockers located at the hallway, talagang nakakasalubong ko sila. They would eventually compliment me with what I am wearing so I am doing the same.
My parents taught me to always be fair to everyone. If they help you, help them. If they compliment you, compliment them. But of course, if they hurt you, never hurt them.
I love being unnoticed however the feeling of being regarded feels so nice. Masarap sa pakiramdam. Masaya. Nakakagaan ng damdamin.
My parents told me before that you should always do kind things and voice out your admiration towards a person. Hindi mo man pansin, tiyak na mapapagaan mo ang araw ng taong 'yon.
"Ganda!" bulalas ng grupo ng lalaking nadaanan ko sa hallway.
I chuckled and smiled at them as I saluted. "You all are handsome yourselves, Misters!"
"Alam ko!" sagot ng isa.
"Matagal na," sabi naman ng isa.
"I know right," ani ng isa pa.
I shook my head and chuckled as I continued walking on the long hallway. Kung sino-sino lang ang nadadaanan ko kaya kung sino-sino lang din ang nagko-compliment sa akin. Of course, just like what I love to do, I did the same.
I hummed as I read the lesson in the book that I am holding. I pursed my lips as I tried to analyze the things written on the books. But I got distracted when I felt some stares on me.
My forehead creased as I look up around me to see who's staring. But then my eyes stopped at the nearby bench, five meters far from the bench where I am sitting. My eyes met with his eyes; Simour.
He's staring at me while holding a small blue towel on his left hand, covering his mouth, the other is crossed on his chest. He's back is leaning on the cobalt wall on his back. He's wearing his gray and black basketball jersey. Nasa tabi niya ang gym bag niya. And his eyes are on me.
I blinked. Luminga-linga ako sa paligid ko to see if there's someone else sitting. Pero walang nakaupo sa bench na kinaroroonan kundi ako lang.
I went to look at him again and I blinked when I saw him still staring at me. Nag-iwas ako ng tingin saka binalik na lang ang mga mata sa aklat na hawak ko. Pero hindi na ako makapag-focus dahil mas ramdam ko na ngayon ang tingin niya.
I sighed as I felt my cheeks reddened. Ako lang ba o talagang kakaiba ang titig sa akin ng lalaking 'to?
I pursed my lips. I glared at him then I rolled my eyes as I went to reading the book again.
"Kapag 'di siya titigil, tatanggalin ko na talaga ang mga mata niya," bulong ko.
"Kaninong mata?"
"Oh my gosh!" bulalas ko saka napahawak sa dibdib ko. My widened eyes met with his. "What are you doing here?!"
He chuckled. Nilagay niya gym bag sa tabi ko saka siya naupo sa tabi ko sa kabila. Tiningnan niya ang aklat na hawak ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Studying," I said. "So, what are you doing here, ha? And why were you staring at me?! Nakakailang kaya! I lost my focus dahil titig ka ng titig!"
Tumawa siya. "May iniisip lang ako kanina. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sayo. Sorry na, Miss Pres. Kiss gusto mo?"
Suminghap ako saka mas lalong namula. Lalo na no'ng umangat ang magkabilang-gilid ng labi niya at biglang kinagat ang pang-ibaba niyang labi habang nakatingin sa akin.
Nasabi ko na ba na napaka-bad boy looking niya?
"Shut up, Simour! Umalis ka nga! Nagbabasa ako, eh! You're distracting me!"
"Paano kita na nadi-distract? Nakatitig lang ako. Wala naman akong ginagawa."
"Iyon na nga, eh! Wala ka pa'ng ginagawa pero nadi-distract na ako!"
He laughed. "Lakas pala ng epekto ko sayo, Miss Pres. 'Di mo naman sinabi."
He suddenly leaned his head on my shoulder. Due to surprise, I moved away and even pushed his head.
Nawala ang ngisi niya saka nakasimangot na tiningnan ako. Bahagyang nakanguso ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.
"Go away," asik ko.
He pouted even more and moved near me to incline his neck again. Muli kong sinalo ang ulo niya saka tinulak.
"Stop!" Gigil kong sabi.
He glared at me. "Bakit ba? Magpapahinga lang ako. Pagod ako sa practice."
My mouth hanged open. "And so? Kung pagod ka, edi, magpahinga ka—"
"Magpapahinga na nga ako, eh, pero tinutulak mo 'ko."
"Huwag dito sa akin. I am not a pillow!" I rolled my eyes.
Ngumuso siya. Napatili ako nang bigla niyang kunin sa akin ang aklat na hawak ko. He immediately inclined his body and layed on the bench with his head on my thighs.
Nanlaki ang mga mata ko saka namula. Inis kong sinabunutan ang buhok niyang mahaba saka tinutulak palayo.
"Oh my gosh! Get off! Get off! Alis! Gago!" asik ko.
He chuckled. Niyakap niya ang aklat ko saka tumagilid kaya nakaharap na ang mukha niya sa tiyan ko. Halos mapugutan ako ng hininga sa posisyon namin.
Namumulang napatingin ako sa paligid. Wala namang masyadong tao pero ang pangit pa rin kung ganito kami.
"Simour, umalis ka na, please! Get off me!" Halos maiyak ako sa frustration. Ayaw niya kasing umalis.
He suddenly placed his face on my flat stomach making me shriek. Tinulak ko lalo ang ulo niya palayo pero bigla niyang iniyakap ang isang braso sa bewang ko saka mas lalong idiniin ang mukha sa tiyak ko.
"No! Simour! Stop it! Get off me! Oh my gosh! Baka may makakita sa atin! I hate you!" I am shrieking and whispering at the same time.
Sobrang nahihiya ako sa posisyon namin. Halos maiyak ako habang pilit na tinutulak ang ulo niya palayo. Pero ayaw niya talagang umalis.
"Oh my gosh! Simour!" Stress kong bulalas.
"Shhh..." aniya. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa atin tapos ano pa'ng isipin. Get off ka nang get off diyan baka iisipin ng makakarinig sa atin na nakapatong ako sayo."
Suminghap ako saka hinampas ang braso niyang nakayakap sa bewang ko. Mahina siyang tumawa kaya mas lalo akong napasimangot.
"Simour, kapag may nakakita sa atin nang ganitong sitwasyon, kakatayin kita!" asik ko.
"Ha? Kakayatin?"
"Bastos ka!"
Suminghap ako. Muli kong hinampas ang braso niya. Paulit-ulit kong hinahampas ang braso niya kaya tiyak akong namumula na ang palad ko. Sa tigas ba naman ang braso niya.
Tumawa lang siya. "Ayusin mo kasi ang pananalita mo, Miss Pres. Nabibingi ako, eh. Sigaw ka kasi ng sigaw. Akala ko kakaya—"
"Subukan mong sabihin ulit!" banta ko sa kanya.
He laughed. "Kakaya—"
Hinampas ko ulit ang braso niya. Napapikit ako ng mariin saka nasapo ang noo ko. I sighed as I look at him, hugging my waist tight.
"Give me my book," wika ko na lang. "I'll study."
Agad niyang inabot sa akin aklat. I immediately accepted it and started reading regardless that I couldn't focus.
"A'right."
"Hoy, Sim! Aba! Ang gago! Kaya naman pala 'di na bumalik dahil nagpapasuyo!"
Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin kay Evans at Clad na nakataas ang kilay sa aming dalawa ni Sim.
Agad akong napatayo dahilan kaya nahulog si Sim sa bench at napaigik. "Ops! S-Sorry."
Agad kong sinukbit ang bag sa balikat ko saka agad na tumakbo palayo sa kanila.
"Oh gosh! Nakakahiya!"
At nang dahil sa tindi ng takbo ko, hinihingal na nakarating ako sa classroom ko. I immediately sat on my chair as I sighed in total relief.
Minutes later, our professor came. He's terror so it's really important for us to always have our books and—
Nanlaki ang mga mata ko. "My book!" I whispered.
Agad kong binuksan ang dalawa kong bag saka hinanap doon ang aklat ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig nang hindi ko nahanap sa dalawa kong bag ang aklat ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
If there's something that I feared of, that's being scolded by a terror professor.
"Get your book and open it on page 279," sabi ng Prof namin.
I looked at my classmates who immediately placed their books on their desks. Lahat sila mayroong aklat, ako lang ang wala.
The embarrassment!
I saw our Professor look around to see if everyone have their books. Napapapikit ako nang mariin nang unti-unting lumapat ang mga mata niya sa desk ko sabay...
"Miss Corpuz, where is your book?!"
Napaigtad ako. I slowly opened my eyes. There I saw my classmates and my professor looking at me.
"Uhm... I-I forgot it, Sir. I-I think I forgot it on the bench—"
"A very unreasonable excuse, Miss Corpuz! Sabihin mo na lang sa akin na talagang naiwala mo o iniwan mo lang sa kung saan-saan!"
I shook my head. Mas dumami ang pawis ko. Pati ang mga palad ko ay namamawis ng malamig. I could feel my cheeks heated in embarrassment.
"N-No, Sir. It's true—"
"Excuse me, Sir? Is Miss Corpuz present?"
Lahat ng atensyon na nasa akin ay napabaling sa lalaking nagsalita sa labas ng classroom namin. My eyes widened to see who it is.
"S-Simour?" bulong ko. "What is he doing here?"
My question was answered when I saw him raised the book; my book. Siguro ay naihulog ko 'yan kanina o kaya ay naiwan sa bench kaya pinulot niya. Pero bakit naman kailangan niya pa'ng pumunta rito.
"Yes, Mr. Villegas? What can I do for you? Is that so important for you to interrupt my class?" Taas-kilay na tanong ni Prof.
Tumango si Simour. He seemed unfazed with our Prof. He even stared back at him with the same ferocity.
"Yes, Sir. I saw Miss Corpuz left her book on the bench near the gym so I brought it here myself," aniya.
Agad akong nakarinig ng bulungan mula sa mga kaklase ko. Napayuko ako dahil alam ko na naman kung ano ang iniisip nila.
"Ba't sila magkasama?" one asked.
"Siguro siya talaga ang boyfriend ni Miss Pres. Ayaw lang ipakalat ni Corpuz dahil nahihiya siya lalo pa't ang talino niya tapos sa isang bulakbol lang siya babagsak."
"Hoy grabe ka naman kay Villegas! Pero true! Bulakbol naman talaga ang lalaking 'yan. Gago pa!" saad naman ng isa pa.
My heart clenached while listening to them. Yes, Simour might be an asshole pero may parte naman sa kanya na mabait. Kaya nasasaktan akong naririnig ang iba na dina-down siya.
Dragging someone down is never a good thing.
Another talked, "Ano ba naman kayo? Hindi papatol si Corpuz diyan kay Villegas. Tiyak ako na pinilit lang kunin ni Villegas ang aklat ni Corpuz para magpapansin."
Someone agreed. "Tama. Siguro nga ay ganoon. Alam ko kasi ang mga tipo ni Corpuz. 'Yung mga matatalino hindi 'yung mga tarantado."
Everyone silenced when our Professor talked, "Very well, Mr. Villegas. Come in."
Napaangat ako ng tingin at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko nang makitang pumasok si Simour sa classroom namin. His eyes then went to me as he walked his way towards me.
My horrified eyes look at him. I saw his lips tugged upwards a bit. Parang pakiramdam ko ay sinasadya niya itong mangyari. Yes, hindi ko sinasadyang maiwan ang aklat ko pero malay ko ba kung sinasadya niya pala talagang disturbuhin ang klase para makapang-asar.
Who knows, anyway? Asshole pa naman siya.
Nang makalapit siya nang tuluyan sa akin ay inilapag niya ang aklat sa desk ko. All eyes are on us and to be frank, I am not liking it.
"Ito na ang aklat mo, Miss Pres. Iniwan mo kasi sa bench kaya dinala ko na rito." Nakangisi niyang sabi.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka agad na kinuha ang aklat. I pursed my lips making him chuckled hoarsely.
"Well then, lalabas na ako, Miss Pres. Ingat ka rito," bulong niya saka naglakad palabas. "Thanks, Sir," aniya saka nawala siya sa paningin ko.
I sighed.
Our prof talked," Very well. Let's start!"
Soon as the class ended and the bell rang thrice, I immediately placed all my things on my bag. Agad akong nagmamadaling lumabas ng classroom. Ayokong kausapin ako ng mga kaklase ko tungkol sa nangyari kanina. It would be awkward for me.
Agad akong pumunta sa locker ko saka binuksan iyon. Pinasok ko doon ang mga aklat ko para hindi ko na maiwan kung saan-saan. Lesson learned kumbaga.
"Papansin." I heard someone talked.
I stopped. Akmang lilingunin ko na ang nagsalita nang makarinig ako ng tawanan. They're walking through me so I could clearly hear them.
"Papansin naman talaga siya," saad ng boses ng babae. "Sinadya niyang tumambay sa bench malapit sa gym para makita siya doon ni Villegas. Saka iniwanan ang aklat niya roon para ibalik iyon sa kanya ni Villegas."
I sighed. That's not true! The voice in my head said.
"Syempre, napaka-plain niya kasi saka mukha pa'ng modernized nerd kaya hindi siya napapansin ni Simour. Kaya siya na lang ang gumagawa ng paraan," wika muli ng isa saka mahinang tumawa. "Hindi na ako magtataka kung isang araw, hihingi siya ng tulong sa Dad ng Governor para tulungan siyang makuha si Simour."
Sabay silang mapanuyang tumawa. "What a shame."
I sighed when I could no longer hear them. I felt my eyes sting.
I really couldn't hide the fact that there are people around the school who hates me for being... me. They're spreading fake things about me. I don't understand them really.
Pero ayoko na rin naman silang patulan. Nasa kanila na 'yon kung ipagpapatuloy nila ang panghihila sa akin pababa.
I breathed in and look up. Nang hindi na malabo ang mga mata ay saka ko lang isinara ang pinto ng locker.
I sighed and look to where they are. Likod na lang nila ang nakikita ko pero mabigat pa rin ang loob ko.
How could people destroy someone without even having proofs?
"Hi, Corpuz! Hi!"
Gulat na napalingon ako sa nagsalita. My eyes widened a bit but I was too quick to smile at him. He's familiar but I am pretty sure that I do not know his name.
"Yes? How may I help you, Mister?"
He smiled. Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Red tulips. May isang box din ng chocolate na kinangiti ko.
Agad ko itong tinanggap. "Oh, thank you. What's your name?"
He smiled. Napakamot siya sa batok niya saka may nahihiyang ngiting nakaukit sa mga labi. "Uhm... I'm Garrett Sean Merontos. Soccer player. Uhm... Is it okay if uhm... I will court you? Hindi naman siguro bawal, 'no? Hindi naman siguro pinagbabawal ng parents mo? Kasi kung ayaw nila, I will respect them."
Napangiti ako. Having suitors is not new to me. Not to brag but, marami-rami naman sila. My parents aren't that strict when it comes to such. It's just that ayoko pa talagang pumasok dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay. Ayokong ma-stress lalo.
To be honest, just by reading some topics to be discussed in the class stresses me. Activities at school stresses me. Advocacies that I am in stresses me. Kaya ayoko nang madagdagan pa ang stress ko.
"Oh..." I smiled softly. "Well, as you know, my parents aren't that tight. Hinahayaan naman nila ang mga manliligaw ko. But as you can see, I don't have a boyfriend dahil wala pa talaga sa isip ko ang ganoong bagay." I went to look at his face. "Uhm... I'm really sorry. Ayoko pa talaga, eh."
He sighed and pursed his lips. "It's okay." He chuckled. "I'm a bit dissapointed but somehow I've expected this. Kaya ayos lang. Study well, Miss Pres. I must admit, you're a great president."
I smiled and chuckled. "Thank you. And uhm... I saw you play. You're good yourself."
Ngumiti siya saka napakamot sa batok. "Salamat."
Natahimik kami saglit. Nang magkatinginan kami ay sabay kaming natawa.
Napailing siya. "Sige na. Una na ako. And don't throw that, 'kay?"
Natawa ako. "Hindi, 'no! Sayang naman kung itatapon ko lang. Kakainin ko na lang mabubusog pa ako."
May ngiting tumango siya saka umalis na. I smiled as I watched him left.
Napangiti ako. I've met a lot of suitors before and I must say that Garrett is one of the respectful suitors.
"Tsk. Daming lalaki." Rinig kong bulungan sa paligid.
Nawala ang ngiti ko. Napatingin ako sa paligid. I saw a group of women glaring at me and some were rolling their eyes. Sabay-sabay silang tumalikod sa akin saka naglakad paalis.
I sighed. "Kasalanan na ba ang maging maganda ngayon?"
Naiiling na pinasok ko na lang sa locker ko ang bouquet. I will bring it at home later. Sa ngayon dito na muna.
"Primm!"
"Primmly!"
I heard Carolyne and Rapha calling me. Agad ko silang nilingon. They were running towards where I am.
"Bakit? Is there any problem?" tanong ko.
Sabay silang ngumisi sa akin. "Ikaw, ha? Nag-date pala kayo ni Villegas sa bench malapit sa gym! Masekreto ka, ah!"
"No!"
"Sus! De-deny ka pa!" ani Rapha.
Umiling ako. "Hindi talaga. I was studying sa bench kaya ako nandoon. He was practicing sa gym kaya nandoon rin siya. But we weren't dating!"
"Sus! Kalat na sa school na nag-date raw kayong dalawa, eh!" ani Carol.
"Tsaka, balita ko muntik daw kayong maghalikan buti at naabutan kayo ni Cruise kaya hindi natuloy," wika ni Rapha.
My eyes widened incredulously. "What?! No! My gosh!"
"Aba, aba! Marunong ka na niyan, ah! Ano 'yon? Dirty little secret?" Ngisi ni Carol.
Umiling ulit ako. "No—"
Lumapit si Carol sa akin. She touched the tip of my hair as she raked her eyes from my head to my toe. "Ingat ka, Miss Pres. Purong pasarap lang 'yang si Villegas. Baka masaktan ka pagkatapos niyang makapasok sa pants mo."
"What—"
"Babye na!" ani Rapha saka tumakbo na sila sa mahabang hallway.
Napailing ako. I don't know what they're saying. Hindi naman kami nag-date ni Villegas! And I will never date that guy!
"Definitely not!"
Nang mag-uwian na ay muli kong nilibot ang paaralan. Balik na naman ako sa pagiging President slash guard.
Soon as I went out of the gate, I saw Villegas walking towards his Ducati. Agad siyang naupo doon.
Kasabay naman noon ang pagdating ni Tatay Sancho. Our car stopped in front of me so I immediately opened the door and placed my bags inside.
But then my eyes went back to Villegas who's still lifting his helmet. Have I already said that he looks good on his Ducati?
I sighed. Tiningnan ko si Tatay Sancho. "'Tay, may kakausapin lang po ako. Wait for me po, ah."
Ngumiti siya saka tumango. "Sige. Ingat. Bilisan mo, 'nak. May dinner daw kayo mamaya ng mga magulang mo."
"Opo!"
I immediately ran towards where Villegas is. Pinaandar na niya ang motor niya kaya agad kong kinuha ang atensyon niya.
"Hey! Simour!" tawag ko.
Agad siyang napalingon sa akin. My eyes widened a bit when my heart hammered promptly and everything went in a slow motion.
All I could see is him sitting on his Ducati, wearing his black helmet with his long-sleeved polo, black ripped jeans, a gray t-shirt underneath and a white pair of shoes. And I couldn't help but notice his tousled bangs almost reaching his eyes.
"Ba't, Miss Pres?" he grinned.
I blinked. Napahawak ako sa dibdib ko saka napaiwas ng tingin. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Sobrang lakas pa rin ng kabog.
"May problema ba, Miss Press?" tanong niya ulit.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "H-Ha?"
Mahina siyang natawa saka pinatay ang motor niya. He then look at me again. "Sabi ko, may problema ba?"
I cleared my throat. "O-Oh. Uhm... I-I just want to thank you for giving back my book at the exact time that I needed it. Sobrang thank you."
His grin faded and was replaced by a soft smile making him more charming.
He nodded. "Wala 'yon. Your welcome."
I smiled a bit. "Uhm... I'll get going. Again, thank you... S-Simour. Bye."
Agad na nagmamadaling lumapit ako sa kotse namin saka napasagap ng hangin. I tapped my chest where my heart is located many times before I was able to breath normally.
What was that?
...
©️thorned_heartu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro