Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T W E N T Y - S E V E N

“That’s it, Irah! Alright! Good! Very nice! You nailed it!” wika ng photographer habang nagsho-shoot kami.

I am having a photoshoot for a fitness magazine. The theme is to wear a bikini and something revealing to show my body.

I smiled sweetly at the camera and do poses that Irah could only do. I bit my nail as I looked seductively at the camera while I’m kneeling and covered with a comforter. Magmumukha akong walang damit sa camera but I am really wearing a bikini underneath.

“That’s it! Great, Irah! Another fierce look, lady!” The photographer said and I obliged.

I lay my back on the bed still holding the comforter. Itinukod ko ang isang siko at itinaas ang kaliwang binti. Bahagya ko ring itinaas ang kumot hanggang hita ko. I looked fiercely at the camera as I tousled my blond hair. They just colored it so it would be erased afterwards.

“Great, great, great! Try to smile sweetly, Irah but don’t look at the camera as if it was stolen for a better view.” The photographer said.

I then smiled sweetly and looked above me as if I’m staring at something. Clicks and flashes of cameras were all over around me. Cheers from the staffs and my team could be heard inside.

“Great, Irah! Damn! You’re really are the Queen!” said the photographer and complimented me.

I smiled at him “Thank you, Rex.”

“Okay. Could you please help her get up and get dressed? Another outfit for the beautiful lady, please,” saad ng photographer.

I am aware about what he’s truly showing towards me. His words and compliments were really heart-touching and ego-boosting but I don’t know why I couldn’t feel any butterflies. Rex is a good guy, and I know it pretty well. I don’t want to hurt his feelings so I told him straight that I’m not into relationships yet. Which I’m so glad that he did understand.

“You did great, Irah!” Sunny said and hugged my waist.

I chuckled and put my arms on her shoulder. “Yeah, yeah. Of course I’m really going to believe you since you’re my friends. And of course you’re telling me that because I’m your friend.”

“Hey! Are you telling me that it’s favoritism?!” Tili niya na ikinatawa ko.

“Oh, I didn’t say that!” wika ko kaya bahagya niya akong hinampas sa braso ko.

“Hey, bitch! Don’t slap her on the arm, it might result into a bruise. I will really kill you,” saad ni Kelly kay Sunny saka bahagyang hinila ang buhok nito.

“Hey, you two, stop it. Irah needs to change already. Stop clinging around!” Therese said as she hold me on my arm and dragged me towards the dressing room.

“Hey, hey! Can I talk to Irah for a moment?” Napalingon ako nang magsalita si Luis.

“She has to finish changing, Luis,” Therese immediately answered.

“No, no. It’s fine. We will just talk for a moment,” wika ko sabay ngiti. Kahit na labag sa kalooban nila ay agad na lamang sila na tumango at ngumiti.

Agad kong hinarap si Luis at nginitian siya. “Yes?”

“You perfectly nailed it, Irah. A Queen, indeed,” wika niya na ikinatawa ko.

“Stop flattering me.” Biro ko saka humalukipkip at umiling-iling.

“I ain’t flattering you. I’m telling the truth. No wonder guys are flapping over the Queen,” he said and smirked.

I shook my head as I walked towards him glamorously. I jokingly ran my fingers on his chest down to his hard stomach.

“Stop teasing me, Luis. You don’t want seeing me provoked.” I kid around. He chuckled and placed his masculine arms on my waist and pulled me near him.

Wala lang sa akin ang ganoon niyang galawan. Nasanay na ako dahil sa tagal naming magkasama. Sabay-sabay naming hinaharap bawat issue na patungkol sa aming dalawa kaya siya’y naging isang malapit kong kaibigan.

He smirked. “I’m not. Are you provoked already?”

I laughed and pinched his waist making him jump. “Now, now, I have to get going and get dressed. The photographer might get mad.”

“Okay. Hurry up, I’m pretty excited to have our teamwork back,” he said and tapped my shoulder. I nodded and smiled and went inside the dressing room.

It has been three weeks after I left the Philippines and the break was over. Muli na naman akong naging busy dahil sa trabaho. Marami ang nag-offer sa akin ng mga projects and one of those is the fitness magazine. Luis and I are the ones doing the fitness magazine project.

For the weeks that had passed, I had been mourning for the pain. Walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa sakit. Walang araw na hindi ko naaalala si Ville. But due to the hectic schedule, I somehow managed to forget him for just an hour.

“Irah, hurry up!” Therese called me. Agad akong nagmadaling pumunta palapit sa kanya.

Walang paligoy-ligoy na ipinasok nila ako sa fitting room at agad na binihisan. Ako pa muna ang binihisan nila dahil ako pa ang sasalang. Si Luis ay mamaya na. May individual shoot kaming dalawa bago pa kami isalang na magkasama.

Nang matapos nila akong bihisan ay agad akong pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili ko. I am wearing a black and yellow striped one piece bikini paired with a black stiletto. May ipinasuot rin sila sa akin na isang tiger ears headband. My make-up was dark to compliment my seductive yet cute outfit.

I smiled at the mirror as I stared at my reflection. In front of everyone’s eyes and in front of the mirror, the smile pasted on my lips is visible. But those smiles couldn’t hide the pain that my eyes kept on telling.

I tried to smile once again as I touched my chest when I felt the extreme pain again.

“Damn this pain.” Bulong ko.

I felt a hand caressed my hair. It’s Ro. I looked at her through the mirror and smiled sadly.

“I know you’re in pain right now, Irah. But please don’t let the pain succumbed over you. Let me remind you of how huge your smile was back when you haven’t met that guy. You’re lips has always these smile that Irah could only do. Never let the pain affect your smile, Irah. Never let the pain affect what you have and what you can do now,” she whispered.

I stared sadly at her through the mirror. “You can’t take away the pain, Irah. The pain will always be there, hurting you, torturing you. But you know what? Pain is also an ally, Irah. Because it will never leave you. It’s always there. People shouldn’t blame pain for hurting them. Why? Does pain even know who you are? Pain was just the result of everything that the people have done towards you. So instead of treating it as an enemy and fighting against it, accept it instead.” She continued. I could feel my tears building up my eyes but I tried to dodge it.

She then continued once again. “As of now, enjoy everything that you do. Because through that, you can forget the guy who had caused you pain.”

I slowly nodded and wiped my invisible tears. “Thank you, Ro. Thank you,” I whispered and she nodded.

“Okay, hurry up. You have work to do,” she said softly.

Agad akong tumango at bumalik sa set. Agad na naming sinimulan ang pangalawang shoot. Kaya ibinigay ko na nang todo ang bawat galaw ko. Gaya ng sabi ni Ro, mag-enjoy ako.

Nang matapos ako ay si Luis naman ang isinunod. Agad siyang nagbihis at inayusan saka siya agad na sumalang.

Luis has a body that every guy would dream. He’s flawless and masculine enough for every women to die for. He’s way too approachable that girls flapped over him.

I crossed my arms on my chest and stared at him while he was on the shoot. He was topless and was only wearing a dark blue ripped jeans, with opened button and zipper, showing his Calvein Klein boxers and his v-shape. He was looking at the camera fiercely.

I admit, Luis is a handsome man. He has this undercut bad boy hair. Maganda rin ang katawan niya. He has six pack abs that are glistening. His biceps are really huge. Na kapag iipitin ka niya ay baka ikamatay mo.

Now, I wonder why I didn’t feel something romantic with this guy?

Nang napagawi ang tingin niya sa akin ay ngumisi siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. He smirked more and winked at me as he bit his lower lip and stared at me. He placed his hands inside his pockets.

Nang manatili siyang nakatitig sa akin ay inirapan ko siya. “What’s with the look?” I mouthed him.

He laughed and shook his head as he mouthed, “nothing”.

Ilang minuto rin nang paulit-ulit na isinalang si Luis. At nang matapos ay kami nang dalawa ang isinalang. Agad namang nagkantyawan ang mga staffs at mga team namin ni Luis na tinawanan lang namin.

Naka-jeans lang ulit si Luis at topless habang ako ay isang kulay pula na lingerie ang suot. It is a spaghetti strapped fitted night gown lingerie, complimenting my curves.

“Okay, Irah, kindly sit on Luis’s lap sideways,” Rex said and I obliged.

Naupo ako nang patagilid sa mga hita ni Luis at inilagay ang mga braso sa balikat niya upang kumuha ng suporta. Agad naman niyang hinawakan ang bewang at hita ko saka tinitigan ako.

Tinitigan ko siya pabalik at tinaasan ng kilay na ikinatawa niya. Kinabig niya ako palapit sa kanya dahilan nang mga tilian at sigawan sa likod namin.

“They said we look good together.” Bulong niya habang nakangisi.

Nginisian ko siya. “And so?” I whispered back.

“I might tell them that I’m your boyfriend.” He chuckled making me laugh.

“Shut up!” Asik ko at pabiro siyang hinampas sa dibdib.

He gripped my waist tighter but not that it would hurt me. Just enough for my body to went closer near his earning teases from the people.

Hindi na lamang namin sila pinansin at inayos na lamang ang shoot.

Nang matapos na kami ay marami ang  pumuri sa aming dalawa. We just answered them with a ‘thank you’ and a smile.

“Great job, Irah.” Puri ni Luis kaya tinanguan ko siya at nginitian.

“Great job, as well, Luis,” I said.

Agad akong nagbihis ng simpleng putting extra large green t-shirt at white short shorts. Ramdam ko ang kaginhawaan dahil sa suot. Excited na rin akong umuwi dahil tila ba tinatawag na ako ng kama ko.

Agad kong nilapitan sina Ro, Sunny, Kelly at Therese para magpaalam na uuwi na ako. But then something caught my attention. It was something that I badly doesn’t want to see. But then, unfortunately, I saw it.

“Hey, Therese, may I see that?” I asked Therese and pointed at the book that she’s holding.

“Yeah, sure. Here,” sagot niya saka inabot sa akin ang aklat.

Napatitig ako sa book cover ng aklat. It was me and… Ville. Ito yata ang novel na project namin last December ni Ville. It was in spanish language kaya alam kong ito iyon.

I read the title. It was entitled as “Heart in Caution”.

“Where did you get this?” I asked Therese.

“Oh, I bought it in the bookstore. Good thing is that I know how to read Spanish,” she answered.

I nodded and give the book back to her.

“Why?” she asked.

“Nothing. It’s just that... I’m kind of not comfortable with the book cover,” sagot ko.

She looked at the book cover and nodded. “Oh yeah. Of course. It’s you and that guy.”

“Yeah. Well, I have to go home. I’m tired and exhausted, I need rest.” Paalam ko saka matipid na ngumiti. Tumango na lamang siya.

Kahit na ramdam kong muli ang panumbalik ng sakit ay ipinagsawalang-bahala ko lamang ito saka tumuloy pauwi sa condo ko. Nang makauwi ako ay agad na akong nagpahinga. Masyado akong pagod sa hindi malamang dahilan.

Palagi naman akong ganito simula nang bumalik ako rito galing sa Pilipinas. Kapag uuwi ako galing sa trabaho ay ramdam ko palagi ang pagod. Pakiramdam ko ay palagi akong nauubusan ng lakas at pagtulog at pahinga lang ang gamot.

Blankong napatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Hindi rin naman ako gutom. Simula nang nakabalik ako ay halos hindi na ako nakakaramdam ng gutom. Hanggang sa ramdam ko na lamang ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at idinuyan ako sa malalim na pagkakatulog.

“M-Mahal na mahal kita, Nikki Irah Soletelle. Habang buhay kitang mamahalin.”

“M-Mahal na mahal kita, Nikki Irah Soletelle. Habang buhay kitang mamahalin.”

“M-Mahal na mahal kita, Nikki Irah Soletelle. Habang buhay kitang mamahalin.”

“M-Mahal na mahal kita, Nikki Irah Soletelle. Habang buhay kitang mamahalin.”

Nanlalaki ang mga matang bigla akong napabangon. Hingal na hingal ako na tila ba galing ako sa isang pagtakbo. Wala sa sariling pinunasan ko ang leeg at noo ko kaya napatingin ako sa mga kamay ko nang makitang basang-basa ito. Basang-basa ng pawis ko. Kinapa ko ang mukha ko at basang-basa rin… ngunit hindi ng pawis... kundi luha.

Napayakap ako sa mga tuhod ko saka isinubsob ang mukha dito. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Ang mga luha ko ay patuloy na lamang sa pagragasa.

“Binangungot na naman ako.” Bulong ko.

Palagi na lang. Sa tuwing matutulog ako ay siya ang laman ng panaginip ko na nagdadala sa akin sa mundo ng bangungot. Siya na lang palagi.

Ilang minuto akong umiiyak sa itaas ng kama ko habang yakap-yakap ang tuhod ko. Walang nagawang hinayaan ko na lamang ang sarili na ilabas ang sakit. Kahit ano pang pigil ko ay wala rin naman akong magagawa.

Nang mapagod ako sa kakaiyak ay agad kong inayos ang sarili ko. Nagtimpla ako ng gatas saka pumunta sa veranda. Naupo ako sa upuan doon at tinitigan ang kalangitan na ngayon ay madilim na. Kita na ang mga bituin.

I sighed and caressed my chest. Masakit pa, pero kaya na.

Habang nakatitig sa kawalan ay naisipan kong tawagan si Nivia. Minsan ay nangangamba ako na baka kapag sinagot na naman niya ang tawag ko ay baka umuungol na naman siya.

I dialed her phone number and she immediately answered.

“Hey, Niv.” Bati ko sa kanya.

“Oh, hey! Napatawag ka? May problema ba?” she asked.

I smiled and shook my head. “Binangungot na naman ako.” Bulong ko.

“Tsk. Sabi ko naman sayo magpahinga ka rin. Kaya ka binabangungot, eh kasi wala kang pahinga. Isinusubsob mo kasi masyado ang atensyon sa pagtatrabaho. Ayan tuloy,” wika niya.

Napabuntong hininga ako. “Iyon lang kasi ang paraan ko para kahit papaano ay mabawasan ko ang pag-iisip sa kanya. Tsaka, maayos naman ako. Hindi naman ako namatay dahil sa isang bangungot. Humihinga pa naman ako, eh.”

I heard her sighed and shook her head. “Tsk. Matigas rin talaga ang ulo mo, noh? Ewan ko lang talaga kung sino sa atin ang mas matigas ang ulo. Uminom ka ba ng gatas?”

“Oo. Umiinom na nga ako ngayon, eh.”

“Good. Para makatulog ka ng maayos. Huwag kang uminom ng sleeping pills ha? O kung anu-anong vitamins. Gatas na lang inumin para mas maayos kang makapagpahinga.”

“Hmm. Yes. Noted.”

“Okay. Wait... ano ba talaga ang kailangan mo, hmm? Ba’t ka napatawag?”

“Ewan ko. Hindi ko kasi aakalain na isang araw mapapagod ako sa modeling,” sagot ko saka tumitig sa madilim na kalangitan.

“What?!” nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko nang bigla siyang sumigaw sa kabilang linya.

“Pwede ba? Hindi mo kailangang sumigaw!” Asik ko.

“Gaga ka! Sinong hindi sisigaw? Eh, gulat na gulat ako! Akala ko ba naman habang buhay mong mamahalin ang modeling? Eh, bakit ngayon kung anu-ano na ang pinagsasabi mo? Teka nga, teka nga... don’t tell me nananaginip ka lang? Part ba ito ng bangungot mo? Sleep talking, ganoon?”

I sighed and shook my head as I rolled my eyes. “Gaga! Seryoso ako.”

Natahimik siya sa kabilang linya kaya bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko saka tiningnan kung naroroon pa siya. Nang makitang naroroon pa siya ay muli kong ibinalik ang cellphone sa tenga ko.

“Woy, nandiyan ka pa?” tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Okay, okay, okay. Makikinig ako, sabihin mo lahat.”

Napangiti ako ng tipid saka nagsimulang magsalita.

“Ewan ko. Habang tumatagal parang nakaramdam ako ng pagod sa industriya ng modeling. Well, yes, you’re right. Imposible sa akin na mapagod sa industriyang kinaroroonan ko. Pero, kasi, Niv… na-realize ko na nakakapagod pala siya. At saka... naisip ko na, gusto kong kumita ng pera nang hindi ginagamit ang ganda at katawan ko. Gusto kong sumubok ng bago.”

“Hmm. Anong bago naman iyang sinasabi mo?”

“You know that I’m a business woman, right?” wika ko saka ngumisi.

“Yeah. So?”

“I’ll pursue it. Sayang naman ang natapos ko kung di ko susubukan sa pagkakataong ito.”

“Hmm. ‘Kay. So, anong plano mo? Suportado naman kita, eh.”

“Magpapatayo ako ng bar.”

“Bar? Di pwedeng restaurant? Café?”

“Tsk. Ano ka ba? Mas gusto ko ang bar. Gusto ko nga na sumubok ng bago kaya bar ang napili ko.”

“Okay, okay. So, saan ka magsisimula?”

“Syempre, maghahanap muna ako ng mapagtatayuan ng bar. Tapos, mag-i-invite ako ng mga first costumers sa bar ko kapag naitayo ko na. Tapos, syempre, gagamitin ko ng kunti ang pagiging model ko para may pumunta sa bar ko. What do you think?”

“Well, business woman ka, eh. I trust you with that. I’ll let you be. If that’s what makes you happy, then go for it.”

I smiled. “Okay, okay. Pero, I think, magpapa-renovate na lang ako. Masyado pang marami ang gagastusin ko kung magpapatayo talaga ako ng sariling building.”

“Okay, go for it. Alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan. Galingan mo na lang. Suportado kita.”

“Okay, thank you! I love you!”

“I love you more!”

“Iyon lang talaga ang kailangan ko kaya ako tumawag. Kaya sige na, magpapaalam na ako. Bye,” I said.

“Okay. Bye. Good luck for it!”

The call ended.

Napangiti ako habang nakatitig sa kalangitan. Ramdam ko ang pagginhawa ng dibdib ko. Parang kanina lang ang bigat pero ngayon, maayos na.

Sana lang tama ang desisyon kong ito.

As soon as I was finished drinking my milk, I then put it back to the kitchen’s sink. Agad ko na rin itong hinugasan. Binuksan ko ang reef ko at may nakitang donuts doon kaya binitbit ko ito pabalik sa veranda ng kwarto ko.

Habang kumakain ay naisipan kong buksan ang instagram ko. I saw my friends posts there.

Phaebe, Harriet and Ayen were having fun on a farm full of flowers. A flower field.

Napabuga ako ng hangin saka nag-comment sa post ni Harriet.

Irah.S.

HarrietCruise where is this? Bakit nandyan kayo? Bakit di ako kasama?

HarrietCruise

Kasi nandyan ka sa California.

Irah.S.

I hate you, three! Bakit di niyo ako sinabihan?!

HarrietCruise

Akala kasi namin busy ka. Tsaka, pwede ka namang pumunta dito, eh. Iyon ay kung babalik ka dito sa Pilipinas.

Irah.S.

Argh! You’re right, busy ako. Pero babalik ako diyan. Tsaka pupunta ako diyan mag-isa sa flower field na iyan!

HarrietCruise

Let’s see, Nik. Let’s see.

“Pshh! Makikita ninyo! Pagbalik ko diyan sa Pilipinas hinding-hindi ko kayo iimbitahing sumama diyan! Bwesit talaga kayo! Pinagseselos ninyo ako, eh!” Asik ko habang nakanguso.

Nag-scroll na lamang ako nang may kumuha ng atensyon ko. It’s a picture of Ville and his pregnant... wife, I guess.

I stared sadly at the photo. I know that it was a stolen picture because the two were not looking directly at the camera. But I could see how happy they were in the picture. Ville was even holding the woman’s waist and womb... like a proud husband and man.

I felt my eyes tearing up kaya agad kong pinatay ang cellphone ko saka kinurap-kurap ang mga mata ko.

“Buti na lang at hindi tuluyang tumulo.” bulong ko.

Totoo naman. Mabuti na lang at hindi tuluyang tumulo. Hindi ko naman kailangang masaktan para sa kasiyahan ng iba. Kung masaya sila... edi dapat masaya rin ako.

“But first… I must move on.”

Things happened fast like a bomb. After I told Nivia about quitting the modeling, I also told my agency about it. But they told me to finish my contract with them first which I gladly obliged.

My schedules became more hectic because of modeling and my business. Nakahanap na rin ako ng pwesto na alam kong mas makikilala ang bar ko. The place was so nice and I felt like I was in a forest. Punong-puno ito ng mga punong-kahoy but the neighborhood was great and fun.

May isang abandonadong building doon ng dating restaurant kaya doon ko naisipang magsimula. I searched for the owner and made a negotiation with them. Kaso hindi na sila pumayag at ipinagbili na lamang ang lugar. Kaya agad ko na lamang na binili ito.

Of course, hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa ang magre-renovate ng buong building kaya nanghingi ako ng tulong. Nag-hire ako nang mga tutulong sa akin sa pagta-trabaho. Even Luis volunteered to help the moment he knew about my bar. Syempre, mawawala ba naman sina Sunny, Therese, Kelly at Ro? Edi, naroroon din sila at tumulong.

Malayo sa condo ko ang pinapatayo ko na bar kaya naisipan kong manatili na lamang muna sa bar para hindi na ako pabalik-balik pa. Nag-file rin kasi ako ng leave muna sa agency para maasikaso ang bar ko. Akala ko noong una ay hindi sila papayag pero sobrang tuwa ko nang pumayag sila. Basta raw babawi lang ako at tatapusin ang kontrata ay walang problema.

The building was three-floored building kaya naisipan kong sa pinakahuling floor doon ko ilalagay ang kwarto ko at opisina ko. Sa pangalawa at pinakauna ang bar.

Maraming renovation ang naganap sa loob ng bar ko. I painted the inside and the outside with white, red and gold. I even posted the renovating online so that my fans would see it. And yeah, fifteen million people saw my post and even commented there, asking where the place is, or when would be the opening. Kaya mas lalo akong na-excite.

After the renovation, I could finally see the success of my bar. Maayos na lahat ang mga kagamitan sa loob pati na ang mga inumin at pagkain. Yes, I also decided to put foods on the menu para may pulutan. Masarap ang alak kapag may pulutan, diba?

I then hired workers in my bar and many applied. It is because I allow people to be hired even though they didn’t graduated. As long as they’re passionate with their work, then so be it.

After 5 months of sweat and blood, I finally opened my bar. Sobrang tuwa ko nang marami ang pumunta sa bar. Halos punuan pa nga and I could call it as a great success. A great great success. My co-models, directors and even photographers went there to celebrate my new opened business. I was so happy. Sobrang saya ko. Even my friends congratulated me on a video chat for having a successful business.

I smiled sweetly at the skies full of stars while I was on the veranda. I was sipping a milk and I felt so light. Ang sarap sa pakiramdam.

Biglang nag-ring ang cellphone ko sign na may tumatawag. Agad ko itong sinagot.

“Hello? Irah Soletelle speaking.” Masigla kong wika.

“Irah, are you finally free from your hectic schedule? The directors and photographers are now asking me if you're perhaps coming back, already?” Ro asked.

“Hmm. Are they demanding now?” I asked softly.

“I don’t know, but, I guess so. They keep asking me after your bar’s opening,” she answered.

I breathed out and nodded. “Okay, okay. Tell them that I’ll be coming back to work.”

“Alright, when are you coming back?”

“As of now, I actually don’t know. Just kindly ask them please. And if they’ll said that I’m going to start tomorrow then I’ll start.”

“Okay. I’ll tell them.”

“Alright. Thank you, Ro.”

“Hmm-hm, bye.”

Ngumiti akong muli sa kawalan bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Agad akong tumalon sa kama ko saka nagpa-gulong-gulong doon. Sa hindi malamang dahilan ay sobrang natutuwa ako. Sobrang saya ko.

I stared at the ceiling with a huge smile on my face. Then a memory flashed back in my mind.

Ville.

How’s he now? Lumipas na ang anim na buwan at wala na akong balita sa kanya at sa pamilya niya. Siguro masaya na siya ngayon… gaya nang kung gaano ako kasaya ngayon.

Kinapa ko ang puso ko. Wala na ang dating sakit na nararamdaman ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang kabog nito sa bigkas lamang ng pangalan niya. Siguro nga… siguro nga nakalimutan ko na ang sakit. Pero, ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi pa. At iyon ang susunod kong tatapusin.

Napabuntong hininga ako saka naisipan kong matulog na lamang. Mabuti na rin at dinalaw ako agad ng antok.

Naggising ako nang makaramdam ako ng gutom at uhaw. Kumurap-kurap ako at tiningnan ang wall clock to see that it was already 1:00 in the morning.

I yawned and went out of my room. Sa paglabas ko sa kwarto ay unang bubungad ang opisina ko. Sa paglabas naman sa opisina ay ang living room ko at sa kabilang-gilid ay ang kusina ko. Malawak ang building kaya malawak ang kinaroroonan ko.

Lumapit agad ako sa reef at kumuha ng pagkain doon at inumin.

“Sarap!”

Muli ay pumasok ako sa kwarto ko at tumungo sa veranda. Napansin ko rin nitong mga nakalipas na buwan ay bumalik na ang gana ko sa pagkain. Palagi na akong nagugutom kaya kahit na nasa kalagitnaan na nang gabi ay nagugutom pa rin ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang bigla akong nakarinig ng palayaw na iyak ng isang sanggol. Napaigtad ako at nakaramdam ako ng malakas na kaba.

“Putangina, wala naman sigurong multo rito, noh?!” Kinakabahan kong wika saka dali-daling pumasok sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto sa veranda saka kahit puno ng pagkain ang bibig ay nahiga na ako sa kama at nagtalukbong.

Rinig ko ang munting tinig ng sanggol na patuloy pa rin sa pag-iyak. Tila ba nagugutom ito, o kaya hinahanap ang nanay niya. Bigla ay nakaramdam ako ng konsensya.

“Pa-Paano pala kung h-hindi iyon tiyanak?” Bulong ko. Pag-uusap ko sa sarili ko.

“Paano pala kung totoong sanggol iyon?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa sarili ko.

Kahit na malakas ang kabog ng dibdib ko ay dahan-dahan akong bumangon saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa first floor at mas lalong lumakas ang palahayaw ng iyak ng bata.

Ramdam kong tila naiiyak na ako sa takot at kaba ngunit nagpatuloy pa rin ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa bungad ng bar ko saka sumilip at hinanap ang bata.

“J-Jusko! W-Wala namang bata!” Naiiyak kong sabi habang hinahanap ng mga mata ko ang bata.

Patuloy kong hinahanap ang pinagmumulan ng boses ng bata nang napatigil ako sa box na nasa tabi ng basurahan. Luminga-linga ako sa paligid hinahanap kung may nanonood ba sa akin.

“J-Jusko!” I breathed out and slowly went near the box.

Ngayon ay dinig na dinig ko na ang iyak ng bata. Kahit tumutulo na ang luha at pawis ko, kahit na naghahalo na ang luha at pawis ko ay dahan-dahan kong binuksan ang box. Kita ko ang panginginig ng mga kamay ko.

“P-Putanginang buhay ito! H-Hindi naman siguro m-multo ang batang ito, diba? J-Jusko!” Naiiyak kong wika saka napasigaw ako nang tuluyan ko nang mabuksan ang box.

Hinihintay ko ang pagdapo ng matutulis na pangil na gaya nang sa mga tiyanak habang nananatili akong nagsisigaw. Ngunit nang wala akong maramdaman ay napatigil ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko saka tiningnan ang bata na nasa box.

Nawala ang kaba ko nang makitang umiiyak talaga ito at isang manipis na tela lang ang nakapalibot sa katawan nito. Ang mapula nitong labi ay nakanguso na tila ba nagsusumbong sa akin.

“Hey, Miss Irah! Something’s wrong?! Why were you shouting?” Napalingon ako nang marinig ko na may papalapit sa akin at tila ba nag-aalala.

“Oh, did I bothered you? Oh my God! I’m so sorry! I was just really terrified and horrified with the cry of this baby. I-I though he was a... a m-monster.” Awkward kong sabi at napatango-tango naman ang mag-asawa sa akin.

“’Kay?” wika ng babae.

“Uh.. d-do you perhaps know the kid’s parents, Mr. and Mrs. George?” I asked.

They both shook their heads and went near the kid. She picked up the kid and placed it in her arms.

“The kid needs his mother’s warmth,” Mrs. George said.

“Oh... okay. So, who’s his mother? And how did you know that he’s a he?” tanong ko.

She smiled and laughed. “He has a penis, that’s why.” Tawa niya.

“Oh! Of course!” Awkward kong sabi.

“Uhm... I’m... going back to sleep?” 'Di ko sure na paalam sa kanila.

The two looked at me and at the kid.

“What about the kid?” Mr. George asked.

“What about the kid?” Taka kong tanong.

“We couldn’t take care of him. We’re old, Miss Irah,” Mrs. George said.

I nodded. “So?”

“So, you take care of the kid,” Mr. George answered.

“M-Me? B-But I don’t know how to take care of a kid!” de6pensa ko.

“Well...” The couples said.

“O-Okay... let me have the kid.” Walang choice kong sabi.

Dahan-dahang inilagay ni Mrs. George ang bata sa braso ko at napapikit ako ng mariin nang lumapat na sa braso ko ang malambot nitong katawan.

“You’ll be a great guardian to the kid, Miss Irah,” Mrs. George said.

“I-I don’t think so.” Kinakabahan kong sabi.

“See? The baby stopped crying,” Mr. George said.

I slowly opened my eyes to see the kid sleeping peacefully. Hindi na nga ito umiiyak at natutulog na ito… sa bisig ko.

Ramdam ko na tila maiiyak ako sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na may anghel na natutulog sa bisig mo. Ang gaan at nakakaginhawa.

“See?” Mr. George said and he suddenly coughed so Mrs. George caressed her husband’s back.

“We have to go, Miss Irah. My husband might get sick due to the cold. I know you can keep an eye on the kid pretty well, Miss Irah. Or if you don’t want, just ask for help to the authority,” she said and I nodded.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay napatitig ako sa batang nasa mga braso ko. Malalim na ang paghinga nito na tila ba tulog na tulog na.

Matangos ang ilong nito at maputi. Ang kilay nito ay halatang makapal kapag lumaki na at mahahaba ang pilit-mata. Ang labi nito ay manipis at mapula. At mataba ang pisngi nito. Ang taba-taba.

Bigla akong nakaramdam ng lamig kaya kahit kinakabahan sa paghawak sa bata ay agad na akong pumasok. Dumeretso ako sa kwarto ko at dahan-dahan siyang ibinaba sa malambot at mainit kong kama. Binalutan ko siya ng kumot at nilagyan ng unan bawat gilid dahil wala pa naman siyang damit.

Napatitig ako dito saka tinawagan si Nivia. Matagal bago nito ito sinagot dahil baka malalim na ang tulog pero sumagot din naman.

“H-Hello, Nik? Jusko! Gabing-gabi na, nambubulabog ka pa!” Reklamo nito.

“Sorry na. Kasi, emergency, eh!”

“Ha?! Bakit?! Anong nangyari?!”

“K-Kasi may natagpuan akong bata sa harap ng bar ko. K-Kaso hindi ko alam kung paano ito aalagaan, eh!”

“Ha?! Kaninong bata naman iyan?”

“Aba, malay ko! Tangina ka!”

“Edi, lumapit ka muna sa pinakamalapit na munisipyo diyan tapos magtanong ka. Kapag walang nag-claim, edi ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo sa bata,” wika niya.

Napatango naman ako. “Okay. Sige. Bye.”

Agad kong pinatay ang tawag saka tinawagan ang landline ng munisipyo. Agad naman itong sinagot.

“Hello? This is Congressman Adobe’s secretary speaking. How may I help you?” sagot ng tinig ng babae.

“Uhm... I saw a baby boy in front of my bar and I wanted to ask if you could trace whoever the parents of this kid?” Agad na sabi ko.

“Oh? A baby? Who is this please?”

“Irah Soletelle.”

“Oh, hey, Miss Irah! Okay, I’ll tell the Congressman about this,” she said.

“Okay. Thanks.”

The call ended.

Napatingin ako sa bata na tulog na tulog sa kama ko. Hindi ko alam ang unang gagawin.

Paano kung magutom siya?

Napatingin ako sa dibdib ko saka sinapo ito. “W-Wala akong gatas, eh.”

Napaisip ako kung may bukas pa kayang grocery store o kaya mall sa oras na ito? O kung saan kaya binibili ang mga kagamitan at pagkain ng isang sanggol?

“Saan nga ba?” Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

Walang nagawang tumabi na lamang ako sa bata saka tinitigan ito. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa magkahalong antok, kaba, inis at iba pa.

Thorn:

THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro