Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T W E N T Y - N I N E

Three years passed way too fast. Things happened like a speed of lightning that I couldn’t even keep up. Everything became a bizarre to me. But even after the turmoil and havocs that has happened I still felt so beguiled and enchanted to continue what I’ve started.

Nicco is finally a three years old chubby baby boy. Mas nagiging maligalig na siya ngayong lumalaki na siya ngunit hindi naman masyadong makulit. He’s still that behave baby boy. May mga araw lang talaga na nagiging matigas ang ulo niya.

I could never forget those moments that I saw him started his first times. Mula sa una niyang pagtawa na siyang iniyakan ko ng sobra noon. Hanggang sa unang pagdapa niya at pagtayo. Pati na sa unang salitang lumabas sa bibig niya, “Mom-Mom”. Hanggang sa unang pagkakataon na nakapaglakad siya at sa pagtakbo niya. Those things made me so determined to continue the life that I wanted to give him.

“No!” napalingon ako sa may bungad ng elevator sa bar ko nang marinig ang boses ni Nicco.

Sa tres nitong edad ay marunong na siyang maglabas-pasok sa bahay namin at sa bar. Marunong na rin siyang pumindot sa elevator. Iyon nga lang ay hindi ko siya hinahayaan dahil baka mapaano siya. O baka may masamang loob na magplano ng masama sa kanya.

But Nicco is quite stubborn sometimes that everytime I remind him about not going out from the house without me, he would do the contrary. Gaya ngayon. Kasasabi ko lang sa kanya na wag lumabas dahil saglit lang ako at may titingnan lang. Kakaalis ko lang din mula sa itaas at ito na siya, nakasunod na naman sa akin.

Taka ko siyang pinanood nang naglakad siya papalapit sa akin. Masama ang timpla ng mukha nito saka nakahalukipkip. He’s wearing a baby green pajamas with his favorite circle-lense eyeglasses. His shoes is pikachu, his favorite pokemon.

“Baby? What are you doing here? I told you to stay inside, remember?” salubong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin.

Nakangusong tumingin siya sa akin at nanatili pa ring nakahalukipkip. “I weally hate guys out hew,” bulol niyang sabi.

Binuhat ko siya. “Why? What did they do? Did they tease you again?” I asked.

Umiling ito. “No. But they told me that thew’we going to couwt you. I hate them. I told them that you’we not available but they wouldn’t believe me. I told you to find my Dad-dad alweady but you wouldn’t listen to me! I’m pwetty suwe that they would stop bugging you again if you’ll have my Dad-dad,” himutok niya.

Natawa ako saka napailing. Simula kasi ng lumaki ito ay inaasar na ito ng mga nagtatrabaho sa bar ko. Trip lang talaga nilang asarin si Nicco. At ang bata naman ay naniniwala sa mga pang-aasar sa kanya.

“Tsk. Binibiro ka lang nila. Naniwala ka naman,” natatawa kong sabi.

“Hmp! Look at you! You wouldn’t believe me!” himutok nito saka mas lalong ngumuso.

Mas lalo akong natawa saka pumasok kami sa loob ng counter. “Wag mo munang ibahin ang usapan. Bakit ka lumabas, ha? I told you to stay inside, right?” sumbat ko.

“I didn’t say yes,” katwiran niya.

Napatanga ako. “Ikaw, ha? Namimilosopo ka na?” may banta kong sabi pero ngumuso lang siya.

Iniyakap niya ang mga maliliit na braso sa leeg ko saka isiniksik ang mukha sa leeg ko. “I’m just telling the truth,” bulong niya.

Nailing na lamang ako. “Okay, okay. Stay here for a moment. May aasikasuhin lang ako. Be a good boy, ‘kay?”

Tumango ito ngunit hindi naman humiwalay sa pagkakayakap sa leeg ko. Marahan kong tinanggal ang mga braso niya at nakita kong nakanguso siya. “Stay here, okay? Dito lang din naman ako. May titingnan lang ako.”

Nakanguso itong tumango. Pinaupo ko na lamang siya upuan sa loob ng island counter paharap sa mga customers. Habang ako naman ay nagsimulang magbasa sa mga sales namin sa loob ng isang buwan.

The bar became very popular all over California months after I opened it. The bar doesn’t have some wild people inside like the usual bar. We doesn’t let anyone come in without a proper identification. Also, we only allowed people to drink here with moderation. Foods are all over the place.

Sa nakalipas na tatlong taon ay nadagdagan ko ng dalawa pang palapag ang gusali ng bar ko. So, as I decided to grow the bar, I also build a bar for kids. The branch is still inside the building. Nasa pinakaunang palapag. The foods are of course for kids as well as the drinks. There were toys all over that kids would totally love.

Kasalukuyan akong nagbabasa nang biglang may humalik sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil masyado akong focus sa binabasa. Nilingon ko ito saka tinampal sa matigas nitong dibdib na ikinatawa nito.

“You startled me!” asik ko na ikinatawa nito.

“You were just too focused. What’s that?” he asked and pointed at the papers that I’m holding.

He placed his huge masculine arms around my waist. Saka ipinatong ang baba sa balikat ko. He’s always been like that since I retired from modeling. Hindi ko alam kung ano ang ipinapakita niya basta ang alam ko ay magkaibigan kaming dalawa. Naging malapit na rin siya kay Nicco. Nicco even calls him Dada.

“Why don’t we go out sometime? You’ve been so busy that you almost forgot to enjoy,” he said and caressed my waist.

I shook my head and chuckled. “How could I forget to enjoy, Luis, when everything that I’m doing is my passion? You know, if you love what you’re doing, no matter how it would make your schedule hectic, you would still enjoy,” wika ko.

He nodded. “Alright, alright. I’m just trying my luck,” he chuckled.

“Tsk. Next time, try harder,” I chuckled.

“Dada!” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Nicco na tinatawag si Luis.

“Hey there, buddy!” wika naman ni Luis saka agad na lumapit dito.

Agad niya itong binuhat, habang si Nicco ay nagkukunyapit naman sa leeg niya. They’re bestfriends, that’s what they told me.

“Want to go out with me?” asked Luis.

“Where?” Nicco asked curiously.

“Anywhere you wanted. Where do you want to go?” Luis said.

“Really?! Anywhere?! I want to eat!” masayang wika ni Nicco na ikinangiti ko.

Luis pinched Nicco’s chubby cheeks making Nicco frown. “Anywhere. Ask your Mom-mom, first,” wika ni Luis.

“Mom-mom, I’m hungry. We need to go out, now,” nakanguso niyang sabi na ikinailing ko.

“Sige, mamaya kapag natapos na ako rito. Sa ngayon, behave ka muna diyan ,ha,” saad ko saka nginitian siya.

Agad naman siyang tumango saka nakipaglaro na kay Luis. They’re pretty close to each other, no wonder why Nicco find Luis as a father. A lot of people even thought that Nicco was mine and Luis’s son. Kumalap na ang balitang iyan sa buong California at hindi ko alam kung pati sa Pilipinas ay nakarating na rin ang balita. However, we remained silent.

Bumuntong hininga ako saka muli na lamang na ibinalik ang atensyon sa binabasa ko. Nakakatuwa at habang patagal ng patagal ay mas lalo ring dumadami ang mga customers sa bar ko. We were even featured in some magazines.

Kasalukuyan akong nagbabasa nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ay kinuha ko ito mula sa bulsa ko saka tinignan ang caller ID. It was Nivia.

“Hello, Niv? Napatawag ka?” tanong ko.

“Hey. Nandito ako sa Pilipinas. Pinauwi ako ni Dad noong nakaraang Linggo lang. They told me first because they knew that you were busy. Pero, inutusan nila ako na tawagan ka ngayon,” saad niya.

Kumunot ang noo ko. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko ito inaasahan. Ang biglang pagtawag sa akin ni Nivia para sa kadahilanang nagpapanginig ng kalamnan ko. At ang pagbanggit niya sa salitang “Pilipinas”.

“Bakit daw? Alam nila na busy ako. Tsaka alam din naman nila na masyadong malaki ang inaasikaso ko rito sa California. At magsisimula na ako ng panibagong business sa New York next week. Magpapatayo na ako doon ng bar. Kaya kung ano na naman ang nais nila ay sabihin mo na hindi ako makakapayag,” wika ko na nakakunot ang noo.

Sumandal ako sa counter saka humalukipkip. Biglang nagbago ang kaninang masayahin at magaang atmosphere.

“When did you start growing a business at New York?”

“Matagal na. Pumunta-punta na ako doon since last year. Ngayon lang ako nagkaroon ng tsansa na magpatayo na dahil ngayon lang ako free,” sagot ko.

Last year, I also went to New York together with Nicco and Luis to visit the place where I planned to build another bar. The place is very suitable for my business. Paulit-ulit akong bumibisita doon dahil under construction pa noon ang lugar. At medyo natagalan ang process sa pagbili ko ng lote dahil hindi nakikipag-meet sa akin ang attorney ng may-ari.

“Pero kailangan mo talagang umuwi. Nakiusap si Dad sa akin na pauwiin ka na,” Nivia said.

I sighed. “Ano ba kasing rason nila at pinapauwi na nila ako? Parang dati lang pinagtatabuyan nila tayo dahil sa pagiging mga walang modong mga anak, diba? Tapos ngayon pauuwiin na naman tayo gaya ng dati?” asik ko.

“Mom is sick.”

Napatigil ako sa narinig. Mas lalong kumunot ang noo ko. “What?”

Napatayo ako ng maayos ng magsimula na siyang magsalita. “The doctor said that she has a heart disease. May butas daw ang puso ni Mom. We were currently searching for a donor pero habang wala pa ay gusto ka niyang pauwiin.”

Napapikit ako ng mariin. “Are you sure na hindi iyan scam? Alam mo naman ang mga magulang natin, diba? Magaling magtago. Magaling umarte,” asik ko.

I heard her sighed on the other line. “If she wasn’t sick, I’m sure I wouldn’t come here in the Philippines.”

Napayuko ako saka inis na napanguso. Dahan-dahan akong napatango. “Okay. Okay, uuwi ako diyan. Sabihin mo na lang na maghintay muna sila ng ilang araw. Aayusin ko muna ang negosyo ko rito bago ako uuwi diyan.”

“Okay. Take care. I love you,” she said.

I smiled. “I love you too.”

The call ended.

Stress na napakamot ako sa kilay ko nang dahil sa biglaan na balita. Hindi ko naman inaasahan na sa kabila ng pagiging maldita ni Mom ay magkakasakit siya sa puso. Hindi rin naman pwedeng ipag-kaila ko lang na may sakit siya dahil hindi uuwi si Nivia kung hindi iyon totoo. At kahit naman, masama ang mga pinagdaanan namin ni Nivia sa kamay nila noong mga bata pa lamang kami ay hindi ko naman maitatago ang katotohanang mga magulang ko sila.

... at may natitira pang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila ang puso ko.

Hinanap ng mga mata ko sina Luis at Nicco. Naglalaro ang mga ito sa isa sa mga table. Agad ko silang nilapitan.

“Oh, hey. Are you done reading?” Luis asked.

I smiled timidly. “No.”

His forehead creased. “Why? Is something wrong? I know something is off with you.”

Kinuha ko mula sa kanya si Nicco saka binuhat ito. Agad namang yumakap sa leeg ko ang bata kaya hinaplos ko ang likod nito.

“I’m going back to the Philippines,” I said.

“Oh, I see. Then why do you look so gloomy?” Luis asked.

“I’m not just ready to go back to the Philippines yet. I’m also kind of worried for my business,” wika ko.

“You don’t have to. I filed a break and if you would agree I’ll look after your business while you’re away. What do you think?” saad niya.

Marahan naman akong napangiti. “Are you sure that it’s fine?” I asked and he nodded with an assuring smile.

“Don’t worry. I know how to handle a business. Remember, my parents are both business entrepreneurs,” sabi niya na ikinangiti ko.

“It’s not what I’m worried about. I’m worried of going back to the Philippines. I felt like something not good is going to happen.”

“Then don’t go,” wika niya.

Napailing ako. “I have to. My mother was sick. She asked me and my twin to go home.”

He nodded. “So you’re going?”

“Yes. Besides, I have you to take care of my business. You’re the only one I could trust here, Luis. Ro, Therese, Sunny and Kelly were having their own lives now and I don’t want to be a burden to them. So, thank you so much,” I said.

He smiled as he lift his hand to hold my hand. “Don’t think about it. Just get ready for your flight. That’s what you have to do.”

Napangiti ako saka agad na tumango. “You’re right. Thank you.”

“Buddy, come here and say your goodbyes to Dada. Come on,” pag-aagaw ni Luis sa pansin ni Nicco na nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Agad naman itong umayos at tinaas ang mga matatambok ngunit maliliit na braso at nagpabuhat kay Luis. Agad nitong hinalikan si Luis sa pisngi.

“Bye, Dada,” saad nito.

“Bye, Buddy. Come back here, as soon as possible, okay? Dada’s surely going to miss you,” Luis said and kissed Nicco’s cheeks.

“We will!” Nicco answered. “Promise me that you’ll buy me a new pikachu when I get back home, Dada!” hirit pa niya na ikinatawa ko.

Luis laughed as well and jokingly bit Nicco’s cheek. “I promise.”

“Okay, Dada! Love you!” wika ni Nicco.

“Dada loves you more, buddy,” Luis said softly.

“Luis, we have to go. Bye,” I said as I kissed his cheek.

“Bye,” he answered and kissed my cheek as well at may pahabol pang halik kay Nicco.

Agad na kaming pumasok ni Nicco sa elevator papunta sa fifth floor. Ihahanda ko na ang mga kailanganin namin para hindi na kami mabitin sa oras. Hindi pa naman ngayon ang alis namin pabalik sa Pilipinas ngunit mga ilang araw din ay aalis na kami. Mas mabuti nang handa.

“Mom-mom, where we going?” Nicco innocently asked.

I chuckled. “Akala ko alam mo na kasi may pa babye ka pa sa Dada mo. Iyon pala ay hindi mo pa alam. Ikaw talaga,” natatawa kong sabi saka pinisil ang pisngi niya.

“Awe we going outside to eat?” tanong niya.

Mas lalo akong natawa. “Ikaw talaga kapag pagkain ang laki ng tenga mo. Hindi. We’re going to the Philippines.”

“Philippines?”

“Yes. In the Philippines. You’ll meet your grandma and grandpa there. You’ll also meet Mom-mom’s best friends. I’m sure that they’ll spoil you if they’ll meet you.”

“They’re going to buy me pikachu?” he asked and I chuckled.

“Yes, they will. Pero syempre, kailangan mong mag-behave. Dahil hindi ka nila bibilhan kapag di ka behave,” wika ko.

He politely nodded. “I will behave, Mom-mom!”

“Very good,” ngiti ko.

Nang mag-ingay ang elevator senyales na naririto na kami sa fifth floor ay agad na kaming lumabas. Sa paglabas sa elevator ay agad na bubungad sa paningin mo ang malaking glass door ng tinitirhan namin ni Nicco. Kitang-kita ang loob lalong-lalo na ang living room. The glass wall compliments the cleanliness of the inside. Marami rin akong nilagay na mga halamang hindi namumulaklak kaya mas lalong maganda tingnan ang bahay.

Sa kaliwang bahagi ay nagsisilbing hallway patungo sa veranda. Malawak ito at punong-puno ng mga upuan at mga halaman. Sinadya kong ilagay ang veranda at sinadya kong palakihin para kung may gustong tumingin sa view ng paligid ay pwede silang manatili roon. Sa kanang bahagi naman ng hallway ay ang comfort rooms.

Nang tuluyan na kaming makapasok ni Nicco sa bahay ay agad ko na siyang binaba. He excitedly went near his pikachu sofa and sat there as he hugged his pikachu pillows. Agad niyang pinulot ang remote at ni-on ang TV, saka inilipat sa YouTube at doon nanood ng pokemon.

“Stay there, baby, ‘kay? Aakyat lang ako sa itaas at aayusin ang mga gamit natin. Manood ka lang diyan, okay?” wika ko sa nakatalikod na si Nicco.

“Yes po, Mom-mom,” sagot niya.

Agad na akong umakyat sa kwarto namin at iniwan sa living room si Nicco. Kampante naman kasi ako na hindi siya lalabas dahil ako lang naman ang dahilan kaya siya lumalabas ng bahay. Isa pa, auto lock ang bahay kaya walang sinumang makakapasok maliban sa amin. May recognition lock ito at ako lamang at si Nicco ang maaaring pumasok. Hindi rin naman basta-basta ang glass wall.

Nang makapasok ako ay agad akong kumuha ng dalawang maleta. Bawat maleta ay maliliit lang. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa ay inilagay na ang mga damit at iba pang kagamitan na kakailangan namin sa pag-uwi namin sa Pinas.

Nang matapos ako ay tinawagan ko si Rylie, ang secretary ko. She’s half french and half filipina.

“Yes, hello, Miss Irah?”

“Hi, Rylie. Pakisuyo naman, oh. Paki-book ako ng flight pabalik sa Pilipinas. Pati si Nicco. Just tell me kung kailan kami makakaalis, ha?” saad ko.

“Noted, Miss Irah. Sige po,” sagot niya kaya napangiti ako.

“Okay, sige. Bye. Ingat,” saad ko.

“Kayo rin po.”

The call ended.

Kakababa ko lang ng cellphone ko nang biglang pumasok sa kwarto si Nicco kaya taka ko siyang tiningnan. Nakanguso ito habang naglalakad.

“Why, baby?” tanong ko.

“Mom-mom, did you packed my pikachu, too?” nakanguso niyang tanong habang nakatitig sa maleta.

Ngumiti ako saka napatampal sa noo. Naalala ko na ayaw niya palang maiwan ang isang pikachu niya na palagi niyang yakap-yakap sa pagtulog niya. Muntik ko nang makalimutan.

“Wait, baby. Muntik ko nang makalimutan mabuti at ipinaalala mo sa akin. Kung hindi ay baka dumating na tayo sa Pinas tapos iyak ka ng iyak. Baka, makauwi pa tayo dito sa California nang wala sa oras,” natatawa kong sabi.

Agad kong pinulot ang pikachu stuff toy na sinasabi niya na nakalagay sa tabi ng unan sa kama. Saka agad kong ipinasok sa maleta niya.

“There. Are we good?” nakangiting tanong ko sa kanya.

He smiled and nodded immediately. “I’m going downstairs, Mom-mom. Bye!” saad niya saka inosenteng naglakad paalis sa kwarto.

Three days passes and we will finally going to the Philippines. Bitbit ang dalawang maleta ay pinahawak ko naman sa laylayan ng damit ko si Nicco. Ilang minuto kaming maaga ngunit agad rin namang tinawag ang flight namin kaya agad na kaming tumungo.

Until I haven’t noticed that we finally arrived at the Philippine Airport. The moment I stepped out the airplane I felt the bits of nostalgia. However, I still managed to breathed in and breathed out to clear the heaviness within me. I would be very hypocrite if I’d say that I didn’t feel any nervousness right now.

Due to the nerve-wracking beat of my heart, I suddenly became observant with everything around me. I felt like I was being watched when in fact I wasn’t. Tsk. Kakaiba na ito.

Hinawakan ko ang kamay ni Nicco saka pinahawak sa laylayan ng damit ko.

“Baby, hold on tight, okay?” wika ko na agad naman niyang tinanguan saka hinigpitan ang pagkakahawak sa damit ko.

Agad kong hinila ang maleta namin saka naglakad na. Nang makapasok kami sa terminal ay naghanap ako ng mauupuan saka naupo na muna kami roon.

Susunduin kami ni Nivia kaya hihintayin namin siya. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi niya kasama si Ino ngayon. Iyon ang sabi niya, eh. Na mag-isa lang siya.

These past few months, I felt like something is off with Nivia but she doesn’t wanted someone to know. I know here pretty well. If she doesn’t want people to know something that’s happening to her she would definitely not going to tell them no matter how hard and heavy it is for her.

Gusto ko man siyang tanungin ay natatakot ako. Wala akong lakas na magtanong dahil baka ano ang mangyari sa kanya. But, it wouldn’t hurt if I’ll try, right?

Ilang minuto pa kaming nakaupo roon habang kandong ko si Nicco nang makarinig kami ng sumisigaw ng taho.

“Mom-mom, what was that?” Nicco asked innocently.

“That was the taho vendor,” sagot ko.

“What’s taho, Mom-mom?” he asked.

“It’s some kind of food or snack here in the Philippines. Teka, bumili tayo para matikman mo,” wika ko saka binuhat siya at iniwan muna saglit ang maleta sa gilid. Wala naman sigurong kukuha.

“Kuya! Kuya, pabili po!” tawag ko sa nagtitinda ng taho.

“10 pesos lang ang malaking baso, Ma’am. 5 naman ang maliit,” wika ni Kuya nang makalapit sa amin.

“Ah, iyong tag-10, Kuya. Dalawa po,” sagot ko saka nag-abot ng bente pesos sa kanya.

Agad naman niya itong kinuha saka nagsandok na ng taho sa dalawang plastic cups saka iniabot sa amin. Tinanggap ko naman ito saka nagpasalamat.

“Thank you po. Baby, say thank you,” saad ko kay Nicco.

“Thank you po,” wika naman ni Nicco na ikinangiti ko.

“Walang anuman, Ma’am, hijo. Ke-gwapong bata naman nito,” puri ni Kuya na ikinatawa ko.

“Oh, gwapo ka raw. Anong sasabihin mo?” malawak ang ngiting tanong ko kay Nicco.

Nicco smiled cheekily. “Thank you po. I know right po,” sabi niya na ikinatawa ko at ng nagtitinda ng taho.

“Sige po, Kuya, mauuna na kami,” paalam ko na agad naman niyang tinanguan at umalis na rin.

“Okay, tara. Balik na tayo doon para makakain na natin ito,” I said.

Nang makaupo na kami sa upuan na iniwan namin ay pinakandong ko siyang muli sa akin.

“Oh, hawakan mo ng maayos, ha. Baka maibagsak mo, sayang ang twenty natin,” sabi ko.

Tumango siya saka excited na tinungga ang taho saka tila kinikilig na ngumiti sa akin. “Sarap!” he giggled making me giggle as well.

“Sarap, diba? Oh, wag mong sayangin iyan, ah. Ang ibang mga baby na kagaya mo ay hindi nakakainom ng ganyan kaya dapat hindi ka magsasayang,” sabi ko.

He nodded. “Alright!” saad niya saka nagpatuloy na sa pag-inom at ininom ko na din ang akin.

Ilang minuto ay dumating na si Nivia. I stood up and smiled wide at her. She smiled back but sadness and pain is visible in her eyes. I wanted to ask her so bad, but I think this isn’t the right time.

She looks so beautiful with what she’s wearing. She’s wearing a gray crop top t-shirt paired with a dark blue short-shorts revealing her white and flawless stomach and bellybutton. She’s also wearing a white nike shoes.

“Nik!” salubong niya sa akin saka mahigpit na niyakap.

I could feel the longing in her hug as I hugged her back.

“Hmm! I missed you!” sabi ko.

Nang humiwalay siya ay malawak ang ngiting tinitigan niya si Nicco. “Hi, baby Nicco!” bati niya dito.

Agad naman ngumiti si Nicco, ipinakita ang mataba nitong pisngi. “Hello, Tita Nivia!” bati niya rin.

Agad naman itong binuhat ni Nivia saka pinaghahalikan sa pisngi. Natatawang pinulot ko na lamang ang mga maleta saka pinanood sila.

“You’re so chubby, baby. You’re so cute!” gigil na saad ni Nivia.

“I know right!” hagikhik ni Nicco na ikinatawa ko.

“Aba, aba! Manang-mana ka sa nanay mo, ah,” natatawang saad ni Nivia. Pero sa kabila ng mga ngiting iyon ay ang kalungkutang sinasabi ng mga mata niya.

“Bakit, saan ba magmamana iyan? Edi, talagang sa akin!” biro kong irap sa kanya.

Inirapan niya ako pabalik. “Tsk. Sa akin naman nagmana ang mukha. Diba, baby? Nagmana ka kay Tita?” saad niya at nakipagsabwatan pa kay Nicco.

“Yes!” wika naman ni Nicco.

Napailing na lang ako. “Tara na nga. Gusto ko munang magpahinga kaya tara na,” saad ko.

“Okay, tara!” wika ni Nivia saka patakbong lumapit sa kotse niya habang buhat-buhat si Nicco.

Napailing na lang akong muli. I know she’s experiencing pain right now but I know that she’s trying to lessen it to make it throughout the day. To survive a day.

Nang makapasok kami sa kotse niya ay agad niya itong pinasibad. Kaya agad akong nagtanong sa kkanya

“How’s Mom?” tanong ko. Kandong ko si Nicco habang tila naman nahihiwagaan ang bata sa mga nakikita niya.

“She said that she’s sick,” nakanguso niyang sagot.

“What do you mean about she said that she’s sick?” kunot-noo kong tanong sa kanya.

“Hindi naman siya nanghihina, eh. Noong nakaraang araw ay lumabas pa nga siya kasama ang mga amiga niya. The doctor told us that she have to stay at home. When she arrived at home, I asked her why she went out when she perfectly knew that she has to stay inside. But you know our Mother, Nik. She's a very rational thinker. She reasoned out that she just wanted to enjoy and ended our argument with, please not now, I’m tired,” wika niya saka umiling-iling.

Napabuga ako ng hangin saka napailing. Alam kong may mali, eh. Nasa California pa man ako ay ramdam ko na talaga na may mali.

“I don’t know but I couldn’t help but to think that she might be lying and that she needs something from us,” saad ko.

Tumango siya. “Yeah. Ako rin, iyan ang iniisip ko. Pero, ano pa bang magagawa natin, naririto na tayo. Wala nang back-out ito. Kaya pakinggan na lang natin kung ano talaga ang kailangan niya,” sabi ni Nivia na ikinatango ko.

The ride was swallowed by silence and no one wanted to broke the silence. So we just stayed quiet the whole ride.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa mansyon ng mga magulang namin. Laking pagtataka ang bumangon sa akin nang maaninag ang ilang sasakyan sa loob ng bakuran ng bahay. Biglaan din ang pagkabog ng dibdib ko na tila ba alam nito na may maling mangyayari.

“Niv? Bakit may dalawang sasakyan pang nadagdag diyan? Bagong bili ba iyan ni Mom at Dad?” taka kong tanong.

Kita ko rin na nakakunot ang noo ni Nivia. “No. Hindi sa kanila iyan. At mas lalong hindi ko alam kung kanino iyan.”

Mas lalo akong kinabahan. “I knew that this would happen,” mariin kong sabi.

“Ano na naman ba ang nasa isip ng magaling nating magulang?” asik ni Nivia.

Ipinasok niya ang sasakyan saka ipinarada sa gilid ng dalawang sasakyan. Nauna siyang bumaba saka maiging tiningnan ang sasakyan. Bumaba na rin ako saka kinarga si Nicco.

“Ipapakuha na lang natin kina Manang Arlyn ang mga maleta mo. Pumasok na tayo at alamin natin kung kanino ito,” wika ni Nivia na ikinatango ko.

Pagpasok pa lamang namin sa living room ay bumungad na sa amin ang anim na taong masayang nag-uusap. Napalingon naman sila nang makitang naroroon na kami.

Kunot-noo kong tiningnan si Lander. Siya man ay kita ko ang inis sa mga mata niya.

Kasama niya ang mga magulang niya at ang pinsan niyang lalake. Si Randulf. At sa harap nila, sa mahabang upuan ay ang mga magulang namin ni Nivia.

“Oh, goodness! You two are finally here!” masiglang bati sa amin ni Mom.

Muntik ko na siyang mataasan ng kilay.

“I see. So you invited some friends here, huh? Hindi ka na ba nakakaalis dahil sabi ng doctor?” taas kilay na tanong ni Nivia habang nakahalukipkip.

Unti-unting naglaho ang ngiti ni Mom at tiningnan ang bisita nang may paghingi ng paumanhin sa mga mata niya. Paumanhin para saan? Tsk.

“Come here, girls. Sit down, we will talk about something that is very important,” muli ay nanumbalika ng malawak niyang ngiti.

Nagkatinginan kami ni Nivia saka naupo sa pahabang sofa katabi nilang dalawa ni Dad.

“Who’s that kid, Irah?” nakangiting tanong sa akin ng Mommy ni Lander.

Nginitian ko siya. “He’s my son.”

“A what? S-Son? I thought you’re single?” takang tanong ni Tita Liana.

Nginitian ko siyang muli. “Yeah, I’m single. Single mother.”

Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga magulang ni Lander. Habang kalmado naman sina Lander at Randulf.

Nakita ko ang paglapit sa akin ni Mom. “Why didn’t you tell us that you got pregnant, darling? It’s our responsibility to know the welfare of our children.”

Halos napaingos ako sa sinabi ni Mom. Grabe!

“You didn’t asked. Besides, you don’t really care,” sagot ko saka hinaplos ang buhok ni Nicco at kinandong siya paharap sa akin. Nginitian ko siya at pinayakap sa leeg ko. Nilagyan ko ng earphones ang tenga niya kaya ipinikit niya ang mga mata.

“What are you trying to say, Irah?” rinig ko ang banta sa boses ni Mom.

“What’s the fuss, Mom? Tell us why you’re acting like a good mother all of sudden?” tanong ni Nivia saka malamig na tiningnan sina Mom at Dad.

“Your tone, Nivia,” banta ni Dad. Tsk.

“My tone is pretty good, Dad. Now, answer my question. What do you want?” muli ay tanong ni Nivia.

Tiningnan ni Mom ang bisita namin nang may paumanhin sa mga mata. Tsk. Those deceiving eyes.

“I’m sorry about that. I think they’re just tired from their flight or something they do,” wika ni Mom at may hilaw na ngiti sa mga labi.

“Wouldn’t you tell your daughters about what we’ve signed?” tanong bigla nang Daddy ni Lander.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Kasabay ng pag-init ng ulo ko.

“Signed, what?” malamig kong tanong.

“Oh well, that’s actually the reason why I told you two to come home. Because I and Liana signed a contract that the four of you will get married,” malawak ang ngiting sabi ni Mom.

Magmumura na sana ako nang biglang humagalpak ng tawa si Nivia. A humorless laugh.

“Galing! Ang galing-galing!” hagalpak ni Nivia habang napapalakpak pa.

“What’s so funny, Nivia?” tanong ni Mom na nagdidilim na ang awra.

“Why, do I looked like laughing with humour, Mom?” ngisi ni Nivia.

“Your tone, Nivia—”

“Shur up, Dad!” galit na pagpuputol kay Dad ni Nivia saka tumayo. Galit niyang tinitigan ang mga magulang namin. “Seriously?! What the fuck is wrong with you?! So, totoo pala ang duda namin ni Nikki na wala kang sakit?! Aba, ang galing, ah! Tapos sa lahat ng ito, sa lahat ng ginagawa ninyo sa amin ni Nikki may mukha pa kayong tawagin kaming anak?! Grabe!”

“Sit down, Nivia,” banta ni Mom.

“Why would I? Why would I follow such filthy mouth?” sarkastiko na sagot ni Nivia.

“Nivia, I’m warning you—”

“You know what? Stop it,” pagpuputol ko kay Dad.

I could feel my heart ripping.

Hinaplos ko ang likod ni Nicco. Alam kong wala siyang naririnig dahil sinadya kong lakasan ang volume ng music na pinakikinggan niya.

“Remember? You’ve never been a parent to us,” kalmado ngunit puno ng galit kong sabi.

“W-What? How dare you—”

“No. How dare you, Mom?” matalim ko siyang tiningnan. Habang ramdam ko naman ang galit, sakit at poot sa puso ko. “How dare you fool us? Alam mo bang nag-alala kami sayo? Alam mo man lang ba ang naramdaman namin ni Nivia nang malaman naming may sakit ka sa puso? Hindi! Kasi wala naman kayong pakialam ni Dad! Kahit sa kabila nang pang-iiwan ninyo sa amin sa ere, sa mga pagpaparamdam sa amin na wala kaming kwenta at silbi sa inyo ay nakaramdam pa rin kami ng takot at pangamba na baka mawala ka sa amin! P-Pero, ano ang ginawa ninyo?” my voice cracked. “.. you disappointed us. Again.”

“You always disappoint us though. Sanay na ako,” malamig na wika ni Nivia

Natahimik ang mga nakapaligid sa amin. Pati ang mga magulang ni Lander ay hindi magawang sumingit. Nakikita sa mga mata ni Dad ang pagsisisi, lungkot at pait. Kay Mom naman ay gulat.

“B-Bakit ba hindi ninyo kami magawang mahalin na parang anak ninyo? I-Iyong kagaya ng mga normal na bata. I-Iyong palaging lumalabas na magkasama. P-Palaging kumakain magkasama. N-Nagtatawanan. N-Nagbibiruan. At hindi nagsasakitan,” tumutulo ang luhang wika ko.

Kita ko ang biglang pamumula ng mga mata ni Mom, gayundin kay Dad.

“You’re always selfish. Palagi na lang na kayo ang nasusunod. Palagi na lang ninyong pinagpaplanuhan ang buhay namin ni Nikki gayong wala naman kayong ibang ginawa kundi iparamdam sa amin na wala kaming kwenta. Bakit, Dad? Mom? Iyong buhay ba namin parang isang bag lang pwedeng bilhin kahit kailan? Parang isang sapatos na kapag napaglumaan ipamimigay lang? Na kapag pinagsawaan itatapon lang? Ganoon ba ang tingin ninyo sa aming dalawa ni Nikki, Mom, Dad?” blanko ngunit nanginginig ang boses na saad ni Nivia.

“Bakit ba kasi hindi ninyo kami magawang mahalin? M-Minamahal naman namin kayo, ah? B-Bakit parang wala lang kami sa inyo? Ni-hindi ninyo man lang binati ng yakap ang anak ko,” lumuluha kong sabi.

“Alam niyo ba? Noong mga bata pa kami ni Nikki, sa tuwing may family day wala kayo. S-Sina Lola’t Lolo ang naroroon. K-Kapag tinatanong kami kung bakit palaging sina Lola ang pumupunta, sinasagot namin na dahil busy kayo. Mom, Dad, a-alam niyo man lang ba kung ilang beses kaming na-bully noon? A-Alam niyo man lang ba kung gaano namin kayo kakailangan noon? Hindi, diba? K-Kasi wala kayo sa tabi namin ni Nikki,” lumuluhang sabi ni Nivia.

Kita ko ang pagtulo ng mga luha ni Mom. Gayundin kay Dad.

“B-Bakit hindi niyo na lang kami hayaan na sumaya? K-Kahit ngayon lang iparamdam niyo naman sa amin na may magulang kami. K-Kasi noon, wala kaming magulang na masandalan, eh,” I said.

“Dad,” Nivia’s voice broke. “.. a-alam mo ba noon, g-gustong-gusto kong maranasan na pagalitan ng isang tatay. G-gustong-gusto kong maranasan iyon tipong h-haharangin ng tatay ko ang mga manliligaw ko. P-Pero wala, eh. Kasi wala ka namang pakialam sa amin. Kahit pa siguro ma-rape kami, wala kang pakialam.”

“T-That’s not true,” umiiyak na wika ni Dad saka tumayo at bahagyang lumapit sa amin ngunit agad rin kaming sabay na lumayo ni Nivia. Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Ngunit, mas masakit pa doon ang nararamdaman namin ngayon.

“Eh, ikaw, Mom. A-Alam mo man lang ba ang paborito naming damit ni Nikki? Ang paborito naming tirintas? N-Nagawa mo man lang bang suklayin ang buhok namin? W-Wala rin, diba?” saad ni Nivia.

“I-I..” umiiyak na saad ni Mom.

“Y-You know what? M-Minsan sinasabi ko sa sarili ko na sana hindi ko na lang kayo mga magulang,” bulong ni Nivia na dinig na dinig naman namin. “P-Pero agad-agad ko ring binabawi. K-Kasi napagtanto ko na… h-hindi ko pala kaya na mawala kayo. K-Kasi gusto ko pang iparamdam sa inyo na… n-nandito kami ni Nikki. K-Kasi mahal namin kayo.”

Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko. Biglang kumilos si Nicco kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko saka hinaplos ang likod niya.

Ngunit humarap ito sa akin kaya nakita nito ang mukha ko. “Mom-mom? Why awe you cwying?” inosente nitong tanong.

Malungkot akong ngumiti saka umiling na lamang. Muli ay niyakap ko siya ng mahigpit.

Tumayo ako saka blankong tumitig sa sahig. “I’ll get going. There would be no wedding. And don’t expect me to come back.”

Agad na akong tumalikod saka hinila sa kamay si Nivia. Ngunit nagsalita pa siyang muli.

“Y-You know that I love you, right? T-That I kept on doing things that you wouldn’t like just to h-have your attention. Well, I guess this is the end. I-I would never try to gain your attention again. Never anymore.”

Agad niyang hinawakan rin ang kamay ko saka sabay kaming tumalikod.

Sabay na lumabas sa bahay na ni-minsan ay hindi ipinaramdam sa amin ang saya. Tumalikod sa mga taong akala namin ay siyang tunay na magmamahal sa amin. Ngunit sila pala ang uubos sa amin.
...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro