Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T H I R T Y - T W O

Pagkatapos nang aksidenteng pagtatagpo namin ni Ville ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nangyari. Binabagabag pa rin ako sa hindi malamang dahilan. Patuloy pa rin ang paulit-ulit na pagbangon ng kaba sa dibdib ko.

Hindi ako mapakali. Hanggang ngayon ay naitatanong ko kung bakit at paano nagkatagpo ang landas ng anak ko at ni Ville? Kung bakit sa dinami-daming tao na naroroon sa mall ay si Ville pa ang nakakita sa anak ko? At kung bakit napakadali para sa anak ko na maging kaibigan si Ville gayong ayaw naman niya sa iba noong nasa California pa ako?

Napabuntong hininga ako. Masyado akong maraming iniisip. Makaka-stress lang sa akin kung masosobrahan ako sa pag-iisip.

“Woy!”

Napaigtad ako nang may biglang kumulbit sa tagiliran ko. Nilingon ko siya saka sinamaan ng tingin. Ngunit siya naman ay may pang-aasar na ngiting nakaguhit sa mga labi.

“Iniisip mo, noh? Di ka maka-move-on, noh? Nandiyan pa rin siya, noh?” Nakangisi niyang tanong.

Inirapan ko siya saka tumingin sa cake na nasa harapan ko. Nagsimula na lamang akong kumain at napag-isip-isip na wag nang pansinin si Nivia. Masyado siyang makulit para pansinin.

“Woy! Hindi ka sasagot? Ganon? Tsk. Baka talaga isipin ko na na hindi ka pa makapag-move-on sa kanya? Mas lalo na ngayong gusto siya ng anak mo? Paano iyan?” Nakangisi niyang sabi.

“Pwede ba, Niv? Ayokong ma-stress. Wag muna ngayon.” Mahinahon kong sabi saka nagpatuloy sa pagkain.

“Asus! Umiiwas ka lang, eh. Alam mo, kung ako sayo, kausapin mo si Clad. Mag-usap kayo para may closure kayo. Hindi iyong hanggang ngayon nadidiyan pa rin ang galit mo sa kanya,” sabi niya saka naupo sa tabi ko at kumain na rin ng cake.

Napailing ako saka bahagyang napabuga ng hangin. “Kung makapagsalita ka akala mo naman ikaw ang sasabak. Ano sa tingin mo, na madali lang gawin iyang sinasabi mo?”

“Bakit? Sinabi ko bang madali? Wala akong sinabing ganoon, Nik. Ang akin lang, kahit pa gaano kabigat at kahirap, subukan mong kausapin. Mag-usap kayo. Kasi, wala namang patutunguhan iyang galit mo, eh. Kung patuloy ka bang magagalit sa kanya, kung papatayin mo siya sa isip mo, maibabalik mo ba ang mga nangyari? Maibabalik niya ba?” Puno ang bibig na saad niya.

Natigilan ako. Kasi tama siya. “See? Hindi na. Wala nang babalik, Nik.”

“Kaya nga, Niv. Wala nang babalik. Ano pang purpose ng pag-uusap namin kung ganoon?” Paglalaban ko.

“Ano pa nga ba? Gaya nga ng sabi ko, edi closure. Nagsimula kayo ng maayos kaya tapusin ninyo ng maayos. Hindi iyong puro galit ang pinapairal ninyo. Wala namang magandang maidudulot iyon,” she said.

Napatitig ako sa cake na nasa harapan ko. “Madali naman kasi talagang sabihin, mahirap namang gawin,” sabi ko.

Umirap siya sa akin saka kunot-noong kumuha ulit ng slice ng cake saka mabilis na kumain. “Hindi naman kita pinipilit, eh. Ang gusto ko lang naman ay maging maayos kayo. Naging magkaibigan din kayo, Nik. At kung totoo ngang nakalimutan mo na ang lahat ay sana hindi ka na umiiwas pa.”

“Tsk. Stop manipulating me.” I rolled my eyes.

“I’m not manipulating you, noh! Nagsasabi lang ako ng opinyon. Besides, wala ka namang kawala sa sitwasyon dahil magkaibigan ang anak mo at ang dating magbibigay sana ng bata sayo.” Ngisi niya na muli kong ikinairap.

“Tsk. Alam mo ikaw, manahimik ka na lang diyan!” Asik ko saka nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit bigla-bigla ay nagiging maaliwalas ang mukha niya. Wala akong makapang lungkot sa mga mata niya. Ni-wala akong makitang panghihinayang o pagsisisi.

Gusto ko siyang tanungin at ibalik sa kanya ang spotlight, ngunit ayoko naman na ma-offend siya. Kaya nanatili na lamang akong tahimik. Hindi bale na lang.

Sumubo na lamang ako ng cake. Pampatanggal ng stress. Nang biglang magtanong muli si Nivia.

“Anyways, nasaan kaya ang pamilya ni Clad? Parang hindi ko pa siya nakitang may kasamang babae at sanggol.” Kunot-noo niyang tanong habang puno ang bibig.

Napaisip din ako. Simula nang naging focus ako kay Nicco ay wala na akong balita mula sa kanya. Hindi na ako masyadong nakakapagbukas ng social media accounts. Nagbubukas lang ako kung may e-po-post ako at pagkatapos ay mag-o-offline na ulit. Kaya wala na akong makalap na balita sa kanya noon.

Nakapagtataka nga na hindi niya kasama ang mag-iina niya? Siguro ay dahil busy o sadyang ayaw lang sumama.

“Wala ka bang nakikitang mga posts niya?” tanong ko.

Ngumuso siya habang nakakunot noo saka umiling. “Wala. Hindi ko na nakitang nag-post ang isang iyon. Sobrang busy siguro.”

Napanguso ako saka napatango. “Baka nga.”

Muli akong kumagat ng cake at nagsimulang malunod sa malalim na pag-iisip.

Simula nang umalis ako ay hindi ko na muling nakita ang asawa niya. Nang nakabalik naman ako, ay hindi ko pa rin nakita. Ni-hindi nga niya dinala ang mga ito sa birthday party ni Jethro. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman ganoong klaseng lalaki si Ville. Kapag pag-aari niya ay mahigpit siya at ipinagmamalaki niya. Kaya nakakapagtakang hindi niya dinala ang mga ito. O baka, nasobrahan ang pagiging mahigpit niya kaya hindi na niya pinapalabas ng bahay.

Napanguso ako nang maalala ang dati. Noong mga panahong sobrang lakas ng selos niya na hindi na niya ako halos palabasin ng bahay. Iyong mga galaw niyang nakakahulog ng loob… ngunit may halo palang asido. Nalalason na pala ako noon nang hindi ko nalalaman.

Napanguso ako saka bahagyang napabuga ng hangin. Mabuti na lang at umalis ako at sinundan siya. Baka kung hindi ko ginawa iyon ay hindi siya aamin sa akin. At hindi lang ako malalason, malulunod pa sa mga kasinungalingan at maaaring hindi na muling makaahon pa.

“Pero, hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang naging close ang dalawa?” Napabalik ako sa realidad nang magtanong si Nivia.

Nilingon ko siya. “Nagtataka syempre. Mahigpit si Nicco pagdating sa mga lalaking nakakasalamuha ko. Kaya nga hindi ko alam kung anong gayuma ang ibinigay ni Ville diyan, eh.”

Biglang ngumisi si Nivia saka may pang-aasar na tiningnan ako. “O baka naman, sadyang pinaglalaruan kayo ng tadhana. Imagine, sa libo-libong taong naroroon sa mall, siya talaga ang nakakita kay baby boy? Tapos, agad-agad silang naging close? Naku! Ingat ka, Nik. Delikado kapag si tadhana ang nakipaglaro sayo.”

Inirapan ko siya saka inasikan. “Wala ka na talagang maisip na matino.”

“Woy! Nagsasabi lang ako ng opinyon ko, noh! Malay mo, totoo! Edi, yari ka!” Pang-aasar niya.

Napailing na lang ako saka hindi na siya pinansin. Wala akong mapapala sa kanya at sa opinyon niyang pawang mga kalokohan.

“Anyways, lalabas ako ngayon. Gagamitin ko ang sasakyan ko dahil sasakyan ko iyon. Sabihin mo lang kung may ipapabili ka,” wika niya habang puno na naman ang bibig.

Palagi rin naman akong gutom pero mas malala siya.

Napaisip ako kung ano nga ba ang pwedeng kong ipabili sa kanya. “Wag na. Wala akong ipapabili. Mag-ingat ka, ha. Tsaka, please, pumunta ka na kahit saan wag lang sa bar.”

Nginisihan niya ako. “Yes, Madame!” Natatawa niyang sabi saka agad nang tumayo nang maubos ang kinakain niya.

“O, dahil ikaw ang maiiwan sa bahay. Ikaw din ang magliligpit at maglilinis ng kalat dito. Byers, my dear sister!” sabi niya saka nag-hair-flip at patakbong umakyat sa taas.

Napailing na lang ako. Wala namang problema sa akin. Maliit lang naman ang kalat. Sa ngayon, kakain muna ako.

Nang matapos akong kumain ay agad ko nang niligpit ang mga pinagkainan namin. Inilagay ko muna sa reef ang natirang cake para sa anak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naggigising.

Habang nagliligpit ay narinig ko ang mga yabag ni Nivia pababa ng hagdan. Kasabay nang mga yabag niya ay ang biglang pag-doorbell.

Kumunot ang noo ko saka pinagpag ang kamay ko. Wala akong inaasahang bisita ngayon kaya baka kay Nivia. Ngunit hindi ko pa rin mapigilang makitsismis kaya lumabas ako ng kusina.

Papunta pa lang ako sa sala nang bigla kong narinig ang pagbati ni Nivia sa bisita niya. “Oh! Hey there, boy! Are you naliligaw ba, ha?! Wala dito ang iyong pamilya, pare!” Malakas niyang sabi.

Kumunot lalo ang noo ko habang nakikinig sa kanya. Kung ganoon ay lalaki ang bisita niya? Sino naman?

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila at nagtanong. “Niv, sino iyan? Papasukin mo kaya muna, ang dami mong satsat diyan.”

Lumingon sa akin si Nivia saka nginisihan ako nang makahulugan.

“Papasukin ko? Sure ka? Saan ko papasukin? Sa pintuan ba o sa mamasa-masang pintuan?” Nakangisi niyang wika na ikinangiwi ko.

“Ang laswa, ah! Sino ba iyan?” Natatawa kong wika saka lumapit.

Ngunit agad na binuksan ni Nivia ang pintuan dahilan kung bakit natigilan ako. Tumambad sa akin ang mukha ng lalaking hindi ko kailanman inaasahang pupuntang muli rito sa condo ko. Kinunutan ko siya ng noo gayundin si Nivia.

Binalingan ko si Nivia. “Ininvite mo?” tanong ko.

Ngumisi siya saka umiling. “Hindi. Hindi naman kami close.”

Binalingan ko ng tingin si Ville. May mga bitbit siyang malalaking shopping bags. Isang green round-neck T-shirt at light blue ripped jeans ang suot niya. Nakasuot din siya ng black cap at white sneakers.

“Ano? Magtititigan lang kayo? Ays! Maiwan ko na nga kayo! Nakaka-stress kayo, eh!” Singit ni Nivia saka agad-agad na lumabas ng condo.

Nang mawala sa paningin ko si Nivia ay ibinalik ko ang tingin kay Ville. Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong ginagawa mo rito?”

“Uhm...”

“At para saan iyan? Iyang mga dala mo? Naliligaw ka ba?” Asik ko.

Agad siyang umiling. “These are actually for Niccolo.” Marahan niyang sagot.

Humalukipkip ako sa harap niya. “Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko siya kayang bilhan niyang mga pinamili mo?” Maanghang kong tanong.

Napatingin ako sa dibdib ko nang may pagtataka nang makitang naroroon ang tingin niya. Ngunit gayon na lamang ang pamumula ng pisngi ko nang mapagtantong wala nga pala akong suot na bra at isang manipis na puting t-shirt lang ang suot ko. Kaya kitang-kita ang dalawa kong korona.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko saka dali-daling itinakip ang dalawa kong braso sa dibdib ko. Tumikhim ako saka hindi inalintana ang pagkapahiya at pamumula.

“Pwede ka nang umalis.” Asik ko.

“I will just give these to Niccolo. Nothing more,” sabi naman niya na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Umirap ako sa kanya. “Akin na. Pwede namang ako na ang magbigay.”

“No. I want to give these to him personally,” sabi niya saka itinago sa likod niya ang mga paper bags.

Muli ko siyang inirapan. “Okay. Sige. Diyan ka lang sa labas hanggang sa maggising ang anak ko.”

“What?!” Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay saka lumapit na sa pinto upang isara iyon ngunit agad niyang iniharang ang paa niya. Kaya hindi ko natuloy ang pagsara. Ayaw ko namang maipit siya. Hindi maganda iyon. Baka kasuhan niya ako. Abogadong tao pa naman siya.

“Just this one please?” sabi niya na tila nagsusumamo.

“Pumapayag nga ako, diba? Pero sabi ko, sa labas ka muna,” sabi ko.

“Why can’t I stay inside while waiting for him to wake up?” Salubong ang kilay na tanong niya.

Aba, ano namang kinaiirita niya ngayon?

“Kung naiirita ka, pwede ka nang umalis.” Maanghang kong wika.

“No, no! I’m sorry, okay? Hihintayin ko lang naman siyang magising, eh,” wika niya.

“Oo nga. Pero, sa labas.”

“Bakit sa labas kung pwede namang sa loob?” Asik niya.

“Inaasikan mo ba ako?” May banta kong tanong.

Naging mailap ang mga mata niya saka napanguso siya. “H-Hindi.”

“Good. Isasara ko na ito,” saad ko saka isasara na sana ang pinto nang magsalita siyang muli.

“If Niccolo would know about how you treat me, he’ll get mad at you, you know?” wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko naman iyon. May posibilidad na magalit nga sa akin ang anak ko pero hindi naman ako matitiis noon.

“I know. Pero masyado akong mahal no'n, kaya hindi niya ako matitiis.” May pang-aasar na ngiting wika ko.

Bahagyang napaawang ang labi niya. Tatalikod na sana ako nang magsalita na naman siya kaya napapikit ako ng mariin.

“Did you just smile at me?” tanong niya.

Me? Smiling at him?! Hah! Asa!

“Nope! I’m smirking not smiling!”

Muli akong humarap sa pinto saka akmang isasara na iyon nang marinig ko ang matinis na tinig ng anak ko. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ako ang tinatawag niya kundi ang lalaking bwesit na nasa harapan ko. Na ngayo’y may tagumpay na ngiti sa mga labi na tila ba ay inaasar ako.

“Dad-Dad!” Matinis na sigaw ng anak ko.

“Hey buddy!”

Agad na tumakbo ang anak ko papunta sa gagong attorney. Malawak ang mga ngiti niya na nakikita ko naman dati pa ngunit mas kakaiba lamang ngayon.

Nang marating ng anak ko ang kinaroroonan ng gagong attorney ay agad siyang yumakap sa leeg nito. Habang si Ville naman ay lumuhod upang magpantay sila ng anak ko. Kinabig din nito sa isang mahigpit na yakap ang anak ko at hindi maitatago ang tuwa na nakikita ko sa mga mata niya. Tuwa na tila walang katumbas.

“Dad-dad, what are you doing here?” My son asked with a huge smile pasted on his lips.

“Visiting you, of course. I also bought some toys for you. And I brought some of my old toys so you can have it. It would be a remembrance.” Ville answered softly yet excitedly.

My son’s mouth formed into an ‘O’. “Really?! Your old toys?! Where? Where?”

Ville chuckled. “Just inside these paper bags. Come on, let’s go! Let’s check it out!” wika naman ni Ville at walang paalam na pumasok sa loob ng condo ko.

Inis na inis kong pinukol ng masamang tingin ang likod ng gagong attorney. Anong karapatan niyang pumasok sa condo ko nang walang paalam?

Napairap na lamang ko saka isinara na ang pinto. Sumunod na ako sa kanila at dumeretso sa hagdan upang umakyat sa kwarto ko.

Kailangan ko nga palang magbihis! Nakakahiya sa gagong bwesita!

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-akyat sa hagdanan nang bigla kong narinig ang pagtatanong ng anak ko sa gagong attorney. Kaya naman napatigil ako at nakinig. Isa pa, hindi naman kita ng dalawa ang kinaroroonan ko.

“Dad-dad, how did you find me? Did you searched for me like some kind of agent?” Bulol na tanong ng anak ko.

Bahagyang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Baka may sabihing hindi dapat sabihin ang gagong attorney. Gago pa naman siya.

“Oh! I and your Mom were best friends. More likely best of friends. So, I have been visiting her here for some time last 3 years.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pang-aasar sa boses niya.

Inuulit ko, ano ang karapatan niya?!

“Really? Mom-mom and Dada are best friends too,” saad ni Nicco.

“Dada, who?” tanong ni Ville at hindi ko man kita ay ramdam ko ang pagkunot ng noo niya.

“My Dada. Dada Luis. We’re best friends too! He always play with me back when we were home!” Masayang balita ng anak ko.

“Oh. I see. You two and that guy are best friends? So, can I be your best friend too?” saad ni Ville na ikinataas ng kilay ko.

Ano na naman kaya ang trip ng gagong attorney na ito? Akala niya ba ay hindi na kami babalik ng California?

“No,” sagot ng anak ko na ikinanganga ko.

Hindi ko alam kung dapat bang maging proud ako sa kanya o malungkot sa sinabi niya? Teka, ba’t naman ako malulungkot, noh?

“W-Wait? N-No? Why, no?” Utal na tanong ni Ville.

I blinked. Did he just stammered while talking with a kid?

“No. Because, you will be my Dad-dad!” Masiglang saad ng anak ko.

I creased my forehead. What’s the difference between a best friend and a Dad-dad—

“You will be my Dad-dad forever. We will live in one house like all families do!” saad ng anak ko na ikinatigil ko.

Mapakla akong natawa. I’m sad for my son. He’s way too young to understand that he couldn’t just have a father in just a snap of his finger. He wouldn’t understand that families weren’t some kind of joke or game. He’s way too naive.

“You wanted me to be your Dad-Dad?” Ville asked softly.

I closed my eyes tight. Never say anything that you will regret, Ville. Never say anything that will hurt my son.

“Yes. Do you want me to be your baby?” My son asked innocently.

Hindi agad na sumagot si Ville. Hindi ko alam kung magandang senyales ba ito? O masamang senyales.

Basta ang nais ko lang ay huwag niyang paasahin ang anak ko. Huwag niyang igaya sa akin.

Hindi ko na lamang hinintay pa ang sagot ni Ville. Agad na akong umakyat at dumeretso sa kwarto ko. Nagmamadali akong nagbihis dahil wala pang kain ang anak ko.

Habang abala ako ay hindi ko mapigilang mag-isip na naman. Maraming katanungan sa isip ko na wala namang makakasagot.

Bakit naririto si Ville? Bakit sa halip na manatili siya sa bahay niya at sa piling ng sarili niyang pamilya ay naririto siya? Bakit kailangan niya pang paasahin ang anak ko? Bakit kailangan niya pang magpunta rito?

Napabuntong hininga ako. Napagtanto kong nakatitig lang pala ako sa harap ng salamin. Tinititigan ang repleksiyon ko.

Isang simpleng square-neck purple blouse ang suot ko. Pinaresan ko ito nang isang itim na cotton short. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok ko. Hindi naman ako aalis ng bahay.

Agad na akong lumabas ng kwarto saka bumaba na. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang dalawa nang makarating ako sa living room. Natagpuan ko ang dalawa na naglalaro na ng mga dalang laruan ni Ville.

“Baby?” Tawag ko sa anak ko.

“Yes?” Sabay nilang sagot.

Kumunot ang noo ko saka tinaasan ng kilay si Ville. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin saka ngumuso.

“Sa kusina lang ako, ha. I’ll cook breakfast for you. I’ll prepare a cake na din, ‘kay. Behave ka lang,” wika ko kay Nicco.

He nodded. “Yes, Mom-mom!”

I smiled and turned my back on them. Tumungo na ako sa kusina saka tumingin sa loob ng reef nang maaaring lutuin. Tocino at bacon lang ang naroon kaya ito na ang kinuha ko saka sinimulang lutuin. Pahinga muna sa gulay si Nicco.

Habang nagluluto ay kumuha ako ng cake saka ni-slice iyon. Inilagay ko ito sa tray saka naglagay din nang dalawang pinggan.

Bumalik ako sa sala. “Here’s the cake.”

Sabay silang lumingon sa akin at agad na lumapit. “What’s the flavor, Mom-mom?” Nicco asked.

I smiled timidly. “Strawberry and caramel.”

“That’s Tita Nivia’s favorite flavor. Not mine.” Nicco said and pursed his lips.

I chuckled. “Don’t worry. Tawagan natin mamaya ang Tita Nivia mo. Papabili tayo ng cake na ang flavor ay paborito mo.”

“Really?!” Masigla niyang tanong.

I nodded. “Really.”

“No need. I can buy you some, buddy.” Sabad naman ng gagong bwesita.

“Really?!”

“No! Magpapabili na lang kami ni Nicco kay Nivia,” saad ko saka nilagyan ng cake ang pinggan ng anak ko.

Inilapag ko sa harap ni Nicco ang pinggang may cake. “Eat ka na, ha. Magluluto lang ako. Tatapusin ko lang tapos tatawagin na kita, ha?”

He nodded and smiled sweetly. “Yes, Mom-mom.”

“Behave, okay? Tsaka, ayusin mo ang pagkain mo. Huwag mong dumihan ang carpet.” Paalala ko.

“I can help him eat, you know. Ako na lang ang susubo sa kanya.” Singit na naman ng bwesita.

Peke ko siyang nginitian. “Kaya naman ng anak ko.”

“Para hindi madumihan ang carpet.” Pagdadahilan niya pa.

Napairap ako. “Sige na. Sa kusina lang ako kung may kailangan kayo.”

Agad na akong tumalikod saka muling tumungo sa kusina. Nang makarating ako ay luto na ang bacon at tocino. Kaya inihain ko na ito sa pinggan. Nakapagsaing na ako kanina pa.

Napatingin ako sa burger bun na nasa loob ng reef. Kinuha ko ito at hinati. Nilagyan ko ng cheese, cabbage at mayonnaise. Nagtimpla na rin ako ng mango juice saka inilagay na lahat sa tray.

Nang matapos ko nang maihain lahat ay pinulot ko na ang tray saka dahan-dahang tumungo sa living room. Ngunit papalabas pa lang ako sa kusina ay biglang sumulpot sa pintuan si Ville.

Sandali kaming nagkatitigan pero agad akong nag-iwas. “Kung kailangan mo ng tubig nandiyan sa reef—”

“I know.” Pagpuputol niya.

Muntik na akong napairap. “Okay. Bilisan mo diyan para makakain ka. Doon na kayo kumain sa living room,” sabi ko at tutuloy na sana nang pigilan niya ang braso ko.

Argh! How I hate that move!

“Let me help you.” Maikli niyang sabi saka kinuha mula sa tray ang pitsel nang juice pati na ang mga baso kaya bahagyang gumaan ang tray.

“Thank you,” wika ko na muntik pang nautal dahil nagkalapit kami at amoy na amoy ko siya.

“Ladies first,” sabi niya.

Hindi na ako nagpakipot at nauna na. Bahala siya diyan.

Ngunit nasa pintuan pa lang kami ng kusina nang magtanong siya. “So, where’s Niccolo’s Dad?”

“Wala siyang tatay,” sabi ko.

There’s no use in lying. Wala akong mapapala kung magsisinungaling ako.

“What?!” Bahagya akong napaigtad nang tumaas ang boses niya saka bigla na lamang siyang nasa harap ko.

“Ano ba?! Muntik na tuloy tumapon ang pagkain!” Asik ko saka sinamaan siya ng tingin.

Ngunit napansin kong seryoso ang mukha niya. Seryoso na medyo madilim. “Where’s his Dad? What do you mean about he doesn’t have a father?”

Umirap ako sa bumuga ng hangin. “It’s because he’s adopted. I adopted him.”

“W-What?!” Gulat niyang tanong.

Umirap akong muli saka maglalakad na sana nang muli niya akong harangin.

“So, you mean… he’s not your son?” tanong niya nang may paninigurado sa boses.

Para saan naman?

Tumango ako. “Yes. He isn’t my son by blood. But he is my son by heart. I love Nicco like my own. The moment I almost lost him at the mall, I realised that he’s way more important than the material things that I have now. More important than my business. So, if you’re thinking that I don’t love him, then you’re wrong. Because, I do.”

Saka ako nagpatuloy na sa paglalakad. Wala na akong narinig pa sa kanya kundi mga yabag niya lang sa likod ko. Wala na rin naman akong dapat na ipaliwanag ngayong alam na niya ang totoo.

Nang nasa living room na kami ay agad kong inilapag ang tray sa living room table. Naabutan ko ring wala nang laman ang tray na nilagyan ko nang cake kanina. Pinulot ko ito saka napatingin sa anak ko na naglalaro.

“Baby, kain ka na.” Tawag ko sa atensyon niya.

Agad siyang lumingon sa akin nang may malawak na ngiti nang marinig niyang kakain na. Agad siyang lumapit sa mesa saka naupo sa harap ng pagkain. Nagmana talaga sa amin ni Nivia.

“Wait here, okay? Ibabalik ko lang ito sa kusina. Tapos susubuan kita,” sabi ko kaya agad siyang tumango.

“Alright!”

Haharap na sana ako sa daan patungo sa kusina nang mapaigtad ako dahil sa sobrang lapit nang mukha ni Ville sa akin.

He was looking at my eyes—more likely, staring. “Where should I place this?” Malalim ang boses na tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin saka itinuro ang mesa. Nagmamadali akong pumasok sa kusina dahil sa naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

Bakit ba ako namumula?!

Maybe because it’s been a long time ago since we’ve been that close?

Napailing na lang ako saka bumalik na agad sa living room. I melted with the view. Nicco was sitting on Ville’s lap. Habang sinusubuan naman ni Ville si Nicco.

“Dad-dad, when are you gonna stay here?” Nicco asked.

Sumandal ako sa hamba ng pintuan saka humalukipkip habang pinapanood sila. Pinakikinggan ko bawat pag-uusap nila.

“Hmm… I still don’t know, buddy.” Napataas ang kilay ko.

Ano bang pinagsasabi nang gagong ito?

“… it depends on your Mom-mom if she would let me.”

Aba, gago nga!

“I’m sure, Mom-mom will let you. You said that Mom-mom and you are best friends, right? So, I’m pretty sure that she will let you stay here,” sabi ng anak ko.

Bahagya akong kinabahan. Anak, wag naman! Wag ganon!

“Oh! Right!” Awkward na natawa ang gagong attorney.

Iyan! Pahamak, eh! Gago, eh!

“Hmm… I’ll talk to your Mom-mom, first before I decide,” sabi niya pa.

Napairap ako kahit nagsisimula na ang kaba sa dibdib ko. Subukan lang niyang magkamali, mapapatay ko siya!

“Alright! But, I know that Mom-mom will agree.” My son said as he pouted.

Ville chuckled and pinched my son’s chubby cheek. “Yeah. Pray that she will,” saad nito.

Tumaas ang kilay ko. Aba!

Tumikhim ako saka lumapit sa kanila. Agad namang napabaling ang tingin nila sa akin.

“Bilisan niyo diyan. Kapag natapos kayo nandoon lang ako sa itaas. Ako na ang magliligpit niyan mamaya,” sabi ko saka humalik sa pisngi ng anak ko.

Tatalikod na sana ako nang magsalita ang anak ko. “Mom-mom, where’s Dad-dad’s kiss?” Inosenteng tanong niya na kinagimbal ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa magkahalong-kaba at pananabik. Ang kabog ng puso ko na kung hindi ako nagkakamali ay siyang naramdaman ko noon, noong alam kong mahal na mahal ko pa siya.

At teka—pananabik?!

Tumikhim ako. “Sige na. Bilisan niyong kumain diyan—”

“I think your Mom-mom doesn’t want to kiss me, buddy. I guess she hates me.” Rinig kong wika ni Ville kay Nicco na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko.

Gago ba siya?!

Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon at ang narinig saka nagsimula nang maglakad paakyat sa hagdan. Ngunit sadyang gagong abogado itong si Ville.

“See? She hates me. She doesn’t want me to be your Dad-dad. I bet she prefers your Dada to be your Dad-dad. I’m sad, buddy,” wika niya.

Napapikit ako ng mariin.

At hindi man lang talaga siya nahiyang sabihin iyon kahit dinig na dinig ko?!

But I bet he’s just teasing me. Yes, I guess he is.

For the second time, I dodged what he said. I continued walking upstairs but something stopped me.

My baby suddenly cried hard. Sobrang lakas ng pag-iyak niya dahilan nang pagkataranta ko. Simula nang lumaki siya ay hindi na siya umiyak nang ganyan kalakas. Ni-hindi nga siya umiiyak ng ganyan noong sanggol pa siya. Kaya sinong hindi matataranta?

Dali-dali akong bumaba sa hagdan at halos madapa pa ako dahil nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila at saka lumuhod sa harap ng anak ko.

Kukunin ko na sana siya nang yumakap siya sa leeg ni Ville at isiniksik ang mukha niya roon. Ngunit patuloy pa rin ang malakas niyang pag-iyak.

Galit kong tiningnan ang mukha ni Ville na ngayon ay tila natuod sa kinauupuan niya. Nanlalaki ang mga mata niya at namumula ang ilong niya. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay agad siyang nag-iwas at naging mailap.

“Ano bang ginawa mo, ha?” Mariin ngunit mahina kong tanong sa kanya.

Bahagya siyang ngumuso saka mas lalong namula ang ilong niya. Halos hindi siya magkamayaw sa kung saan hahawakan si Nicco.

“I-I was just kidding. I-I didn’t know he would b-buy it.” Pagrarason niya.

“Of course, he would buy it! He’s a kid, Ville. Hindi siya ako! Akin na nga!” Asik ko saka inilahad ang mga braso ko upang ibigay niya sa akin ang anak ko.

Pilit niyang tinatanggal ang mga braso ng anak ko ngunit ayaw bumitaw nito. Patuloy lamang ito sa pag-iyak. Malalakas ang paghikbi nito.

“H-He doesn’t want to let go.” Pumipiyok na wika niya. Mas lalong nakikita ang pamumula ng ilong niya kasabay ng mga mata niya.

Kumunot ang noo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. At bakit namumula ang mga mata at ilong niya?

“Akin na nga ang anak ko. Baby, come here to Mom-mo—”

“Shh, now, buddy. I-I was just kidding. Hey, I’m sorry. I-I didn’t know you would b-buy it. I-It was just a joke, buddy! I-I swear.” Paos na saad ni Ville kasabay ang pagpiyok niya.

Tumayo siya saka isinayaw-sayaw si Nicco na ngayon ay buhat niya. Pinanood ko siya na pilit pinapatahan ang anak ko. Halatang desidido siyang patahanin ito lalo pa at sobrang lakas nang iyak nito. Ni-hindi ko nga alam kung mapapatahan niya ba iyan dahil ngayon lang iyan umiyak nang ganyan.

Tahimik ko na lamang silang pinanood dahil ayaw namang ibigay sa akin ni Ville si Nicco. Patuloy niya itong isinasayaw at hinahaplos sigurado akong hinahaplos niya ang likod nito. Hindi ko kita dahil nakatalikod siya sa akin.

Ngunit napanganga ako nang biglang humarap si Ville sa akin.

Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin. At ang mas nakakagulantang ay dahil hindi na gaya kanina ang mga mata niya. Hindi na nga namumula, ngunit may tumutulo namang mga luha.

U-Umiiyak siya? B-Bakit?

“B-Baby, I-I can’t make him stop!” Desperado niyang saad habang nakaharap sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko saka napakurap-kurap. Nakita ko na nga siyang umiyak dati pero hindi dahil hindi niya kayang patahanin ang isang bata. At akala ko ayaw niya sa mga bata.

Tsaka, ano raw—baby?!

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Ang pamilyar na tibok ng puso ko.

Napaigtad ako nang sa isang iglap ay nakaupo na siya sa tabi ko. Ang mas lalong nagpaigtad sa akin ay nang bigla niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko habang ang mga braso ay nakayakap sa maliit na katawan ni Nicco. Ramdam ko ang mga luhang bumabasa sa leeg ko. Rinig ko ang mga hikbi niya na sumasabay sa malakas na hikbi ng anak ko.

Matagal akong nakahulma sa pagkabigla. At nang mapagtanto ko ang posisyon namin ay saka lamang ako nagising.

Kahit nahihirapan ay dahan-dahan kong kinuha mula sa mga braso ni Ville ang anak ko. Noong una ay sobrang higpit pa ng hawak nito sa anak ko kaya nahirapan ako.

“Ville, bitawan mo muna ang anak ko para mapatahan ko na,” sabi ko at saka niya lang binitawan ang anak ko.

“No!” Umiiyak na wika ni Nicco at pilit kumakawala sa hawak ko.

“Baby, huwag malikot. Baka mabitawan kita,” sabi ko saka pinaupo siya sa mga hita ko.

“Y-You hate Dad-dad! W-Why you hate Dad-dad?” Hagulhol ni Nicco.

Napabuntong hininga ako saka hinaplos ang likod niya. Nahirapan pa ako dahil nakakapit na rin si Ville sa akin at niyayakap ang bewang ko. Gusto ko sanang alisin ngunit umiiyak din ito kaya naawa ako at pinagbigyan ko na.

“Baby, I don’t hate your Dad-dad, okay? Your Dad-dad was just kidding. He was just making fun of you.” Malumanay kong paliwanag sa kanya.

“You don’t?” Sabay nilang tanong.

Tumigil ang pag-iyak nilang dalawa ngunit malakas pa rin ang mga hikbi. Parehas na nagsusumamo ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Nakaharap sa akin ang anak ko dahil kandong ko siya habang ang gagong attorney ay ipinatong ang baba sa balikat ko.

Napabuntong hininga ako at walang nagawang tumango. “I don’t.”

“Really?!” They both exclaimed.

“Yes—”

“So, y-you’ll kiss Dad-dad?” Inosenteng tanong ng anak ko.

Napapikit ako ng mariin. “Why do you want me to kiss your Dad-dad?” Balik tanong ko sa kanya saka pinunasan ang mga luha niya at ang sipon niya.

He pursed his lips. “B-Because he would be my Dad-dad f-forever and y-you two would often k-kiss. I just wanted you to p-practice.”

I blinked and I could feel my cheeks reddened. Ville chuckled near my ear giving me goosebumps. Inis ko siyang tiningnan kaya tumikhim siya at sumeryoso. Siniko ko siya kaya napalayo siya sa akin.

I cleared my throat. “I-I’ll kiss him on the cheek so promise me that you won’t cry anymore, hmm?”

He then smiled wide and nodded in excitement. I nodded seriously amidst the fast beating of my heart.

Nilingon ko si Ville. Natagpuan ko siyang malawak na nakangiti na tila ba nag-a-anticipate. Tila isang batang makakatanggap ng regalo.

“Why would I kiss you?” Baling ko sa kanya.

He smiled wide. “Because I’m single.”

“Nagtataksil ka ba sa asawa mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Sumimangot siya. “Bakit kasal na ba tayo?”

Kinunutan ko siya ng noo. “Ha?”

“Wala. Just kiss me, come on. Niccolo is waiting, you know?” Nakanguso niyang sabi.

Tiningnan ko ang anak ko at naghihintay nga siya. Parang ayoko nang lumaki ang batang ito. Baka isang araw, malalaman ko na lang na may hinahalikan na itong babae dahil nagpa-practice siya.

Napabuntong hininga ako. Sinamaan ko ng tingin ang gagong attorney. “Lapit!”

Malawak ang ngiting lumapit siya kaagad sa akin at nagkabungguan pa ang mga ilong namin. Inis ngunit namumula kong hinampas ang dibdib niya.

Kahit kinakabahan ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha sa kanya. Ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin na ayokong salubungin. Agad kong hinalikan ang pisngi niya saka agad na lumayo at tumayo habang buhat ang anak ko.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. “Paliliguan ko lang ang anak ko,” sabi ko saka dali-daling umakyat sa kwarto.

Kahit na binabagabag ng halik na nangyari ay pilit kong magseryoso. Hindi na dapat mangyari iyon. Ayokong maging kabit.

Pinaliguan ko na lamang si Nicco. Maraming mga tanong ang anak ko sa akin at hindi ko alam kung naging tama ba lahat ng mga sagot ko. Basta ang alam ko ay sinagot ko bawat tanong niya.

Nang matapos ko siyang paliguan ay agad ko siyang binihisan.

“Mom-mom, I and Dad-dad will play later. Do you want to play with us?” Bulol niyang tanong.

Palagi naman siyang bulol.

“No. I’ll just read a book, anak,” wika ko. Kahit hindi ako fan ng aklat-aklat na iyan.

“Alright,” sabi niya na ikinatuwa ko.

Mabuti na lang at wala siyang masyadong maraming tanong this time.

Nang matapos ko siyang bihisan ay ni-check ko ang outfit niya. He’s wearing a simple dark green round-neck shirt. Pinaresan ng badboy maong shorts at pambahay na sapatos.

I took a picture of him and posted it on instagram. Agad ko ring ibinalik ang cellphone ko sa bedside table. Saka inalalayan ang anak ko pababa.

Nang makababa kami ay naabutan namin si Ville na nakaupo pa rin sa kinaroroonan niya. Malawak ang mga ngiti nito at halata ang saya. Samantalang ako ay hindi makatingin sa kanya.

Agad na lumapit ang anak ko sa kanya. “Dad-dad, let’s play!”

“Sure, buddy!” Masiglang wika ni Ville.

“Sadly, Mom-mom can’t play with us.” Nakangusong sumbong ng anak ko.

“That’s fine. We can play with her next time,” sagot naman ni Ville kaya napatango ang anak ko.

“Alright!”

Nang magsimula na silang maglaro ay napabuntong hininga na lang ako. Ilang minuto ko pa silang pinanood. Nakakatuwa lang dahil ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang anak ko. Yes, I saw him happy before, but not like this.

And I’m wondering why when he and Ville weren’t blood related.

Bumalik na lamang ako sa kwarto. Kahit labag sa kalooban ko ay pinulot ko ang aklat na binili ko dati. Ngayon ko pa lang ito babasahin.

Nang binasa ko ang description ay nakuha agad nito ang atensyon ko. Kaya nahulog ako sa malalim na pagbabasa. Hindi ko na namalayang napatagal na pala ako roon.

Agad kong tiningnan ang wall clock ng kwarto. Nagulantang ako nang makitang 12 na. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto.

“Hindi pa pala ako nakakapagluto ng tanghalian!”

Nang makababa ako ay naabutan ko sina Ville at Nicco sa sofa. Kapwa silang nakahiga. Nakadapa sa dibdib ni Ville si Nicco at sa tingin ko ay natutulog na ito. At sa tingin ko ay ganoon din si Ville pagkat nakapikit ito.

Napabuntong hininga ako at sandali silang tinitigan. Ngunit agad din akong nagbitiw ng tingin at tumalikod. Pumasok ako sa kusina saka nagluto na lamang ng pananghalian namin.

Habang abala ay hindi ko mapigilang mahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

I was overwhelmed seeing my son happy in Ville’s hands. I will be hypocrite if I would say that I’m not liking the bond between the two. For they’re a great example of a father and son.

“He was gone to sleep.”

Napaigtad ako nang marinig ang malalim at paos na boses ni Ville sa likod ko. Inis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

“Oo, nakatulog na. Pwede ka nang umalis.” I know I’m rude, but I can’t help it.

“Are you mad because of the kiss?” Paos niyang tanong.

Bakit kailangang paos?!

“No! Parang kiss lang.” Asik ko saka humalukipkip habang binabantayan ang niluluto ko.

“Hmm.”

Agad kaming nilukob ng katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Walang gustong magsalita. Sadyang mga paghinga lang namin ang naririnig sa loob ng kusina.

But then something in me suddenly became curious about something. So, I decided to ask.

“Where’s your kids? Your wife?” It just came out of my mouth.

My heart was beating loud for an unknown reason. I guess, I was anticipating for an answer. Since, the same question was the thing that my mind keeps on asking.

“I don’t have kids,” he answered. Surely.

Napalingon ako sa kanya at kinunutan siya ng noo. He was staring at me with a timid smile.

“What?” Kunot-noo kong tanong saka nag-iwas ng tingin.

“I never had a child. The moment that the babies came out, I immediately ran a DNA Test without letting the mother know. I know that she would probably do something that would fake the DNA Test if she knew. Then, turns out that the kids weren’t mine,” wika niya.

I glanced at him sideways. The beating of my heart didn’t change. May halong tuwa, gulat at lungkot. Tuwa at gulat dahil napatunayan na hindi sa kanya ang mga bata. Ngunit lungkot para sa mga bata.

“W-Where are the kids? And the mother?” I asked hesitantly.

“Their mother and father were on prison. While they were at the Paradise Orphanage, right now. I sent them there,” Ville said.

“Bakit nasa kulungan din ang ama ng mga bata?” Taka kong tanong.

“Because he was the one who planned everything. He was one of those guys who doesn’t like my guts back in my school days. And his wife was probably one of my flings.”

Napatango ako.

“Kawawa naman ang mga bata.” Bulong ko.

“Yeah.”

Bumuntong hininga ako. I was enlightened. All this time, I was hurt and drowned in pain because of the incident. Because I thought that Ville already has a family. I tried being happy for them and for the sake of the kids. Never did I know that everything was a bluff.

“I wasted my tears for nothing.” I whispered.

“Yeah. You did.” Napalingon ako kay Ville.

Napalakas pala ang sabi ko non?

“But, I guess… that was just right for us. We deserve the pain,” wika ko.

He became silent.

“Good thing was we learned from everything that we’ve gone through. I do finally understood what love truly means,” I said and smiled timidly.

He stared at me.

I continued. “Love means acceptance and letting go. Accept the pain. Never fight against it. The more you’ll fight for it, the more you’ll get hurt.”

He continued. “And let go. Not because you’ve finally given up, but because you wanted the person to be happy. And if freeing them makes them happy, then who am I to stop them, right?”

“Who am I to stop her?” he added.

Thorn:

Sorry for the very very late update. I was not able to update early due to the hectic schedule.


THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro